17 - My reason to come back home
[Present]
"Rai... bakit?"
"N-nandito ka pa rin... nandito ka pa rin naman bukas... 'di ba?"
Sumulyap siya sa braso niyang hawak ko bago ako tuluyang hinarap. Bahagya siyang lumapit at dahan-dahang tumango, ang kaunting bakas ng gulat ay naiwan pa rin sa ekspresyon.
"Hindi ako aalis," aniya nang hindi nagbibitiw ng tingin.
Para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Pinalis ko ang luha at pilit nilunon ang bukol sa lalamunan. Unti-unti rin akong tumango. I didn't change my number and I couldn't be more than glad that I didn't.
"Kung m-may kailangan ka... y-you can call us."
Hindi siya sumagot. Nanatili lang ang tingin niya sa akin nang muling tumango nang mabagal.
Tahimik akong suminghap pagkatantong hawak ko pa rin siya. Hindi siya nawala. Sumikip ang dibdib ko, hindi ko na mabilang kung pang-ilang ulit. "M-magkikita pa naman tayo ulit... 'd-di ba?"
From a hard expression, his eyes softened a bit when he gave out a faint smile. "'Wag ka nang umiyak. Nandito pa ako bukas... at sa susunod pang mga araw. Dito lang ako. Magkikita pa tayo. Hindi ako aalis."
Nanginig ang mga labi ko para sa panibagong mga luha. Kulang ang mga alam kong salita para ipaliwanag ang nag-uumapaw na relief, saya at kirot sa puso ko nang mga oras na 'yon.
"Ang sama na ng tingin sa 'kin ni Leo... baka 'di ako makauwi nang matiwasay nito." Bahagya siyang yumuko para panatilihin sa kaniya ang naligaw kong tingin. Marahan siyang ngumiting muli nang tumigil ang mga mata ko at matuon ulit sa kaniya.
Panay ang palis ko sa luha kahit tuloy-tuloy din ang pagkawala nito sa mga mata ko. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa dahil sa pangangatal ng mga labi kaya't kinagat ko ito nang mariin. Pumikit ako matapos at dahan-dahang binitiwan ang braso niya.
I heard him sigh heavily in front of me, not making any movement.
"Puntahan mo na para makauwi na kayo. Saka na lang ako aalis 'pag nakaalis na kayo," aniya sa mahinahong tinig.
Balik sa madilim at seryoso ang mga mata niya nang muli kaming magpalitan ng tingin. Pumamulsa siya sa suot na jacket at hindi gumalaw mula sa kinatatayuan, nakatuon sa akin ang buong atensyon.
"Sige na, Rai. Kanina ka pa umiiyak, ipahinga mo na 'yan."
Ayaw pang humakbang ng mga paa ko paalis. Mali. Ayaw ko pang umalis.
"Rai, halika na," boses ni Leo.
Bahagyang gumalaw ang panga niya nang manatili ako sa kinatatayuan. He didn't say a word and let me stared at him for a while. Staring back at me without any hint of emotion, he took in a tight breath and held it. Binasa niya ang labi bago dahan-dahang nagbuga ng hangin, tila nahihirapan o may kung anong pinipigilan. Bukod doo'y may kung anong emosyon pa akong nakita sa mga mata niyang hindi ko mabasa.
"Go on," aniyang halos bulong sa hina matapos pumatak ng sandali.
Kumurap ako at nakipagtalo pa sa sarili. Labag man sa loob ay pinilit ko ang sariling humakbang para talikuran siya at umalis na ro'n, kahit parang may kung anong sumisigaw sa kaloob-looban kong manatili.
Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong lumingon pabalik habang kumakalabog ang dibdib sa takot na baka mawala siya roon. Ngunit hanggang sa makalayo kami ni Leo ay nanatili siyang nakatayo sa parehong pwesto.
Totoo siya. Hindi ito panaginip. Buhay siya. Hindi ako nababaliw. Narito siya. At sa wakas, may pagkakataon pa.
Nagising ako sa pamilyar at maingay na boses sa baba kinabukasan. Lutang pa ang isip ko mula sa pagtulog nang bigla-biglang may sumunggab sa akin nang isang mahigpit na yakap.
"Raiiii! Na-miss kita!"
Bahagya kong ipinaling ang ulo para makita kung sino ito. "Jackie?"
Inuga-uga niya ako at pinisil ng yakap, parang paborito niyang stuff toy na nawala at muling nahanap. "Ang tagal nating 'di nagkita!"
Napangiti ako at niyakap siyang pabalik. After four years I couldn't believe I was hearing her jovial voice again. "Ang bilis ng panahon... na-miss ko rin ang ingay mo."
Marahan siyang natawa hanggang sa naramdaman kong unti-unti siyang napahikbi nang mahina. "Sorry kung ngayon lang ako nagparamdam... I just... I don't have the guts to come back here or even check on you guys after what happened... pero... totoo bang... totoo bang nandito siya? Is it really true that he's alive?"
Ilang sandali nang pagkakatulala ko ang lumipas matapos lumipad ng isip sa nangyari kahapon. Tila nagliwanag ang mga mata ko na animong noon lamang ako tuluyang nagising mula sa mahabang pagkakatulog. Dahan-dahan ang pagbilis ng tambol ng puso ko nang rumagasang pabalik sa akin ang mga nangyari kahapon.
"He is, Jack. He's alive." May ngiting tumango ako kay Jackie nang magbitiw siya ng yakap. I held her gaze for a while. "Where's Leo?"
Hindi na ako kinailangang sagutin ni Jackie nang lumabas ito mula sa kusina. May hawak itong bowl ng oatmeal nang bumagsak sa akin ang tingin. "Get dressed, we're heading to Toby's."
"Wala kang pasok?"
He shrugged idly after shoving a spoonful of oatmeal in his mouth. "I took a leave."
"Ako rin," taas kamay ng nasa tabi kong si Jackie. "If he's realy here... then I have to see him with my own eyes!"
Malakas ang kalabog ng dibdib ko habang nasa loob kami ng sasakyan patungo sa bahay nila Toby. Leo said that that person was already there, waiting for us.
"Hey." A curt nod.
Pero hindi ko pa rin naiwasang magulat nang makita ko nga siya roon. Ang kaba ko'y dumoble dahil lang sa ilang sandali naming pagpapalitan ng tingin. "H-hi."
"Clint?! Oh my, God you're really alive! Oh gosh... you're here?!" Sapo ni Jackie ang mga labi nang dahan-dahang mapahikbi.
"Jackie." Tipid itong ngumiti sa huli bago sumulyap sandali sa akin.
"Nasaan sina Tito Ted?" si Leo matapos suyurin ng tingin ang loob nang tahimik na bahay.
"They're out looking for a new place."
"They're moving out?"
He just nodded yes.
"Saan ang kwarto ni Toby?"
"Can anyone tell me how all of you could act normally, like something like this happened on a daily basis?! Clint died four years ago, right? The news was all over the town before I left! It's even on TV! So how can he be here? This isn't normal!" ani Jackie, ang kalituhan, gulat at disbelief ay walang paglagyan sa ekspresyon nang inisa-isa kami ng tingin.
I idled for a moment after remembering my reaction last night. Naintindihan ko kaagad ang pinagdaraanan niya.
"Bakit parang ayaw mo na narito ako, Jackie? Mas gusto mo yatang totoong namatay ako noon?" ngiwi nito sa blangkong ekspresyon. Sabay iling. "The talk of me being dead still sounds as weird."
Napahikbi lang lalo si Jackie bago mabilis tinungo ang kinatatayuan nito. Isang malakas na hampas sa braso ang ginawad niya rito at saka gigil na nagpapadyak sa sahig.
"Aray." Sa gulat ay wala itong nagawa kundi sapuhin ang sariling braso. Na siyang sinundan ng isa pang hampas. "Ah!"
"You idiot! Buhay ka pala all these years tapos ni hindi ka man lang nagparamdam?! You ghosted us for four years?! Tapos bigla-bigla kang babalik at manggugulat na parang walang nangyari?! How freaking dare you!"
Narinig ko ang halakhak ni Leo nang sunod-sunod itong pinaghahampas ni Jackie.
"I hate you! I hate you! I hate you!"
"Ah! Aray! Jack—aray! Hoy!" Namimilog ang mga mata nito nang makalayo sa huli. "Ikaw yata ang totoong papatay sa 'kin?!"
Imbes na sumagot ay nagpatuloy lang sa pagnguyngoy si Jackie. Bumubuntonghininga, nilapitan ko na.
"Jack."
"We all thought you're dead! Alam mo ba kung gaano kasakit para sa amin 'yung nangyari four years ago?!"
Pare-pareho kaming natahimik dahil sa sigaw ni Jackie. Tanging mga iyak lang niya ang umalingawngaw sa buong bahay ng mga sumunod na sandali.
Hanggang sa binasag ni Leo ang katahimikan sa isang malamig na tinig. "Let's not talk about that here."
"Halika rito!" may pagbabantang ani Jackie nang makabawi.
Litong nagpasalit-salit sa aming tatlo ang tingin nito.
"Halika sabi rito!" ulit ni Jackie.
Nag-aalangan ma'y unti-unti itong lumapit sa huli, himas-himas pa rin ang mga brasong nahampas. "Sadista ka pa rin. Hahampasin mo ba ako ulit?"
Pagkalapit kay Jackie ay agad itong napangiwi sa inaasahang panibagong hampas na aabutin. Aktong pailag pa lang sana ito sa pagsunggab ni Jackie ngunit imbes na hampas ay yakap ang natanggap.
"Don't do that again. Or else I'll really end you!"
Muling kinain nang katahimikan ang mga sunod na sandali. Habang nagtutungo kami sa kwarto ni Toby ay ipinaliwanag ko kay Jackie ang haka-hakang natanto namin kagabi. Maigi niya akong pinakinggan at halos hindi pa rin makapaniwala.
"I heard about Mandela effect way back in high school. Hindi ko alam na posible pala 'yong mangyari dito sa atin. I posted on our high school alumni group last night after Leo told me about the catch. At halos lahat sila ro'ng ka-batch at lower grades na nakakakilala kay Clint ay iisa ang sinasabi. They all remembered that he died years ago too."
Unang tumambad sa amin ang mataas na bookshelf ni Toby nang pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ng kwarto niya. Halo-halu ang mga librong naroon, from fiction to non-fiction, classic to contemporary, sorted and filed by genres.
"They left his room as is after he died."
Bumagsak ang mga mata ko sa isang librong nasa bedside table niya. May nakaipit roong bookmark at agad kong natanto na iyon ang kasalukuyang librong binabasa niya, years ago. Lumapit ako roon at maingat itong binuksan. Isang mahinang tawa ang kumawala sa pagitan ng mga labi ko nang makita ang pamilyar niyang sulat kamay sa mga pahina nito—Toby and his stupid annotations.
I felt a familiar ache with the sight. Something cold filled my gut.
"Guys, look at this!" Sabay-sabay kaming napabaling kay Jackie na naroon sa tapat ng study table ni Toby. Hawak niya ang ilang piraso ng papel mula sa bukas na drawer.
"Ano 'yan?" si Leo nang makalapit.
"Sulat?"
Tumayo ako at lumapit na rin sa kanila. Pare-pareho naming binasa ang nakasulat sa papel na tatlong beses ang tupi.
"Eulogy?" I read out loud. Nagkatinginan kaming apat doon. "For who?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top