15 - Color blind
I woke up with the news that the classes for all levels were suspended because of the typhoon. At hindi ko malaman kung pinagkakatuwaan ba ako ng pagkakataon o ano. Of all the days, bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang noong mga nakakaraang araw na wala akong ganang pumasok nag-suspend ng klase? Bakit ngayon? Kung kailan gusto kong kausapin si Quijano?
Literal akong nanigas sa kalagitnaan nang pagkain dahil sa naisip. Kunot noo kong tinitigan ang nabitin sa ere kong slice bread matapos.
Bakit ang pangit ng dating?
Mabilis akong nawalan nang gana sa mga naiisip kaya't imbes na buong araw akong maging miserable ay pinili ko na lamang na magbasa. Not that I wouldn't be reading if I wasn't miserable though.
Maulan nang buong weekend kaya't laking pasasalamat ko nang maaraw na pagdating ng Monday. Also, I didn't want to remember what happened last Sunday night at Leo's house. The 'family' dinner they were imposing. They were just trying real hard and what could I say? It was so pretentious that I had to fight the urge to run back home the entire time!
"I finally succeeded on knocking some sense to my son." Tito Lenard smiled after glancing at Leo's direction. "He told me he's quitting soccer for good. Given na huling taon na niya sa high school, it's better to focus on his studies than some stupid sports."
I'd known Tito Lenard since I could remember. But I didn't remember him being like this when Leo and I were kids. The last time I remembered him, he was a dedicated and a hardworking man but he was never an asshole. So how could he associate something that Leo's passionate about with that word 'stupid'?
"Hindi pa man din biro ang law school. Kaya nga ang sabi ko, political science ang kunin niyang pre-law katulad ng sa 'kin. Tutal at susunod naman siya sa mga yapak ko."
I felt sick.
Hawak ko ang mga kubyertos pero hindi ako kumakain. Nakatitig lamang ako kay Leo na nasa tapat nang inuupuan ko. His face was emotionless as he ate. Parang walang naririnig. At parang wala na ring nararamdaman.
Why wasn't he saying anything? He loved soccer since we were kids! Wala siyang higit na pinagtuonan ng oras at pansin kundi soccer dahil pangarap niyang maging team captain noon. And now that he became one, ano iiwan niya ang team? Is this why I didn't see him practicing since the start of the new school year?
"Matalinong bata naman si Leo kaya alam niya kung ano ang dapat i-prioritize." Mama glanced at Leo and smiled with sincerity.
Natulala ako sa sariling pinggan nang unti-unting mag-sink in sa akin ang katotohanan nang nangyayari. Soccer for Leo was like reading books for me. At hindi ko ma-imagine ang buhay ko nang wala ang mga libro. Just thinking about it already made me feel empty. Ganito rin ba ang nararamdaman ni Leo?
No. I bet it was way worse.
"Ikaw, Rai? What course are you planning to take?"
Sandaling natahimik ang hapag nang hindi ako sumagot agad. Because honestly speaking, I didn't have anything in mind right now. Until now. I'd been avoiding this topic ever since I became a senior. But I could feel the real pressure of it slowly creeping in me now.
Si mama ang sumagot para sa akin. "She'll take medicine after. Though she haven't decided on a pre-med course pa."
Lumipad patungo sa akin ang atensyon ni Leo, nasilip ko ang kaunting pagkasurpresa sa blangko niyang ekspresyon.
"Oh? That's a good choice," tumatangong ani Tito Lenard nang magbalik ng tingin sa akin mula kay mama.
Was it? Because that choice wasn't mine. It was mom's.
"Why aren't you eating, Ate? Try mo 'tong cordon blue nila o, masarap," mahinang untag ni Allen bago nilagyan noon ang plato ko.
He smiled at me when I turned to give him a faint smile. Nagtagal pa ang tingin ko sa kapatid, iniisip na hindi tulad namin ni Leo, 'pag nahanap niya kung anong bagay ang gusto niyang gawin o maging, sana maging malaya siyang piliin, ipaglaban at paghirapan 'yon. And when that day comes, I would support his dreams with all of me.
"Try ko kayang lutuin—"
"Don't even think about it," mabilis kong putol sa kaniya.
Sumimangot lamang sa akin ang kapatid bago nagpatuloy sa pagkain.
Hm. Maybe I couldn't support him after all if his dreams had something to do with cooking. No. Definitely not.
"Rai!"
Kapapasok ko pa lang sa room nang matigilan ako sa paglakad at mapalingong pabalik sa pinasukang pintuan. Nakita ko ang isa sa mga ka-team ni Leo na naroon sa corridor.
"Reegan?" paninigurado ko kung ako ba ang tinawag niya.
Sumulyap siya sa kung sino o anong nasa loob ng room namin bago muling nagbalik ng tingin sa akin.
"Can I ask you a favour?"
Kumurap ako at nanatili lamang nakatingin sa kaniya, blangko ang ekspresyon.
May sinulyapan ulit siya sa loob ng room, ngayo'y mukha na siyang balisa.
May pagdadalawang-isip pa siyang napabuga ng hangin bago tuluyang sinabi ang sadya. "Pwede bang kumbinsihin mo si Leo na kausapin kami? O kahit ako na lang?"
Ilang beses akong muling napakurap sa magkahalong kalituhan at disbelief. Ako? Kukumbinsihin si Leo? Huh.
Wala akong masabi kaya't sumulyap na lamang ako kay Leo na naroon sa loob ng room at nakadukdok sa sariling desk. Kung nagpapanggap siyang tulog o ayaw niyang kausapin ang lalaking ito'y wala na akong balak na makialam pa roon.
"Sorry, you're asking the wrong person." Umiling ako sa kaniya at handa na sana siyang talikuran ngunit mabilis niyang nahigit pabalik ang braso ko. Desperation was clearly shown on his face as our eyes met again. Sa gulat ay nag-ugat ang mga paa ko sa sahig.
"Rai, please. Ayaw kong mang-abala pero kakapalan ko na ang mukha ko. Kailangan namin si Leo sa team at alam kong labag sa loob niya ang biglang pag-alis. Hindi ko alam at lalong hindi ko maintindihan kung bakit.
"Kaya nakikiusap ako sa 'yo. If you care for him, alam mo kung gaano 'to kaimportante para sa kaniya. Please make him talk to us at least. Kung ayaw na talaga niya, ayos lang naman. We just wanted to understand why he's quitting all of a sudden." Napalitan ng lungkot ang ekspresyon niya nang mag-iwas ng tingin sa akin. Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ko pagkatapos.
Buong morning class ay hindi ko mapigilang sumulyap sa direksyon ni Leo. I wasn't sure how I could convince him. His teammates care for him, that much I could tell. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil halos kababata na rin namin ang ilan sa mga iyon dahil pare-pareho kaming lumaki sa bayang ito. Reegan was the closest one to him. He might even be his bestfriend at this point.
Napakurap ako sa sariling libro at sandali pang natigilan. Hinahanap ko kung saang parte ng mga naiisip ang tila hindi ikinatutuwa ng sistema ko.
"May sasabihin ka?" si Leo sa natural niyang bored na boses.
Pagkabaling sa kaniya'y naabutan ko siyang tamad na nakatitig sa blackboard.
"Bakit ka nag-quit?" sabi ko sa pinakamahinang boses na maririnig niya.
"Saan?"
"Don't play dumb on me. Soccer. Why did you quit?"
"You heard why."
"Not from you."
Hindi na siya sumagot. Nagpanggap siyang nagsusulat ng kung ano at patay-malisyang nakinig muli sa teacher naming nasa harap.
"If you don't want to talk about it with me then at least talk to your teammates. They deserve to know why."
Napatalon ako sa gulat nang maingay na sumalampak bigla ang libro niya sa sahig. Umalingawngaw iyon sa tahimik na klase kaya't nagsilingunan ang lahat sa direksyon namin.
"What was that for?" Jackie gasped a beat too late.
Mabagal na lumingon si Leo sa akin. The expression on his face was hard as he stared at me.
"Yes, Perez?" puna ng teacher.
Habang mariing nakatitig sa akin ay sinabi ito ni Leo, "Sir, may I go out?"
Bumuntonghininga ang teacher namin. "Okay."
Ilang bulungan ang nagliparan nang tumayo si Leo at tuluyang lumabas ng room.
"Anong problema no'n? Bakit badtrip na naman?" Ngumiwi ang nakaupo sa likuran kong si Jackie.
I guess he didn't want to talk about it with anyone. Especially with his teammates.
Lumipad ang mga mata ko sa libro niyang naiwan sa sahig. Pinulot ko iyon at plano na sanang ibalik sa desk niya ngunit natigilan ako sa nakita. I flipped through the pages when I saw something on the lower end of the current open page. There were random doodle of someone kicking a ball on it. Nang nakailang page na ako at natantong halos pare-pareho ang drawing ngunit may kaunting pagbabago ay sinubukan kong i-flip ito nang mabilis. Pinanood ko ang paggalaw ng taong sumisipa ng bola hanggang sa matapos ang doodle sa huling pahina kung saan pumasok ang bola sa net.
I felt a sudden subtle ache in my chest I wasn't preferred for.
Looking back now, I noticed how Leo started to not care about a lot of things in his life after his parents decided to get an annulment. Gayunpaman, hindi niya itinigil ang paglalaro ng soccer kaya inisip kong ayos lang siya. If anything, he got into it more like he was punishing himself. I assumed that was his own way to cope up with what happened. And over the years of watching him as if he was torturing himself, unti-unti kong nakita kung paano niya natutunang mas mahalin ang larong iyon, pati na ang mga kasama niya. Because if he didn't, why else would he stay with them this long?
"Yes, Alvarez?" buntonghininga ng teacher namin nang nagtaas ako ng kamay.
"Permission to go out, sir?"
Hindi ko na kinailangang libutin pa ang buong school nang tagumpay akong mahanap si Leo sa bleachers, sa gilid ng walang taong field. His arms were both propped on his legs and his fingers were knitted in front of him. Nasa malawak na field ang blangko niyang mga mata.
Bahagya akong lumapit at naupo nang isang level mas mataas mula sa kinauupuan niya. Tulad niya'y tumunghay din ako sa tahimik na field at suminghap sa pagsalubong nang malakas at preskong hangin.
"You're taking medicine after college? That's news to me. Who decided that?" aniya, ni hindi man lang sumulyap para siguraduhing ako nga ang narito.
"I don't have anything I wanted to do anyway, so what's the trouble of not agreeing to do it? Pangarap ni mama na maging doktor pero hindi niya natupad dahil sa amin ni Allen. So I guess I don't mind fulfilling her dreams for me now."
"And how do you think I can be successful with soccer that I can turn it into a decent profession?" Rinig ko ang kaunting kasarkastikuhan niya sa sinabi.
"But that's what you want and it could be a profession if you want it enough."
"What's the use of wanting it enough if I'm not good enough?"
Kumunot ang noo ko sa narinig.
"What do you mean you aren't good enough? I don't know anyone who works as hard as you do! Not to mention, ikaw ang team captain ng soccer magmula grade ten! Isn't that good enough?" Buong atensyon ko'y nakatuon na ngayon sa kaniya.
I'd known Leo for being a proud bastard since we were kids. Kaya't nagpapanting ang tainga ko ngayong naririnig ko ang mga insultong sinasabi niya sa sarili niya. How was he not good enough?
The dimwit still didn't even bat an eye on me though.
"And we haven't won a single match to be qualified to join the nationals since."
Handa na akong batuhin siya ng mga galit na salita ngunit natahimik ako sa sinabi niya. Lalo na nang nakita ko ang pagbalot ng lungkot sa ekspresyon niya.
"Dad is right." He smiled distantly. "It doesn't matter how much you want or love something because everything in this world is only measured by the end result—and reality is a cold truth."
Nagtagal ang tingin ko sa direksyon niya. I didn't realize until then how much I was caught up with my own feelings, that I couldn't even see how everyone around me had been carrying their own woes too.
"You have no idea how oblivious you can be sometimes."
Toby was right. And I guess I was being selfish too?
"So why won't you talk to your teammates about it? Even to Reegan?"
"Because it's f*cking pathetic!" aniya sabay lingon sa akin. Agad rumehistro sa akin ang frustration sa ekspresyon niya. "Sa tingin mo pagkatapos kong sumuko at maging talunan, anong mukha pa ang maihaharap ko sa kanila?"
"Kaya tatakbo ka na lang at iiwan sila? Mga kaibigan mo sila 'di ba? Hindi ba nila deserve malaman ang dahilan mo? I've never taken you for a coward, Leo."
Tumalim ang tingin niya sa akin. I could see his jaw tensing.
"You know what it feels like to be abandoned by someone without a word of closure. Ganito ba talaga ang gusto mo?"
Hindi siya nakasagot. Imbes ay nagbitiw lamang siya ng tingin sa akin at muling tumanaw sa malawak na field sa harap namin. Ilang sandali pa ang nakalipas bago ko siya narinig na bumulong sa nagdaang hangin.
"Kinausap ko na si coach kaya hindi ko na sila kailangang pagpaliwanagan pa." He made a sarcastic scoffed then. "And as if you're one to talk about abandonment. Talking to me like this all of a sudden like you give a damn after shutting everyone out. What a load of bullcrap."
Umawang ang mga labi ko para sana magsalita ngunit walang sapat na salita akong nahanap. Ang pag-atake sa akin ng mga sinabi niya'y hindi ko inasahan. Pilit kong inalala ang huling beses ko siyang nakausap nang maayos, bukod nang nakaraang weekend nang magpunta siya sa bahay. At halos manlumo ako nang wala akong maalala kundi ang araw nang pagkamatay ni papa. Ni hindi ko maalala kung anong napag-usapan namin noon o kung kinausap ko nga ba siya. That was the very last time I remembered that he tried talking to me before Toby died. Everything after that was almost a blur except for some of my memories with Toby.
Ang alam ko'y naging abala siya last year sa soccer at halos hindi na uma-attend ng klase dahil sa mga practice. I realized then that we didn't talk at all for the whole school year. I was moping then to check on him while he was working so hard.
Kagat ko ang ibabang labi nang ilang beses akong napakurap habang nakatanaw sa kawalan. I feel so damn guilty it almost stings.
We were both quiet for some time until we heard something fall near the field.
"Ano 'yun?" naibulalas ko sa pagtataka, ang tahimik kong pagsisisi ay agad napalitan ng kalituhan.
"Something... fell from the tree."
Nagkatinginan kami ni Leo bigla nang may marinig kaming mga daing.
"Someone," sabay naming utas bago nilingon at tinungo ang pinanggalingan ng ingay.
Pagkababa ng bleachers ay unti-unting bumagal ang lakad namin ni Leo sa nadatnan. Someone was lying on the grass just below the tree. There was no blood insight. Pero hindi rin ito gumagalaw.
Kunot-noo kong pinasadahan ito ng tingin. "Quijano?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top