20 - When we die


"Do you know what's worse than dying?" Tinanong ito ni Quijano nang naroon kami sa Ramen shop na kinainan namin nang nakaraan.

His eyes were almost blank when I looked up and stared at him. Hindi ko alam kung nakatitig ba siya sa sarili niyang pagkain o kung nakatulala siya roon. But it looked neither because he seemed to be staring at nothing—this bothered me more than his question did.

What is he thinking?

Muntik ko nang mapigil ang hininga nang mag-angat siyang bigla ng tingin, napako ang mga mata namin sa isa't-isa.

"Every one dies but only few has lived. And the thing that's worse than dying is not being able to live a life on your own terms," aniya sabay ngisi. Balewala siyang nagpatuloy sa maganang pagkain matapos.

"That's kinda morbid." Bumuntonghininga na lang ako bago ipinagpatuloy rin ang pagkain.

He laughed under his breath, dismissing my comment as he nodded.

This might be his way of tipping-off his... coming end. He might be saying this to me because he wanted me to take the hint... ngunit gaano ko man kagustong tanungin siya tungkol sa kundisyon niya'y may pagdadalawang-isip pa rin ako. Dahil gusto kong i-consider kung gusto ba niyang ipaalam iyon o hindi. Maybe I should wait until he can be open about it? But how could I know that? And what did he mean by living a life on your own terms?

"Carpe diem."

Muli akong napabaling ng tingin sa kaniya nang maalala ko ang sinabi niya noon nang nasa student's park kami. I think I'm starting to understand why he's doing what he's doing. Kung bakit niya ginagawa ang mga bagay on his own terms.

Jumping on the bridge. Trying new things like smoking and drinking. Cutting classes just to mess around. And his curiosity about my resent towards Toby. He was interested about his death dahil bukod sa nakita niya umano kung paano ito namatay, kuryoso rin siya kung anong magiging reaksyon ng mga tao kung wala na siya? Kung may tao bang katulad ko'y makakaramdam ng hinanakit o tampo o kung ano pa man bukod sa pagluluksa? Was that it or am I just overthinking this?

Napatiim bagang ako at sandaling napatigil sa pagkain.

I should just ask him.

"What made you so interested about my resent towards Toby?"

Mukhang nagulat siya sa tanong ko ngunit mabilis rin namang nakabawi.

"I thought you've figured it out by now." Mabilis niyang nginuya ang laman ng bibig bago muling nagpatuloy, "Sa pagsasabwatan natin?" Sabay pilyong ngisi.

"Iyon lang?"

Sandali siyang nag-isip at may bahid pa ng pagkalito nang mabagal na tumango. "Can't think of anything else."

"Okay."

It's two things: Whether I'm giving this so much thought or he didn't want to talk about his health condition.

Pagkasubo ng huli niyang gyoza ay bigla siyang natawa.

"Bakit?" Kumurap ako sa pagtataka.

Umiling siya habang ngumunguya, natatawa pa rin. "May naalala lang ako."

I heard the curiosity sipping in my monotone. "Ano?"

"Alam mo ba, meron akong kaibigan na gustong i-test kung totoo bang mas mabilis kang malalasing pag may betsin ang alak mo. Ang siraulo nilagyan ng isang kutsarang betsin ang beer niya. Alam mo anong nangyari?" He swallowed the last of what he was chewing. "Nahimatay siya hindi dahil sa pagkalasing kundi dahil sa pagpapak ng betsin!" Ang lakas ng tawa niya matapos magkwento.

Kumunot ang noo ko habang iniisip 'yon. That's dangerous. "Is your friend an idiot?"

"May pahuling habilin pa nga sa 'kin ang bugok habang dinadala ko sa ospital! 'Kala mo mamamatay na!" Siya ang mamatay-matay sa kakatawa ro'n kaya't hindi ko na napigilan ang mapangiti habang pinanonood siya.

Kita ko na naman kasi ang lalamunan niya dahil sa sobrang pagtawa. At sa totoo lang, parang mas nakakatawa talaga ang tawa niya kaysa sa kinwento.

"The other customers are glaring at us," natatawa kong puna kahit wala naman akong pakialam doon.

Nahagip din ng tingin ko ang pangisi-ngising si Chico habang sumusulyap sa amin. May ngiting nakapinta sa mukha ko nang bahagya ako nitong kinawayan. Tinuro niya ang kasama ko at saka inikot ang daliri sa tapat ng tainga kaya't mahina akong natawa.

Nang bahagyang huminahon sa pagtawa si Quijano ay napailing na lang ako. Itatanong ko na sana kung sino ang kaibigan niyang iyon at baka kilala ko, ngunit bigla-bigla'y nanlamig ang pisngi ko sa sunod na nakita. Mabilis na nilukob ng takot ang buo kong sistema nang mapatitig ang namimilog kong mga mata sa mukha niya.

"Y-Your... your nose is bleeding."

"Huh?" Nasapo niya ng wala sa oras iyon nang tuluyang matigilan sa pagtawa.

"There's b-blood—" Taranta akong humugot ng tissue'ng nasa gilid ng table. Humilig ako sa lamesa bilang akmang pagpunas doon ngunit sinapo niya ang kamay ko.

Kinuha niya ang tissue sa akin at nag-umpisa siyang punasan ang ilong habang nakangiwi. "Napasobra rin yata sa betsin si Ojisan ah?" Sabay mahinang tawa na para bang wala lang iyon.

Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig nang unti-unti itong mag-sink in sa akin. Hanggang sa makauwi ako ay hindi ako tinigilan nang pag-iisip sa kalagayan niya. I couldn't slept well too thinking about him. And if anything, I never thought that I couldn't sleep all night thinking about a boy, not because of my attraction towards him but because of his nearing end.

I started asking myself what I could do for him. He's sick. And dying. Is that why he was so reckless? Hindi ba dapat kabaligtaran iyon? But it looked to me that he didn't even care if he dies. Or maybe he wanted to? Kaya ba ayaw niyang ipaalam ang tungkol sa sakit niya?

I'm just probably overthinking this... right? But the thought of it really bothers me.

"Morning, Raikin!"

"Morning."

"Eh?" Nalagpasan na niya ako sa paglalakad ngunit bigla siyang napako sa kinatatayuan sa kung anong dahilan.

Huminto rin ako ng lakad at pinanood ang mabagal niyang pagbaling pabalik sa akin.

His eyes widened a fraction as he tilted his head to the side, as if in observation. "That's weird."

I nodded in affirmation. "Weird? That's you."

"You greeted me back!" Unti-unti siyang ngumiti na animo'y nahihiwagaan.

Kumurap ako at sinubukang ngumiti ngunit tanging ngiwi ang nagawa ko. I didn't thought seeing him again after what happened yesterday would be kinda awkward. Hindi ko tuloy mapigilang bilangin ang pagpatak ng bawat segundo habang nagpapalitan kami ng tingin doon.

I didn't know what to say or if there's anything I should be saying at all. Worse, I'm being reminded of how hopeless I looked like when I cried, knowing he was staring closely at me all the damn time.

Bakit ngayon ko lang naiisip ang mga ito? Ni hindi na nga ako nakatulog nang maayos kaiisip sa kundisyon niya tapos ito naman ngayon? Since when did I become so interested on this weird boy?

Chuckling, inumpisahan niyang bawiin ang hakbang pabalik patungo sa kinatatayuan ko. "Why are you standing there all awkward—"

"Rai!"

I was only about to turn when I felt an arm circled on mine. Natagpuan ko na lamang ang sariling hila ni Jackie matapos.

"Huh?"

"Jackie?"

Agad akong nagtaka nang makita ang matalim nitong tingin kay Quijano, habang patuloy akong hinihila papasok ng room namin. She even gestured her index and middle finger on her eyes then on Quijano's direction, as if saying she's keeping an eye on him.

What the hell is she doing that for?

Huli ko na lamang nakita ang litong ekspresyon ni Quijano habang ginagaya ang ginawang gesture ni Jackie, nang tuluyan ako nitong mahila papasok ng room at paupo sa mga sarili naming desk.

"Pinaiyak ka ba niya?! What has he done to you?! Did he hurt you again?!" Nanggagalaiting nagkuyom ng kamao si Jackie sa ere habang kagat ang ibabang labi sa gigil. "Sinasabi ko na nga bang mapanganib ang weirdong Quijano na 'yon!"

"Ano?" Lito akong napakurap.

"Leo's right! He's bullying you! May nagsabi sa 'king kakilala na nakita raw niya kayong magkasama ni Quijano kahapon! She said you were crying!"

Umiling ako. "Jackie, listen—"

"What did he do?" Sabay kaming napalingon sa matigas at baritonong boses. "Umiyak ka? Kaya ba namamaga 'yang mata mo?"

Pareho kaming natigilan at sandaling natahimik ni Jackie sa gulat dahil sa biglang paglapit ni Leo. Ang nagbabadyang galit sa likod nang blangko niyang ekspresyon ay bahagyang nagpabahala sa akin.

"I did but—"

"Anong ginawa niya?" Bahagyang natahimik ang ilan naming kaklase nang marinig ang bahagyang pagtaas ng boses ni Leo. Some of them are now watching us curiously.

Ayaw ko mang pag-usapan ang nangyari sa greenhouse kahapon ay mas lalong ayaw ko itong ma-misunderstood at palakihin pa.

Pumikit ako nang mariin at humugot ng lakas ng loob.

"Rai?"

"Yesterday was Toby's fourtieth day..."

Hindi sila nagsalitang pareho kaya't tumitig ako sa sariling mga palad na nasa kandungan. I could feel my heart starting to beat loudly as I felt the remnants of my emotions yesterday.

"Hindi ako pumunta sa burol at libing niya. I couldn't even see through to the end of his program... I couldn't stand any of it. Because... I didn't know how to say goodbye. For a long time, I couldn't convince myself to believe that he's not here with us anymore."

Halos nakakabingi sa lakas ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako sigurado kung sapat ba ang mga sasabihin ko para maintindihan nila 'ko ngunit nagpatuloy pa rin ako.

"But yesterday... I think I started to finally accept that he's really gone... and how awful of a friend I've been. I know I can no longer make amends for my shortcomings... but I'll try to be a better friend from the rest of the people I still have. I'll try not to be an awful person even though I can't help it at times."

"Raiii!" Aktong mag-aangat pa lang sana ako ng tingin para salubungin ang mga tingin nila ngunit nagulat ako sa ginawang pagyakap ni Jackie. Bahagya na siyang nakatayo sa upuan para lang maabot ako mula sa desk niyang nasa pagitan namin.

"B-bakit ka umiiyak?" Nanginig ang boses ko dahil sa bukol na namuo sa lalamunan.

Ramdam ko ang pag-iling niya sa tanong ko, ang mga balikat niya'y bahagya pang nanginginig. "I may not know much about losing someone in death, but I know how much losing a friend can took a toll on you. And I'm just happy that you can talk about it now. I won't be petty for I don't care if you open it up with Quijano first o kung kanino pa man. I'm just so relieved to know that you finally did!"

"Aray," natatawa kong daing nang humigpit ang yakap niya. "Marami na akong iniyak kahapon, Jackie. 'Wag mo na akong paiyakin ulit."

"You can talk to me about it, okay?" aniya pa habang patuloy sa paghikbi.

Ang pag-init ng sulok ng mga mata ko'y ramdam ko na. And the tinge of pain I felt in my chest was kinda strange. But it felt comfortably warm.

Tinapik ko ang braso ni Jackie matapos kong tumango. Halos manginig muli ang boses ko nang ibinulong ito, "Okay."

"Do you want to visit his grave after school?"

Agaran ang pagkakabitiw ni Jackie sa akin. Sabay kaming napatingin sa nagsalitang si Leo. Nakaupo na siya sa sariling desk nang magbaling ng tingin pabalik sa amin.

"We should go visit him!" Tumango si Jackie paglingon sa akin habang nagpapalis ng luha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top