33 - What I've done
[Present]
Awang ang mga labi, matagal siyang tumitig sa mukha ko nang walang sinasabi.
"I... I heard the nurses talk about your sickness and how you only had few years to live. Noon... no'ng hinatid ka namin ni Leo sa infirmary," pagpapatuloy ko.
Hindi pa rin siya umimik. Bahagya akong napasinghap nang maramdaman ko ang kaunting paghigpit ng hawak niya sa pulso ko. Binalewala ko ang kanina pang pagtalon ng puso at muling nagpatuloy.
"I didn't know what to do... natakot ako kaya... iniwasan kita." Biting my lip as I withdrew from our gaze, I tried to squeeze up the courage to say all of these to him.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sapat na lakas ng loob upang sabihin ang lahat sa kaniya. Ngunit kung bibigyan ko ng dahilan ang sarili, iyon ay dahil narito siya... na narito pa siya.
"I've been selfish and coward all my life but you taught me how to be brave and selfless... you taught me how I should seize and live every waking day of my life... not by myself but together with all the people in it."
Dahan-dahan akong yumukod hanggang sa tumalungko ako sa harapan niya. Looking straight on his bloodshot eyes now, I gave him a warm smile despite the ache in my chest.
"I didn't have the chance to say this to you then but... thank you."
Gasping with brow in a creased, he tried to shake his head slowly. Na para bang hindi niya maintindihan ang sinasabi ko o hindi niya iyon makuhang tanggapin.
I reached for his hand on my wrist and gave it a light squeeze.
"Hindi na ako 'yon, Rai... hindi na ako 'yung dating taong nakilala mo noon. Ni hindi ko sigurado kung totoo ba talaga siya."
Ang init na namuo sa sulok ng mga mata ko'y hindi ko napaghandaan. My throat tightened, threatening to choke me. Sinubukan kong lulunin iyon kasama na ng katotohanan: That everything, including us are all meant to change. But it wasn't a bad thing because change has always been a part of the growing process. It's inevitable but that only means we aren't stuck, we are heading on.
Tumango ako nang marahan. "I know... I'm not the same girl I was four years ago too. But hey... that's perfectly okay..."
"Hindi ko na rin... hindi ko na rin kayang gumuhit."
I held my breath when his heavy eyes landed on mine again. "Anong ibig mong sabihin?"
Unti-unti niyang binitiwan ang pulso ko at inilahad ang magkabilang palad sa pagitan namin. "I lost that ability because of what happened that night, four years ago."
Gulong-gulo sa narinig, wala akong nasabi at nagawa kundi ang manatiling nakatingin sa kaniya sa namimilog na mga mata. What does he mean he lost it? Paano?
"It's not a curse... it's a cost I should pay from my actions. At siguro nga tamang kabayaran lang ito para sa akin at sa ginawa ko."
Natulala ako sa palad niyang bahagyang nanginginig at wala sa sariling hinawakan iyon, na animong isang babasaging bagay na ano mang oras ay maaaring masira.
"No..." Umiiling, ramdam ko ang tuluyang pagtulo ng luha sa nanlalamig kong pisngi. "How could that... no..."
That's his passion, his life. That's what he was made of. So how come it's gone? How come he lost it? I don't understand.
"You need more drink," boses iyon ni Leo na sinundan ng muli niyang pag-upo sa kabila nitong banda.
Isang lingon at naabutan kong may bago na naman siyang boteng hawak bukod sa isa pang boteng inilapag niya sa lamesa. Nanlulumo, marahan akong tumayo at walang nagawa kundi ang maupo na lang din, natutulala at hindi pa rin maiproseso ang nalaman. Mabigat ang pagbuga ko ng hangin dahil sa paulit-ulit na paninikip ng dibdib.
Here we are going after our dreams, not knowing he lost his a long time ago. I couldn't even begin to express how devastating that might have been. Dahil para sa akin ay masakit na iyon, ano pa kaya para sa kaniya?
"Sucks when you love something with your life and then all of a sudden, it's taken away from you," walang emosyong turan ni Leo matapos uminom sa sariling bote.
Walang salitang inabot nito ang bagong bote ng beer mula sa lamesa at tuloy-tuloy na pinadaan sa lalamunan. He was emotionless but I could see the bitterness and pain he'd been trying to hold and set aside for so long. No wonder the lights that used to be in his eyes aren't there anymore. Because he lost a part of him that cannot be replaced.
"I fucked up," aniya sa mahinang tinig na sinundan nang isang mapait na tawa. "Sinubukan ko ulit pero... wala na. Hindi ko na kaya tulad ng dati... Nasa linya pa rin ako ng art pero unti-unti... pakiramdam ko para ko na lang pinaparusahan ang sarili ko sa pagpapatuloy. Kaya lang mahal ko eh-mahal ko pa rin.
"Siguro... may mga bagay talaga sa buhay nating hindi natin alam na nand'yan sa matagal na panahon. Mga bagay na mahal natin at mahal din tayong pabalik-sa piling punto. Pero tingin ko tapos na ang sa akin. I can no longer be good at it no matter how much I love it... because it no longer loves me back."
And that changes the way we are. Katulad ng isang kabanata ng isang libro kung saan kailangan mo na iyong iwan at palayain upang magtungo sa panibagong yugto. Some versions of ourselves we need to leave behind in order to move forward and be another version, hopefully a wiser if not a better one.
But accepting how we could never be the same as we used to be took a certain amount of strength. Because letting go was never easy. Most especially when we think that that version of ourselves was the best that we're going to be; like there wasn't going be a version of ourselves that could ever surpass or even amount to that no matter how hard we try. But there wasn't any way out but to let go. And so we should.
Ang antok ay isinantabi ko para lang samahan sila sa seryosong pag-uusap doon. Hindi ko na napansin kung anong oras sila natapos. Bagsak na ito nang inalalayan nang pabagsak na ring si Leo sa loob. Sa huli ay pareho silang inabutan ng kalasingan sa sala. Hindi ko naman sila kayang buhatin at ayaw ko na ring istorbohin pa si Allen. Kaya't matapos parehong lagyan ng mga kumot ay hinayaan ko na lamang silang dalawa ro'n.
Tulog pa si Jackie pagkabangon ko kinaumagahan. Naabutan ko naman ang dalawa sa baba na parehong tulala. Magkatapatan itong nakaupo sa sofa at nasa kawalan ang mga tingin, gulong-gulo ang mga buhok at animong mga walang muwang habang kumukurap.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa. Kaya't hindi na ako nagtanong nang sinabay ko sila nang nagtimpla ako ng kape. Nang inilapag ko iyon sa mini table ay saka lamang gumalaw ang dalawa, na tila ba noon lang sila natauhan at nagbalik sa mundong ibabaw.
"Good morning. Hangover?" Nagsalit sa dalawa ang tingin ko. Tanging ngiwi lamang ang nakuha kong sagot sa mga ito.
Napapailing akong nagtungo pabalik sa kusina para lang kumuha ng gamot sa medicine box. I remembered our one night trip on the abandoned amusement park; Kung paanong kasiyahan ang hanap nila kaya umiinom at kung paanong nagbago na ang dahilan niyon ngayon. Good old times.
"O mga lasinggero. Inumin n'yo 'to nang umayos ang pakiramdam n'yo." Pagkalapag ng gamot sa lamesa ay lumipad ang mga mata ko sa main door. Someone's ringing the doorbell.
Nagtatanong ang mga mata kong sinalubong ng tingin ang taong nadatnan doon. "Uh... yes?"
"Hi!" anitong may kasamang kaway at malaking ngiti. "Is Cj here?"
Kumukunot ang noo, inabot pa ako ng ilang sandali bago ko tuluyang mamukhaan kung sino ito. Agad namilog ang mga mata ko.
"Maddie?"
"Akala ko hindi mo na ako makikilala!" sa parehong maligayang tinig niyang untag. Sabay ipit nang mahabang buhok sa likod ng tainga.
Inawang ko ang mga labi ngunit walang salitang kumawala roon. Tumangkad siya magmula nang huling beses ko siyang nakita. Well, that was four years ago. Gano'n pa rin ang tawag niya sa taong 'yon. At... mukhang matagal na silang magkasama. Have they been together for the last four years?
My stomach tightened.
I wonder if they're dating now... hindi naman na bata si Maddie... so they... probably are.
"Rai? Is he here? Hindi kasi siya umuwi. He said he'd be here yesterday so I'm hoping he's here."
Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Naguguluhan man sa narinig ay nagawa ko pa ring tumango. "Ah... oo, nandito siya. Pasok ka."
She smiled bubbly. "Okay."
They're living together? Are they married?
May walang pasubaling pumiga ng puso ko sa naisip. Kung magkasama nga sila sa nakalipas na apat na taon, hindi malabong... kasal na nga ba sila? Isn't it too early to marry? Pero wala namang... problema ro'n 'di ba? Pareho na naman silang nasa legal na edad...
"Cj!"
Muntik nang matapon ang kasalukuyang kapeng iniinom ng tinawag niya. Pagkaangat ng tingin ay agad namilog ang mga mata nito sa nakita.
"Maddie? Anong ginagawa mo rito?"
"Maddie?" Kumunot ang noo ni Leo. "The Mad kid?"
"Bakit hindi ka umuwi kagabi? I was worried sick about you! Hindi ka man lang nag-text?" Nakasimangot itong humalukipkip.
"Nawala sa isip ko," anito sabay alanganing sulyap sa akin. "H-halika na. Uwi na tayo."
Oh. They're really living together?
Dali-dali itong tumayo at lumapit kay Maddie, seryoso at halos wala pa ring emosyon habang bahagyang nakayuko.
"Marami kang ininom kaya hindi ka nakauwi 'no?" patuloy nito, mukhang walang planong ipagpaliban ang usapan.
Pagkasapo sa magkabila nitong balikat ay dire-diretso na itong iginiya ng taong sinadya patungo sa main door. Buong sandali namang nasa dalawa ang atensyon ko nang lumingon ang taong 'yon sandali sa akin.
"Una na kami. Salamat. Pasensya na rin sa istorbo." Sabay sulyap at tango sa taong naiwan sa sofa. "Leo."
"Cj, I'm asking you!" Nakatingala nitong nilingon ang taong nasa likod.
Gumalaw nang bahagya ang panga nito bago patuloy na kinayag si Maddie paalis. "Sa bahay na tayo mag-usap."
"Hmp!"
Isang bahaw na ngiti ang iginawad nito sa akin bago tuluyang lumabas ng main door kasama si Maddie. Natahimik ang buong bahay nang mawala ang dalawa.
Leo scoffed then. "All this time he's with that kid? At tama ba ang pagkakaintindi ko? They're living together?"
Hindi ako nakapagsalita dahil maging ako'y hindi alam ang sasabihin. Or if it's even relevant to say because it already looked like the case. At tulad nang sinabi ko, ayos lang iyon...
"Rai."
Pinilit kong ngumiti bago bumaling kay Leo. "Hindi ka pa rin ba papasok?" pag-iiba ko na lamang ng usapan.
Sa parehong blangkong ekspresyon ay nagtagal ang tingin niya sa akin at hindi pa muna nagsalita.
"What, Leo?" I pressed with a scoff. Sinubukan kong abalahin ang sarili sa paglapit at pagsinop ng kapeng hindi na nito naubos.
"Do you think they're together?" seryoso niya iyong tinanong habang nananatiling nakatitig sa akin na para bang importante iyon.
Holding the hot mug still full of coffee, I gave him a small shrug. "Does it matter? He can do whatever he wants, it's his life..."
"At ayos lang sa 'yo?"
"I'm his friend... kung do'n siya masaya-"
"I'm not asking about what he feels. Ang tanong ko ay kung ayos lang ba 'yon sa 'yo?"
Bumagsak ang mga balikat ko kasabay nang paglaho nang pinipeke kong ngiti. Ibinalik ko ang mug sa mini table at naupo na lang sa couch bilang pagsuko. I hung my head low and stared at my fingers then.
"Ni hindi ko inakalang makikita ko pa siya ulit... I tried to move forward with my life knowing he's gone. At ngayong narito siya, wala akong ibang gusto para sa kaniya kundi ang maging masaya. At ayaw kong maging selfish, Leo."
"You think he's happy right now?"
In all honesty, "I don't know..." At sino ba ako para manghimasok pa? If Maddie and he are together now, then...
Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntonghininga. "Let me ask you one thing."
Hinintay ko ang dugtong niya at hindi nagsalita sa nagdaang panandaliang katahimikan.
"What do you really feel about him? Was it all just out of your regrets from what happened in the past? Or is it something else?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top