Last Christmas
[ PAGMAMAHALAN ]
" Ang nag sindi nitong ilaw, walang iba kundi ikaw. Salamat sa liwanag mo muling magkakakulay ang pasko. " Masasayang nag sisipag kantahan ang mga bata sa harapan ko. Nakangiti ko namn silang pinakikinggan.
Ngayon na papalapit na ang pasko ay unti unti na rin akong nanlalamig habang naalala na naman ang masakit na kahapon ng paskong nag daan.
" Salamat po, Ate." Ngumiti naman ulit ako dahil magigiliw nilang kinuha ang mga tsokolate na inabot ko.
Pagka sara na pag ka sarado ko pa lang ng pinto ay doon na nag si pag bagsakan ang mga luha ko.
Pasko na naman...
***
" Amara, Bukas na ang pasko!" Magiliw na sabi saakin ng aking kapatid na si Amora.
" Excited na ako magkaroon ng maraming pera bukas, Ilan kaya ang kikitain ko? Sana naman ay makarami tayong dalawa." Napa ikot na lang ang mga mata ko sa narinig sabay buntong hininga nang malalim.
" Galit ka ba kambal ko? Hindi ka ba masaya kasi mag papasko na naman? " Hindi ko sya masagot na hindi ako galit. Sa totoo lang hindi naman talaga ako galit, Malungkot ako.
" Amora, Nalulungkot lang ako dahil dadaan na naman ang pasko na wala tayong handa. Hindi man lang nag effort si Mama at Papa para sana may handa tayo ngayon noche buena pero anong nakahain sa lamesa natin? Kanin na bahaw? " Bakit kasi ganitong pamilya ang napunta sa amin.
" Amara!? Hindi naman importante ang handa, Ang importante ay sama sama tayo at masaya! " Pinapagaan nya ang loob ko pero kahit anong sabihin nya ay masama pa rin ang aking kalooban.
" Talaga ba? Makakain ba natin ang pag sasama sama natin? Mabubusog ba tayo dahil lang masaya tayo? " Pilosopo kong bulong sa sarili pero batid kong narinig nya yon.
Ganyan naman sya e, Wala syang pakiramdam sa lahat. Wala na kaming makain pero masaya parin sya, Hindi ko nga nakikitaan nang lungkot.
" Ano ba ang ibig sabihin ng pasko sayo? Handaan? Bigayan ng regalo? Amara, Hindi ayon ang ibig sabihin ng pasko. Ginawa ang pasko para mag sama sama tayong lahat hindi para kumain at mag bigayan ng regalo." Umiling na lang ako at tinalikuran sya. Tama naman sya na ang pasko ay hindi umiikot sa handaan at regalo pero hindi ba namin pwedeng maranasan yon?
" Kahit wala tayong handa o matatanggap na regalo ay dapat masaya parin tayo. Dahil ang pasko ay kaarawan ng may kapal. Dapat natin ipakita na masaya tayo dahil kaarawan nya, hindi masaya tayo dahil may handa at may natanggap tayo na regalo. " Mahabang sabi ng kambal ko na si Amora.
" At dapat puno tayo nang pagmamahalan!" dag dag niyang sabi saakin.
Napatitig na lang ako sa kanya na matagal. Paano nya nasisikmura na tanggapin lahat ng kahirapan namin?
" Sa bahay na ito tayo ang munting regalo ni Mama at Papa, Isipin mo kambal tayo? Oh diba isa na yong himala. Huwag ka na malungkot Amara, andito naman ako lagi sa tabi mo." Niyakap ko sya at nakinig na lang sa sinasabi nya. Magka edad lang kami pero ang dami kong natututunan sa kanya. Hindi ko nga ata kaya na mawala sya.
Sabay kaming lumabas para tignan ang mga pailaw na nakasabit sa ibat ibang bahay.
"Ang ga ganda! " Malakas kong sigaw.
Hindi naman nag salita si Amora dahil nanatili lang syang nakangiti habang pinagmamasdan ang lahat.
" Balang araw Amora, Pag ako nag ka bahay ay mamimigay ako ng mga pamasko sa mamamasko sa bahay ko, " Huminto pa ako para tignan ang reaksyon nya.
" Ibig ko sabihin ay bahay nating dalawa! " Nakakagiliw naman ang tawanan naming dalawa habang nililibot at sinusulit ang ganda ng paligid.
" Masaya ka na ba, Amara?" Seryosong tanong sa akin ni Amora habang nasa malayo ang tingin.
" Kahit wala tayong handa at regalo na natanggap? Oo naman " Sagot ko.
" Hindi naman natin kailangan yon Amora no? Basta masaya tayo at magkakasama ay masaya na ang pasko. At kumpleto na ang pasko ko! " Tumawa ko nang mahina dahil kung kanina hindi ko sya pinapakinggan ay ngayon naman ay sinasabi ko ang mga parangal nya.
Tama naman kasi lahat yon. Hindi ginawa ang pasko para sa material na bagay. Ginawa ang pasko para mag mahalan!
" Ikaw ba, Amora? Masaya ka na rin ba?" Ngumiti ako sa harapan nya. Tumungo naman ito at sabay kaming napahinto dahil nag tipon tipon ang mga tao para sa countdown ng pasko.
Five, Four, Three, Two , One!
" Maligayang Pasko!" Sabay sabay naming sabi lahat.
***
" Amora! " Malakas kong sigaw. Isang maamong mukha ang humarap saakin.
" Mommy? " Doon ako natauhan na nanaginip na naman ako. Napaginipan ko na naman ang kakambal ko.
Napalunok ako habang tintignan ang nag aalalang mukha ng aking anak.
" Ayos lang po ba kayo, Mommy? " Marahan akong tumungo kahit na bumabagsak na ang mga luha ko sa aking pisngi.
Bakit ba tuwing sasapit ang pasko ay napapanaginipan ko ang kapatid ko? Para ba ipa alala nya sa akin ang tunay na kahulugan ng pasko? Amora, Hanggang sa puso ko ay tanda ko ang kahulugan ng pasko tulad kung paano mo ipinaliwanag ito saakin noon.
Nakatulog daw pala ako sa kakaiyak kwento saakin ng kasambahay. Bigla na lang daw akong pumasok na umiiyak sa kwarto, Hindi na nila ako tinanong dahil alam nilang nangungulila na naman ako sa yumao kong ka kambal.
Noong araw na Countdown ay nagulat na lang ako dahil nakahandusay sa sahig si Amora, Hindi agad namin natakbo sa hospital kaya hindi siya naagapan agad. Tuwing sasapit ang pasko ay lagi kong naalala ang senaryong iyon noong bata pa kami.
Masaya ko sanang sinasalubong ang pasko kung kasama ko sya. Hanggang sa mag ka roon ako ng sariling bahay at pamilya ay naaalala ko ang presensya niya. Kaya ang una kong anak na babae ay ipinangalan ko sa kanya.
Tulad ng pasko na nag sisimbulo sa pagmamahalan, Ang kanyang pangalan na Amora ay nagsisimbulo rin nang pagmamahal.
#WattpadAThonChallenge2022
#WattpadDecemberEntry
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top