35 - Truce
We got off from the bus and welcomed by the familiar vicinity a few streets from Toby's house. Halos hindi ko na maalala ang huling beses na nagtungo ako rito. Every memory I had with the place suddenly felt like a long time ago. Mula sa naglalaguang mga puno at halaman hanggang sa bawat bagong ayos at tayong mga bahay.
May ngiting dumapo sa mga labi ko nang makita ang ilang batang naghahabulan. Ang mahaba at tahimik na kalsada ay malayang sinasakop nang bawat tawanan at pagtakbo ng mga ito.
"Tuloy po kayo," si Quijano habang nakalahad ang isang palad matapos buksan ang pintuan ng main door.
Balot nang katahimikan ang walang taong bahay nang pumasok kami roon. Pansin agad ang kalinisan niyon na para bang walang sinoman ang gumagamit o gumagalaw man lang ng mga naro'n. Knowing Quijano for being messy, I didn't expect their house to be this neat—na siyang trinaydor nang makita ko ang loob ng kwarto niya.
Madilim doon ngunit nang binuksan niya ang fairy lights na nakapalibot sa dingding, estante at kama niya'y tumambad sa akin ang mga naka-pin na art works niya sa pader, iba't ibang tanawin ang nakaguhit ro'n, lahat ay may kulay at animong mga litrato. There were hayfield, raining forest road, flower field, treehouse in the middle of a forest, the bridge, his own version of Van Gogh's starry night and some other random places. Halos okupahin ng mga ito ang kabuoang pader ng kwarto niya.
Namamangha, hindi ko mapigilan ang paglikot ng mga mata para lang sipatin isa-isa ang mga iyon. It was untidy but... it looked strangely beautiful and alive.
"Medyo... magulo kaya 'wag na nating buksan ang ilaw." He chuckled before heading on to the corner of the room.
Nasundan ko siya ng tingin ngunit naagaw ang pansin ko ng isang lamesang punong-puno ng mga art materials niya. Ang ilan doon ay bago ngunit karamihan ay gamit na gamit. Ngunit may nag-iisang dilaw na parihabang kahon akong nakita roong tila lumang-luma na at halos nilipasan na ng panahon. Akmang lalapitan ko pa lamang iyon nang marinig ko siyang magsalita.
"Rai."
Isang lingon at nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng isang nakatalikod na canvas. He motioned for me to come over so I did.
"What's that?"
Grinning, he stepped closer in front of it. "I wasn't planning to join the National Students Art Competition again because I couldn't finish this..."
Tumayo ako sa tabi niya at maigi ring pinagmasdan ang gawa niya. Mula sa liwanag ng fairy lights ay unti-unting umawang ang mga labi ko nang makita iyon. It was an abstract painting. With the opposite sides in contrasting colors, it looks neat yet messy and free at the same time. May kung ano sa gitna ng nagtatalong kulay na animong umaabot sa kabilang banda, making the divergence of the two sides somehow blend despite it being in completely different shades. Buhay na buhay at animong naglalaro ang mga kulay na iyon sa mata. At katulad ng mga nauna niyang gawang nakita ko, something about it left me thinking and made me want to know more. At the same time, it tugged something inside of me, a part in me that's been locked away for so long.
"You saved me."
With lips still slightly agape in awe, I shifted my attention to him. There was a foreign expression on his face I couldn't name as our eyes met.
"That's what it's called," dugtong niya.
Tumatango, sumulyap ako sa painting bago nagbalik ng tingin sa kaniya. "It's not finished yet?"
Habang nakahalukipkip ay marahan siyang ngumiti sa akin. "It is. I've decided to continue working on it in the past week and I finally get to finish it... because of someone."
Napabitiw ako ng tingin sa kaniya nang maalala ko si Maddie pati nang 'di matapos nilang usapan. It might have been because of her? They're both artists so...
"That's... wonderful. For the both of you to inspire each other."
Narinig ko ang kalituhan sa tawa niya matapos ay naaninag ko ang pagkamot niya sa ulo. "Sino bang pinag-uusapan natin dito?"
Tanging maliit na kibit-balikat lamang ang isinukli ko sa kaniya bilang sagot pagkasulyap.
"Ano sa tingin mo? Papasa na ba?" pagpapatuloy niya.
I almost scoffed. "Are you kidding me?" Then threw him an unbelieving forged scowl.
"Bakit?"
"One look and I'm sure the other contestants will accept defeat," pabirong sarkastiko kong sabi, quoting Maddie.
Kunot-noo, mahina ang alanganin niyang halakhak. "Pinagtitripan mo ba ako o pinupuri? 'Di ko masabi eh."
Umiling na lamang ako at bahagya ring natawa. Then something hit me.
"May... napili ka na bang university?" tanong ko nang maalala iyon dahil sa painting niya. Sandali pa akong kinabahan nang maisip na baka tulad noon ay wala pa rin siyang plano para sa future niya.
But in between my silent dread, a smile curved across his face as he nodded. Ang puso ko'y halos matunaw sa kaligayahan nang sunod niya itong sinabi, "I've decided on one."
Natigilan ako't napatitig sa kaniya dahil sa gulat. Parang ayaw ko pang maniwala sa narinig.
"Talaga?"
He shoved both hands on his pockets as he stared back at me in silence.
Ramdam ko na ang paninikip ng lalamunan at pamumuo ng init sa magkabilang sulok ng mga mata. "You have... decided?"
Dahan-dahan siyang tumangong muli, bahagyang kumukunot ang noo. "Ayos ka lang?"
I gasped and tried to gulp down my tears as I nodded back.
Yumukod siya nang kaunti at hinanap ang mga mata ko. Sa malamyos na tinig ay sinabi niya ito, "Sigurado ka?"
Sinubukan kong ngumiti at tumawa dahil ang totoo'y masaya ako. Sobra. Para sa kaniya. He inspired and saved me. And I don't want anything but goodness for him in this world, while he's still here. At napupuno ang puso ko ngayong alam kong susubok siyang muli, at patuloy na tutungo sa lugar kung saan siya nabibilang sa mundo.
"Rai... bakit ka umiiyak? Huy sorry, bakit? Anong ginawa ko?" Lumapit pa siya at umakma ng paghawak.
Umiiling, hindi ako nakapagsalita dahil sa pagtulo ng mga luhang mabilis kong pinapalis.
Ugh. Here goes this stupid tears again.
"Sobra ka bang na-move sa painting ko? Pa'no na lang ang mga kalaban ko n'yan? Baka maiyak din sila sa pagkatalo kung gan'yan." Chuckling, he tried to joke just to lighten the mood.
Hinawi niya ang ilang takas na buhok palayo sa mukha ko.
I tried to let out a soft chuckle as I wipe the last of my tears. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sinuklian siya ng titig mula sa liwanag na nanggagaling sa fairy lights.
"You're gonna win. Sigurado ako."
Bahagya niyang ipinaling patagilid ang ulo habang nakatunghay sa akin. A lazy smile rose to his lips then. "Naks naman, bilib ka talaga sa 'kin."
Bumaba ang tingin niya sa pisngi ko at marahan iyong inabot at hinaplos ng daliri para sa naiwang luha.
Ilang sandali makalipas naming magpalitan ng tingin doon ay sabay kaming natawa.
Kagat ang labi, ginulo niya ang buhok nang mag-iwas ng tingin. Ang ngiti niya'y animong nakapinta at hindi maalis. Hindi ko malaman kung saang parte ro'n ang nakakatawa pero hindi ko mapigilan ang mapangiti rin.
"I'm still a no good but I promise... I'll try to be better."
Does that mean he wanted to be better in his art or... in his condition? Is he finally willing to take a chance and get treated?
Sakay ng bisikleta niya, nagtungo kami sa sementeryo matapos. Standing side by side while facing Toby's tomb, both our smiles were reflected on his—wherever he might be right now. At hindi ko maiwasang isipin kung paanong ang lahat ng ito ay nagsimula dahil sa kaniya. He affected my life from when he was still here and even until now that he was gone. And I'll always thank him for that and for all these.
"O, saan ka galing? Are you with Leo?"
"No, Ma. I just... felt like going out alone for a while."
"Okay." She nodded. "Nga pala, don't forget malapit nang entrance exam."
Natigilan ako sa pagsalin ng tubig sa baso dahil sa narinig. I almost forgot about that.
"Still undecided what pre-med course you want to take? What about Biology?"
Hinarap ko si mama na nakaupo sa kitchen table, nakatutok siya sa bukas na laptop at mukhang abala ro'n.
I gulped the water on my own glass before nodding in reply to her suggestion. "I'll give it some thought it..."
"What's taking you so long to decide?" patuloy niya, hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa ginagawa.
Shrugging, I mused, "I'm just being careful. At gusto ko rin na sigurado ako sa kung anong kukunin ko dahil future ko ang nakasalalay sa isang desisyong 'yon..."
"Hmn. You're right. Take your time, sweetie. But don't take too long." Sumulyap siya sa akin nang may ngiti sa labi.
I smiled back before heading to my room. Lumipad ang tingin ko sa mga librong nakahilera sa bookshelf ko.
What do I really want to be?
The next days went on like usual. We did the doable stuff drawn on the bucket list and save the rest for the weekend.
Texting random numbers that: I know what you did last night.
Bagong sim ang ginamit namin para sa pagtext ng mga numero ng ilang kakilala namin, ang iba'y mga number na hinulaan lang. We sent it to almost a hundred numbers and we received a few replies.
Who is this?
Scam pa more
Ha? Sino ka ba?
Don't know wat ur talkin bout
Gago ka Ken ikaw ba to?
Buti ka pa alam mo ako hindi
Siraulo! Sino to?!
Hakdog
Tawa kami nang tawa habang binabasa ang mga natanggap na reply. Hanggang sa mabasa namin ang pinakahuling text.
Kita tayo sa labas ng gate mamayang dismissal. Ihanda mo na mukha mo dahil di ka na makikilala pagkatapos
Sa parehong nanlalaking mga mata'y nagpalitan kaming lima ng tingin. At animong gatilyo nang sa isang kalabit lamang ay pinatay ni Quijano ang de keypad na phone, tinanggal ang battery niyon at nanginginig ang mga kamay na hinugot ang sim at dali-daling binali.
"Gago sino 'yon? Kilala ba tayo no'n?" daing nang natatarantang si Reegan.
Napagulo ng buhok si Quijano. "'Di ko alam! Sino bang nagbigay ng number no'n?"
"Oh my gosh are we in trouble?"
"Guys, don't freak out." Dahil pati ako'y kinakabahan sa pagiging aligaga nila. Pero... parang pamilyar ang number. That's probably from someone we know...
"It's not an android phone so there's no way that bastard could track us. More or less know who we are. Para kayong mga tanga," bagot na kumento Leo.
"He's right," si Reegan sabay buntonghininga.
Noon ko lang din natantong halos kanina pa pala akong hindi humihinga nang nagbuga ako ng hangin. Paulit-ulit kong inisip kung saan ko nakita ang number dahil sigurado akong kilala ko kung sino ang may-ari noon. Aktong ichi-check ko na sana sa contacts ng phone ang ilang unang number nang matigilan.
"On second thought, the douche probably knows us. And he might not be a student." Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon ng tinitignan ni Leo. At mula sa pintuan papasok ng cafeteria ay nakita namin ang paglakad palapit ng terror na Math teacher.
Isang sulyap nito sa direksyon namin ay walang ano-anong namilog ang mga mata namin sa takot, matapos kapwa magpalitang apat ng tingin.
"Holy piss!" Mabilis pa sa alas tres kaming nagsitayuan at nag-unahang magpulasan palabas ng cafeteria. Si Leo ay tamad na sumunod sa pagtakbo namin hanggang sa makaabot kami sa field.
"Siya ba 'yon?!"
Nang tumawa lang si Leo sa tanong ni Reegan ay namilog ang mga mata ko sa tuluyang natanto.
Naituro ko ang ungas. "Hey, that's your number!"
Lumipad patungo sa direksyon niya ang mga mata ng tatlo. Muli siyang ngumisi hanggang unti-unti muling natawa habang sinusuklian kaming apat ng tingin.
"Gago ka, Leo!"
"Pre, pa'no mo 'to nagawa sa 'min?!"
"I hate you!"
"Para talaga kayong mga tanga!"
Pinagkumpulan siya ni Quijano at Reegan at halos mag-wrestling na ang tatlo sa damuhan.
"Pakisapak nga ang isang 'yan, Reegan," I deadpanned while trying so hard to stifle a laugh.
"Narinig mo 'yon?"
"Gago!"
"Clint, hawakan mo sa braso dali!"
Umalingawngaw ang malalakas naming tawanan sa field. Ang ilang estudyanteng naroon ay napapalingon pa sa amin dahil sa ingay.
"Ayoko na!" Jackie screamed after we rode the roller coaster for the fifth time.
Sa nanginginig na mga tuhod ay sinapo ko ang balikat niya. I was pretty sure I'm pale as a ghost but, "We still have five more to go."
"What?! But I can't anymore!"
"Jackie-chan, kaya mo 'yan."
"Kaya natin 'to," anang namumutla na ring si Quijano.
"Ang babagal n'yo namang magsisuka." Pare-pareho naming tinapunan nang masamang tingin ang malademonyong nakangising si Leo.
"Umamin ka Leo, 'di ka talaga tao 'no?"
"I agree."
"He's not."
Tumawa lang si Reegan.
Nang matapos namin ang sampung magkakasunod na ride sa roller coaster ay malat na malat na ako. Halos isumpa ko na iyon at parang hindi ko na kayang makita iyon ulit sa susunod na sampung taon!
"Say I love you from the bottom of your heart."
"Huh?"
I smiled and looked at them one by one. "I love you, guys."
"Ang daya!" Tumatawa akong tinuro ni Quijano. "Pinaghandaan mo 'to 'no?"
Inosente lamang akong nagkibit ng balikat.
Si Reegan ay humarap sa katabing si Leo sabay seryosong sinabi, "Pare, I love you."
Nabitiwan ni Leo ang hawak na protein drink at namilog ang mga mata sa katabi. Makalipas ang ilang sandali ay umawang ang mga labi at umambang magsalita, ngunit walang alinmang nasabi.
Sabay-sabay na sumambulat ang tawanan naming apat. Si Reegan ay pulang-pula at halos gumulong na sa sahig ng corridor. Kami namang tatlo ay hindi na makahinga sa katatawa. Ni wala kaming pakialam sa mga nawi-weird-uhang tinging natatanggap mula sa mga nagdaraang estudyante.
"Oh my, God! Did you see Leo's face?!"
Nakasimangot na pinulot ni Leo ang nabitiwang tetra pack nang iniinom na protein drink. Sa blangkong mukha ay tinapunan niya kaming apat ng tingin isa-isa. Sabay balewalang utas sa sarili, "I love you, Leo."
Sapo ang sikmura, I tried to sign a hush gesture when I saw a teacher heading our way. Ang tawa nang tawang si Quijano ay tinapik ko pa para lang huminahon sa pagwawala. Nilingon niya ako at agad na nagtakip ng bibig nang makita ang padaang teacher. We all let out our snorts when the latter aren't in sight anymore.
"I love you, Rai!" Jackie hugged my arm, giggling.
Biglang nagtaas ng magkabilang braso sa ere si Quijano. Sabay anunsyo, "Group hug!"
Sa kabila ng mga tawang nakakawala pa rin sa amin ay nagtipon kaming lima para sa group hug. When I looked up, I saw him standing a few feet in front of me, his eyes waiting to meet mine. The rest of them were looking at the floor while we snuggle altogether like a bunch of overjoyed kids.
"I love you..." He smiled playfully then continued, "... guys."
A sudden heat burn my cheeks. Matapos ang isang biglaang talon, animong nakikipag-unahan ang puso ko sa biglaang pagtulin nang takbo nito. That all I could do was break away from his gaze and smile to myself.
Those were the days when it felt like we're having the best times of our lives. Laughing and smiling carelessly like our future are way too far ahead of us, and we don't have anything to worry about.
I could clearly remember how we did each one of the things in the bucket list then: Borrowing skateboards just so we could order to a fast food's drive thru. Crashing a birthday party just to eat for free. Running from our growling neighbour's dogs. Getting a temporary tattoo. Going up on stage at a local concert and screamed our hearts out—it was all fun.
Everything was going fine. We were all happy and I wouldn't trade those moments for anything in the world. But why does happy moments seem to last only for a while? Why did it always feel like you have to pay a debt afterwards?
Because everything was okay. Or so I thought.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top