16 - Crying out loud
"What the hell, you dead?" ani Leo sabay tapik ng paa sa binti nito.
I'd been wanting to see him for the last few days just so I could talk to him, but there aren't any scenarios in my mind like this one. Seriously, wala bang gagawing normal o predictable na bagay ang lalaking ito?
"Quijano, quit fooling around and get up!"
Pareho naming hinintay ni Leo ang tugon nito. Ngunit nang hindi pa rin ito gumalaw ay nagsimula nang bumilis ang pagtahip ng dibdib ko. Marahan akong napasinghap sa namumuong takot na hindi ko napaghandaan.
Nabagok ba siya? Nawalan nang malay? Is he still breathing?
Halos maestatwa ako sa mga naiisip. Muli kaming nagpalitan nang may pag-aalangang tingin ni Leo. Napalunok pa muna ako sa kaba bago napagdesisyunang manuhod sa damuhan para suriin ito.
Messy hair. Black piercing on the right ear. Black shirt under unbuttoned rumpled uniform. Black jeans. Red high cut. He looked like the usual Quijano. Only that he was a bit paler than his normal complexion, with bags under his closed eyes. He almost looked like a ghost from up close!
"Hoy, weirdo!" Muling tinapik ng paa ni Leo ang binti ito. "Hoy!"
"Quijano!" Sinubukan kong tapikin ang pisngi nito nang ilang beses ngunit wala pa rin talaga itong response. I gritted my teeth as my breathing hitched in my growing panic. "Quijano, this isn't funny!"
Nang aktong ichi-check ko na sana ang pulse niya sa bandang leeg ay halos mapapitlag ako sa gulat, nang marahas siyang suminghap. His eyes flew open when he came to, violently gasping for air.
He was alive!
Mabigat na bumuntonghininga si Leo sa likuran ko.
Namimilog ang mga mata, para naman akong nabunutan ng tinik. Noon ko lang natantong kanina pa pala ako hindi humihinga nang maayos.
"Are you okay?"
"What's your deal?" manghang ani Leo rito. "Kung buhay ka pa, sabihin mo agad!"
"Huh? Nasa'n ako? Sino kayo? Spirit world? Ito na ba 'yon?" wala sa sariling anito sa mababa at mabilis na tinig, parang liyo.
"You idiot, we thought you're a goner! Did you jump again like what you did at the bridge?! Tingin mo may tubig na sasalo sa 'yo rito?" Sapo ang noo at animong pagod akong napasalampak ng upo sa damuhan, sa bandang gilid niya. Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko sa kaba ngunit unti-unti na itong napapalitan ng relief.
Manghang tumawa si Leo, hindi maitago ang kasarkastikuhan pagkasabing, "He jump on the what? The bridge? F*cking mental! Sinong hibang ang gagawa no'n?"
"Oh, tell me about it," tugon ko sa nanghihinang boses. Why did I have to witness this kind of his mischief twice?
Quijano chuckled, pakiramdam ko'y pinagtatawanan niya ang pagiging miserable ko rito. "That's our little secret... ba't mo naman pinagkakalat nang gan'yan, Rai."
"Bumalik na nga tayo," ani Leo sa matabang na tinig. Mukhang hindi na rin natutuwa sa kabaliwan ni Quijano.
Mabigat akong bumuntonghininga at sandali pang pinagmasdan ang huli. "Get up and go back to your class too if you're okay." Patayo na sana ako nang maramdaman ko ang pagsapo niya sa pulso ko. I could feel his hand slightly trembling. It got my attention immediately. "Quijano... do you need help?"
"I think I kinda hit my head pretty bad," aniya, ang mahinang bungisngis sana ay napalitan ng ngiwi.
"Not the first time you hit your head that bad, I bet." Sarkastikong suminghal si Leo.
"Ting! Ting! Ten! Nine! Eight!" Sa kabila nang pag-inda sa nararamdaman ay nakuha pang muling tumawa ni Quijano, na parang may nakakatawa talaga sa nangyayari. Sinubukan niya muling bilangan ang sarili ngunit nahantong na lamang iyon sa mahihinang daing.
"Parang gago," si Leo ulit, iritable na. "Halika na, Rai! Iwan mo na 'yan."
If he was messing around again, I swear.
"Quijano, tell me... what do you feel? Hilo? Does your head hurt? Napilayan ka ba? Can you stand on your own?" I paused for a small gasp. "Just tell me if you're not okay so I can help you. This isn't a laughing matter—kaya tigilan mo nang mga kalokohan mo."
His eyes landed on mine when it flew open again. Seryoso siya nang tumitig sa akin nang matagal. Makalipas ang ilang sandali'y naramdaman ko ang unti-unting pagbitiw niya sa pulso ko.
All of a sudden, a playful smirk curved across his face. Kagat niya ang ibabang labi bago nagsalita. "Sorry, I'm just messing with you. Masyado ka namang seryoso! Okay lang ako... kaya ko. Balik na kayo sa mga klase n'yo."
Kumunot ang noo ko sa narinig at diskumpyado siyang sinipat. "Kaya mo?"
"Kaya ko," aniya habang nakapikit, ang ngisi ay naroon pa rin sa mukha.
"Are you sure?"
"Sure."
"Why aren't you getting up, then?"
Hindi siya nakasagot. Hinintay ko siyang gawin ito ngunit pikit-mata lamang siyang nanatili sa damuhan.
"Quijano, I'll—"
"Kayo ko, Rai! Kaya ko."
Hinayaan ko siya nang makitang itinukod niya ang magkabilang braso at sinubukang umupo pagkatapos. Ang pamumutla niya'y hindi nawala. If anything, he looked worse than a while ago. Ilang beses ko siyang sinubukang tulungang tumayo ngunit tinanggihan niya iyon. He scrambled to his feet and tried to walk then.
"Kita mo na? Sabi sa 'yo—" Palingon pa lamang siya sa direksyon namin ni Leo nang bigla siyang matumba at muling mahantong sa damuhan. Sinundan ito ng mga daing niya.
"Quijano!" Dali-dali akong napatayo at napalapit sa kaniya. Sobrang bilis nang dagundong ng dibdib ko dahil sa gimbal. Something was wrong with him!
His eyes were shut again and his body was limp on the grass.
Sa nanginginig na kamay ay paulit-ulit kong tinapik ang pisngi niya. "Quijano! Naririnig mo ba 'ko? Quijano! Why are you so stubborn?! What's so hard in admitting that you're not okay?!"
"Sumagot ka nang maayos 'pag tinatanong. Anong nararamdaman mo?" si Leo, kunot-noong nanunuhod na rin sa tabi ko at maiging nakatingin dito.
"Quijano..."
"N-na..."
Kabado, maigi at halos pigil ang hininga naming inantabayanan ni Leo ang sasabihin niya.
"N-na... nata... natatae ako."
Leo groaned loudly before standing up. Iritable at tila napigtal na ang pisi ng pasensya niya nang biglang sumigaw. "You'll never get to pull one of your stupid pranks on me once I beat the shit of you! Tumayo ka riyan at nang mabigyan kita ng sample!"
Pumikit ako nang mariin at napatiim bagang. "Leo!"
"Oh shit. He's a scary dude!" Bumungisngis si Quijano, pikit-mata pa rin at muli na namang sinusubukang tumayo.
Napangiwi ako sa kaniya at pinigilan ang sariling sigawan din siya. "And you're one weird dude."
"Rai, iwan na natin 'yan kundi tutuluyan ko talaga 'yan."
"Sira ang ulo niya..." At hindi alam kung paanong tumanggap ng tulong. "Dalhin na natin sa infirmary." Sumulyap ako kay Leo.
As he was trying to get up, I grabbed his arm, put it around my shoulder and slowly helped him get to his feet. Wala akong narinig na sagot mula kay Leo kaya muli ko siyang binalingan. Naabutan ko siyang kunot noong nakatitig kay Quijano. Hanggang sa makatayo kami ay hindi siya gumalaw at mukhang walang balak na tumulong.
"How can you tell that he's not faking it?"
"You think that's important?"
"I don't know. Narinig mo ba ang mga sagot niya? May matino ba siyang sinagot?"
"Leo, he needs help."
"How can we know for sure if he won't say it clearly?"
"Leo! For God's sake!" Nagpalitan kami ng tingin nang hindi siya umimik. "Please just help me—"
"Fine!" iritable niyang suko sa wakas sabay bagsak ng mga palad. "Humanda ka sa 'king weirdo ka kung walang ibang problema sa 'yo kundi sira mong ulo."
Labag sa loob niyang kinuha ang isang braso ni Quijano at ipinadaan din sa balikat niya. The fact that Leo was the tallest among the three of us made it easier for me to carry the weight left on my side. Dahil siya na halos ang nagdala nang bigat ni Quijano. Tingin ko nga kahit wala ako rito ay kaya niyang buhatin ito nang mag-isa.
Kalong ang tig-isang braso ni Quijano sa mga balikat namin ni Leo, nag-umpisa kaming maglakad paalis ng field para magtungo sa infirmary.
"Guys, lumulutang ba 'ko? Bakit gumagalaw ang paligid... kahit hindi ako naglalakad? Ito na ba 'yung tinatawag nilang... out of the body experience?" Gulapay man at halos wala nang malay ay nagawa pa ring magsalita ni Quijano, para nga lang siyang lasing sa boses niya.
"Tumahimik ka na lang kundi lilipad ka rin pababa dito sa building," si Leo.
The weirdo chuckled.
"Ano bang ginagawa mo ro'n sa taas ng puno?" tanong ko.
"Oh. I was just trying to take a nap! Tapos napasipa ako sa panaginip ko... kasi nalaglag ako sa kung saan! Tapos ayun... nagising na lang akong nasa damuhan na 'ko!" mabagal at pangisi-ngisi niyang pagkukwento.
Nagkatinginan ang parehong blangkong mukha namin ni Leo nang ilang sandali. Sabay kaming napailing matapos.
"Sa lawak ng bleachers sa taas ng puno ka pa nahantong? Akala mo nakakatuwa ro'n? Buti sa 'yo," ani Leo sabay singhal.
Wala kaming estudyanteng nakasalubong dahil class hours. May kalayuan ang infirmary mula sa field kaya't pareho kaming hingal ni Leo, nang makarating doon sa wakas. Dinaluhan kami ng nurse na naka-duty at naglaan ito agad ng kama para kay Quijano, na ngayo'y tuluyan nang nawalan ng malay.
Muli na namang nabuhay ang kaba ko sa kabila nang paghangos habang nakatingin sa kaniya. Katulad ng pagkakakita ko noon sa ginawa niyang pagtalon sa tulay, tingin ko talaga may fetish siya sa mga delikado o estupidong bagay. At wala naman akong pakialam sa mga desisyon niya sa buhay. Pero bakit hindi ako mapalagay ngayong nakikita ko ang panghihina at pamumutla niya?
"Rai!" Tila nahugot ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang pagtawag ni Leo. Naroon na siya sa pintuan ng infirmary nang nilingon ko. "Ano pang tinatayo mo riyan? Halika na."
Ibinalik ko ang tingin sa taong naroon sa kama. Hanggang sa marinig ko ang mahinang tawa ng nurse na papalapit. Agad ko itong nakilala bilang parehong nurse na nag-assist sa akin nang nakaraan para sa sugat ko. "Batang 'to talaga ang daming kalokohan. Hindi ko maintindihan minsan kung anong iniisip niya't ginagawa niya ang mga 'yon. But I can assure you he'll be okay."
I was almost certain there was something wrong with him back at the field. "Are you sure he's going to be okay?"
Ngumiti ang nurse sa akin. "It seems like he fainted because he's sleep deprived. He had a mild concussion but other than that, his head's fine. At mukha namang wala siyang ibang injury o sugat bukod sa gasgas na nasa braso niya."
Parang noon lamang ako nakahinga nang maluwag magmula nang umalis kami sa field kanina.
"O? Nandito na naman si Clint?" anang isa pang nurse na dumating. Pagkalingon sa pintuang pinanggalingan nito'y nakita kong wala na roon si Leo. Mukhang nauna nang bumalik.
"He fell down on a tree this time," anang nurse na kumakausap sa akin. Tanging iling lang ang naisagot ng isang nurse rito, gayunpama'y bakas sa ekspresyon nito ang pag-aalala.
Matapos magpaalam sa dalawang nurse ay umalis na ako ng infirmary para bumalik sa klase. Pahakbang na ako pababa ng hagdan nang kusang huminto ang mga paa ko.
I remembered how his hand trembled when he held my wrist. Pati nang pagsubok niyang pagtayo para lang ipakitang maayos siya kahit hindi na niya kaya.
It was just two things: Either he didn't want to burden anyone or he didn't want to depend on someone. Hindi ko man alam ang eksaktong rason niya'y tingin ko naiintindihan ko siya.
The urge to see for myself that he was really okay fuelled my next steps as I go back to the infirmary. Ilang sandali ang makalipas ay muli ko na lamang natagpuan ang sarili sa tapat ng pintuan nito. I set aside getting punished for ditching class for this. Buo na sa isip kong hintayin siyang magising ulit at masiguradong maayos talaga siya. It sounded so stupid even inside my head but I didn't care.
Muli na sana akong papasok ngunit nanatili ang kamay ko sa bukas nang doorknob nang marinig ko ang boses ng dalawang nurse kanina.
"He doesn't want anyone to know that he's sick...
"I was there when the doctor said that he only have a few years to live. Nakakapanlumo. Ang bata pa niya para pasanin ang bigat ng mundo. He can be a little handful sometimes but he's a good kid.
"Hindi ko lubos maisip kung gaano kahirap para kay Clint nang malaman niya..."
Nanigas ang buo kong katawan at parang tinakasan ako ng hangin dahil sa pangangapos ng hininga. Wala ako sa sarili nang mag-umpisa akong humakbang palayo roon. Ang mga salitang narinig ay parang mga bulong na paulit-ulit nagsirko sa isip ko.
Tama ba ang narinig ko?
Quijano... that crazy weird kid... is dying?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top