34 - Better together


"She's Mad," walang emosyong ulit ni Leo sa tinuran nito.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jackie sa kalituhan.

"Maraming bagay ang nakakatakot sa mundo. Ang sumubok. Mangarap. Magpahalaga. Magmahal. At mawalan. Ngunit wala nang mas nakakatakot pa sa lahat ng iyon kundi ang ang makalimot," anang babae na animong may nire-recite na prose o excerpt kung saan habang maiging nakatitig at nanatiling nakahawak sa kamay ni Quijano.

"T-teka-"

"Losing someone in death doesn't spare you the same amount of hurt no matter how many times it happened. But I promised to remember those memories fondly. Gaano man iyon kasakit. I'll keep on remembering until the day comes that the hurt finally stops," pagpapatuloy pa nito. Sabay hakbang palapit sa taong nasa harap, invading his personal space. "Your piece saved me, Cj!"

Bahagyang kumunot ang noo ko sa nakikita. Who is this girl and what the hell is with all this farce? Kilala ba niya si Quijano? Is she a fan? Why is she calling him Cj?

"What-"

"Grieving! Your piece at the National Students Art Competition! The one that won the first place!" mabilis na tugon nito, hindi pa man nakakapagtanong ang gulat na si Quijano.

"Okay." The latter laughed awkwardly before attempting to take a glimpse on us for help. "You're, uh... Mad?"

"Yes! I'm Madeline and I am your fan! Your art is amazing! I love you so much!"

Halos masamid ako sa dire-diretsong sinabi ng babae. Narinig ko naman ang tawang hindi napigilan ni Leo. Jackie's jaw was slacked in amusement. While Quijano gulped, eyes widening a fraction each second, evidently freaked out.

Muli sanang hahakbang palapit ang babae kay Quijano, ngunit sa isang kisap-mata lamang ay binawi nito ang kamay at mabilis na nagtago sa likod ko.

"Can I see your other works?" Beaming, the girl tried pacing forward again, not minding how the latter hides behind me.

Hawak ang magkabila kong balikat, isinangga ako ni Quijano sa pagitan nila ng babae at saka dumungaw sa balikat ko. "Wala. Wala akong dala."

Napakurap ako ng ilang beses nang hindi pa rin natinag ang babae, ang malaking ngiti ay nanatiling nakapinta sa mukha. "Saan na lang kayo pupunta? School's over for today, right? Can I hang out with you?"

"She's Mad, alright," pag-uulit na komento ni Leo, ngayo'y may kakaiba nang ngisi sa labi. Sinuklian lamang siya ng ngiwi ni Jackie bago ito nagbalik ng tingin sa amin.

"Uh, Madeline-"

"Just call me Mad or Maddie, whichever of the two you like," mabilis nitong tugon, hindi nag-aalis nang direktang tingin sa taong nasa likuran ko.

I'm not even sure if she can see me standing in front of her. Para kasing walang ibang taong narito kundi silang dalawa lang ni Quijano.

"Maddie, hindi ka pwedeng sumama sa 'min-"

"Why not?"

Humigpit ang hawak ni Quijano sa magkabilang balikat ko at tahimik na suminghap nang umabante palapit ang babae. Sobrang lapit na ng mukha nito sa akin ngunit mukhang balewala lang iyon sa kaniya, dahil nasa weirdo pa rin ang buo niyang atensyon.

"A-ano, may pupuntahan kasi kaming importante." Bahagya akong hinigit ni Quijano palapit sa kaniya nang muli na namang lumapit ang babae.

Saglit akong napapikit nang mariin.

The girl pouted. "Can't I tag along? Promise, hindi ako magc-cause ng kahit anong problema, behave lang ako."

"He said he doesn't want to," sabi ko nang hindi na nakapagtimpi.

Noon lamang ako nilingon ng babae. Her eyes are round and vigilant when she welcomed the nonchalance in mine. Hanggang baba ko lang siya gayunpama'y hindi iyon naging hadlang upang manliit siya sa kinatatayuan.

"I'm sorry, who are you?"

"I'm his friend."

"What's your name?"

"Rai."

"Why is he hiding behind you?"

"Don't ask me."

"Did I freak him out?"

"As you can see."

"Can I tag along with you?"

"No."

"Why not?"

"Just no."

"Can we be friends, then?"

Natigilan ako sa bigla niyang sinabi at ilang sandali pang hindi nakapagsalita.

"We're friends now, aren't we? Then I can hang out with all of you!"

"Hey, Mad kid," sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalitang si Leo.

"Who are you?"

"We don't hang out with kids. Just go home and be gone. We have our own business to mind so don't get in the way. Leave if you understand," ani Leo sa malamig na tinig.

Bumagsak ang mga balikat nito at ngumuso. Her eyes fell on the ground when she finally step back. "I just wanted to talk to Cj..."

"Maybe she could... tag along with us?" Jackie butted in. "She's just a little girl, she looks harmless."

"She's Mad," ani Leo.

"Clint?"

Maging ako'y napalingon sa taong nanatiling nakatago sa likod ko para lang hintayin ang desisyon niya. But if I were to ask-I don't like the idea of this girl hanging out with us.

Sumulyap pabalik sa akin si Quijano matapos bumitiw. His chinky eyes softened before directing it towards Maddie.

"Sige. Pwede kang sumama pero... pwedeng 'wag kang masyadong manakot?" ani Quijano sabay kamot sa ulo.

Unti-unti namang nagliwanag ang mukha ni Maddie nang muli itong mag-angat ng tingin sa huli. Beaming again, she said, "Talaga?! Okay! I promise!"

Alanganing napangisi si Quijano nang sumulyap sa akin. Tinapunan ko lamang siya nang blangkong tingin, hanggang sa magsimulang maglakad paalis si Leo. "Edi halika na."

"Rai, let's go." Hinila ni Jackie ang isang braso ko pasunod sa huli. Nagpatianod lang ako sa kaniya.

Buong sandali ng paglalakad namin ay rinig ko ang malakas na usapan ng dalawa sa likod.

"Ah so you started out sketching? Gaano na katagal?"

"Hindi naman gano'n katagal, siguro bago mag-junior high?"

"I won the second place of the National Students Art Competition last year. Bet you don't remember me?"

"Oh! I saw your piece. Ang interesting ng concept, akala ko nga 'yon ang mananalo."

"Pa-humble! The genius behind your piece is exceptional! One look and I've already accepted defeat!"

"'Di naman... pero salamat."

"Sasali ka ba ulit ngayon sa NSAC?"

"Pinag-iisipan ko pa."

"Huh?! Why?! You should definitely join!"

"Tingin mo?"

"Of course! Winning would be for naught without you."

"Konti na lang malapit na 'kong maging siopao sa mga bola-bola mo."

"Hey I'm not bluffing you! I love your art so much. Speaking of, can I please see the other ones?"

"Wala nga 'kong dala-nakatago sa sikretong lagusan. Ako lang pwedeng pumasok at makakita."

"Ang daya naman!"

"Patingin na lang ako ng sa 'yo. May dala ka ba?"

"What? Sure! Of course!"

Hanggang sa makarating kami sa Ramen shop ay hindi pa rin matapos-tapus ang usapan ng dalawa. Mukha na ngang nakabuo ng sarili nilang mga mundo. Kung mag-usap sila'y aakalaing matagal nang magkaibigan na muling nagkita. Hindi ko naman sinasabing may problema ako roon-pero parang ganoon na nga. Dahil ang dapat na pinag-uusapan namin dito ay ang plano tungkol sa bucket list. Ang bucket list na para kay Quijano sana pero siya itong iba ang inaatupag.

"Nagsama ang dalawang weirdo," bulong-bulong ni Leo patukoy sa maligayang kwentuhan ng dalawa sa harap namin.

Jackie who's sitting on my other side chuckled and just continued eating. Ako nama'y patuloy rin sa pagkain habang maiging nakatingin sa dalawang sinasalamin ng bawat isa ang ngiti. Quijano looked really into their talk and vice versa. I can see how riveted he is with what they're talking about and I can't hold it against him. I'd always been envious with passionate people anyway. Kaya siguro hindi ko mapigilan ang iritasyong nararamdaman ko ngayon.

In the end, hindi na namin nagawang pag-usapan ang mga plano para sa bucket list sa darating na weekend.

Lumingon ako sa nasa tabi kong si Leo nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Naro'n kami sa loob ng bus.

"Ano?"

The dimwit just gave me a lazy shrug with a playful smirk plastered on his lips. Bahagyang kumunot ang noo ko nang muling nagbalik ng tingin sa bintana ng bus, sa waiting shed kung saan naiwang nakatayo si Quijano at Maddie.

Hanggang ngayo'y consumed pa rin ang dalawa sa kung anong pinag-uusapan at hindi ko makuha kung ano ang interesante roon. Hindi ko maintindihan kung paanong ganoon lang kadali para sa kanilang makapagpalagayan ng loob. It's like they have their own language. Weirdo language!

"Seems like someone's growing on you."

Ilang beses akong napakurap sa tinuran ni Leo ngunit hindi ako sumagot at nanatili lang tahimik.

I've been thinking about what happened for way too long and it's not normal anymore.

Nagdaan ang buong weekday nang hindi ko halos nakikita si Quijano bukod sa morning sprint namin at minsan tuwing lunch.

Hanggang sa dumating ang weekend. Jackie had plans, si Reegan naman ay may practice, Leo had plans too. Si Quijano ay hindi ko alam. That's why we decided to schedule our trip for the next weekend.

I was used to staying at home and reading. Kaya't bago para sa akin ang nadamang boredom nang weekend na 'yon. Nasorpresa na lang din ako sa sarili nang napagdesisyonan kong umalis ng bahay. Mom's at work and Allen was out with his friends. At kung bibigyan ko ng dahilan ang sarili, siguro ang pakiramdam na may kaniya-kaniyang buhay ang tao sa paligid ko at tingin ko'y dapat ako rin-ang siyang dahilan kung bakit ako narito ngayon sa Ramen shop.

"Ang baboy mo hoy! Ano ka, peashooter?! 'Wag ka ngang magsalita nang puno ang bibig!"

I caught myself looking at the laughing group on the other table.

I don't mind being alone with myself. At matagal na panahon na akong sanay doon. Pero bakit pakiramdam ko ngayong mag-isa ako ay may kulang?

"Here's your Shoyou ramen, miss."

Bumalik ang tingin ko sa sariling table nang inilapag ng crew doon ang order ko. Ngunit nang may isa pa itong inilapag ay napaangat ako rito ng tingin sa pagtataka.

"I didn't order-"

"It's on the house." Kasabay ng pagngiti niya ang gulat ko nang makilala ko kung sino siya.

"Quijano? Y-you work here?"

Pagkapasada ng daliri sa magulong buhok ay tumango siya sa akin. "Parang gano'n."

"How is that... I mean..." Walang paglagyan ang kalituhan ko nang mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot niyang uniform ng Ramen shop. "You were..."

Natulala ako sa mukha niya hanggang sa maupo siya sa upuang nasa tapat ng table ko. Isinandig niya ang magkabilang braso roon habang maiging nakatingin sa akin, ang ngiti ay hindi kailanman nawala sa mukha.

"I'm what, Arkin?"

I thought he's a rich kid? Why is he working? At bakit ngayon ko lang iyon nalaman?

Kumurap lamang ako at hindi nakasagot. Bahagya siyang yumuko at mahinang natawa sa katahimikan ko.

"Bakit hindi mo kasama si Leo?"

"Bakit kailangang kasama ko si Leo?" balik kong tanong nang makabawi.

He nodded on his end, nakangisi pa rin. "Wala kang kasama?"

Imbes na sagutin ang tanong niya'y wala sa sarili kong dinugtungan iyon ng sariling tanong, "How's Maddie?"

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Si Maddie? Bakit?"

I made a small shrug before picking up the chopsticks and pretending to busy myself. "Did you show her your other works too?"

"She's insistent about it-gusto pa ngang pumunta sa bahay para lang makita niya. But nope, I didn't." Naaninag ko ang paghalumbaba niya.

Nang tumingin ako sa kaniya'y naabutan ko siyang nakatitig sa akin, ang ngisi niya ngayo'y kakaiba na.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. I started eating just so I could think of anything else aside from the small mole on the side of his lips, na ngayon ay nawala na dahil sa pagngiti niya.

"Do you still talk to her?"

"Minsan."

"Does that mean you'll invite her to your house? To show her your other works?"

"Hindi, Rai."

"Bakit?"

"Why are you so interested? Gusto mo bang pumunta sa sikretong lagusan para makita ang iba ko pang gawa?"

Nasamid ako sa tanong niya. Mabilis naman siyang nagsalin ng tubig sa baso para iabot sa akin. A smile was still plastered on his face when I looked up at him to accept the glass of water.

"Kakatapos ko lang sa shift ko no'ng makita kitang pumasok."

"Why are you still here, then?"

Bahagya siyang ngumuso at imbes na sagutin ang tanong ko'y sinabi niyang, "May pupuntahan ka pa ba pagkatapos mo rito?"

Sandali pa muna akong nag-alinlangan bago nagsalita, "Toby's tomb."

Nodding, he let out a sigh. "Can I come with you?"

"O-okay. Sure."

He threw me a knowing look. "I'll show you something first."

"Ano?"

Grinning, he leaned more on the table between us. "You'll see it when we got home."

Sa bahay nila? Anong ipapakita niya sa 'kin do'n? His other art works? 'Di ba ayaw niyang ipakita ang mga gawa niya sa iba? Ni ayaw nga niya noong ipakita sa 'kin ang sketchbook niya kung hindi ko siya napilit.

"Tara?"

Sumunod ako sa kaniya palabas ng Ramen shop nang matapos ako sa pagkain at makapagpalit siya. He was heading on the waiting shed for the bus stop.

Sa pagtataka ay hindi ko na napigilang masabing, "I never see you ride the bus home."

Suksok ang magkabilang kamay sa itim na jeans, lumingon siya sa akin. "May mga part time jobs ako kaya hindi ako umuuwi agad. But I take the bus from time to time. Not with the same instance as you though. Bakit, gusto mo ba 'kong makasabay?"

"Just wondering," pag-iiwas ko ng tingin.

Kumurap ako ng ilang beses matapos. That made sense. Pero nakakapanibago pa rin talagang malaman na nagtatrabaho siya. It's just... out of his character. Dahil bulakbol siya, mukhang iresponsable at puro katuwaan lang ang inaatupag. But I guess, I'm wrong again? And I'm starting to think how much I didn't know about him... and how much I wanted to know more...

Pinauna niya akong sumakay ng bus at maupo. Nang muli itong umandar ay nilingon ko siya sa tabi ko. He looked the same weird boy from the bridge that afternoon but somehow...

Lumingon siyang pabalik sa akin sabay marahang ngumiti nang sinalubong ang tingin ko. "Bakit?"

It was the same chinky eyes blinking back at me. The same messy hair, pale complexion and deep voice. Kitang-kita ko rin ang itim niyang piercing sa kanang tainga at sigurado akong si Quijano siya. At hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naisip pero, he's the same weird kid who had a fetish on stupidly dangerous things. A loud, trouble-maker crazy kid.

I heard him laugh in confusion while staring back at me. Bahagya siyang lumapit sabay bulong, "May mismis ba sa mukha ko?"

"N-no. You just look as weird as always," mabilis kong tugon pagkabitiw ng tingin.

He chuckled then move back. I can still feel him looking at me with the same smile plastered on his face, ngunit pilit ko 'yong binalewala. Katulad nang pagwawala ng kung ano sa sikmura ko. What a weird feeling.

"Wala ka na bang ibang lakad? Part time jobs?"

"Wala na..."

I nodded, eyes directed on the window. Matapos ang ilang sandali kong pagdungaw doon ay dahan-dahan muli akong lumingong pabalik sa kaniya. Tumalon agad ang puso ko nang masalubong ko ang seryoso na niyang mga matang nanatili at tila nakaabang sa paglingon ko.

Slowly, his expression softened as he looked at me calmly. I couldn't look away for some reason.

May hapyaw na ngiting namuo sa mga labi niya makalipas ang ilang sandali naming pagpapalitan ng tingin. Sandali siyang nagbitiw do'n para lang magbuga ng hangin, na animong noon lang siya nakahinga nang maluwag o ano.

Sa nanghihina at namamaos na tinig ay ibinulong niya ito matapos ibalik ang tingin sa akin, "I feel better now."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top