25 - Take me as I am
"Paano kayo nagkakilala ni Toby?" panimula ko matapos sindihan ang puting kandila.
"'Pag sinabi ko ba papayag ka nang mag-model, para sa pagpa-practice ko ng portrait art?"
My eyes flew to him sitting cross-legged a few inches across from me. Kumunot ang noo ko nang sinalubong niya ako ng tingin, his chinky eyes turning to small slits from grinning.
Portrait art? Palusot lang ba niya 'to o talagang hindi lang kami nagkaintindihan noong nakaraang araw?
"Portrait art?" ulit ko, nanliliit ang mga mata.
Mas lumaki ang ngisi niya habang mabagal na tumatango, parang nang-aasar. "Portrait, Rai, hindi nude." Sabay bungisngis, hindi na napigilan. "Kailangan na yata ng general cleaning ng utak mo!"
Nagtiim bagang ako at bahagya pang pinamulahan, hindi ko sigurado kung bakit. "Why don't you just ask a random classmate? Pwede namang kahit sino 'di ba?"
"Pwede rin namang ikaw." Makahulugan siyang ngumisi. "Ayaw mo yata ng portrait. Iba ba ang gusto mo?"
"Ayaw kong mag-model sa kahit ano." Ngumiwi ko.
"Bakit naman?" Natatawa na naman.
"Maghanap ka na lang ng ibang mapagpa-practice-an." Yamang usap-usapan ang mga gawa niya ng karamihan sa mga estudyante. Kaya sigurado akong marami ang magvo-volunteer. Lalo siguro sa lower batches.
"Pa'no kung ikaw ang gusto ko?"
Tumalon bigla ang puso ko sa narinig. Did he purposely make it sound weird? Ang weirdong ito kung minsan nakakakilabot na talaga.
"Iba na nga lang, Quijano."
He chuckled. "Ikaw nga ang gusto ko, Rai."
Kumunot na ang noo ko, muli na namang napapangiwi. "What's with you and your harassment? Hobby mo?" Ang kulit eh.
Bahagyang namilog ang mga mata niya bago tumawa. "Iyon talaga ang salitang ginamit?"
"Pervert, then?" I sneered.
Mabilis siyang umiling nang paulit-ulit, hindi pa rin maalis ang ngisi. "Sige na nga, 'di na kita pipilitin. Baka iwasan mo na naman ako ulit."
He gave me another knowing look. I dodged it and quickly changed the subject instead. "Enough with your baloneys. Si Toby ang dapat nating pinag-uusapan."
Bahagya siyang napanguso.
"Tobyyo!" Sabay baling sa puntod nito nang may kasamang saludo sa ere. "Tingin mo, paano ko kaya mapapapayag si Rai na mag-model para sa portrait art ko?"
I looked at him flatly in reply. Makulit talaga.
Grinning, he crinkled his nose in return. "Naaasar ka na ba? Iiwasan mo na ba ako ulit?"
"Hindi naman ako madaling mapikon. Parang ngayon pa lang." Seryoso ko siyang tinapunan ng tingin.
Agad siyang natigilan at dahan-dahang napawi ang ngisi. Parang namutla pa nga. Makalipas ang ilang segundo naming pagpapalitan ng tingin ay hindi ko na napigilan.
I snorted. "Kulit mo kasi." Followed by a stifled titter.
Sandali siya muling natigilan. He heaved out a deep frustrated sigh with a grunt. Pumikit siya nang mariin matapos, ang ngiti ay unti-unti na muling sumisilay na labi. "Kinabahan ako ng konti ro'n ah."
Nakangiwi niyang sinapo ang dibdib.
I sighed and gave my head a light shake. Binunot ko ang ilang maliliit at ligaw na damo sa tabi ng inuupuan. "Unlike sa modelling ng photography na saglit lang, sa art kasi hindi... alam mo na... being stared at intensely for a long time would be kinda uncomfortable and awkward," paliwanag ko kahit wala namang nanghingi.
Natahimik kami sandali. Tinigilan ko naman ang ginagawa para sumulyap sa kaniya.
"Are you... uncomfortable with me?" Seryoso niya akong tinignan, ang mga mata'y nanunukat.
"Hindi naman sa gano'n..."
"Nahihiya ka ba sa 'kin?"
Umiling ako. "Hindi rin naman."
"What's the problem, then?"
Hindi ako nakasagot. Muli kaming natahimik. Medyo naging awkward ang hangin kaya't nagtuon na lamang ako ng tingin sa puntod ni Toby, animong nanghihingi ng dahilan.
"Gusto ko ang kulay ng mga mata mo," aniyang bigla.
Nang nilingon ko siya'y naabutan ko ang tamad niyang pag-oobserba sa bawat parte ng mukha ko. Still sitting cross-legged, Ang ulo niya'y bahagya nang nakatabingi dahil sa pangangalumbaba.
"Light brown." Ngumiti niya nang magbalik ang tingin sa mga mata ko.
Uminit ang pisngi ko nang masalubong ko ang mga mata niya kaya't bumitiw ako roon. It might be because of his sudden compliment. I always thought that my eyes are droopy. Others said that sometimes I looked like I'm glaring, kahit normal ko lang namang tingin iyon. I didn't hate it but I don't like it either.
"Sa tuwing tinititigan ko parang gustong magpapinta."
Tahimik pa rin ako, hindi alam kung ano ang dapat sabihin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang napamura, mula sa pangangalumbaba ay lumipad ang daliri niya sa mga labi.
"Ang creepy ko pakinggan t*ngina!" Tumawa siya sabay isang mabilis na pasada ng palad sa buhok mula batok patungong noo. Sa likod ng magulong buhok ay alanganin niya akong tinignan. "Kinilabutan ka ba sa mga pinagsasabi ko?"
Sa totoo lang kanina pa. "Weirdo ka naman talaga since day one. May bago ba ro'n?" Ngumiwi ako.
"Aba... gumagaling ka nang mang-asar ah," he teased.
Pabiro na lamang akong umirap at hindi na sumagot.
We sat silently for the next while. Taking in the rustle of the wind through the leaves and watching the clouds. The silence was peaceful and calming, it felt almost nostalgic. Katulad ng mga tahimik na hapon noong mga bata pa kami.
Maya-maya'y nagtagal ang tingin ko sa kaniya pagkabaling. May pag-aalinlangan ma'y sa wakas at nagawa ko ring itanong ito, "You told me once that you... witnessed how Toby died. How exactly did it happen?"
His lips parted for a few seconds and turned in a thin line the next. Hesitation crossed his face before a distant smile curved on his lips. "We're talking about this now," he whispered to no one in particular, followed by a small nod.
I was watching him intently when he turned to look at me. Nagpalitan kami ng tingin bago dahan-dahang umangat ang sulok ng labi niya.
"Why so serious? You tryna make me piss myself out here?" He chuckled, trying to lighten the mood.
Kumurap ako at marahang nagbuga ng hangin. I tried to smile too. "It's okay if you don't want to talk about it."
Shaking his head, he turned back to Toby's tomb. "No, it's okay."
Nagtagal ang tingin ko sa seryoso niyang ekspresyon.
Tumikhim siya at humugot nang malalim na hininga bago nag-umpisang magkwento. Ang mga mata niya'y nanatiling nakapako sa puntod. "Pauwi na 'ko no'n nang madaanan ko ang kalsada kung sa'n nangyari ang aksidente. Medyo may kadiliman na dahil palubog na ang araw kaya 'di ko pa sigurado kung tama ba ang nakita ko. Sa pagkakatanda ko, parang lasing 'yung driver ng truck dahil sa ingay bumusina. Nakita kong nagpreno siya pero 'di na inabot at ayun...
"Ang bilis lang. Inaaninag ko pa kung anong naroon sa kalsada at anong nangyari nang makarinig ako ng tili. May nasagasaan. Isa-isa na ring nagsisilapitan ang mga tao no'ng lumapit ako. May taong nakahandusay sa kalsada. Naghihingalo. Naliligo sa sariling dugo. Halos wala nang malay."
Mabagal siyang nagbuga ng hangin at pumikit nang mariin. Ako nama'y pinanonood lang siya, hindi makagalaw at hindi rin halos makahinga.
Isang singhap at ilang iling. "Hindi ko alam kung anong gagawin. Hinugot ko ang phone ko at—"
Sandali siyang natulala sa puntod bago nagpatuloy.
"Halos magkagulo ang mga naro'n. Hawak ko ang phone pero hindi ako makapag-dial. Para akong tinakasan ng kaluluwa no'ng makita ko kung sino ang naro'n...
"Si Toby..."
I remembered that afternoon talk we had. The last time I saw him. Wala ako sa pinangyarihan ng aksidente ngunit malinaw ko iyong naitsura. Inatake ako ng panlulumo nang muli na namang maisip ang mga posibilidad na sana'y nangyari imbes na humantong iyon sa aksidente.
Kung hindi kami nag-usap o kung mas matagal kaming nag-usap. Kung pumayag ako at sa ibang kalsada ang kinailangan niyang daanan. Kung hindi kami nagkita roon. O siguro kung hindi na lang dapat ako lumabas ng bahay ng araw na 'yon.
No matter how many times I think about it, I just always ends up with more what ifs.
"It's not your fault. You couldn't have done anything differently for him." I was the big part of the blame.
Humugot siya nang malalim na hininga at dahan-dahan itong pinakawalan. Then he croaked, "You're not at fault too."
I tried to smile despite myself. I'm not sure about that.
"Rai... wala kang kasalanan sa nangyari," ulit niya nang nanatili akong tahimik. "Alam mo 'yon, 'di ba?"
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag bago marahang tumango. Parang napupunit ang puso ko. Ramdam ko ang titig niya ngunit ni sumulyap ay hindi ko hinamak gawin. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at ayaw kong makita niya iyon. Ayaw kong umiyak dahil baka hindi na naman ako matigil.
"Tell me you're not blaming yourself anymore," aniya sa malumanay na tinig.
Bumagsak ang mga mata ko sa kandugan at naramdaman na ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha. Silently gasping for air, sinubukan ko iyong pigilin bago sumulyap sa kaniya.
"You tryna make me bawl my eyes out here?" I retorted, trying to make the mood lighter.
His chinky eyes softened as he reached out to me, ruffling my bangs with his fingers. Namamaos siyang napahalakhak habang nagpapalitan kami ng tingin matapos. "Walang problema ang pag-iyak, nandito naman ako."
"I'm not... blaming myself..." Nagbitiw ako ng tingin at mabilis na pinalis ang nagdaang luha. "I won't blame myself."
Nakahalumbaba na siya ulit nang muli kong binalingan ng tingin. His solemn eyes are still staring at me.
"Quijano."
A smile touched his lips as he watched me attentively. "Arkin."
"Are you..." Pinakiramdaman ko ang unti-unting pagbilis nang pagtambol ng puso ko habang sinusuklian ang mga titig niya. At sa ilang beses kong inisip at tinanong ito sa sarili, sa wakas ay nagawa ko ring itanong sa kaniya, "Are you really dying?"
Humupa ang ngisi niya at bahagyang napaawang ang mga labi. Matapos maging blangko ng ekspresyon niya nang ilang sandali'y nagsalubong ang kilay niya. With a grin he said, "Of course, aren't we all?"
So he really doesn't want to talk about his condition. I can respect that.
Tiim bagang akong umiwas ng tingin at pinigilan ang sariling magbanggit nang mas higit pa roon.
"May napili ka na bang course?" pag-iiba ko ng usapan.
"No plans yet," seryoso niyang iling.
"What about a chosen university?"
Muli siyang umiling, may bahid na ng ngiti ang mga labi. "Wala rin."
"Pero may plano ka naman... 'di ba?" I mean, there are tons of university that wants to admit him. Paanong wala pa siyang ni anumang plano ro'n?
"Wala pa sa ngayon."
"Bakit?"
Nabuhay ang kaba ko nang hindi siya sumagot at tanging ngisi lang ang isinukli.
Did it mean he doesn't want to plan for his future because he's dying soon?
Tulala ako sa mukha niya nang maramdaman ko ang pamumuo ng buhol sa sikmura.
"Quijano..."
"Rai."
Hindi ko alam kung ano at paano ko isasalin sa salita ang gusto kong sabihin. I was thinking how unfair everything is. Na may mga taong gustong mahanap kung ano ang pangarap nila ngunit hindi iyon makita. May mga taong alam kung ano ang sa kanila ngunit hindi kayang tuparin. At may mga taong sigurado sa pangarap nila at may kakayahang tuparin iyon ngunit pinagkaitan naman ng oras at panahon. It was frustrating and saddening at the same time.
Quarter to six nang napagdesisyunan naming umalis na roon. Palubog na ang araw kaya't may kadiliman na rin nang naglakad kaming palabas ng sementeryo.
"Sakay ka na, hatid na kita sa inyo," aniya matapos buksan ang tail light na nasa bandang likod na gulong ng bike.
Tahimik akong naupo roon. Humawak ako sa laylayan ng shirt niya nang mag-umpisa siyang mag-pedal.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga napag-usapan namin kanina. It still bothered me pero wala naman akong magagawa.
Pinanood ko na lamang ang pagtagos ng sikat nang papalubog na araw, mula sa bawat punong nalalagpasan namin. Ang mga dilaw na dahon ng Malaybalay ay animong nagsusumigaw, dahil sa pagtama nang natitirang kulay kahel na sinag ng araw dito. Slowly, I lifted my hand in the air as if catching the last of its glistening rays. It felt warm, comforting.
Closing my eyes for a moment, I drew in a breath and smiled to myself when the same breath-taking view welcomed me again. I don't remember this little town of ours to be this beautiful. Halos hindi ko iyon makilala. O siguro talagang hindi ko sinubukang kilalanin, katulad ng ilang taong matagal nang narito at nanatili lang na narito.
Pareho kaming tahimik ni Quijano hanggang sa unti-unting lumubog ang araw. Isa-isa nang nagbukasan ang mga poste sa kalsada bilang tanglaw sa dilim ng gabi.
"Rai."
"Hm?"
"Ayos ka lang d'yan?" Bahagya niya akong sinilip sa likod. "Kanina ka pa tahimik ah? Gutom ka na 'no?" Sabay bungisngis. "Parang ako rin."
Magpepresenta sana akong ako na lang ang mag-pedal dahil mukhang pagod na rin siya. Ngunit mabilis ang mga sumunod na pangyayari. May nadaanan kaming bahay na bukas ang bakod. Napansin ko ang isang asong lumabas mula roon. Sumunod sa amin ang tingin nito at ganoon rin ako. Hanggang sa bigla itong kumahol at walang anu-ano'y nagsimulang tumakbo pasunod sa amin.
"Quijano."
"Bakit?"
"Quijano!" Napatili ako nang makitang bumilis ang takbo nito at malapit na kaming maabutan.
"Bakit?!"
"Aso! May aso! Hinahabol tayo!"
"Ha?! Aso?!"
"Clint!" Naitaas ko ang mga paa nang muntik nang maabot nang humahabol na aso ang laylayan ng suot kong dress.
Para na akong mahihimatay sa kaba at takot nang gumewang ang bike at muntik-muntikan na kaming sumemplang. Napatili ako ulit. Si Quijano ay ilang beses napamura, naaaligaga na rin. Ni hindi ko na namalayang mahigpit na ang yakap ko sa kaniya dala ng panic.
Panay pa rin ang kahol ng aso habang maligayang humahabol sa amin. Hindi ko alam kung saan ito natutuwa. Sa tail light ng bike o sa pagkakagimbal ko.
Marahas ang pagtambol ng puso ko nang pumikit ako nang mariin at nagdukdok ng mukha sa likod niya. Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng patakbo niya, hanggang sa namalayan ko na lang na wala na ang mga kahol ng aso.
Sinalubong ako nang malakas na panggabing hangin nang mabagal kong inangat ang tingin. Wala na nga ang aso. Para akong nabunutan ng tinik at noon lamang nakahinga nang maluwag.
"'Kala ko nakatulog ka na d'yan." I felt him chuckling and realized I'm still hugging him.
Halos patalon akong napabitiw sa kaniya. Bahagyang gumewang ang bike dahil doon.
"Rai! Mamaya sesemplang na talaga tayo sa gulo mo!" angil niyang binawi ng pagtawa matapos makabawi sa balanse.
Tumikhim ako. "Sorry."
"Saan ang inyo?"
Tinuro ko sa kaniya ang daan patungo sa amin.
"Langyang aso 'yon, napa-turbo ako bigla, sumakit tuloy binti ko," daing niya.
Tulala akong napakurap nang maalala ang nangyari. Para akong tatakasan ng wisyo kanina. "Thought I'm gonna die."
Humalakhak siya. "Higpit nga ng yakap mo 'kala ko 'di ka na bibitiw."
Pumikit ako nang mariin at itinawa na lang rin ang kaninang takot na nadama. Tahimik ang bahay nang marating namin iyon. Allen might be inside because the lights are on. Hindi ko lang sigurado kung narito na rin si mama. Medyo maaga pa rin kasi.
"Uh, gusto mo ng tubig?"
"Si Leo ba 'yon?"
Napabaling ako sa maindoor ng bahay namin kung saan siya tumuro. Agad na namilog ang mga mata ko nang makumpirma ang sinabi niya.
Why is Leo here?
"Magkamag-anak ba kayo?" Parang namang humupa ang dugo sa mukha ko dahil sa inosenteng tanong ni Quijano.
"W-we're not related," nanginig ang boses ko nang natanaw ang paghakbang palapit ni Leo. "Sa tapat lang namin ang bahay nila."
Tumango si Quijano at hindi na nagtanong pa.
Wala namang problema sa akin noon kung madalas si Leo sa bahay. But these days, I don't feel comfortable about it anymore. Dahil sa kung anong namamagitan sa mga magulang namin. Ayaw kong may kahit na sinong makaalam noon at pakiramdam ko'y may makakabisto kung ganito.
"Bakit kayo inabot ng dilim?" anito sa blangkong ekspresyon nang tuluyang makalapit sa gate.
"What are you doing here?"
Bumaling siya sa akin saglit ngunit muling nagbalik ang tingin niya kay Quijano.
"May iba pa ba kayong pinuntahan bukod sa sementeryo?"
"Sa kanal sana dahil hinabol kami ng aso. Buti na lang dati akong taga-circus!" Bumungisngis si Quijano sabay sulyap sa akin.
Ilang sandali pang nagtagal ang tingin ni Leo rito bago ako tuluyang nilingon. Sinenyas niya ang main door gamit ang ulo niya. "Pumasok ka na."
"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko imbes na sundin ang sinabi niya.
Bahagya nang kumunot ang noo niya sa 'kin at may diin na sa boses nang muli itong sinabi, "Pumasok ka na."
"Tamang-tama nagutom ako lalo sa pag-pedal!" Sabay kaming napalingon ni Leo kay Quijano. Itinabi nito ang bike sa gilid at dumiretso sa gate kung nasaan si Leo.
Humawak siya sa gate at umakmang bubuksan iyon ngunit pinilig iyon pasara ni Leo. Balewalang sinubukang kabigin muli ni Quijano iyon ngunit muli lang ring pinigil iyon ni Leo. Nagpalitan ng tingin ang dalawa.
"Sinong nagsabing papasok ka rin?"
"Eh?"
"Ate!"
"Allen."
"Anong ginagawa n'yo rito sa labas?"
"Oh? Kapatid mo, Rai?"
"Sinong nand'yan, Ate?"
"Anong pangalan mo kapatid ni Rai?"
"Allen. Ikaw, sino ka?"
"Clint. Anong gabihan natin, Allen?"
"Huh?"
"Huh?"
"Leo, open the gate. Papasok na ako."
Sandali pang natagal ang tingin ni Leo sa nakangising si Quijano. Kalaunan ay bumuntonghininga na lamang siya at tuluyang binuksan ang gate. Sumunod agad si Quijano sa akin pagkapasok ko roon at wala nang nagawa si Leo kundi ang hayaan ito. Kahit kitang-kita ko sa ekspresyon niya ang pag-apila.
"Alam mo bang paborito ko ang kahit anong luto ng itlog, Allen?" maligayang anunsyo ni Quijano bago dire-diretsong pumasok sa loob kasama ang kapatid ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top