21 - Wish you were here


Iyon ang naging laman ng isip ko buong araw. Nang dumating na ang uwian ay nag-umpisa na ang kaba ko. I'm not sure what part of it scared me most. Whether it's the fact that I won't see him the same way again or the pain of accepting it wholly.

"Hi, Pres!" ani Jackie pagkalapag ng dala naming bulaklak. Sabay abre siete sa akin. "Dala namin ang crush mo."

Hm?

Bahagyang kumunot ang noo ko habang pinapanood si Leo sa pagsindi ng kandila.

"Oopps! Nadulas ako, Pres. 'Di nga pala niya alam!" Tutop ni Jackie ang mga labi para sa pekeng pagkakagulat. "He-he."

"What do you know about his crushes and—"

"Everybody knows it," putol ni Leo sa akin nang matapos sa kandila. May ngisi na sa mukha niya nang bumaling sa akin. "Ikaw lang naman itong walang pandama."

Bumungisngis si Jackie at half-hearted na nagkumento, "Ang harsh naman sa walang pandama!"

Ngumiwi ako sa dalawa. "Teenagers and their raging hormones."

Sinuklian ni Leo ang ngiwi ko nang may kasamang dismayadong iling. "You and your obliviousness. 'Di na talaga 'ko nagtataka kung bakit hindi ka nagawang deretsahang niligawan ni Toby."

Hindi ko nagawang ibuga ang singhap nang mamilog ang mga mata ko sa narinig. "He what? B-bakit niya gagawin 'yon?"

Tinawanan ng dalawa ang kalituhan at pagkakagulat ko.

"You don't even have the slightest idea that he likes you?" Jackie sighed in disappointment. "Poor Toby."

"He doesn't!" apila ko, nag-iinit na ang pisngi. Hindi ko lang sigurado kung dahil ba iyon sa inis o sa hiya o sa muling panghihinayang o siguro sa lahat. "Because if he does... then why didn't he tell me?"

Natahimik ang dalawa sa sinabi ko. Jackie leaned on my shoulder and didn't say anything. Si Leo naman ay nanatili lang ring nakatayo sa kabilang gilid ko. The three of us stood there silently while staring at Toby's grave. Maraming bulaklak ang naroon galing sa iba't-ibang bumisita. Mayroong mga nalalanta na ngunit mas marami ang bago pa.

Tobias Coby Frias Lorenzo

It was strange to see his name on a tombstone. And it's stranger to know he's down there and he's no longer the Toby I know of. What an enigma death can be.

Dala nang katahimika'y nangibabaw ang tunog ng mga nagsasayawang dahon sa puno, gawa nang malakas na panghapong hangin. Ang palubog na araw ay nagtapon ng kulay kahel na liwanag sa malawak na sementeryo, napalilibutan iyon nang maliliit na damo at mga lapida ng mga namayapa. It's peaceful here. And I hope he is too, wherever he is.

"Kunin... at tanggapin... ang alay na ito..." Sabay-sabay kaming napalingon sa mahinahong boses na narinig naming kumanta. At bago pa man kami makapagtanong kung sino iyon ay sumulpot na ito sa harap namin.

"Quijano?" Napabitiw sa 'kin si Jackie.

Matapos maingat na mailapag sa puntod ang isang piraso ng purple hyacinth ay lumingon ito sa amin at ngumisi. "Ang seryoso niyong tatlo riyan ah? Nagrorosaryo ba kayo?"

"'Di ka sana nakalapit kung gano'n."

Bumungisngis lang ito sa tinuran ni Leo. "Kung ako si Toby 'di ako matutuwa sa mga mukha n'yo! Maglaro na lang tayo para 'di kayo mga nakasimalmal!"

"Ano?"

"Are you crazy?"

"Ano ka, bata?"

"Bilis ng mga violent reaction?! 'Di n'yo pa nga naririnig anong game, may pag-aalma na agad kayo!" Marahas siyang napakamot sa ulo dahil sa dismaya. "Ganito kasi—"

"Oh, here's what I think we should do!" anunsyong bigla ni Jackie.

"No, we should play this game!" pagpupumilit naman ni Quijano.

"'Wag kang magulo! Kami lang!"

"Ha? Anong kayo lang? Sinong may sabi?!"

"Ang ingay n'yong dalawa!" angil ni Leo na siyang nagpatigil sa pagtatalo ng dalawa.

"Ito kasi!" si Jackie.

"I think we should just sit down and talk... about Toby for a while," suhestyon ko sa normal na boses.

At iyon nga ang ginawa namin. We sat on the grass in a half circle, facing Toby's tomb. Ang liwanag at dilim ay nagtatalo na. Isa-isa na ring nagbubukas ang mga lamppost, hudyat nang pagdating ng gabi.

"How 'bout the game—"

"Shh!" sita agad ni Jackie bago pa man makapag-umpisa si Quijano. She cleared her throat.

Ngumiti siya bago nagsimula, "Grade eleven ako no'ng lumipat kami ng family ko rito. I didn't know anyone at medyo mahirap mag-adjust sa probinsya kasi nasanay ako sa ingay ng Manila."

"Bakit kayo rito lumipat? 'Di n'yo ba alam na may sumpa ang bayang 'to?" Sabay-sabay kaming lumingon kay Quijano at tinapunan siya nang blangkong tingin. The weirdo smiled innocently at us while slowly lifting his fingers in a peace sign, levelled on the side of his face.

"Go on, don't mind him." Binalingan ko si Jackie.

"My sister was diagnosed with Dysthymia—persistent depressive disorder. Kaya nag-decide ang parents ko na lumipat sa tahimik na lugar para sa recovery niya. Sinisi ko siya dahil hindi ko pa naiintindihan noon... all that drepression crap sounds bullshit to me. But when I found out that she tried to kill herself back when we were in Manila because of stress, pressure and her bullies at school, unti-unti, sinubukan kong maging aware sa pinagdaanan niya. Matabil ang dila ko noon at marami ako laging nakakaaway sa school... pero dahil sa nangyari, I tried to be selective and sensitive with my words when I'm around people. I'm still a no good but I'm trying."

The four of us sat in silence after hearing what Jackie said. We'd been classmates since grade eleven and she'd always been nice to me but I didn't know that about her—and her being that nice to me finally makes sense. Kaya rin pala lagi siyang iritable kay Leo dahil sa natural na pagiging bully nito.

"But anyways, ayun nga, I was kinda feeling low for days when someone asked me if I'm interested to volunteer on helping with some of the student council works. Marami kasi silang handle na projects at gawain that time. Short din sila sa manpower dahil busy ang ibang graduating na members. In my current emotional state that time, hindi ako interesadong mag-volunteer. But this someone told me that if I do so, marami akong makakasalamuha at pwedeng maging kaibigan. He knows I was a transferee slowly being a loner. So ayun, I end up agreeing to help and true enough, ang dami ko ngang naging kaibigan dahil do'n. But out of all the friends I made because of that, Toby was the most I'm thankful for.

"He helped a lot with my adjustments here. Kaya madali rin akong naging pamilyar at kumportable sa lugar. Toby was one of the warmest person I've known."

May narinig akong malutong. Isang lingon at naabutan kong namamapak na ng chichirya si Quijano.

"Kumakain ka?" I looked at him in disbelief.

He grinned. Sabay lahad palapit sa pack ng kinakain. "Gusto mo?"

Umiling lamang ako. Aabutan sana niya si Leo. Ngunit nang maabutang nakatingin na ito sa kaniya sa blangko at walang ganang ekspresyon, mabilis niyang iniliko iyon patungo sa direksyon ni Jackie.

"No thanks," ngiwi ng huli. Sabay baling kay Leo at tango. "Your turn."

The latter cleared his throat and started talking with his usual bored tone, "We hang out from time to time since we were kids and he usually do all the talking. Hindi 'yon natatahimik pwera na lang kung may pinag-iisipang mabuti. He easily gets along with anyone but he's not a pushover. Sinabi niya sa 'kin isang beses na natatakot sa 'kin ang ibang mga bata dahil lagi raw akong mukhang badtrip."

Sabay kaming tatlong tumango bilang pagsang-ayon kay Leo. Sandali pa siyang natigilan sa pagsasalita at bahagyang napasimangot bago muling nagpatuloy. Madali siyang nakabawi.

"Nga pala, he started asking a lot about you since junior high." Pang-asar ang ngisi niya pagkabaling sa akin.

"Oooh," sabay na paggatong ni Jackie at Quijano rito.

"Namumula si Rai, Pres!" kantyaw pa ni Jackie.

"Kinikilig 'yung buto ni Toby!"

Natahimik kaming tatlo dahil sa sinabi ni Quijano. Siya naman ay tawa nang tawa habang patuloy pa rin sa pagpapak. This weird boy can't drop his jokes right.

Hindi rin ako makapaniwalang seryoso sila na may gusto nga sa 'kin si Toby. Parang hindi ko lang matanggap na alam nilang lahat iyon pwera sa akin. At ayaw ko rin talagang maniwala. What's use in it for me to know if that came out true anyway? Masyado lang silang malisyoso.

Leo cleared his throat again and continued, "He knows a lot of random weird facts and drops it randomly and out of nowhere. Something about how lightning strikes the earth a hundred times every seconds or that our tongue print are as unique as our fingerprints—shits like that." He chuckled under his breath.

"Oh, right! I remember once when he told me these weird things about a sneeze—that I can fracture a rib if I sneeze too hard. Tapos 'pag tr-in-y ko naman daw i-supress 'yon pwede daw mag-cause ng death 'pag may nag-rupture sa ulo o sa leeg ko na blood vessel or something. And the worst one is that he says that if I try to keep my eyes open by force while doing it then they can pop out! I never thought a sneeze could be that dangerous! Marami pa siyang sinabi sa 'kin noon pero iyon ang pinakanatandaan ko. Those are freaking weird!" dire-diretsong singit ni Jackie.

Lumingon ako kay Quijano sabay sabing, "Weird."

Kumurap siya ng ilang beses at natigilan sa pagnguya. Naituro niya ang sarili. "Ako ba o...?"

"Siya rin ang madalas kong tanungin at kopyahan noon tungkol sa assignments 'pag tinatamad akong gumawa," dugtong pa ni Leo.

"Ako rin! Pero nagtatanong lang ako, hindi nangongopya," si Jackie ulit. "Galing magturo 'yon! Nosebleed lang ako minsan pag math na ine-explain."

"Bakit kasi hindi ka na lang din nangopya?" Ngumisi si Quijano sa pagitan nang pagnguya.

"Weirdo, you're up," ani Leo.

"Huh?" Muling naituro ni Quijano ang sarili. "Akala ko ba hindi ako kasali rito? Kaya nga nanginginain lang ako eh."

"How did you become friends with Toby?" si Jackie habang kuryosong nakatingin sa huli.

The three of us stared at him as we waited for his story. Ngunit imbes na magkwento ay ngumisi lamang ito at nagpatuloy sa pagkain.

"What? Tell us about it," Jackie demanded. "Hulaan ko, nagkakilala kayo dahil sa dalas mong ma-detention 'no?"

Natawa si Quijano. "Hindi oy!"

"Hindi ka rin taga rito 'di ba? Kailan kayo lumipat dito?" si Leo.

"Was it in grade seven?" kumpirma ko.

Dali-daling natigilan sa pagkain si Quijano at napabaling sa akin. Bahagya pang namilog ang mga mata bago mapang-asar na ngumisi at tumitig. "Uy bakit mo alam?"

"Bakit kayo rito lumipat? 'Di ba alam ng pamilya mong may sumpa ang bayang 'to?" si Jackie bilang paggaya sa tanong ni Quijano kanina.

Walang ganang lumingon dito ang huli. "Lumipat kami rito para alisin ang sumpa." Sabay pilyong ngumisi. "Kaya umalis ka rito! Sumpa! Iwan mo ang bayang ito!"

Suminghap ako sa gulat nang walang pakundangang itinapon ni Quijano ang pakete ng kinakaing chichirya sa ere, ang ilang natirang durog na mugmog noon ay saktong natapon sa mukha ni Jackie—kita ko ang pagkapit ng ilang malalaking mumo ro'n. Maging si Quijano ay natigilan sa nagawa. Ilang sandaling pikit-matang naestatwa rin si Jackie dahil sa pagkabigla.

Leo snorted and started laughing loudly beside me. Kasabay nito ang dali-daling pagtayo ng salarin upang tumakas.

"Quijano!" gigil na tili ni Jackie nang makabawi. Nagpapadyak ito sa damuhan sa sobrang inis habang pinapalis ang mugmog sa mukha.

"Sumpa! Lisanin mo ang bayang ito! 'Wag kang lumapit sa 'kin!" Mamatay-matay sa pagtawang tumakbo si Quijano palayo sa galit na si Jackie nang nag-umpisa ito sa pagtakbo.

"Come back here you idiot! I'm gonna end you!"

Sapo ko ang noo at hindi na napigilan pa ang tawa nang pinanood ang paghahabulan ng dalawa. Tuluyan nang lumubog ang araw nang natapos at napagod sila kakaikot sa malawak na damuhan.

Paalis na'y nagtatawanan pa kami habang sinusubukang awatin ang pikon pa ring si Jackie na patayin si Quijano. I know it was a first for us to be together like this. But it felt nostalgic. Walking alongside each other on the way home and messing around. It was all just silly stuff but I never knew until now how much I'm missing out on life for caging myself in my own world for a long time.

"'Di na tuloy nakapag-share si Rai! Ang epal mo kasi!" angil ni Jackie.

"Why don't we... go back here next week?" My heart beat so loudly with just a simple question. Humigpit ang hawak ko sa strap ng sariling bag habang dinidinig iyon.

Natigilan silang tatlo sa paglakad para lang lingunin ako. Hindi ako makatinging pabalik sa kanila dahil natatakot akong makita ang mga reaksyon nila. Maybe they thought it's just a waste of time or—

"Or we can go here every week. Until we're all okay with what happened."

Umawang ang mga labi ko sa gulat pagkarinig nang sinabi ni Leo. Para akong nabunutan ng tinik nang salubungin ako ng mga ngiti nila, matapos kong mag-angat ng tingin. Bagkus na magsalita ay tumango na lamang ako at pinigil ang nagbabadyang luha. I tried to smile back at them.

"O, kasali na ba 'ko riyan?" Ngumisi si Quijano.

"Pabatok muna ng isa!" ani Jackie sabay akmang hampas. Mabilis namang umilag si Quijano at agad naiwasan ito. Animong walang kapaguran ang dalawa nang nagsimula na namang maghabulan.

"Ayaw n'yong tumigil? Madapa sana kayo!" pahabol nang natatawang si Leo sa dalawa bago kami muling nagpatuloy sa paglakad.

I had this thought about pain then. How inevitable and innate it is in our lives. But it's our choice what kind of pain we want in ours. Whether it's agony from losing someone we care about, or regret for neglecting the gift of time we've given with them, no matter how short.

Can you see them? What a bunch of kids, right? I wish you're laughing here with us too, Toby.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top