29 - Iridescent
[Present]
"Congratulations, doc!"
"Congratulations, Rai!"
Sabay iyong binungad ni Jackie at Reegan pagkabukas ko ng main door. Natatawa kong tinanggap ang bouquet ng yellow at orange roses na inabot ng huli.
I'm not a doctor yet but, "Thank you."
Bahagya kong sinilip ang likuran nila para sa isa pang taong inimbita ngunit wala akong nakita.
"Isasabay na sana namin si Clint, kaya lang may daraanan pa yata siya kaya 'di na sumabay," paliwanag ni Reegan nang napansin ang pagtingin-tingin ko.
Smiling as I nodded, I lead them inside.
"Hello, Tita!" after exchanging their greetings and a little chitchat, we all settled on our seats.
Patuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan nang marinig ko ang doorbell, makalipas ang ilang sandali. I stood up and went to open the door.
"Hey." Mula sa seryosong at halos madilim na ekspresyon ay ngumiti ito sa akin. At katulad ng dati, animong iba siyang tao tuwing ganoon.
I shivered when I remembered from whom he got that brooding expression, years ago.
"Hi." I tried to smile back despite the churning in my stomach.
"Sorry medyo na-late."
"Okay lang. Uh... thank you. Pasok ka." Tinanggap ko ang iniabot niyang pahabang paperbag. Isang bote ng wine ang laman noon nang sinilip ko.
"Kuya Clint?!" si Allen.
Buong sandaling nag-uusap sila habang kumakain ay tahimik lamang akong pasulyap-sulyap sa kaniya. Halos makabisa ko na ang bawat kurap ng mga mata niya at kung paano siyang huminga, ngunit hindi pa rin ako masanay-sanay.
We talked casually back at Toby's house even though it was kinda awkward. He was smiling then but there's certainly something different about it. Right now, he isn't smiling. And even if he does, his expression remained distant and dark. Para bang may malalim palaging iniisip. Parang walang panahon sa mga kalokohan. At parang... ibang tao. Because the weird boy I knew isn't like this. That one's crazy while this guy...
Muntik na akong mabulunan ng sariling laway nang bigla itong lumingon sa akin. I was caught red-handed gawking at him like a creep. Ang init na namuo sa pisngi ay hindi ko napaghandaan. I couldn't even drew out a smile now that his piercing eyes are looking straight into mine.
Gusto kong magbitiw ng tingin at magpanggap na inosente ngunit sa kung anong dahilan ay hindi ko magawa. Kaya't sa huli ay sinuklian ko lamang din ng parehong intensidad ang mga titig niya, mula sa kabilang banda ng abalang lamesa.
Nang matapos ang dinner ay lumipat kami sa balcony para doon uminom. I'm not really into alcohol but I learned to drink after a while, dahil na rin sa pakikisama noon sa mga block mates ko nang college.
Bitbit ang ilang bote ng beer, patungo na sana ako sa labas nang may mahagip ako ng tingin. Natigilan agad ako sa paglalakad at sandali pang nakipagtalo sa sarili. Sa huli ay nagdiretso ako sa balcony para ilapag doon ang mga dala bago bumalik sa loob at lapitan siya.
He was standing on the hallway, facing the picture frames on the wall-his expression unreadable. Ang isang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng suot na pants at ang isa nama'y may hawak na bote ng beer.
"Tinabi mo pala 'to," aniya sa mababa at walang emosyong tinig.
My eyes landed on the seventeen year old portrait of mine on a frame, hanging by the wall. He drew that one, years ago. Naalala ko tuloy kung paano niya ako kinulit noon para lang gawin iyon.
"I treasured it." A faint smile made its way to curve on my lips. "Siguro... marami ka nang art works ngayon. I'm no art genius but for me, this one's a masterpiece." A pause. "Are you... happy teaching art? Ayaw mo ba talagang magtayo ng art gallery tulad nang sinabi ni Jackie? I bet you have your fair share of wonderful works now, considering how good you are during our high school years."
Mula sa pagtingin ng portrait ay nalipat ang tingin ko sa kaniya nang manatili siyang tahimik.
"Tingin mo?" The same blank expression on his face didn't change.
Naglaho ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya. Naroon ang mga mata niya sa portrait ngunit animong nakatingin siya sa wala, na para bang wala siyang anumang nakikita sa harap niya. It was as if he was looking in a non-existent faraway land.
Binalot nang lamig ang sikmura ko dahil sa hungkag na ekspresyong nakita sa mga mata niya.
Who is this guy?
"Guys! Tara kayo rito!" Nahugot ako pabalik sa reyalidad dahil sa tawag ni Reegan mula sa main door.
"W-we should join them," tanging nasabi ko bago nagbitiw ng tingin sa kaniya para magtungo na sa labas.
Pinalibutan naming lima ang mini table. Maingay na sila nang nakailang bote na kami. Ngunit ang taong 'yon ay nanatiling tahimik at seryoso ang ekspresyon. I'm not even sure if the alcohol had an effect on him.
"Remember when we sing on the train? That was hilarious!" ani Jackie mula sa tabi ko, bahagya nang namumula.
"Alin, 'di ba napiyok ka no'n?" pangisi-ngising asar ni Reegan na naro'n sa tapat namin, sa tabi ng taong 'yon, mukhang may tama na rin ang isang ito dahil medyo mapungay na ang mga mata.
Mayabang na itinuro ni Jackie ang sarili. "Ako? Napiyok? Hah! Matanda ka na talaga, Gan! You don't remember things the way it was! Ang ganda kaya ng boses ko kaya ang daming sumabay sa pagkanta natin noon!"
Malakas ang naging tawa ni Reegan. "Ah talaga ba? Ang alam ko kasi sa kung fu magaling si Jackie Chan!"
"Boo! Panis na 'yang joke na 'yan!" si Jackie habang nagtatapon ng kung ano sa ere sabay thumbs down.
Leo and Reegan laughed together. Ang taong 'yon naman ay nanatili lamang blangko ang ekspresyon. He's here but his mind seemed to be in a faraway land.
Ngumiti ako matapos uminom sa sariling bote. For some reason, I couldn't taste it while listening to them talk about the past.
"Favourite thing that we did on the bucket list?" si Leo'ng nag-iisa sa upuan ang nagtanong para sa bawat isa sa amin.
"Hmn... oh! Probably the singing mob on the train," si Jackie ang pinakaunang sumagot.
"Ako... siguro 'yung roadtrip!" Reegan grinned.
Nagkibit-balikat si Leo matapos uminom sa bote niya. "I like the consecutive roller coaster ride."
Maingay na dumaing si Jackie at Reegan sa tinuran ng huli. Ako nama'y bahagya nang natawa habang umiiling.
"You liked that?" Hindi makapaniwalang ani Reegan sa namimilog na mga mata. May diskumpyado pang tinging ipinukol kay Leo.
"Ikaw, Rai?"
Flashing a small smile, I managed to say, "Watching the sunrise... I like that part even though it's kinda dangerous."
Nagtawanan sila at agad na sumang-ayon. "I like that part too! Grabe, super ganda ng sunrise ro'n!"
"Clint, pare are you with us?" kuha ni Reegan sa atensyon nito sabay pitik ng mga daliri.
"May tama na yata ako." With the same blank expression, he chuckled under his breath.
"Ang tahimik mo namang may tama?! Parang hindi ka naman gan'yan magkatama noon?" si Reegan muli, bawat pangungusap ay may sumasalit na tawa.
"So what's your favourite?" si Jackie ang nagtanong ngunit lahat kami ay hinintay ang sagot nito.
His eyes remained on the bottle he's holding when a bitter smile painted his blank expression. "Lahat... lahat ng 'yon paborito ko."
Umalingawngaw ang katahimikan matapos naming marinig ang sinabi niya. We all gaped at him like he suddenly change his appearance or transformed into something we couldn't recognize.
"Fair enough." Humalakhak si Leo bilang pagbasag sa katahimikan. "Dahil para naman talaga 'yon sa 'yo."
Mula sa pagtitig sa hawak na bote ay nag-angat ito ng tingin sa huli, ang kaunting gulat ay nagdaan sa blangkong ekspresyon.
"Anong ibig mong sabihing para sa 'kin?"
Sumulyap sa akin si Leo at makahulugang ngumisi. "She did it for you."
Sabay-sabay na bumagsak sa akin ang mga mata nilang apat. Natitigilan ko namang sinuklian ang mga ito ng tingin at mapait na ngiti.
"Rai did the bucket list for Clint? I thought we were doing it just for fun because high school's almost over," si Jackie, nagtataka.
"'Yun din akala ko," segunda ni Reegan.
Humigpit ang hawak ko sa bote ng beer na nasa kamay. Ang lamig mula rito'y unti-unti nang nanunuot sa akin, katulad ng mga titig niya.
Inabot na kami ng pasado alas onse nang mapagdesisyunan nilang tapusin na ang araw. Bagsak na si Jackie nang inalalayan ko patungo sa kwarto. Nang muli akong bumaba ay patapos nang magligpit si Leo. Si Reegan ay nakauwi na kaya't buong akala ko'y wala na rin ang taong iyon. Ngunit nang makita ko itong tulalang nakaupo pa rin sa balcony ay para akong mabibilaukan, dahil sa biglang pagtalon ng puso ko.
I cleared my throat when I neared him. Matapos kunin ang ilang bakanteng bote ay sumulyap ako sa kaniya. "Hindi mo ba kayang umuwi nang mag-isa? I can ask Leo to give you a lift if you want."
Tanging kuliglig nang tahimik na gabi ang rinig sa paligid nang pinagmasdan ko siya ro'n. Magulo ang buhok at halos matakpan na ang mga mata. Wala sa sariling nakadantay ang magkabila niyang braso at kamay sa magkahiwalay na mga hita. Ang atensyon niya'y nanatiling nakatuon sa sahig, walang kahit anong bakas ng emosyon ang mukha. Wala rin siyang reaksyon na parang hindi ako narinig.
Bahagya ko siyang nilapitan nang maisip na baka napano na siya dahil kanina pang tulala. Naroon na ako sa harap niya nang sinilip ko ang pagyuko niya. Maybe he's really drunk?
"Ayos ka lang ba?"
Hindi pa rin siya umimik. Uneasiness crept in me from not getting any response from him. Ayaw ba niya akong kausap? Masama ba ang pakiramdam niya? Napilitan lang ba siyang magpunta rito? Galit ba siya?
Hindi alam ang gagawin, a sudden panic started growing in me.
"Tatawagin ko lang si Leo, ipapahatid na kita."
Aktong paalis pa lamang sana ako upang bumalik sa loob nang maramdaman ko ang bigla niyang pagsapo sa pulso ko. Bahagyang napatalon, natigilan ako kaagad sa akmang pag-alis at may bahid ng gulat na napalingong pabalik sa kaniya. Nanatili siya sa parehong posisyon, ang hawak niya'y magaan at halos walang lakas. I don't know why but my heart tightened.
"Rai."
"B-bakit?"
Sa namamalat na tinig ay animong bulong niyang tinawag muli ang pangalan ko, "Rai..."
My heart leaped with the sudden boom as I stared down at him.
Nanunuyo man ang lalamunan, nakuha ko pa ring magsalita. "G-gusto mo ba ng k-kape? I can brew you some so you could sober up-"
"Bakit mo ginawa 'yon?"
Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng palad niyang nakahawak sa pulso ko. Umawang lamang ang mga labi ko nang hindi ko nagawang sumagot. Ilang taon na ang lumipas magmula noon at wala na sa akin iyon. Isa lang iyon sa mga bagay na ginawa kong hindi nagkaroon ng silbi, sa pag-iisip na hindi ko naman siya nailigtas. But he's here now so I guess that changes everything...
"'Yung bucket list... ginawa mo ba talaga 'yon noon para sa 'kin? Bakit?"
Ang katahimikan ng gabi ay muling bumalot sa amin.
I bit my lip and argue with myself for a few jiffy before I decided confessing this, "Because you're dying sick... and the bucket list is the only thing I can think of to try and save you."
Mabilis lumipad paangat sa akin ang tingin niya. Nang magsalubong ang mga mata namin ay may kung anong emosyon akong nakita ro'ng hindi ko mapangalanan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top