4 - Buwan ng Mayo


[Present]


Isang busina ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Mula sa marahas na pagbuhos ng ulan ay naaninag ko ang pamilyar naming sasakyan sa tabi ng kalsada. Pagkababa ng salamin niyon sa passenger seat ay agad kong namataan ang kapatid kong sakay niyon.

"Ate!" Ang gulat sa mukha niya ay nagpaalala sa akin nang pagkagimbal ko sa nakita.

Marahas kong nilingon pabalik ang lugar kung saan nanggaling ang pamilyar na boses, ngunit wala nang sinuman ang naroon.

He was here just a while ago. I heard him calling my name. I saw him standing from across the street and in front of me!

"Ate, ano bang ginagawa mo? Sumakay ka na!" Tuluyan akong nabalik sa huwisyo nang muling marinig ang sigaw ng kapatid.

Sa huling pagkakataon ay muli kong pinasadahan ng tingin ang kalsada sa paligid sa pag-asang makikita ko ito ulit doon. But he was still not there. No one was there.

Tila lumulutang ang isip ko nang sa wakas ay sumakay ako ng sasakyan at naupo sa passenger seat. Matapos kunin ang mga dala kong bag ay mabilis akong inabutan ng jacket ni Allen at pinaulanan ng mga tanong, ang boses at ekspresyon niya'y nasa kalagitnaan nang lito at pag-aalala.

"Anong ginagawa mo sa gilid ng kalsada, Ate? Bakit hindi mo ako sa waiting shed hinintay? Look at you, you're soaked with the rain!"

Wala akong ibang nagawa kundi ang matulala sa malakas na pagbuhos ng ulan sa labas, sa bawat basa at pamilyar na kalsadang nadaraanan namin.

How long was it since the last time I'd been here?

"Ate, nakikinig ka ba?"

Nasapo ko ang noo nang muling madama ang malakas na pagtambol ng puso kanina lang. I could still feel it. At sigurado akong nakita ko siya. Nakita ko siya...

Why the hell did I see him if he's not really there? At paano ko siyang makikita kung matagal na siyang wala?

Shit. Nababaliw na ba ako?

"Ate, are you okay? On the way na 'ko rito no'ng tumawag sa 'kin si kuya Leo. He's freaking out when he told me to rush and fetch you here. Ate, ano bang nangyayari?"

"Hindi ko alam..." bulong ko sa nangangatal na mga labi, gulong-gulo.

Bumuntonghininga siya bilang pagsuko at hininaan ang aircon. Panay ang sulyap niya sa akin ngunit hindi na muling nagtanong hanggang sa makauwi kami sa bahay.

"Rai sweetie, kumusta ang byahe? Are you okay? Bakit basang-basa ka?" ani Mama nang sinalubong kami.

Mahina akong ngumiti. "I'm okay. Medyo napagod lang sa byahe. Can I rest for a while, Ma?"

Nagpalitan sila ng tingin ni Allen bago marahang tumango sa akin si Mama. Ang pag-aalala ay bakas sa mukha nito.

"You should call Kuya Leo to let him know you're okay," anang kapatid kong sinuklian ko na lamang nang tango.

Dala ang basang mga gamit, nagdiretso ako pataas at nagtungo sa kwarto ko. I'd been pondering what happened over and over. Ngunit isa lang ang sagot na laging bumabalik sa akin: it was real. It was not a dream.

Nagdesisyon akong ayusin ang sarili sa pag-asang maiaayos din niyon ang gulo-gulo kong isip. Akmang pababa na sana ako nang mag-ring ang phone ko para sa tawag ni Leo.

"Hello?"

"Are you okay?" His voice was strained from the other line.

"Yeah." I think.

Sandali pang tumahimik ang kabilang linya bago siya muling nagkapagsalita. "Who was it... who did you see?"

Marahan akong suminghap at pumikit nang mariin. Ilang sandali pa muna akong nakipagtalo sa sarili bago sa wakas ay nagawa itong aminin, "Leo, he's gone. Imposibleng siya ang nakita ko... 'di ba? It was probably... one of my hallucinations. You know how much I regretted not being able to save him... years ago."

Hindi siya nagsalita. Tanging mga tahimik na singhap lamang niya ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"I didn't get enough sleep for the last few days. Dala lang din siguro nang pagod ko 'to," patuloy ko, hindi sigurado kung siya o ang sarili ko ang kinukumbinsi.

"You should rest, then. Uuwi na rin ako mayamaya, may tinatapos lang."

"Okay. Ingat ka sa byahe."

"Alright. Call me if anything strange happen again..."

Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. "I will."

Inilatag ko ang mga nabasang gamit mula sa bag. Nanlumo ako nang makitang karamihan sa mga libro ko'y basang-basa rin. Naghalo-halo nang lahat iyon. Pagod. Kalituhan. Dismaya. At paulit-ulit na panghihinayang.

It had been four years since he died. Bakit hanggang ngayon parang bago pa rin ang lahat ng sakit? Bakit hanggang ngayon bitbit ko pa rin ang pagsisisi?

Itinulog ko ang lahat ng iyon at nagising sa isang tawag kinagabihan. Hindi ko na natignan ang caller ID nang sinagot ko iyon habang nagkukusot ng mga mata.

"Hello?"

"Rai, ako 'to."

Isang singhap ang nagpabangon sa akin pagkarinig sa parehong pamilyar na boses. Dilat na dilat na ang mga mata ko at gising na gising na ang diwa.

"S-sino 'to?" Ramdam ko ang biglang pagkalampag nang nakabibinging pagtambol ng puso ko habang dinidinig ang boses sa kabilang linya.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Naialis ko ang phone mula sa tainga para lang tignan kung sino iyon. Mula sa nanginginig na mga kamay ay nakita ko ang pagrehistro ng isang unknown number sa screen. Hindi rin iyon pamilyar sa akin, kabaligtaran ng boses mula roon na sigurado ako kung sino ang nagmamay-ari.

"Rai..."

Nasapo ko ang mga labi at hindi nakuhang magsalita. Paanong... paanong naririnig ko ang boses niya? Paanong...

Pinatay ko ang tawag dahil sa pagdagundong ng dibdib ko sa magkakahalong gulat, kalituhan at takot. Pagkalito sa mga paniniwala ko at takot na baka nga nababaliw na ako.

If this is someone's kind of a sick joke then screw him! This isn't funny.

Sinapo ko ang ulo nang magkabilang palad at pumikit, sinusubukang kalmahin ang mabigat na paghinga.

Pero... nakita ko siya kanina at narinig. Naro'n siya. Tinawag niya ako. There could be many logical explanations for that. But I might still be asleep and dreaming. This could be just my unconscious mind doing. None of this can't be true. This is not happening.

I saw him died in front of my eyes years ago! He was gone—dead gone. I felt the weight of the years from his sudden death and no doubt it's still here—I'd been carrying it along with me for what felt like ages while I tried so hard to move forward with my life... but I couldn't seem to fully let the load off my chest. Because truth be told, for the last four years, I thought I convinced myself enough to think that I moved on but I knew deep down that there was still a part of me refusing to let him go.

Hell, I need to wake up!

Marahas akong suminghap at pinilig ang ulo, pinipilit gisingin ang sarili sa pag-iisip na nanaginip nga ako. Ngunit sa kalagitnaan nang pagkakataranta ko ang siya muling pagtunog ng phone para sa panibagong tawag mula sa parehong numero. Lumipad pabukas ang mga mata ko, ang mga palad ko'y pareho nang nakasapo sa bibig habang pinanonood ang pagrehistro ng tawag sa screen.

Shit. I'm still here? It's still happening?

Malakas ang muling pagdagundong ng dibdib ko para sa panibagong kaba habang kumukurap. Napakaraming tanong ang mabilis na nagsisirko sa isip ko. Ang pagdalaw nang lamig sa sikmura ko ay hindi ikinatuwa. But then... there was no easier way to know the truth but to talk to him. That's why I need to. Kahit pakiramdam ko'y kabaliwan ang pag-iisip pa lang na posible iyon.

Someone's just probably pranking me... right?

Sa nanginginig na mga labi at pigil na paghinga ay muli kong sinagot ang tawag. "H-hello?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top