10 - Rainy days and Mondays


The cold embrace me when I woke up on a Monday morning. Ang kakaunting liwanag na nanggagaling sa maliit na bintanang naroon sa tapat ng study table ko, ay hindi naging sapat para bigyang liwanag ang kabuoan ng silid. Gising na ako ngunit para akong hinihila ng kama pabalik. Hindi ako makatayo. Niyakap ko ang kumot na nakabalot sa akin at nanatiling nakapikit. It was too cold.

"Sweetie, are you awake? It's past seven already. Mali-late ka na, bumangon ka na!" rinig kong katok ni mama.

It's what already?

With one eye open, dinungaw ko ang bintana. I saw water gushing down the glass window. It was pouring hard. Sunod kong binalingan ang clock table.

And holy crap. Mali-late na nga ako kung hindi pa ako babangon.

I almost made it in time for school but because of the heavy pour, the traffic hits. This is why I never liked June. Because rain comes about almost every day. Though nothing could beat May being on top of my hate list.

Past eight na nang makarating ako sa school. It was still raining cats and dogs as I ran all the way to my building. The morning bell was already blaring, as if to remind me of my being irresponsible.

And yes. When it rains, it pours.

Hingal na hingal ako nang umaakyat ako ng hagdan. If anything, I never liked running. I would gladly trade a ten minute run with a whole day examination in a heartbeat.

Basang-basa ang sapatos ko, maging ang suot na uniform ay halos basa rin dahil sa ginawa kong pagtakbo. Sinikop ko ang dalang payong at pinagpag ang ilang tubig bago nagpatuloy sa paglakad. Hindi na ako nag-abalang tumakbo. Screw it, I'm late anyway.

I was making my way on the hallway when I saw someone standing next to the room beside mine. Tamad na nakapatong ang magkasalikop nitong palad sa itaas ng ulo, panguso-nguso habang dinudungaw ang pagbuhos ng ulan mula sa corridor.

What is it this time?

Nang mapansin kong palingon siya sa aki'y binilisan ko ang paglakad. Hindi nga nagtagal at naaninag ko ang tuluyan niyang palingon. Gusto ko sanang balewalain ngunit huli na ang lahat.

"Rai!" may kalakasan iyon kaya't agad niyang nasapo ang sariling bibig.

Sinulyapan ko na.

"Kumusta shower? Lamig? Bato gusto mo? Panghilod?" Pinigil niya ang tawa, sapo pa rin ang bibig.

Tanging blangkong mukha ang isinukli kong reaksyon sa kaniya. I was about to ignore him again, nang may taong bumulaga mula sa tapat na room kung saan siya nakatayo. Hindi ako nakahakbang sa bahagyang pagkakagulat, nang tumambad ang isa sa mga terror na Math teacher mula roon.

"Raise your hands properly, Quijano!" bulyaw nito agad.

"Yes, Sir!" The latter did what he's told.

Muntik na rin sana akong masindak. Pero naisip kong wala naman akong kasalanan dito kaya bakit ako matatakot? Ang iniisip ko lang ay kung ano na naman kaya ang ginawa ng isang ito? Did he really have to make trouble every day? May quota ba siyang sinusunod? At syempre wala akong kinalaman sa mga iyon kaya't isinantabi ko na lamang ang mga naiisip.

Kunot noo akong sinulyapan ng teacher bago muling pumasok sa nilabasan nitong room, naiiwan pa ang matatalim nyang mga mata sa hindi gumagalaw na si Quijano. Ako nama'y nagpatuloy muli sa paglakad patungo sa room ko. Thinking, the weirdo's homeroom was just beside mine. And it had been what, a week since class started. Bakit hindi ko iyon alam? Not that it mattered though...

"Rai!" pabulong ngunit may kalakasan niyang tawag ulit.

Masama sa loob ko siyang sinulyapan muli. Hindi pa ba siya tapos sa mga sabaw niyang biro?

"Ano?"

"May spare shirt ka ba?" He sound concerned for some reason, kaya't sandali akong natigilan.

Ngunit hindi pa man ako nakakasagot ay ngumiti na siya agad, iyong ngiting abot hanggang tainga at nakakairita 'pag galing sa kaniya. At saka dinugtungan ang sinabi ng, "Ako kasi wala. Peram?"

I'm so done with this guy.

Nagbuga ako ng hangin at saka siya pinasadahan ng tingin. Noon ko lamang napansing basa pala ang halos kalahati ng suot niyang polo. Right. At sa tingin niya'y kakasya sa kaniya ang shirt ko. Very funny.

"Ah! Teacher mo." Tinuro ko ang likuran niya. Namimilog ang mga matang nilingon niya iyon at siya namang pasok ko sa homeroom ko.

"Sa'n? Wala nam—"

"Good morning, Ma'am. Sorry for being late. May I come in?" Hindi ko na nilingon si Quijano nang pinapasok ako sa room ng teacher kong nag-uumpisa nang magklase.

The next days went uneventful. Until Thursday came. Halos isang buong linggo nang walang tigil ang ulan. The news said it wasn't a typhoon. Habagat lang daw ito—sagabal in other terms. Ang tanging magandang bagay lang yatang nangyari sa kabuoan ng linggong ito, ay ang pagtatapos ng detention ko sa pagtulong sa library kasama si Quijano. Today was the last day. Fortunately, matatahimik na rin ang buhay ko sa wakas. Or at least sa pagtatapos ng araw.

The lectures were dull because of the vibe coming from the rain. Nakakaantok ang makinig. Nakakatamad ang mag-isip. At nakakalungkot ang umalala. Every time I looked out the window, all I could see are grey skies and pouring rain. It seemed like the clouds couldn't bear everything anymore that it started weeping—nonstop. I wonder how long it would take to pour everything out—to finally realize that it was enough.

"Si Shina ba 'yon?"

Sinundan ko ang tingin ni Jackie. "Who?"

Bago pa man ako makaapila'y hinila na niya ako palapit sa table na inookupa nang tulalang si Shina. Mabilis na umupo si Jackie sa upuang nasa tapat nito't bumati, "Hi! Mag-isa ka lang? Can we sit?"

Actually, Jackie, you're already sitting.

"Oh. Okay. Wala naman akong kasama." Napakurap nang ilang beses si Shina at mukhang noon lamang ito natauhan. Sumulyap ito sa amin.

"You alright?" Jackie asked, ang concern ay nakapinta sa mukha.

Inokupa ko ang bakanteng upuan sa tabi niya at inilapag sa table ang tray ng sariling pagkain. Nagsimula akong kumain at binalewala ang dalawa. I wasn't really someone who'd just popped out of nowhere and ask someone if she's okay, dying or what. But Jackie here surely is. As usual, she was nosy with a lot of damn to give. Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya?

"Yeah. I'm fine, sure. Bakit mo natanong?" Shina smiled.

Nahanap ko ang kakulangan ng interes sa pinag-uusapan ng dalawa, kaya't inabala ko na lamang ang sarili sa pagkain at hindi na nakisawsaw sa usapan nila.

"You look pale. Masama ba ang pakiramdam mo?" Jackie sounded sincere. And she was really good at it: caring for someone without any hassle of showing it.

I wonder how she could do it without any inhibitions.

"Thanks, Jackie, but I'm fine. Really. It must be the weather." I heard Shina's forced laugh. "Nakaka-senti lang talaga ang ulan! Don't mind me."

"Anyone crying? No?" A disappointed sigh.

Napaangat ako ng tingin sa taong nagsalita't naglapag ng tray sa lamesa namin. Boredom was evident on his face. The usual Leo.

"Ang daming vacant seat ah?" reklamo agad ni Jackie sa presensya nito. Ngunit huli na ang lahat.

Leo occupied the seat beside mine. Tamad siyang sumulyap kay Jackie pagkatapos.

"Gusto kong maupo rito. You got any problem with that, chick butt?"

"You called me chick what—you nincompoop!"

"Ingay. Ganyan ba talaga ang mga pwet ng manok?" Kahit hindi ko lingunin si Leo ay alam kong nakangisi na ang ungas.

Ignoring their shallow row, I ate silently. Lahat talaga ng tao may specialty.

"Utang na loob, ilayo n'yo sa 'kin 'yang tinidor makakasakit ako rito!" banta ni Jackie, bahagya nang namumula sa iritasyon.

"Jack, calm down." Shina looked uneasy as her glance from Leo shifted to me, like she was asking for my help. Tulong sa kung ano ay hindi ko na alam. Jackie obviously didn't mean what she said.

I shrugged and continued at what I was doing. Hindi ko na rin naman narinig na nagsalita pa si Leo. Walang paki na itong kumakain nang sumulyap ako.

Honestly, this two looked like they were having a shallow sibling fight. Funny enough to think. Until I remembered what happened last weekend. About mom and Tito Lenard. And random thoughts of Lorenzo wasn't helping too.

Nawalan agad ako nang ganang kumain. The knot forming in my gut was such a crippling feeling. I wanted to get rid of it but I didn't know how.

"What's with you two? I thought you're getting along just fine?"

"What's with your friends? Nakalimutan nilang kaibigan ka nila kaya ka tulalang mag-isa?" Natahimik sandali ang lamesa namin dahil sa tanong ni Leo.

Shina stiffened as the air went instantly awkward.

"Leo, don't start," Jackie warned.

"What? Nagtatanong lang ako," depensa ni Leo, natatawa. "And please don't try so hard to be over-protective, chick butt. Napaplastikan na ako."

Nasulyapan ko si Jackie nang marinig ko ang pinakawalan niyang mabigat at halos pagalit na buntonghininga. Sabay bagsak ng palad sa lamesa. Napalingon ang ilang estudyante sa table namin.

"Plastic?" Sabay galit na buga ng hangin. "Tell you what—you, who has nothing to care about doesn't have a damn right to judge others with things that mattered to them!"

Jackie sounded real pissed then. That's a first. Wala sa oras akong napatigil sandali sa pilit na pagkain, nang maramdaman ang ilang kuryosong tingin sa amin ng mga estudyante sa cafeteria.

"Jackie, it's okay. Please don't fight..." awat ni Shina, halos mag-panic na sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa.

Leo then smirked with a shrug. "Okay!"

Sandali muling tumahimik ang table namin. The air turned awkward again until a commotion caught all our attention. The whole of the cafeteria, actually.

"Hoy! Bumalik ka rito!"

Bahagyang kumunot ang noo ko pagkakita sa paghabol ng estudyanteng ito sa isang lalaking nakasuot ng maskara—isang baboy na maskarang may isang tumpok at mahabang buhaghag na buhok. The kind of mask on some gore movies like 'Saw'.

Paikot-ikot ang mga itong naghabulan sa kabuuan ng cafeteria. Nagtawanan ang ilang estudyante nang natalisod pa ang humahabol dito. Ang nakamaskarang estudyante naman ay pahinto-hinto sa pagtakbo para lang mapang-asar na sumayaw.

Ang ilang mga estudyanteng naroon ay natatawa na lamang sa kaestupiduhan ng mga ito. Ang iba naman ay iritable dahil sa ingay at gulo ng dalawa. Ignoring the travesty, I stood up. I was about to leave my unfinished lunch, when a loud scandalous voice reigned on the whole cafeteria.

"Arkin!"

Nanigas ako mula sa akmang paghakbang, kasabay nang biglang pagbaling sa akin ng atensyon nang halos lahat ng estudyante sa cafeteria. Hindi dahil sa kilala nila akong lahat, kundi dahil nakatuon ang atensyon ng mga ito sa tumawag sa akin.

Ugh. I knew that voice. That freaking loud voice.

I face-palmed mentally as everyone watched him took off the pig mask on his head. Bumulaga kaagad ang nakangiti nitong mukha at magulong buhok, bahagya pang pawisan. Nang nagtagpo ang mga mata namin ay maligaya nitong itinaas ang isang braso at kumaway sa direksyon ko, 'di alintana ang tuluyang pagkakahuli sa kaniya ng estudyanteng kahabulan.

"Hey, hey, look at this!" Umakma ito nang paglapit sa lamesa namin, sa kabila nang pagpipigil at pag-angil ng estudyanteng kahabulan nito kanina. He was even laughing with amusement without a care in the world, not minding how all of the students in the cafeteria are looking at him weird. "This looks like the ones in the movie!"

As I was saying.

Nilingon niya ang estudyanteng humahabol sa kaniya kanina na ngayo'y naroon na sa tabi niya. "Do you want to play a game?" aniya bilang paggaya sa tag line ng movie'ng 'yon, bago muling sinuot ang maskara.

"Tapos ka na?" anang estudyanteng mukhang ubos na ang pasensya sa huli.

"Let's play a game!" sigaw nito sabay talon at takbong muli, ang malakas na tawa'y naiiwan pa.

"Clint! Hoy!"

"Quijano?" said Jackie.

"He's so weird," Shina blurted out, almost laughing. "What's his deal? He seem interested in you. Do you guys hang out or something?"

I kept my silence and didn't reply.

"Now that you mentioned it, he mistakenly went to our classroom on the first day of school... was that just a fluke o... dahil sa 'yo, Rai?" kumento naman ni Jackie, habang pinapanood namin ang muling paghahabulan ng mga ito palabas ng cafeteria.

Makahulugan ang tinging sunod ipinukol sa akin ni Jackie, it was almost suspicious as if I have some explaining to do.

"Ano?" Kumurap ako sa kalituhan.

A sly smile was slowly curving on her lips as she looked more into me. "When did you two get close? May nangyayari bang hindi ko alam?"

What?

"Why is he calling you Arkin?" natatawang turan naman ni Leo. Ang mga mata'y nagtagal pa sa labasan ng cafeteria. "He probably knows how much you hated that name." He was laughing then. "Oh, look who's being bullied by a weird kid!"

I just gave him a nonchalant, sarcastic look.

He threw both his hands in the air. "Wow, what can I say? You really have the knack of drawing people into messing with you! Was that supposed to be a charm?"

"Why is everyone suddenly asking me absurd questions?" Bumuntonghininga na lamang ako bago tuluyang humakbang paalis do'n.

"Hey, Arkin, you didn't finish your food!" tatawa-tawang uyam ni Leo.

Ang naiiwang tingin sa akin ng ilan pang estudyante roon ay binalewala ko na lamang. Ang kahihiyan ay panandalian ko ring isinantabi hanggang sa tuluyan akong makaalis doon. I'd decided to take a walk on the student's park for a while before heading back to our building. All the while, my mind was preoccupied, thinking of effective ways on how to avoid a certain weirdo.

The problem: Quijano is being a total nuisance.

The cause of the problem: his interest towards my alleged resentment for Lorenzo (which he strongly believes to be true).

Though sa nakalipas na mga araw na kasama ko siya sa library duty ay hindi na niya ito muling binanggit. Even so, that didn't change the fact that he's still being a pest.

Objective: turn back my quiet high school life.

Solution: ...

Now, how should I make him leave me alone?

Should I disprove his speculations about my resent towards Lorenzo? How?

Should I just continue ignoring him?—that was definitely not working.

Pagkagaling sa students park ay nagtungo na ako pabalik sa classroom, nang wala akong maisip na epektibong solusyon.

Lumiko ako sa dulo ng building at ilang hakbang na lang sana ang layo ko mula sa hagdang entrance—nang biglang bumulaga sa akin ang baboy na maskarang suot ni Quijano kanina.

"Ah." Bahagya akong natigilan hindi dahil sa gulat kundi dahil sa pagkakaharang nito sa daan.

"Ah? That's all? Ah?" I heard his snorts behind the mask. Sapo na niya ang sikmura nang sinundan ito nang malalakas at hindi magkamayaw na hagalpak. Nang mukhang hindi na siya makahinga dahil dito'y inalis niya ang suot na maskara. With a few strands of hair sticking on his face because of some beads of sweat, sandaling naging blangko ang mukha niya para lang muling gayahin ang reaksyon ko kanina. "Ah."

Muling sumabog ang mga tawa niya habang tinuturo ako. And I had a feeling that he wouldn't be recovering from it anytime soon.

Pinanood ko lamang siya roon habang iniisip kung saang parte ng reaksyon ko ang nakakatawa.

Pulang-pulang ang mukha niya at kita ko ang lahat ng ngipin, lalamunan, pati nang kinabukasan niya dahil sa laki nang awang ng bibig. Kulang na lang ay maglupasay siya sa harap ko.

Isang taong tawa ko na yata ang itinawa niya ro'n.

Nang hindi na talaga siya makahinga ay saka lang siya unti-unting kumalma.

"Damn it! You didn't even jump in surprise! Anong klaseng reaksyon 'yon, normal ba 'yon?!" He finally stopped laughing when he said this. Ngunit tuwing inaalala at ginagaya ang reaksyon ko kanina'y, may ilang hindi mapigilang tawa pa ring kumakawala sa kaniya.

Sino bang nagsabing nagulat ako?

"Honestly speaking, is there anything scarier than your weirdness?" Ngumiwi ako sa kaniya.

"You are one strange kid, Arkin!" Namamangha niya akong sinipat. Ang multo ng ngisi ay naiwan pa sa awang na mga labi.

Mas lalo akong napangiwi sa tinuran niya. "I don't want to hear that coming from a weirdo like you."

I ignored him and just started walking when I felt the drizzle tickle my skin. But just after a few seconds, the drizzle instantly turned into a heavy pour, almost as if a hurricane. At the same time, the bell for the afternoon class rang. Sinubukan kong bilisan ang paghakbang ngunit sadya yata talagang pinagkaitan ako nang matinong motor skills.

"You gotta be kidding!"

Mabagal ang mga sumunod na pangyayari.

"Hey!" tanging apila ko sa gulat.

"If you meant to run, then run!"

Isang malakas na pwersa ang naramdaman kong humigit sa pulso ko. At sa kabila nang malakas na buhos ng ulan ay halos makita ko ang bawat pagpatak nito. Katulad nang malinaw kong pagkakakita sa malaking ngiti ni Quijano, habang hawak ang pulso ko para higitin sa pagtakbo. Ang bawat pagtama ng tubig ulan mula sa magulo niyang buhok, hanggang sa suot niyang itim na shirt sa ilalim nang bukas na uniporme. Ang pagtalsik ng tubig mula sa daan gawa nang bawat hakbang namin.

Mabagal at malinaw kong natunghayan ang bawat pangyayari. Katulad nang mga slow mo sa mga pelikula. Katulad ng mga pagkakataong alam mong hindi mo makakalimutan ang kasalukuyang tagpo kung nasaan ka. Na kahit lumipas ang ilang taon ay klaro mo pa rin itong mababalikan. Katulad ng isang natatanging parte ng panaginip na tatatak at maiiwan sa 'yo pagkagising. Na para bang balewala ang lahat dahil ang natirang parteng iyon lang ang mahalaga.

That was what exactly goes through my head when I stumbled upon something and end up flat-faced on the wet ground.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top