37 - With me


[Present]

I spent the whole day thinking about Leo's question.

Were all these feelings I have for that person only rooted out of my regrets from the past? Paano kung tuluyan kong matanto at matanggap na may pinatunguhan ang mga nagawa ko noon para sa kaniya? Would all these strong feelings I have for him disappear? Was regrets all there is to it?

I woke up the next day with a text message from Leo saying:

Went back to manila for work. Update me when you find something on Toby's things. I told him you'll drop by to help him

Namimilog ang mga mata, nailapit ko pa ang screen ng phone sa mukha para lang siguraduhing tama ang nabasa. He did what?

Hindi ko inasahang dadalawin ako ng kaba ngayong narito na ako sa tapat ng bahay nila Toby. All the while, after realizing what Leo said, I kept telling myself that this is just normal. That we're old friends. And that we could talk about anything else casually just like before. Ngunit hindi ko na mahanap kung saan ko nakuhang isiping ganoon lang kadali ang mga bagay ngayon. Ngayong naririto na siya sa harap ko at nakatingin sa akin. Ngayong naiisip kong walang ibang taong narito kundi kaming dalawa lang.

"Hi."

With a blank expression, he blinked a few times in confusion. "Mag-isa ka lang?"

"Leo kinda... goes back to Manila. As for Jackie... ang sabi niya kailangan na rin daw niyang bumalik dahil nagkaproblema sa trabaho at kinailangan siya."

What exactly did Leo tell him?

Nodding, he stepped aside to give way for me to come inside. "Pasok ka. Uh... kumain ka na ba?"

Why is this so effing awkward?

Mabilis akong tumango matapos pumasok sa loob. "Ah, oo. Tapos na."

Tulad nang araw na nagpunta kaming apat doo'y tahimik pa rin ang buong bahay. Ngunit 'di tulad nang nakaraan ay wala na halos gamit na naro'n ngayon.

"Tara?" Matapos tumikhim ay dire-diretso na siyang nagtungo sa taas para sa kwarto ni Toby.

"Nakahanap na ba nang bagong bahay ang parents niya?"

Bahagya siyang sumulyap sa akin habang humahakbang sa hagdan pataas. Only our footsteps on the wooden staircase reverberated in the silence.

After a curt nod he said, "A few towns from here. Naglilipat na sila ng gamit ngayon."

Tumango rin ako sa narinig, hindi na magawang sundan pa ang tanong.

"Patapos na rin ako sa mga gamit ni Toby. Turns out, he didn't leave anything behind for us... but you can have whatever you want from his things-the rest of it will be donated."

Like he said, most of Toby's things were almost packed when we got there. Naroon ako sa bookshelf para ilagay na sa box ang mga natira niyang libro. Once in a while, I opened it and couldn't help but smile to myself after reading some highlighted words, together with his annotations.

I wonder what he would be like if he was still here with us...

We were both working silently when a thought hit me. Bahagya ko siyang nilingon sa bandang likod ko, hinihilera niya ang mga box na nalagyan na namin ng laman.

"You didn't get to tell us how you met Toby years back."

Natigilan siya sa sinabi ko. Kalaunan ay lumingon sa akin, walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha. "Sa ospital, ilang araw matapos kong mapadpad dito."

Ospital? Out of all the places, that was the last place that came to mind.

"He saw me sketching and got curious about it. You know how he is."

Muli akong nakaramdam nang pagkakabalisa nang maalala ko ang sinabi niya nang nakaraang gabi. About him not being able to draw anymore.

Nagbalik ako ng tingin sa bookshelf para sana kumuha nang panibagong libro. Ngunit tila huminto ang mundo ko nang may kung ano akong malambot na mahawakan doon. Sa isang kisapmata ay nagtaasan ang mga balahibo sa buo kong katawan. Matalim akong napasinghap kasabay nang otomatikong pagtalon ko palayo roon. Nang may mabilis na kumaluskos at tumalon mula sa bookshelf ay buong puso akong napatili at halos makalimutan kung sino ako dahil sa takot.

Isang tarantang hakbang paatras at may nabangga ako. Dali-dali akong lumingon para sana maghanap nang matatakbuhan ngunit sinalubong ako ng gulat niyang ekspresyon. The next thing I knew, I was breathing hard while clutching on something-his arm.

"Bakit? Ano 'yon?" Mula sa pagsapo ng magkabila kong siko ay sumulyap siya sa likod ko para sa bookshelf. Mas mataas siya sa akin kaya't halos tanaw niya ang pinakataas niyon. "Daga?"

"Shit. Can you see it? Daga nga? May naiwan pa bang iba? Oh shit."

Walang pasubali akong napatalon muli sa takot nang maalala kung ano ang nahawakan kanina. I was picturing the dead rat on our drawer together with its new born offspring. Repulsion quickly crawled on my skin as my heart pounded erratically. I shuddered in my growing panic. Parang gusto ko talagang tumakbo palabas ng bahay makalayo lang ro'n. And I was about to but he was quick to yank ng arm back.

"Hey, hey calm down... walang daga rito," aniya, hinuhuli ang mga mata ko.

"What... what is-" Nang bahagya akong huminahon ay maigi niya akong tinitigan diretso sa mga mata. I tried to breathe.

"Unless you've seen one. Did you see it?"

Napalingon ako pabalik sa bookshelf at napalunok. I gestured a cupping sign with my palm, squeezing it a little. "I didn't see it, I felt it! It was... fluffy but I don't know what it is! What could it be aside from a rat?!"

Halos maghisterya na ako sa panibagong taranta at takot ngunit sa kabila niyon ay narinig ko pa ang mahina niyang paghalakhak. Dali-dali akong lumingon sa kaniya dahil sa disbelief. His hands were still on my elbows and so were his eyes, only that it had a certain glimmer on it while staring back at me.

"Gaano kalaki ba?" he asked with a slight tilt of his head to the side.

"It's... a handful!"

"Is it round?"

"P-parang."

"Feathery?" Nanliit ang mga mata niya nang hinintay ang sagot ko.

Bahagya nang kumukunot ang noo, tumango ako. Napailing naman siya at mas lalong napangisi.

"It's not a rat."

"A-ano 'yon?"

Bumitiw siya sa akin para humakbang palapit sa bookshelf. He reached the top of it where I left off. Pagkababa ng kamay ay may hawak na siya. Muntik pa akong mapatalon ulit nang inilahad niya iyon sa harap ko.

"See?"

Nang matitigan iyon nang mabuti ay natigilan ako.

"Why the hell is there a stuff toy like that up there?" walang emosyon kong turan kahit parang gusto kong sumigaw ulit dahil sa inis.

He shrugged while eyeing the small fluffy stuff toy. Malambot na uri iyon ng goma na may balot nang maninipis na balahibo. It was almost round like a hamster. "Ask Toby."

I looked at him, still not fully convinced. "Ano 'yung kumaluskos at tumalon?"

Nagtuon siya nang buong atensyon sa akin at bahagyang itinabingi ang ulo, para bang kinukwestyon ang hindi ko paniniwala. Until a smile slowly crept on his lips.

"Butiki, Rai. You can see the gang up there." Sabay tamad na turo sa dingding bago i-sh-in-oot ang stuff toy sa box.

Napatingala ako at agad hinanap ang sinabi niya. There were a few up there indeed. Para akong nabunutan ng tinik nang sa wakas ay makahinga ako nang maluwag. Makakatulog na ako nang maayos mamayang gabi sa pag-iisip na hindi daga ang nahawakan ko kanina.

Nahanap ko ang mga mata niya sa akin matapos.

We held gaze as a few strand of silence ensued between us-until his phone rang. Bumitiw siya ng tingin at nagpaalam saglit para sagutin iyon at saka lumabas ng kwarto. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik siya, blangko na muli ang ekspresyon.

"Si... Maddie? Hinahanap ka na ba?" hindi ko alam saan ko napulot ang lakas ng loob para itanong iyon. What do I care about his personal matters?

"She's just giving me updates." Dumilim ang ekspresyon niya matapos mag-iwas ng tingin.

Nanatili naman ang mga mata ko sa kaniya nang muli siyang humakbang papasok sa kwarto.

I remembered what Leo told me the other day. And I don't really want to be nosy but to hell with it. If you want to say something or if you want to know something, you should do it now and not later. Because later doesn't always come.

"Are you dating her?" Or are you married? Dinalaw agad ako ng kaba dahil sa saril kong tanong. Hindi ako sigurado kung gusto ko bang marinig ang sagot doon pero bahala na.

Kitang-kita ko ang pagkakatigil niya bago muling nagbalik ng tingin sa akin mula sa kabilang banda ng kwarto. Buong tapang kong sinalubong ang blangko niyang mga mata at hinintay ang sagot niya kahit kabado. We stayed like that for a long time before he finally broke the silence and spoke.

"Are you dating Leo?" aniya sa seryosong ekspresyon imbes na sagutin ang tanong ko.

Halos mapairap ako sa narinig. And he told me he changed when he's still like this?

Marahan akong umiling sa kabila nang tangkang pag-apila. "No." Why would he think that?

Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang natigilan. Ang bahid ng gulat ay mabilis nagdaan sa ekspresyon niya na sinundan ng kalituhan.

"Hindi? You were together for years paanong-"

"Enough with your questions and just answer mine for once," putol ko.

Bahaw ang tawa niya at mukha pa ring hindi makapaniwala sa nalaman. Binasa niya ang labi matapos. Sunod ay dire-diretso at balewala niya itong sinabi, "Maddie and I are together but we're not dating. Now tell me how it's possible that you're not dating Leo when here I thought you're already engaged."

Muntik pa akong nabilaukan sa huli niyang sinabi. Engaged? Leo and I? "Are you out of your mind?"

Awang ang mga labi, kumunot lamang ang noo niya at hindi nagsalita, mukhang nanghihingi ng paliwanag.

"Leo and I are together since we were kids. Walang nangyari noon at lalong walang mangyayari ngayon. There's just things that stays as they are. I love him because he's like family to me. But more than that..." I end it with a shrug.

Walang imik siyang nagtuon nang direktang tingin sa akin, may kung anong emosyong hindi mabasa sa mga mata. A few beats after, he started pacing carefully towards my direction. All the while, his gaze held mine until he stopped, leaving a couple of feet distance from where I stood.

"Are you..." he caught himself.

Buong sandaling nakatitig siya sa akin ay halos hindi ako humihinga. Hinintay ko ang dugtong niya roon. Ngunit matapos niyang magbuga nang isang mabigat na buntonghininga ay mabilis siyang umiling, tila tinataboy ang kung anong naisip.

With a quick bit of his lip, he let out a humourless chuckle. "Sorry, we... I mean, I shouldn't... talk about unnecessary things like that..." Sabay tumalikod sa akin.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Am I what? And what did he mean about unnecessary things? He called those unnecessary?

Nanatili ako sa kinatatayuan habang pinanonood siya.

"Ibaba ko na 'to." Hindi niya masalubong ang mga mata ko nang sumulyap siya matapos buhatin ang isang box.

Hindi ko naintindihan ang iritasyong nadama. Speechless, I watched as he carried the box and head out of the room like he was making his escape from something. I couldn't help but scoffed weakly.

Hindi ko talaga alam kung bakit naiinis ako. Siguro dahil sa apat na taong lumipas na inakala naming wala na siya? Sa panahong nasayang? Sa lahat nang pagsisisi at sakit na hindi naman dapat namin pinagdaanan? Sa pag-iwas niyang pag-usapan at balikan ang nangyari noon? O siguro sa lahat.

Lumipad ang mga mata ko sa hilera ng mga box. Wala na akong sinayang na sandali nang dire-diretso ko iyong nilapitan. Kumuha ako ng isa para bitbitin pababa, pasunod sa kaniya. Medyo may kabigatan iyon pero kaya ko naman. Naro'n na ako sa hagdan nang marinig ko ang boses niya.

"Rai! Ako na 'yan!"

Nahinto ako sa paghakbang pababa nang sinalubong niya ako nang pag-akyat. Umakma agad siya nang pag-agaw sa box kaya't iniwas ko iyon.

"Kaya ko 'to."

"Ako na," pilit pa rin niya sabay akma muli nang pagkuha ro'n.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Ako na nga, andito na 'ko. Ilang hakbang na lang."

"Mabigat, akin na, ako na."

Hindi ko alam kung may ano ba sa box na iyon at pinagtatalunan namin. Basta ang alam ko, gusto kong hayaan niya akong dalhin iyon at ilagay sa dapat niyong kalagyan.

"Kaya ko nga!"

Wala na siyang sinabi nang hinawakan iyon at marahang hinigit mula sa akin. Sa kung anong dahilan ay ayaw kong magpatalo kaya't niyakap ko iyon nang mahigpit. Ilang sandali naming pinag-agawan iyon.

"Rai!"

"Fine!" Sa iritasyon ay bigla kong binitiwan ang box kasabay nang muli niyang paghigit niyon.

Hindi ko inasahan ang sunod na pangyayari.

Nawala siya sa balanse dahil sa ginawang paghila o dahil sa pagkakamali nang apak sa hagdan paatras. Sa loob lang ng tatlong segundo ay naro'n na siya sa sahig, sa dulo ng hagdan. Hindi dahil sa bilis nang hakbang kundi dahil sa pagdausdos patungo roon. Kasabay nang pagbukas at pagsambulat ng laman ng box ang siyang pagsalpok ng ulo niya sa kanto ng isang kahoy na drawer sa baba, malapit sa bukana ng hagdan.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang mag-ugat ang mga paa ko sa kasalukuyang baitang na kinatatayuan.

Oh my, God.

"Shit."

Halos talunin ko ang ilang natirang baitang para lang daluhan ang pagdaing niya sa sahig. Dumagundong ang dibdib ko sa takot dahil sa nakita.

"Y-you're bleeding!" I uttered inaudible curses under my breath in panic.

"Yep, that's blood," nodding, he affirmed with a grunt while looking at his blood-stained palm. Ang palad niyang muli sanang sasapo sa nagdurugong noo ay hinuli ko.

"Don't-don't touch it!" Hindi ko maawat ang panginginig ng kamay ko nang agad hinalukay ang dalang maliit na satchel bag para sa malinis na panyo. When I found one, I immediately pressed it on the bleeding wound on his forehead near his hairline.

Mula sa hawak ko'y sinapo niya iyon ng sariling palad habang napapadaing. His face was twisting in pain as he slowly got up to sit on the floor he was lying in. Ilang sandali lang ang lumipas ay kitang-kita na agad ang pagmantsa ng pulang dugo sa puti kong panyo mula sa sugat niya.

Binalot nang lamig ang sikmura ko para sa panibagong takot. Buong sandaling naro'n kami nakaupo sa sahig, parehong hawak ang panyo at hinihintay na tumigil ang pagdurugo ay hindi ako mapakali.

Paano kung hindi tumigil ang pagdurugo? Paano kung masyadong napalakas ang pagtama ng ulo niya? Did he have a concussion? Was there a crack on his skull?

Shit. Shit! I should calm down but I just couldn't!

Why did we have to argue over that stupid box?

"A-are you... h-how do you feel?"

He gestured an okay sign. Then nodded with a forged smile and didn't say anything as if to say it wasn't a big deal.

"Hindi ka ba nahihilo? Are you... are you in pain?"

He shook his head, this time with a slight wave of his hand. "No, no, it's fine."

Hands trembling, my heart tightened at the sight of him trying to dismiss and ignore his pain-like the way he did, years ago. I couldn't help but be reminded of the dreadful memories of that fateful night as it flashed back and forth in my mind. Then all of a sudden, it felt like I was reliving it over and over again-a nightmare that had been haunting me for the last four years.

The heavy pour engulfing the quiet street. The raging thunder giving momentary light on the darkness of his room. The loud, painful pounding in my chest. Broken sobs. Strained breathing. Blinding panic. Cold fear. All at once, it came back to me like a corpse rising from the pit just to damn me.

I tried to gulp air because I couldn't seem to breathe properly.

"Matigas pa sa ulo ko 'tong drawer ah." He chuckled and I'd decided I hate him. His recklessness, his pretentions, his self-indifference, his lies. I hated it so much.

"Bakit mo... bakit mo ginawa 'yon?" Pilit kong kinontrol ang boses mula sa panginginig nang mariin ko siyang tinitigan. Hindi ko binitiwan ang panyong kapwa namin hawak na naro'n sa noo niyang nagdurugo pa rin.

"Nagkalat na tuloy 'yung laman ng box," aniya imbes na sagutin ako. As if the contents of that damn box was more important than his bleeding head!

"I told you I can... I can handle it! Bakit... bakit ang tigas ng ulo mo?! You think I couldn't handle carrying that single box if you let me? I'm not frail like you think!"

Natitigilan, lumipad patungo sa akin ang namimilog niyang mga mata. "Rai..."

"Why... why didn't you let me..." Natanto ko lang ang paghikbi nang marinig ang pamimiyok ng sarili kong boses. Sinapo ko ng palad ang mga labi na para bang kaya niyong pigilin ang pagkawala ng mga hikbi ko. "Hindi mo... hindi mo dapat ginawa 'yon... kaya ko naman eh... bakit... bakit hindi mo ako hinayaan... bakit... bakit..."

"Hey..."

Nakuha niya ang atensyon ko matapos niyang sapuhin ng isang palad ang pisngi ko. Hindi ko na hawak ang panyo nang makita kong kamay na lang niya ang nakasapo ro'n.

"Bakit ka umiiyak? Wala 'to, ayos lang ako-titigil din 'to maya-maya," aniya sabay tawa nang mahina. Pinalis niya ng daliri ang luha sa magkabilang pisngi ko matapos. "Rai... I'm really okay... 'wag ka nang umiyak... 'di ko ikamamatay 'to." He tried giving me a faint smile just to reassure me.

Ngunit imbes na mapalagay ay mas lalo lamang akong naiyak.

"That's... that's what you said years ago too." I shook my head fervently as new tears blurred my sight. "But you weren't... you weren't okay..."

He caught his hand from another attempt to reach for my face again. My sobs then consumed the stillness of the house as we sat there in silence for the next while.

"I was so scared..." Tuluyang nabasag ang boses ko nang muli akong magsalita. "You have no idea how scared I was that night!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top