30 - Beautiful scars


Magkakasunod na stand ng street food ang tinungo naming kainan. Ang kahabaan nang hilera niyon ay naro'n sa gilid ng isang park. Tulong ang mga lamppost at mga nakabiting maliliit na bumbilya upang bigyang liwanag ang lugar.

Reegan was the one who suggested the place. Dahil karamihan sa mga pagkaing naroon ay hindi pamilyar sa amin.

"Try exotic food you've never tried," pag-uulit na deklara ni Jackie para sa pangalawang nabunot niya kaninang umaga.

Mabagal ang lakad naming lima habang inuusisa kung ano-anu ang mga nasa stand. Pag may humintong isa ay humihinto rin kaming lahat. Sasabihin ang isang order para sa bawat isa at sabay-sabay na kakainin iyon.

"Is this a fvcking frog?"

Muntik na akong naduwal matapos tikman ang nakatuhog sa stick dahil sa sinabi ni Leo.

"Ewww!" Tinapon agad ni Jackie ang sariling stick sa natanto.

"Lasang fried chicken! Yum!" Bumungisngis si Quijano matapos maganang inubos ang kaniya.

Nakuha pang mag-high five ni Reegan pati nang huli habang nagtatawanan. Samantalang ako'y namumutlang napatingin na lang sa kawawang hita ng palakang nakatuhog sa sariling stick.

May mga pamilyar akong nakikitang street food doon ngunit karamihan ay dinaraanan lang namin.

"Rai, o." Nakangiting inabot sa akin ni Quijano ang isang stick.

Tatanggapin ko na sana iyon ngunit mahina akong napatili at napatalon palayo sa nakita. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa kilabot na mabilis gumapang sa buo kong katawan. Halos malimutan ko kung anong ginagawa namin dito nang manigas ako sa kinatatayuan matapos.

"Bakit?"

Napaatras talaga ako nang humakbang palapit sa akin si Quijano habang hawak pa rin ang stick.

Pagtataka ang gumihit sa bahagyang namimilog niyang mata. "Rai?"

Nang muli siyang humakbang ay halos magtago na ako sa likod ni Jackie. "What is it?" Sumulyap sa akin ang huli sunod kay Quijano.

Leo chuckled. "Takot sa daga 'yan."

"Eh?" Nagpabalik-balik ang tingin ni Quijano mula sa hawak na stick at sa namumutla sa takot kong ekspresyon.

"Daga 'yan?" ngiwi ni Jackie.

"Isang kagat lang, Rai," tuya ni Reegan sabay tawa.

Matapos tumango ay balewalang kinain ni Quijano ang para sana sa akin.

I had to look away at the sight. Muli akong dinalaw ng kilabot. I wasn't sure if I was disgusted or scared with rats but one thing I was sure of is that I really hate it.

"Next stop!" anunsyo ni Reegan.

"I think we should take a break and try some normal ones," suhestyon ni Leo sabay sulyap sa akin. "Baka may mahimatay dito."

"He's right! Maya-maya rin masusuka na 'ko!" sang-ayon naman ni Jackie bago kumapit sa braso ko.

"Okay. Walang problema!"

"Ayos ka lang? Naduduwal ka na? Gusto mo ng plastic? Katinko? White flower? Candy?" Nasulyapan ko ang sumabay nang paglakad sa kabila kong gilid. Si Quijano, nakabaling sa akin at bahagyang nakangisi.

Pahapyaw akong natawa. Baliw. "Nasa byahe ba tayo?"

"Takot ka pala sa daga?" Kunot-noo, lumaki ang ngisi niya. "Bakit?"

"Tinatanong pa ba 'yon? It's disgusting!" sabat ni Jackie mula sa kabilang gilid ko.

"Ang cute kaya no'n. Malalaki mata tsaka malalambot!" Bumungisngis si Quijano matapos mag-gesture ng kung anong pinipiga sa palad.

Mahina akong natawa kahit nag-uumpisa na namang kilabutan sa mga naiisip. "I found a dead rat on our drawer when I was a kid. Kaya mula no'n kinikilabutan na 'ko 'pag nakakakita ako kahit buhay pa."

Sabay na tumango nang mabagal ang dalawa. Napabuga naman akong muli nang mabigat na buntonghininga.

"Who wants some Betamax, kids?" ani Reegan mula sa likod namin.

Huminto kami sa isang stand at nanginain ng mga normal na street food.

"Kwek-kwek with a surprise?" ani Quijano galing sa kabilang stand, sabay isa-isa kaming inabutan noon.

"With a surprise?" litong ani Jackie habang inoobserbahan ang itlog na may kulay orange na balot.

"Bite and see!" tanging ngisi nito bilang tugon saka naunang kumain.

Sumunod naman ang iba at inumpisahan na rin ang pagkain. Ako ang pinakahuling kumagat ng sa akin dahil sa pag-aalangan.

"Parang hindi na nakakatuwa 'tong ginagawa natin," kumento ko nang makita kung ano ang surprise na tinutukoy ng weirdo.

"Takot ka rin ba sa sisiw?" bahagya siyang yumuko sa akin pagkabulong nito, ngumunguya pa.

Umiling lamang ako habang patuloy sa pagkain. Ngayon ang unang beses kong makakain niyon pero ayos naman. Iyon ay kung hindi ko lang titignan anong kinakain ko. Kaya, "'Wag mo nang ipaalala anong nasa loob ng itlog," bahagya rin akong lumapit sa kaniya nang ibinulong ko ito pabalik.

Bumungisngis lamang siya sa akin at saka nagpatuloy sa pagkain.

"Balut 'yon?" manghang tumawa si Reegan na siyang tinanguan nang kumakain at walang ekspresyong si Leo.

"Oh my, God! Ayaw ko na talaga," iyak ni Jakie matapos idura ang nakain.

"Ang arte talaga nito! Akina na nga 'yan ako na lang kakain! Ang dami mo nang tinapon mula kanina. Nagsasayang ka!" Natatawang kinuha ni Reegan ang kay Jackie at bukal sa loob naman itong binigay ng huli.

"I've made up my mind. This is the worst thing listed on the bucket list!" anunsiya pa nito.

"Worst agad? Kakasimula pa nga lang natin! Antayin mo may mas malala pa," ani Quijano sabay parang demonyong batang tumawa.

"I hate you."

Busog na busog na ako nang maubos ko iyon. Si Jackie ay ayaw nang kumain dahil tuluyan nang nawalan ng gana. Samantalang ang tatlo ay patuloy pa rin sa pagtikim ng kung ano-anu roon. Parang mga walang kabusugan.

"Tubig?"

Nakaupo kami ni Jackie sa bench nang inabutan kami ni Quijano ng tig-isang nagyeyelo sa lamig na mineral water.

"Thank you!" si Jackie bago sinimulang inumin iyon.

Tanging ngiti ang isinukli ko sa nag-abot niyon. It's too cold to drink.

"'Di ka nauuhaw?" puna ni Quijano nang mapansin ang bahagya kong pagtabi sa bote ng mineral. Naroon na siyang nakaupo sa kabilang gilid ko sa bench, katatapos lang uminom sa sariling tubig.

"Uh-" Bago pa man ako makasagot ay hinablot na ni Leo ang bote mula sa gilid ko. Walang kagatol-gatol niya itong binuksan at inumpisahang inumin sa harap namin.

"Huy kay Rai 'yan!" sita ni Jackie rito.

"Oh? Here's mine then." Balewalang inabot sa akin ni Leo ang bote niya.

Bahagya akong ngumiti nang tinanggap iyon at napansing sealed pa at tama lang ang lamig. "Thanks."

Matapos tumango ay naupo si Leo sa kabilang bench kahilera ng inuupuan namin ni Jackie, kasama niya roon si Reegan. We watched the people pacing here and there, checking the stand of street foods in front of us as we sat on the benches.

Habang umiinom ay ramdam ko ang pagkakatagal ng tingin sa akin ng taong nasa kabilang gilid ko. Ngunit nang sinulyapan ko ito'y mabilis namang nagbitiw ng tingin.

Hm?

Nang hindi na ako nakatingin ay muli kong napansin ang tingin niya. Bahagya akong natawa nang walang lingon akong nagsalita. "Ano?"

Rinig ko ang mahinang tawa rin niya. "Wala."

Nilingon ko na. Muli lamang siyang nag-iwas ng tingin. Habang nakatanaw sa kawalan ay napahagod siyang pasuklay ng buhok pataas mula sa noo. Mas lalong gumulo ang may kahabaan niyang buhok dahil sa ginawa. Pasimple siyang sumulyap sa akin matapos at natawa nang maabutan akong mariing nakatingin sa kaniya. With arms both propped on his legs, he slightly hung his head low to look at his clasped fingers.

"Ano nga?" ulit ko.

Umiling siya nang may bahid ng alanganing ngisi sa labi, nanatili ang tingin sa mga darili. "Wala naman. Pansin ko lang... close talaga kayo ni Leo 'no?" He laughed under his breath awkwardly. "Parang... lahat ng bagay tungkol sa 'yo alam niya."

Bahagyang kumunot ang noo ko kahit natatawa nang kaunti. "Of course. We grew up together."

"Tama naman." Tumango siya nang paulit-ulit at nagbuntonghininga bago tuluyang ipinaling sa akin ang tingin.

My eyes were on him the whole time when our gaze met. Nang nagkatitigan kami ay may kung anong naroon sa mga mata niyang hindi ko mabasa. Dahilan nang pagpawi ng ngiti ko.

Nagbalik sa akin ang nakangiting mukha niya kanina sa train habang kumakantang nakatitig sa akin; dahil sa kabang muling nabuhay sa dibdib ko ngayon.

Para saan 'yon?

Bawat paglipas ng segundong nagpapalitan kami ng tingin ay tila ba nagbabago siya sa paningin ko. Nang sumakay kami ng train pauwi ay ramdam ko pa rin ang kakaibang kalabog ng dibdib, lalo na tuwing malilingunan ko siya. Hindi ko naintindihan kung para saan ang kaba kong iyon.

Si Quijano lang naman 'to. A weird, crazy kid. Kaya bakit kailangan kong kabahan nang ganito dahil lang sa kaniya?

Abala ako sa pag-iling at pagkumbinsi sa sariling balewalain ang mga iyon, nang mapasinghap ako dahil sa biglang pagliko ng train. Muntikan na akong sumubsob kung wala lang nakasalo sa akin.

"Ayos ka lang?" aniya sa namamalat na boses habang sapo ang isang braso ko.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya't magtama ang mga mata namin ay animong may bombang sumabog sa dibdib ko. That familiar chinky eyes behind his messy hair was looking down at me but somehow... I didn't think it was the same pair of eyes I was acquainted of.

"Rai?"

I jumped out of his hold as my mind drifted back to reality.

"Hawak ka kaya sa 'kin? Baka gumulong ka papunta sa dulo nitong train."

"It's-I'm okay," mabilis kong iling.

He was standing in front of me as I pressed my back on the train's wall. Yakap ko ang sariling bag at ramdam ko ang namuong init sa pisngi. Gayunpama'y lakas loob pa rin akong sumulyap nang dahan-dahan sa kaniya. I caught him staring but as soon as he saw me looking, he withdrew his gaze.

Bumuntonghininga siya at dumungaw na lamang sa bintana ng train na malapit sa gilid ko. Katulad kanina'y bahagyang nakataas ang isa niyang brasong nakahawak sa straphanger, ang kabila'y nakahawak sa strap ng bag na nasa balikat. His eyes looked sleepy and tired but he didn't look pale, so I guess he's fine. I just hope that the rest of the things we're about to do won't took a toll on his condition.

"Today's fun," may bahid ng ngiti niyang anas, ang tingin ay nanatili sa bintana. Nang lumingon siya sa akin ay dahan-dahan ko lamang siyang sinuklian ng ngiti.

We stared at each other like that for a few moments. Hanggang sa muli na namang lumiko ang train at halos masubsob ako sa kaniya.

Chuckling under his breath as he prevented my yet another fall, he said, "Humawak ka na."

Cheeks burning in shame as I stifle a laugh, I nodded and did what I was told. Hahawak sana ako sa metal pole ng upuan ngunit marami nang kamay ang naro'n. Bukod naman sa masyadong mataas ay wala na ring bakanteng strap hanger nang tiningala ko iyon.

He then tapped his arm, the one holding onto the strap hanger.

Nag-aalangan, ilang beses pa akong sumulyap sa kaniya bago dahan-dahang humawak doon. My eyes were then almost levelled on his chin, giving me a vivid and a closer look at the small mole on the side of his lips. Nawala iyon bigla kaya't mabilis akong napaangat ng tingin sa mata niya. Only to be welcomed by his chinky eyes, as he stared down at me with a calm smile across his face.

Slowly becoming oblivious with all the people around, we held gaze.

I couldn't help but be reminded of the days when he bugged me about my resent towards Toby. When he waited and let me open up to him... and when he helped me acknowledged my own feelings about Toby and his death.

Siya ang nagturo sa akin kung paano harapin ang mga takot at pangamba ko... kung paano ang maging matapang sa kabila ng kaduwagan ko. Siya rin ang nagpaalala sa akin na ang lahat ng ito at lahat ng bagay ay hindi permanente... pero wala sa tagal ang halaga niyon kundi nasa bawat sandali.

Nang dumating ang weekend ay pinagpaliban muna namin ang paggawa ng alinman sa bucket list dahil may kaniya-kaniyang lakad sila. That's why I spent the weekend reading in silence inside my room. Ngunit maya't-mayang bumabalik at nagdaraan sa isip ko ang mga nangyari nang nakaraang araw. Lahat ng iyon ay paulit-ulit kong naiisip kaya't hindi ako gaanong nakapag-focus sa pagbabasa.

I always caught myself smiling in space at random times. At malapit ko nang isiping nababaliw na ako.

Sunday nang tumunog ang phone ko para sa mga message notifications. Noon ko lang nakita na gumawa ng group chat si Jackie.

Bucketlisters

Jackie:

Hi guysss so I kinda made a gc for our trips hehe

Reegan:

Nice Jackiechan

Jackie:

U tryna diss me, Gan?

Reegan:

Ha?

Hala

Clint:

Hahahahahaha nays

Leo:

Mukhang kinulang sa brain cells nag-isip ng pangalan ah

Reegan:

#Leoistherealbully @Jackie

Jackie:

Cute kaya! Bucketlisters! Bakit may naiisip ka bang mas maganda? Any suggestions?

Clint:

Mga batang hamogs

Hahahaha

Jackie:

Ikaw lang ang batang hamog dito @Clint

Clint:

Si @Reegan ang original katropa ng mga kilala kong batang hamog

Nirecruit lang niya ko hahahahha

Reegan:

@Clint isang sachet pa?

Leo:

Clear up your scheds for next weekend so we could do other things on the list that can't be done at school

Clint:

Noted boss

Reegan:

Noted boss

Jackie:

Someone's really into this @Leo

This is so not like you. Nakakapanibago ka na

Reegan:

Akala ko ako lang ang nakakapansin haha

Dahil ba kay @Rai?

Sabi ko na nga ba hahaha

Jackie:

Hoy @Leo!! Umamin ka, yung totoo nakakahalata na rin ako! Hahahaha

Clint:

Hahahahaha

Leo:

Dami niyong alam

Lalo ka na @Reegan

Reegan:

Marami talaga, pre

Lalo na yung mga sikreto mo

Hehehe

Jackie:

@Rai pakigalaw ang baso

Spill the tea, Gan!!

Hahahahaha

Leo:

Gago @Reegan

Reegan:

Hahahahahahahaha

Ayawan na napikon na si bosing

Rai:

Nakapag-review na ba kayo?

Reegan:

Para saan?

Jackie:

Yep. Konting recap na lang hehe

@Reegan midterm. Don't tell me wala ka pang nare-review?

Reegan:

May pratice kami nakalimutan ko!!

Shiiiit

Ibinaba ko ang phone at muli na lamang nagpatuloy sa pagbabasa. They didn't know why we're doing this aside for me and Leo. Naisip ko tuloy kung matutuwa pa rin kaya sila kung malalaman nila ang totoong dahilan ng mga 'to...

Tumunog ang phone ko para sa isang message notification. Unregistered number iyon.

Unknown number:

Busy ka?

Aktong magtitipa pa lang sana ako ng reply para magtanong kung sino iyon nang muli akong maka-receive ng panibagong text.

Unknown number:

Clint pala to

Daan ako sa inyo kung pwede

Saglit lang

Naisara ko kaagad ang librong binabasa dahil sa biglang tarantang nadama.

Dadaan siya rito? Bakit? Ngayon na?

Halos matawa ako sa sarili nang manginig-nginig akong nagtipa ng reply.

You:

Pwede naman

Unknown number:

Malapit lang ako sa block niyo

Mga ilang minuto andyan na ko

You:

Antayin kita sa baba

Unknown number:

Okay

Mabilisan ang ginawa kong pagsuklay at pagtingin saglit sa salamin bago bumaba. Doon ako sa balcony nag-antay para hindi na siya kumatok pa.

Hindi ako mapakali buong sandaling nakaupo ako roon at nakatanaw sa papalubog nang araw. Naalala ko na naman ang mga nangyari nitong nakaraan na animong sirang plaka iyong nagpapaulit-ulit sa utak ko. Natigil lang ako sa pag-iisip nang matanaw ko ang pagtigil ng bike ni Quijano sa tapat ng gate. Tumayo ako agad at lumapit doon.

"Nakakaistorbo ba 'ko?" He smiled sheepishly as he got off his bike.

Mabilis akong umiling at bahagyang ngumiti. "Hindi. Nag...babasa lang naman ako."

Mabagal siyang tumango at saka binuksan ang dalang bag. May inilabas siyang folder at iniabot sa akin.

Tinanggap ko iyon nang may pagtatanong sa mga mata.

He smiled. "Kakatapos ko lang kanina kaya naisip kong idaan na lang din dito sa inyo."

Nagsasalita siya nang binuklat ko ang hawak na folder. Nahigit ko agad ang hininga sa pagkamangha dahil sa nakita.

"Wow," anas kong may halong mahinang tawa sa kawalan nang masabing salita. "Is this... is this really me?"

On it was the portrait of mine drawn by him. Buhay na buhay iyon lalo sa mga kulay na idinagdag niya. It looked almost realistic, like a picture out of a film. Mula sa kulay ng mga mata, balat at hanggang sa bawat hibla ng buhok. Kitang-kita ang busisi at pag-iingat sa bawat detalye niyon. It's so beautiful. I wonder how much time and effort he put in it.

"Hindi mo ba kamukha?" Mahina siyang natawa.

Nasapo ko ng palad ang nakaawang na mga labi habang nakatunghay pa rin sa gawa niya. "Sigurado ka bang kailangan mo pang mag-practice ng lagay na 'to?"

Pagkaangat kong muli ng tingin sa kaniya't siyang pagtama ng mga mata namin ay sabay kaming natawa.

"Binobola mo na ba 'ko n'yan?" Itinagilid niya nang kaunti ang ulo at napakamot sa gilid niyon.

Umiling na lamang ako at mas lalong napangiti kahit bahagyang napapakunot-noo. "Pwede mo namang ibigay bukas sa school. Nag-abala ka pa?"

"Dinaan ko na, malapit lang din naman ako kanina..."

Nagtagal pa ang tingin ko sa kaniya. "Thank you."

His expression softened as he stared back at me. "No... I should be the one thanking you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top