27 - Save you
Based on Newton's first law of motion or the law of inertia, objects will remain at rest or in a uniform motion in a straight line unless acted upon by an external unbalanced force. And with that said, I was pretty much like inertia; Stuck on the same state with my pain and regrets. Not until an external unstable force set foot and drove me out of my never ending misery. The once unmoving object now changed with the force.
It was him. He sets me in motion once again. He helped me leave behind my fear to overcome the path I've been dreading to cross. And I'm not sure if he knows this but he saved me. That's why this time, I'll make sure to return the favour. This time, I'll try not to run back in fear from my inhibitions. This time, I'll make sure to not turn a blind eye and do something.
"What would you do for someone whose days are numbered?"
Mula sa pagkain ay napasulyap sa akin si Jackie at Leo at sandaling natigilan. Ang katahimikan sa table namin ay inokupa ng mga magkakahalong boses at tunog sa loob ng cafeteria.
"Why? Who's dying?" Lumipad ang palad ni Jackie sa labi nang mapasinghap. "Kilala ba namin? Ka-batch natin?"
Nagtagal ang tingin sa akin ni Leo mula sa kabilang banda ng table ngunit hindi nagsalita.
Umiling ako agad at bahagyang ngumiti. "Hindi, nabasa ko lang. I just find it interesting."
Mabagal na tumango si Jackie bago muling nagpatuloy sa pagkain. "Hmnn..."
"I'm guessing this someone is dying of a sickness if he knows he's dying soon?" ani Leo.
Nagtuon ako ng tingin sa sariling pinggan at pinaglaruan ang natirang laman niyon. Slowly, I nodded yes.
"Siguro... sasamahan ko siyang gawin ang mga bagay na gusto niya? Like, things on his bucket list? 'Di ba usually gano'n?"
Tumikhim si Leo. "I would will him to stay and not die."
Ngumiwi si Jackie sa turan nito. Ako nama'y natigilan sa pagtadtad ng karne sa sariling plato.
My mind was occupied of thoughts on what I could do for him, the whole of the afternoon class. Inisip ko rin ang sinabi ni Jackie at Leo kaninang lunch.
Pero paano ko gagawin iyon kung hindi naman alam ni Quijano na alam kong may taning na ang buhay niya? Paano ko siya sasamahan sa mga gusto niyang gawin nang hindi niya mahahalata ang ginagawa ko? Should I ask for other's help? But if I do that, then I need to tell them what the catch is. Ayaw ni Quijano na ipaalam ang kundisyon niya kahit kanino... would it be a betrayal if I told the others about it?
Hanggang mag-bell para sa pagtatapos ng klase ay iyon pa rin ang iniisip ko.
"Rai!" Nang sinalubong ako nang maligayang kaway ni Quijano sa hallway ay saka ko lang naalala ang tungkol sa portrait.
Sukbit ang isang strap ng bag at hinubad na button down uniform sa balikat, humakbang siyang palapit sa akin. Agaw pansin ang kulay pula niyang chuck dahil sa itim niyang shirt at pants.
Kumurap ako pagkasulyap sa malaki niyang ngising halos umabot na sa taingang may piercing.
"Today's Monday," I whispered to no one in particular.
"Yep. Monday," ulit niya sabay kaunting paling ng ulo patagilid. "Pa'no? Tara?"
"Tara saan? You guys have plans today? Bakit kayo lang?" ani Jackie pagkalabas ng home room namin.
Quijano shrugged lazily. "Tag along, then."
"Okay!" Maligaya akong hinila ni Jackie sa braso at sumunod sa pagbaba ni Quijano sa building.
"You're coming too?" Bahagyang kumunot ang noo ko nang mamataan si Leo sa kabilang gilid ko.
Sa blangkong mukha ay balewala lamang siyang nagkibit-balikat habang nakapamulsa.
We headed to the field. May ilang athletes at nakatambay na estudyante roon. Sa ilalim ng puno, sa bandang gilid ng oval ang napiling lugar ni Quijano kaya't kaniya-kaniya na kaming pwesto. Inilabas niya ang sketchpad at lapis mula sa bag.
"Wait, you're sketching?" ani Jackie sabay lingon sa akin nang pumwesto ng upo si Quijano kalahating metro mula sa harap ko. "Si Rai? You'll sketch her?"
Ngumisi lang si Quijano habang sinusukat gamit ang hawak na lapis ang mukha ko mula sa ere. Nakapatong ang sketchpad niya sa isang hitang nakataas habang ang isa'y nakatupi.
"Project ba 'yan? Assignment?" tanong nang nakasandal sa punong si Leo, sa bandang likuran namin.
Bahagyang ngumuso si Quijano nang nagbaba ng tingin sa sketchpad niya at nag-umpisang gumuhit, ang mga mata niya'y halos matakpan ng buhok. "Practice lang."
"Practice? Then you can sketch us too!" Jackie beamed.
"Sinali mo pa 'ko," may halong yamot ang bored na boses ni Leo nang magreklamo.
"Ayaw mo? Edi 'wag! Ako na lang," ismid ni Jackie bago nakiusisa sa ginagawa ni Quijano. "I didn't know you can draw."
"Where do you think his nickname came from?" tamad na utas ni Leo.
Sandaling napaisip si Jackie. "Is this why they called him weirdo? How does that makes sense?"
Quijano's shoulders quivered a little when he laughed under his breath-but he kept at what he's doing in silence.
If that is really the case then why would he be branded like a weirdo? Understandable pa siguro kung hango ang bansag na 'yon dahil sa mga kalokohan niya. But from his art? I don't think I understand.
"Is doing something you're good at, the same as being weird?" wala sa sarili kong naibulalas sa kalituhan.
Tanaw ko ang pagkakatigil ni Quijano sa ginagawa. Napako ang mga mata namin sa isa't-isa nang mag-angat siya ng tingin.
"Oo nga. Hindi ko rin gets," sang-ayon ni Jackie.
I gave it more thought for a while.
"Being exceptionally good at something means you're different. Maybe that's why some people call it weird. And if that's the case, then there's nothing wrong with it," sabi ko habang diretsong sinusuklian siya ng tingin.
He just grinned and nodded a bit before continuing.
"Ignorant people will call you names before some recognize you for your talent," ani Leo.
"Oh, now I get it." Jackie snapped her fingers. "Though I'm surprised you knew about that, Leo-hindi ko na maalala kung bakit gano'n ang bansag kay Clint. I just heard the other kids on our batch call him like that, kaya gano'n ko na rin siya natandaan."
Sandaling kinain nang katahimikan ang mga sumunod na sandali. Hindi nagsasalita si Quijano magmula pa kanina. He look engrossed at what he's doing. Katulad nang pagkakakita ko sa pags-sketch niya noon sa student's park, seryoso rin ang ekspresyon niya ngayon. His eyes are attentive and almost intense as it goes back and forth from my face to his sketchpad.
I kept reminding myself he's the same person I know of even though he looked kinda different from the usual. Hindi ko lang maiwasang makaramdam nang kaunting awkwardness sa tuwing magtatagal ang tingin niya sa isang parte ng mukha ko. Dahil hindi siya nagsasalita at masyadong seryoso.
"Bili muna kami ng snacks ni Leo. I'm starving!" Tumayo si Jackie at nilapitan si Leo.
"Go buy some yourself," anito sa buryong tinig.
"Samahan mo na 'ko! 'Di ko kayang buhatin lahat nang mag-isa 'yon!" padyak ni Jackie sa damuhan. "Ang tamad naman nito, halika na!"
Narinig ko ang mabigat na buntonghininga nito sunod ang pagtayo at pagsuko. "Fine."
Muling tumahimik nang makaalis ang dalawa. Tanging malakas na panghapong hangin at pagsasayaw ng mga dahon sa puno at damo lang ang maririnig na ingay. Halos wala na ring mga estudyante sa field bukod sa ilang athlete dahil papalubog na ang araw.
"Nangangawit ka na ba? Malapit ko nang matapos. 'Yung detailing sa sunod ko na lang gagawin."
Marahan akong tumango at medyo nakahinga nang maluwag. "Okay."
Maiging nakatuon sa sketchpad ang atensyon niya nang may ngiting sumilay sa mga labi.
"Did I make you uncomfortable?"
I stiffened. Hindi ako nakasagot agad nang matantong nahalata niya pala iyon.
"Sorry." He lightly rubbed the butt of his pencil on the side of his head, eyes remained on his sketchpad. "'Di kasi ako maka-concentrate 'pag nagsasalita habang nags-sketch. I don't usually have a real model for a reference so..."
Dahan-dahan akong tumango. "It's okay." A beat after, "Can I see?"
Mabilis siyang umiling, lalong napangisi. "Saka mo na tignan 'pag tapos na."
Mahina siyang natawa nang masulyapan ang bahagya kong pagsimangot.
That's when a thought hit me. The thing I've been thinking about the whole day suddenly lit up like a light bulb in my head. Tumitig ako sa kaniya gamit ang determinadong mga mata.
May kaunting kaba man ay lakas loob ko pa rin itong tinanong, "Have you heard about a bucket list?"
His brows knitted a little. Tinapos niya ang kasalukuyang ginuguhit bago nagbalik ng tingin sa akin.
"Bucket list?" May pagtataka siyang napaisip. "Mga bagay na gusto kong gawin? Bago ako mamatay?"
I gulped at his last word before nodding slightly, trying very hard to feign ignorance.
Tuluyan nang kumunot ang noo niya nang muling napahalakhak. "I don't... I don't think I have any. Bakit? Gusto mong gumawa?"
He doesn't have any? Then... is he doing it freestyle?
Kumurap ako. "How about your 'seize the now'? Akala ko..."
Kuryoso niya akong pinagmasdan habang pinaglalaruan ng mga daliri ang lapis na hawak sa ere. Maya-maya'y nagliwanag ang mukha niya na animo'y may naisip at unti-unting umangat ang magkabilang sulok ng mga labi.
"Why don't we make one, then?"
"Huh?"
Balewala siyang nagkibit-balikat, now drumming the end of his pencil on his chin. "What things do you want to do before you die?"
Wala akong nakapang salita para sa tanong niya. My mind was occupied with this thought the whole day but I haven't thought of a single thing about it that concerned me. Ang tanging inisip ko lang ay kung ano marahil ang mga bagay na gusto niyang gawin, hindi ang sa akin.
"Isn't a bucket list supposed to be for a single person? 'Di naman tayo pareho ng gusto."
"That's the thrill. We list all the things we want to do and do it together."
Iiling na sana ako para humindi ngunit nang naalala ko kung bakit ko iyon ginagawa ay agad akong natigilan.
But he's crazy. Malay ko ba kung anong ilista niya roon?
Ilang sandali ko siyang mariing tinitigan, pilit sinusukat ang hangganan ng mga kalokohang naiisip niya. He just stared back at me with a grin on his face. Ganoon kami hanggang sa bumalik ang dalawa.
Dali-daling sinara ni Quijano ang sketchpad at tinanggap ang inabot na drinks at pagkain ng mga ito at maligayang kumain. Inabutan din ako ni Leo ng pareho.
"Tapos na?" ani Jackie. "Patingin?"
Hinarang siya ni Quijano nang umakmang kukunin ang sketchpad na nasa gilid nito. "Hindi pa!"
"Why did you stop, then?"
"Gutom na ako!" Tumawa ito sa busog na pisngi.
Tahimik kaming kumain doon habang nakatunghay sa papalubog nang araw. Panay ang sulyap ko kay Quijano ngunit kahit gaano ko siya kagustong kausapin ay hindi ko magawa. I don't want Leo and Jackie to take a hint about his condition.
"Ipagpapatuloy mo ba ulit bukas? It isn't finished yet, right?" ani Jackie.
"Nah, I just need an outline-rough base. Sa pagdetalye magtatagal."
"You mean, you won't be needing her to model?"
Okupado sa pagkain, simpleng tumango si Quijano habang nakatanaw sa kawalan. "Gusto ko i-try 'yung hyper-realistic gamit colored pencil. Kaya lang mabusisi detailing no'n, baka mailang siya sa 'kin. 'Di bale, pamilyar naman ako sa features ng mukha niya, sa memorya at imagination ko na lang idadaan."
Nilingon siya ni Leo dahil sa sinabi-parang may gustong sabihin. Ako nama'y natigilan sandali sa pagkain. Jackie only grinned slyly.
"Bakit?" Inosente siyang kumurap sa dalawa nang mapansing nakatuon ang pansin ng mga ito sa kaniya.
Tumikhim si Leo bago tumayo. "The sun's almost down, let's all go home."
"Okay!" Jackie stood up too.
Patayo na rin sana ako ngunit muli akong bumagsak sa damuhan nang may lumipad na bolang muntikan nang sumalpok sa akin, kung hindi lang iyon mabilis na naharang ng palad ni Leo.
Bahagyang napatili si Jackie sa bilis ng mga pangyayari. "What was that?!"
Mabilis tinapos ni Quijano ang pagligpit sa mga gamit para lang lapitan ang pagkakatigil ko. "Okay ka lang, Rai?"
Gulat akong napatulala sa soccer ball na pinulot ni Leo. Kunot ang noo ng huli habang mariing nakatingin sa bolang hawak. Sumulyap siya sandali sa akin bago nilingon ang pinanggalingan niyon.
"Oh my, God. Rai, tinamaan ka ba?"
Tanging iling lang ang nakuha kong isagot sa lumapit na si Jackie.
Pare-pareho kaming napalingon sa direksyong tinutungo ni Leo nang mag-umpisa siyang humakbang, mahigpit ang hawak sa bola.
"Leo!" Ni hindi siya lumingon sa tawag ni Jackie.
Tumayo si Quijano at sumunod sa daang tinatahak ni Leo. Mula sa pwesto namin ni Jackie ay tanaw sa malawak at padilim nang field ang ilang pigura. Nang maigi ko itong tinignan ay agad kong napansin na tila nagtatalo ang mga ito.
"Looks like those guys are fighting," na siyang kinumpirma ni Jackie.
Tumayo ako at sinubukang lumapit sa mga ito, pasunod kay Leo.
"Rai!" I heard Jackie following behind too.
"Anong klaseng team captain ka ba?! Ni hindi mo kayang hawakan nang tama ang mga ka-team mo?!"
"Ang lalaking gago eh! Ayaw magsisunod! Sino bang hindi mapipikon sa pinaggagawa ng mga 'yan?"
May pasinghal na tumawa. "Let's face it, incompetent ka kasi! 'Di tulad ni Leo! Sa tingin mo paano ka namin susundin?! Dude, you're not even making any sense!"
"Sense? Halika rito at bibigyan kita ng rason para sumunod."
"Reegan! Pakinggan mo nga 'yang sarili mo!"
"Hindi ka para maging team captain dahil mas inuuna mo 'yang init ng ulo mo!"
Napasinghap ako kasabay ng tili ni Jackie nang mabilis dumapo ang kamao ni Reegan sa isa sa mga naroon. Humandusay ito sa damuhan sapo ang namumulang panga. Sa galit ay dali-dali itong tumayo at umakma nang pagganti. Ang nagpupuyos na si Reegan naman ay muling umamba nang pagsalubong dito. Sa isang kalabit ay naalerto at agad dumalo ang ilang naroong ka-team nila para pagtulungang awatin ang dalawa.
"Pre, tama na 'yan!"
"Ano ba kayo?! 'Di ba magkaka-team tayo rito?!"
"Tangina ang tabil ng dila nito eh!" sigaw nang namumula sa galit na si Reegan, mabilis at mabigat ang paghinga. Kung wala lang umaawat sa kaniya'y malamang at kanina pa siya nagwala. "Ano, may sasabihin ka pa?!"
"Reegan!" Natahimik ang mga magkakagrupo sa animong kulog na sigaw ni Leo, rinig ang awtoridad at galit sa boses.
Bumaling silang lahat sa direksyon nito, ang gulat at bahagyang takot ay mabilis napinta sa mga ekspresyon nang mamukhaan.
Mahigpit pa rin ang hawak ni Leo sa bola nang lumapit sa mga dati niyang ka-team. Bahagyang yumuko ang mga ito at kumalma dala nang kaunting hiya sa pagkakabatid ng presensya nang dati nilang captain.
"Hindi ko iniwan ang team nang ganito. At hindi ako umalis para lang maging ganito kayo," matigas na utas ni Leo habang maiging nakatitig sa kunot-noo at nag-iigting ang pangang si Reegan.
Walang ni isang humamak na magsalita. Lalo na nang isa-isa silang pinasadahan nang matalim na tingin ni Leo.
"Wala si coach kaya nagbabangayan kayo? Kung suntukan ang gusto n'yo bakit kayo narito?!"
Maging ako'y napatalon sa malakas at tila nanunuot sa kalamnang sigaw ni Leo. Kahit hindi ako kasali sa soccer team ay ramdam ko pa rin ang takot nila.
I'd never seen Leo get furious like this. Kadalasan tuwing nanonood ako sa mga practice at laro nila'y kalmado siya. Tanging malamig na tingin at mariing paalala lang ang ibinibigay niya sa mga ka-team kung may nagawang mali ang mga ito. Hindi siya tulad nitong para nang mananakit.
"Anong silbi mong maging team captain kung puro ka init ng ulo?!"
Magsasalita pa lang sana si Reegan ngunit mabilis siyang naputol nang muling pagsigaw ni Leo.
"Wala akong pakialam kung anong timpla ng emosyon mo! Team captain ka! May responsibilidad ka! Naiintindihan mo ba kung anong ibig sabihin no'n?"
Napahawak si Jackie sa braso ko at noon ko lang natantong maging siya'y natatakot na kay Leo. Si Quijano naman ay tahimik at kuryosong nanonood lang sa isang tabi.
"Sinong sumipa nito?" kalmado ngunit dama pa rin ang galit sa malamig na boses ni Leo nang minaniobra ang bola ng soccer na nasa palad niya.
Walang sumagot, nanatili lamang nakapako sa damuhan ang mata ng mga ito, animong mga batang nasermunan.
Dahan-dahan at magkakasunod na tumango si Leo bago binitiwan bola. Nang saktong bumagsak iyon sa damuhan ay ginawaran niya iyon nang isang malakas na sipa.
Rinig ko ang singhap ng nasa tabi kong si Jackie nang mabilis tumilapon sa kalawakan ng field ang bola. Hanggang sa halos hindi na makita kung saan iyon napunta.
Sa huling pagkakataon ay isa-isang tinapunan ng tingin ni Leo ang mga ito. At sa tila nakakasugat sa lamig na tinig ay sinabi niyang, "Sinupin n'yong lahat ng kalat n'yo bago kayo umuwi." Sabay baling sa bagong team captain. "Ayusin mo, Reegan."
Isang pihit at dire-diretso nang lumakad palayo roon si Leo. Sumunod naman kaming tatlo sa kaniya. Nang sumulyap ako pabalik ay nakita ko ang kalmado nang si Reegan, ang mga mata niya'y nakadirekta sa kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top