Kabanata 9
Annabeth's POV
"Students naliligaw tayo, gumising na kayo. Kayong mga gising gisingin niyo na ang mga kaklase niyo," announce ni ma'am kaya gumising na 'yong iba. Ang iba naman ay ginigising ang mga kaklase namin.
"Bakit po tayo naliligaw ma'am?" Tanong ni Andrew habang humihikab.
"Ewan ko rin dito kay manong," sagot ni ma'am saka hinarap si manong. "Manong naman kasi, sabi niyo alam niyo ang daan papuntang baryo? Bakit tayo naliligaw?"
"H-hindi ko alam ma'am eh. Sigurado naman ako sa dinaanan natin hanggang sa naligaw nalang tayo," sagot pa ni manong habang napapakamot.
"What?! We're lost?!" Sigaw naman ni Mica sa likod.
"Yess Mica, ang english ng nawawala ay lost! Kaya pwede ba, huwag kang OA. Naliligaw na nga tayo." Mataray na sagot ni Aria kay Mica. Umirap lang si Mica saka nagcross arms.
"Tama na 'yan ah, students. Manong, may mapa ba kayo papuntang baryo? 'Di ba binigyan kayo ng guide?"
"Meron kanina ma'am, pero ngayon nawala na. Kanina ko pa hinahanap ang mapa pero 'di ko makita."
"Naku, patay tayo diyan manong. 9:21 PM na at delikado tayong manatili sa daan. Magpatuloy nalang ho kayo sa pagmamaneho at baka makahanap tayo ng tulong o kaya ng matutuluyan man lang." Saad ni ma'am saka hinilot ang sentido niya.
"Ahh. Sige po ma'am," pinaandar na ni manong ang bus kaya naghintay na akong umandar ito. Ngunit sa malas nga namin, ayaw umandar ng bus.
"Ma'am, ayaw pong umandar."
"Po? Paano pong?"
"Mukhang nasiraan po tayo ma'am."
"Ganoon ho ba? Oh sige, icocontact ko na muna ang ibang teachers para sunduin tayo rito."
Tahimik lang kaming lahat habang nakatingin kay ma'am na ngayon ay nagdadial. Kinakabahan na rin ako, hindi pwede 'to.
"Shit! Walang signal?" Bulalas ni ma'am na nagpagulat sa aming lahat. "Students, check niyo nga kung sino ang may signal sa inyo."
Bigla namang umingay dahil sa mga galaw at bulong-bulungan ng mga kaklase ko.
"Wala po akong signal..."
"Ako rin po ma'am wala..."
"What?!"
"Ako rin?"
"Paanong?"
Chineck ko rin ang cellphone ko at nalaman kong wala akong signal.
"Ikaw? May signal ka ba?" Tanong sa'kin ni Anne, umiling lang ako sa kanya bilang tugon.
"Ako rin eh," sabat naman ni Aria, napuno kaming lahat ng pagtataka.
"Okey students calm down... I said calm down!" Natahimik kaming lahat dahil sa sigaw ni ma'am, minsanan lang sumigaw si ma'am kaya alam kong naiinis na siya.
"Hindi tayo pwedeng manatili sa loob ng bus dahil delikado, lalo pa't nasa gitna tayo ng daan."
"Ano na pong gagawin natin ma'am?" Tanong ng classmate ko.
"Kelangan nating umalis dito, maghanap ng pwedeng mapaglipasan ng gabi. Sige na, wala ng tanong okey. Bumaba na kayo, dalhin niyo ang mga gamit niyo. Lahat." Saad ni ma'am kaya wala na kaming nagawa kung 'di ang sumunod.
Pagkababa ko, nanindig ng biglaan ang balahibo ko batok dahil sa nakita. Nakikita ko ngayon sa 'di kalayuan ang malaking puno na nakita ko kanina sa panaginip ko. Hindi ko alam kung panaginip ko ba 'yon.
"Anong tinitingnan mo?" Napalingon ako sa nagssalita. "W-wala Aria, hehe." Tinanguan niya naman ako at naglakad na.
Bago ako sumunod kay Aria, nilingon ko na muna ang malaking puno. Wala na ito.
***
Nagpaiwan si manong driver sa bus dahil hindi niya raw pwedeng iwanan ang bus. Wala namang nagawa si ma'am kahit anong pilit niya kay manong.
Naglakad lang kami sa daan. Masyadong madilim kaya naka-on lahat ng flashlight ng cellphone namin. Habang naglalakad, katabi ko si Aria at Anne, pinapagitnaan nila ako. Habang nakasunod naman sa likod namin ang limang lalaki.
Mahina lang kaming nag-uusap habang naglalakad. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang babae sa panaginip ko. Pati 'yong puno ng baliti. Ewan ko ba, parang may kakaiba, kinakabahan ako sa lugar na 'to.
"Ma'am, tignan niyo po doon oh! May malaking bahay! Hali po kayo." Lumapit kaming lahat sa nagsalita at nalaman naming may bahay nga.
Hindi na kami nagsayang ng oras kaya agad naming tinungo ang bahay.
"Exciting naman 'to best. Para tayong nasa horror story," pabulong na sabi Jessa kay Christine pero rinig pa rin namin, nasa likuran kasi nila kami.
"Oo nga eh, parang nabasa ko na 'to sa kung anong horror story best," sagot naman ni Christine.
"Ako rin eh, pupunta tayo sa bahay na 'yan tapos doon na magsisimula ang kababalaghan at patayan. Magpapakita ang multo para takutin tayo at isa-isa nila tayong papatayin. At syempre, parating matitira ang mga bida. Kaya makakatakas akong buhay kasama ang prince charming at sabay naming tatalunin ang killer. 'Di ba? Ang ganda ng story?"
"Are you crazy best? Pati ako papatayin mo sa story mo? And to tell you best namamatay mostly ang bitch sa mga killer stories. You're a bitch kaya mamamatay ka at ako lang ang matitira kasama si Jason. Eeeehhh, 'di ba? Bagay kami?"
"Eeeewww, mangilabot ka nga sa sinasabi mo Christine, hindi ka papatulan ni Jason, ako lang noh."
Natahimik na sila pagkatapos ng usapang iyon. Grabe sila, crush pala nila si Jason. At ano raw? Horror stories? Hindi ba sila natatakot na baka magkatotoo ang sinabi nila? Nagkatinginan nalang kaming tatlo nina Aria at Anne dahil doon.
"Tao po?... Makikituloy lang po sana kami, nasiraan po kasi kami ng sasakyan... Tao po?" Tawag ni ma'am pero walang sumasagot, hindi naman pwedeng walang tao dahil may parang ilaw ng kandila sa loob. Malaki rin ang bahay kaya lang medyo creepy, ang luma na kasi at wala pang ilaw. Nag-iisa lang din ang bahay sa gitna ng gubat.
Kakatok na sana si Richard pero napatigil siya.
"Oh Richard? Ano pang hinihintay mo? Kumatok ka na," utos naman ni Alfred kay Richard ngunit hindi ito pinansin ni Richard.
"Ma'am, nakabukas po ang pinto."
"Nakabukas?" Nagtatakang tanong ni Coleen, nagulat nalang kami nang pumasok si Richard sa loob.
"Richard! Huwag kang pumasok," sinusubukan ni ma'am na huwag mapasigaw pero nakapasok na si Richard. Kinabahan ako sa iniisip ko, baka kung anong mangyari kay Richard.
Nanatili kami sa labas habang hinihintay si Richard.
Mga ilang minuto ang lumipas at bumalik si Richard sa labas. "Ma'am wala pong tao, hali na po kayo."
"Pero, baka mapagkamalan tayong magnanakaw," reklamo ni Faith.
"Really? Sa rami natin pagkakamalan tayong magnanakaw? Kesa naman maligaw tayo sa daan? At sa itsura kong 'to magnanakaw? Pwedi pa sa'yo," saad pa ni Clare saka umirap. Naglakad na rin siya papasok ng bahay. Bully talaga.
Napakamot nalang ng ulo si Faith saka sumunod.
"Sige na, kakausapin ko nalang ang may-ari kapag dumating na siya," saad ni ma'am kaya pumasok na kaming lahat. Magkasabay kaming dalawa ni ma'am papasok sa bahay.
Masyadong luma ang bahay. Napapalibutan ito ng mga ilaw ng kandila at lamp. Medyo kinikilabutan din ako sa aura ng paligid lalo pa't maririnig mo sa bawat yapak ang pag-creak ng lapag.
22 kaming lahat kasama si ma'am kaya marami kami ngayon dito sa dining room. Sana naman walang multo dito. At sana, hindi magalit ang may-ari ng bahay.
Akmang hahawakan na sana ni Andrew ang isang picture frame nang may nagsalita.
"Huwag mong hahawakan 'yan!"
"Sino kayo?"
"Paano kayo nakapasok dito?"
*****
Author's Note:
First time kong sumulat ng 3 parts sa isang gabi lang guys, new record. Haha.
Please vote and comment guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top