38 - How to save a life
Ang galit ko'y hindi ko na nakontrol nang malakas na dumagundong ang mabilis na pagtibok ng puso ko. The sting of betrayal was dripping in my bones as I watched Leo left the kitchen and walk towards me.
"Why are you glaring at me?" natatawa niyang untag.
Hindi ko napigilang mapasinghal. "Traydor."
"Ha?"
"You are a f*cking traitor!" sigaw ko sabay talikod at takbong paakyat sa hagdan para sa kwarto ko.
"What the hell are you talking about?" Narinig ko ang boses niyang pasunod sa akin. "Hoy! Rai!"
And I almost swore my lack of motor skill when he effortlessly catch up on me pacing at the stairs. Nakapasok na ako sa kwarto ko at akma nang isasara iyon ngunit bago ko pa man magawa ay nasapo na niya ang pinto. Pwersahan kong itinulak pasara iyon ngunit tinumbasan lang niya iyon nang pagtulak din pabukas.
"What are you yapping about me being a traitor? Ano na namang ginawa ko? And why are running away instead of talking to me? Para kang bata!" sigaw niya mula sa labas ng pinto habang nagtatalo kami sa pagsara at bukas ng niyon.
"I don't want to talk to a traitor like you! Leave me alone! Umuwi ka na sa inyo at 'wag na 'wag ka nang magpapakita rito!"
"What the hell is your problem?!"
"My problem?" Pagkabitiw ko sa pinto ay gumilid ako. Agad naman siyang tumilapon papasok sa kwarto ko at nahantong sa sahig.
Maingay at iritable siyang dumaing habang matalim na nakatingin sa akin. Sinuklian ko siya nang galit na tingin.
"Ikaw ang nagsabi kay Mama na i-date si Tito Lenard? Hindi ka lang pala nagsilbing tulay, ikaw pa talaga ang gumawa ng tulay at nagtulak para magkaigihan sila?!" Halos manginig ang boses ko dahil sa kirot na paulit-ulit na kumukurot sa puso ko.
Para namang natauhan si Leo nang bahagya siyang matigilan. "You heard us... talking?"
"Bakit mo ginawa 'yon?!" sigaw ko imbes na sagutin siya. Dahil ako ang dapat na magtatanong. "Are you having fun fooling around someone else's feelings ha, Leo? Masaya bang panoorin kung paano akong magpanggap sa bawat dinner na ayos lang sa akin 'to?! Tapos ano 'yung narinig ko, kasal? Now you're pushing them to remarry?! What is wrong with you?!"
Ang blangkong ekspresyon niya habang tumatayo at nakatingin sa akin ay mas lalo lang nagpatindi ng galit ko. I could feel my cheeks burning with uncontrollable rage as I watched him got to his feet.
"You knew it all too well! Alam mong ayaw kong palitan ni Mama si Papa! Alam mong ayaw kong maging isang pamilya tayo at ng Dad mo! Alam mong gusto kong maging masaya si Mama ulit pero ayaw kong traydorin ang Papa ko! Alam mo lahat 'yon pero ikaw pala 'tong nagsimula? Ikaw pala 'tong dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon ngayon?"
"I made it clear that I want them together from the beginning," aniya sa matigas na boses.
"Kaya hindi mo rin sinabi na ikaw ang may pakana?!"
"You're being immature again."
Napasinghal talaga ako sa narinig kong sinabi niya. "You are a selfish bastard!"
Bahagya nang sumakit ang lalamunan ko nang muling sumigaw yamang hindi ko madalas na ginagawa iyon.
"Tingin mo hindi pagiging selfish 'yang pagtutol mo sa kanila? I just gave them an option. Nasa kanila pa rin ang desisyon kung gusto nilang i-consider."
I gritted my teeth. Kuyom ang magkabila kong kamao habang tinatapunan siya nang masamang tingin. "That's not my point!"
Suminghap siya at nagbitiw ng tingin sa akin. He nodded a few times before looking back at me with a sarcastic smirk on his face. "For someone who lost some important people over death, you're downright apathetic."
When I saw hurt on his expression, I felt lost. Paanong siya pa ang may ganang masaktan dito?
"Don't talk about things not related to the matter at hand," I spat in a low but dangerous tone.
"You lost a parent and a friend? Well guess what, I did too. Magmula nang maghiwalay ang mga magulang ko ni isang beses hindi ko pa nakita ulit si Mommy. Toby's my friend too. And if there's one thing I learn about losing people, it's keeping them before that happens-whatever the consequence... whatever it cost. Dahil tulad mo, Rai, ayaw ko na ring mawalan ng mga taong mahalaga sa 'kin. If there's something I can do to prevent it from happening then I'll gladly do it..."
What is he getting at?
"I don't have that many people I truly care for in my life." Muli siyang nagbitiw ng tingin. Tulala siya sa sahig nang makita kong sumilay sa labi niya ang isang mapait na ngiti.
"And I got scared when you stopped talking to me when your dad died. The thought of losing someone again scared the hell out of me... kaya naisip ko na mas maaatim ko pang magalit ka sa 'kin tulad nito kaysa maiwala kita nang tuluyan."
I was frozen in place as I let him talk. Did I heard that right?
"You think that's twisted?" Walang humor ang mahina niyang tawa habang tumatango. "I think you're right about one thing, after all-I'm a selfish bastard."
Tila nalunon ko ang dila nang hindi na ako nakapagsalita. His words were confusing me. I didn't know what to make of it. Leo never said things like that.
Hindi ko na nabilang ni napansin kung gaano katagal akong tumitig sa kaniya dahil sa pagkakagulantang. When he lifted his gaze and our eyes met again, I held my breath. Ilang segundo lang iyon ngunit pakiramdam ko'y oras kaming nagpalitan ng tingin. Hanggang sa bumuntonghininga siya matapos magbitiw ng tingin sa akin at walang anu-ano'y naglakad palabas ng kwarto ko.
Leo and I didn't talk the next days. I wasn't angry with him anymore but I couldn't find myself talking to him either. Ilang beses kong inisip kung ano nga ba talaga ang problema kung magpakasal si Mama at Tito Lenard, bukod sa pakiramdam kong trinatraydor ko si papa... and I was starting to realize there wasn't, that like what Leo said, I'm just being immature. I was at the right age at nasa akin naman ang desisyon kung papayag akong palitan ang apelyido ko o hindi.
At pagkatapos kong balikan ang pag-uusap nila ni Mama ng araw na 'yon, naisip ko rin na... sino nga ba ako para hadlangan ang kaligayahan nila? Mama seemed really happy while she talked about Tito Lenard. At siguro gano'n talaga. Siguro posible pa rin talagang magmahal ng iba bukod sa taong inakala nating mamahalin natin nang panghabang-buhay. Hindi ko pa man iyon tuluyang natatanggap ay tingin ko, darating din ako sa puntong iyon.
"Rai! Mami-miss kita!"
Natawa ako sa umiiyak at nakayakap sa aking si Jackie. "We still have the summer vacation, Jack. Save your tears when we finally said our goodbyes after that."
"Tatapusin pa natin ang bucket list." Naglaho ang ngiti ko nang mapalingon sa nagsalitang si Leo. Blangko ang ekspresyon niya tulad ng dati.
"I can't believe I'm no longer a high schooler!" anunsyo ni Reegan.
"Pwede na tayong makulong!" Bumungisngis si Clint.
Sa huling pagkakataon, habang suot ang mga uniform namin ay nagtungo kami sa Ramen shop. At tulad ng dati, maingay kaming nagkwentuhan at nag-asaran habang kumakain doon.
Buong sandaling hindi maalis ang ngiti ko habang pinanonood ang pagkukulitan nila, iniisip kung mauulit pa ba iyon sa hinaharap matapos magbukas sa amin nang totoong mundo. Ang lungkot na nadama ko dahil sa sobrang kaligayahan ay hindi ko inasahan. Bawat lumipas na araw na kasama ko sila na tila pakiramdam namin ay kay layo pa ng hinaharap. Bawat tawanan at biruan mula sa pinakamaliit na bagay hanggang sa pinakamabigat. Lahat ng iyon ay bumuhos sa akin.
I guess that was what a melancholic euphoria felt like. What a paradox.
"Sorry."
Napalingon ako sa taong sumabay sa akin sa paglalakad matapos naming makalabas ng Ramen shop.
"I want them to be happy but I was just actually thinking about my own interest. Sorry kung binalewala ko kung anong mararamdaman mo."
Bagsak ang mga mata ko sa kalsadang dinaraanan namin habang pinakikinggan ang kalmadong boses ni Leo.
"Ayaw mo ba talagang maging isang pamilya tayo dahil sa Papa mo? O dahil may gusto ka sa 'kin?"
Iritableng lumipad patungo sa kaniya ang tingin ko. Sisinghalan ko sana kung hindi ko lang nakitang nakangisi na ang ungas at mukhang nang-aasar. Kaya't imbes na maasar ay ginantihan ko lamang siya.
"Said someone who got scared to death with the thought of losing me."
Mabilis na humupa ang ngisi niya at nagtapon pabalik sa akin nang blangkong tingin. "You're just bitter because I refused to date you and stop our parents' from getting together."
Natuluyan ako sa pagsinghal kahit natatawa. "I would rather die alone than to date someone like you."
"You should approve of their wedding, then. Unless you really like me that way." He smirked.
Sa iritasyon ko'y binundol ko ang braso niya ng sa akin. "Are you really saying sorry or just making another fight?"
Natatawa na, binundol niyang pabalik ang braso ko. "You brat. Pikon ka lang!"
"Oh, look who's talking!"
"Basta nag-sorry na 'ko."
"You dimwit!"
"Guys, nandito pa kami ah? Para na kayong may sariling mundo d'yan eh." Pang-asar na ngumisi ang lumingon sa aming si Reegan. Humagikgik lamang ang nasa tabi nitong si Jackie. Si Clint ay blangko lamang ang tinging itinapon sa amin. Nang mapansin niya ang tingin ko'y nginitian niya ako.
Nasa waiting shed kami ng bigla niyang sinabi ito, "Bagay kayo ni Leo."
Kunot-noo ko siyang sinipat sa tabi. "Saan naman nanggaling 'yan?"
"He cares for you like a brother. Pero hindi ibig no'n na hindi pwedeng lumampas do'n ang tingin niya sa 'yo," aniya habang nakatingin sa kawalan, ang magkabilang palad ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon.
An acrid taste then seize my mouth. "Bakit mo sinasabi sa 'kin 'to?"
He chuckled while giving his head a light shake. Bumaba ang tingin niya sa pulang high cut at pinaglaruan ng isang paa ang kung ano sa daan. "Baka lang hindi mo napapansin."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin 'yon.
"You'll like him... eventually."
A sinking feeling suddenly hit me when I turned to look up on his smiling face.
This idiot. "So you're playing cupid now?"
Nakapinta pa rin sa mukha niya ang parehong ngiti nang bumaling siyang pabalik sa akin. "Feelings take forms, Rai. And no matter how strong a feeling you feel right now, it always change."
"I won't like him that way," walang pag-aalinlangan ko iyong sinabi habang mariing nakatitig sa kaniya.
Wala siyang imik at ni hindi natinag ang kanina pang ngiti nang sinuklian ako ng titig.
The summer came. We'd decided not to draw on the bucket list. Pinagsama-sama na namin ang mga naiwan doon at plinano kung paano namin ito gagawin isa-isa.
The end of May was coming when we finally get to finish all the things on the bucket list. May isang bagay lang kaming hindi nagawa roon.
"Guys! Umaambon!" Napalingon kaming lahat sa maligayang anunsyo ni Jackie.
Bahagya kong itinaas ang palad upang sapuhin ang tinutukoy niya.
"It's raining!"
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makumpirma ang sinabi ni Clint. We were finally able to do the last thing on the bucket list: Play tag under the rain.
Naghiyawan kami nang unti-unting lumakas ang pagbuhos ng ulan. Ang mga bata at ilang tao sa village park ay nagsilisawan, bukod sa amin na maligayang nagtatawanan habang tinatanggap ang bawat patak niyon.
Kung ano-anung sayaw ang ginawa namin at kalaunan ay naghabulan na. We played tag under the rain like we were kids again. Laughing and screaming like there was no end to all of it. Ang daya lang dahil ako lagi ang taya. Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang iburo ako o ano pero parang gano'n na nga.
Hapon na nang tumigil ang ulan at pare-pareho kaming basang naglalakad sa gilid ng kalsada pauwi. Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong ngunit tanging tawa lamang ang sinusukli namin sa mga ito.
"We are all attending universities at Manila so it won't be impossible to see each other there. Walang kj ha!" si Jackie.
"Syempre naman, Jackie-chan."
"Pag-isipan ko," pang-aasar ni Leo na siyang binelatan lang ni Jackie.
"Are you going back to Manila for good?" tanong ko sa huli.
"My sister's okay but she had no plans to go back. As for me, I'm still thinking about it."
Buong sandali nang pag-uusap namin ay napansin kong tahimik siya. Bahagya akong napangiti nang maalala ko ang itsura niya noon sa tulay dahil sa basa rin niyang damit at sapatos ngayon.
"Clint." Tulala at mukhang malalim ang iniisip, parang hindi niya ako narinig kaya't nilakasan ko ang boses, "Clint!"
Ilang kurap at tila nagbalik siya sa sarili. Lumingon siya sa akin habang sabay kaming naglalakad sa gilid ng kalsada.
He smiled at me. "Bakit?"
Bahagya pang kumunot ang noo ko ngunit binalewala ko na lamang iyon. "Next week kami pupunta ni Leo sa Manila para magdala ng mga gamit sa dorm. Gusto mong sumabay?"
Napasapo siya sa ulo sabay ngumiwi. "Hindi ko pa naplano kailan ako aalis. 'Tsaka mag-aayos pa 'ko ng gamit..." May bahid ng ngiti siyang umiling. "Mauna na kayo. Siguro... bago matapos 'tong buwan na 'ko pupunta ro'n."
Tumango ako at nagtagal pa ang tingin sa kaniya. "We're done with the bucket list..."
"Oo nga eh."
"Are you happy?"
Muli siyang ngumiti sabay sulyap sa akin. "Oo naman."
"We won't see each other this often again once we entered college pero... can we still hang out from time to time?"
Hindi siya umimik nang ilang sandali. Ang buong akala ko'y nag-iisip siya o ano, ngunit ilang sandali na ang lumipas ay wala pa rin siyang isinagot sa tanong ko.
Dala nang lamig ay napagdesisyunan naming dumaan sa convenience store para bumili at uminom ng hot choco. Nagtagal kami sa labas noon. Hanggang sa inabot na kami nang dilim dahil sa pag-uusap nang pagkikita-kita para sa pagsisimula ng college.
Naglalakad kami sa kalsadang iniilawan ng mga lamppost nang huminto sila sa isang street kung saan maghihiwa-hiwalay na kami ng daan.
Matapos magpaalam kay Reegan at Jackie ay ngumiti ako kay Clint at bahagyang kumaway. "Good night."
He smiled back and replied but I didn't hear it clear enough.
Ginugol ko ang sunod na linggo sa pag-aayos ng mga dadalhin at kakailanganin sa paglipat at pagpasok sa university.
Kinagabihan bago ang pag-alis namin papuntang Manila nang mag-check ako kung may naiwan pa ba akong gamit na dadalhin. Habang tinitignan ang drawer ng study table ko'y natigil ako sa nakita: isang lumang birthday card. Sa pagtataka ay kinuha ko iyon. At nang mabasa ko kung ano ang nakalagay doon ay namilog ang mga mata ko matapos suminghap.
Sapo ko ang noo nang maibulalas ito, "Today's Toby's birthday!"
How did I forget?
Mabilis kong kinuha ang phone at magtitipa na sana ng message sa gc namin nang mapansin ko ang text ni Clint.
... will last forever
Bahagya akong natawa sa nabasa.
What will last forever? Your follies? Can't argue-I replied back but didn't get a response.
Until I remembered a vague line he said a while back.
"The sadness will last forever."
Natitigilan, hindi ko napaghandaan ang kabang biglang bumundol sa akin.
"Oh! Here's someone who looks like Van Gogh's last words."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras nang tinawagan ko siya. Umalingawngaw ang pagri-ring ng kabilang linya sa tainga ko ngunit kahit gaano katagal kong pakinggan iyo'y walang sumasagot. Sa bawat pag-dial ko't walang response na natatagnggap ay mas lumalakas ang kalabog ng dibdib ko.
Anong ibig sabihin ng message niya?
Pabalik-balik akong naglakad sa loob ng kwarto ko habang nag-iisip. Hindi ako sigurado kung para saan ang kabang nararamdaman ko. Lalo na ang mga bagay na sunod-sunod at walang pasubaling pumapasok sa isip ko.
"I'm just doing what I want-trying to live and seize my now."
Ang pagtalon niya sa tulay nang huling araw ng libing ni Toby...
"I was there when it happened! Nakita mismo ng mga mata ko kung paano namatay si Toby... nandoon ako, Rai... pero wala akong nagawa kundi ang manood."
His recklessness...
"Every one dies but only few has lived. And the thing that's worse than dying is not being able to live a life on your own terms."
"Do you ever wonder how it would feel like to not come back?"
Last words.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang natigilan at nanigas ako sa kinatatayuan. I remembered his reply a week ago when we parted ways after finishing the bucket list. I didn't hear it but I could read the words he mouthed after I said good night...
"Goodbye."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top