Kabanata 6
Annabeth's POV
Hinahabol ko ang hininga ko nang gumising ako. Kapansin-pansin din ang mga butil ng pawis sa noo ko. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko nang hawakan ko ang dibdib ko.
Panaginip lang pala.
Napapikit ako saka lumunok sa nanunuyong lalamunan. Tumingin ako sa alarm clock ko saka kinausap ito.
"Salamat talaga alarm clock, kung 'di dahil sa'yo baka namatay na ako sa bangungot." I turned it off then started my daily rituals. 5:30 pa naman kaya hindi na kailangang magmadali.
Pagkatapos kong gawin ang rituals ko, nagpaalam na ako kay yaya at mama. As usual tinanguan lang ako ng mabait kong nanay. Close kasi kami.
Sobra.
***
Maganda naman ang naging takbo ng English at Math subjects ko. Nakinig nalang ako ng maayos at baka kung ano pa ang mangyari sa grades ko.
Pagkatapos ng English at Math class, next ay ang paborito kong subject. Ang RECESS! Hehe
Lalabas na sana ako ng room papunta sa cafeteria nang may tumawag sa'kin.
"Anna wait!" Lumingon ako kay Aria at binigyan siya ng bakit-look.
"Sabay na tayo sa cafeteria. Doon din naman ang punta mo 'di ba?" Saad niya habang lumalakad palapit sa'kin, tinanguan ko lang siya bilang tugon.
"Ako rin sasabay," singit ng lalaki na nakatayo sa likod ni Aria. Biglang nagcross ng arms si Aria sabay irap.
"Tara na nga Anna, huwag mo na siyang pansinin," inis na sabi ni Aria saka ako hinatak palabas ng classroom.
Habang naglalakad kami sa hallway, alam kong nakasunod lang ang lalaki likod namin ni Aria.
Anong meron sa dalawa? Hmmm.
The usual thing. Maingay ang cafeteria pagkarating namin dito. Parang 'yong normal school lang. May nag-uusap, tumatawa at meron pang iba na wagas kung kiligin.
Dumiretso kami ni Aria sa bakanteng mesa dala-dala ang binili namin habang pangiti-ngiti pa ring nakasunod ang lalaki sa likod.
"Pwede ba? Huwag kang dumikit sa'kin, kadiri ka usog ka do'n," sabi ni Aria sa katabing lalaki na parang nandidiri. Nagsimula na akong kumain habang palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa, hindi ako nagbreakfast kaya medyo marami ang binili ko.
"Ito naman, nagtatampo ka pa rin sa'kin."
"Ewan ko sa'yo," umirap si Aria saka nagsimulang kainin ang sandwich niya. Magkatabi ang lalaki at si Aria.
"Gusto mo subuan kita? Ha? Baby?" sabi naman ng lalaki at nagpacute effect pa kay Aria. Hmmm. There is something fishy in here.
"Eeewww, mahiya ka nga kay Anna. Naku Anna, huwag mo siyang pansinin, ubusin mo nalang 'yang lahat ng kinakain mo," mataray na saad ni Aria saka siniko ang lalaki. Sinenyasan niya pa ang lalaki na parang huwag maingay.
"Ars pramis! Mali 'yong nakita mo, bakit naman ako mangangaliwa eh sa'yo lang ako. Hoy, pansinin mo na ako, wala akong pakialam kahit mapahiya pa ako sa harap ni Anna." Umirap ulit si Aria at hindi pinansin si ano, 'yong lalaki.
Nagpatuloy lang sa pakikiusap ang lalaki kay Aria, napansin ko namang Ars ang tawag niya kay Aria. Bahagya nalang akong napangiti dahil sa dalawa. Magsyota ba sila?
Tumingin ako sa paligid habang umiinom ng tubig, at naagaw ng atensiyon ko ang babaeng naka-eyeglass. Huminto siya sa isang mesa na may nakaupong dalawang babae. Pamilyar 'yong babae. Nagkita na kaya kami somewhere down the road?
"Uhmm. Mga miss, puwede ba akong makiupo sa inyo?" Nahihiyang tanong ng babae. Naririnig ko sila dahil magkatabi lang naman ang table namin.
"Ayy sorry ha, reserved na kasi ang mga upuan dito."
"Ahh. Sige, salamat." Umalis na ang babae at lumapit sa table namin.
"Okay lang miss, dito ka na umupo sa tabi ko." Inunahan ko na siya na naging dahilan para kumunot ang noo niya. Ako naman ay ngumiti lang.
Umupo siya sa tabi ko at nagpasalamat.
"Nice meeting you, ako nga pala si Annabeth," pagpapakilala ko saka inabot ang kamay.
Tinanggap niya naman ito saka kami nagshake hands.
"Kilala na kita. Ako naman si Jane Anne Vallez, Anne nalang" nangunot naman ang noo ko dahil kilala niya ako.
"Naku, kayo para kayong bata kung magpakilala sa isa't-isa. May pa shake hands pa kayong nalalaman. Anna, kilala ka nitong si Anne dahil kaklase natin siya," tumango nalang ako ng bahagya. Kaya pala.
"At ikaw naman Anne, alisin mo nga 'yang pagiging mahiyain mo. Ang ganda ganda mo tapos shy type ka? Kahit nakaeyeglass ka, maganda ka pa rin noh. And my ghad! Almost 4 years na tayong magkaklase hindi pa rin tayo close. Mabuti naman at inunahan ka ni Anna. Oh. Magkapareho pa kayo ng name." Napangiti lang kami ni Anne sa mahabang talak ni Aria, itong babaeng 'to talaga.
"Hoy babes, sorry na oh."
"Kung makababes ka naman parang sinagot na kita," mataray na sagot ni Aria ng hindi tinitignan ang lalaki. Ayun naman pala, manliligaw.
"Eh kung makaselos ka naman kasi parang tayo na. Sagutin mo na kaya ako para kahit minuminuto ay pwede ka ng magselos," saad pa ng lalaki at napapout. Ang cute lang nilang tignan.
"Ewan ko sa'yo."
"Hey there guys!" Halos lumundag ang puso ko dahil sa gulat, kung makasigaw naman kasi 'tong lalaki.
"Ria, huwag kang magpadala dyan kay Jett. Niloloko ka lang niyan. Haha!" Saad ng bagong dating na lalaki saka ngumiti ng nakakaloko. Ahh. So Jett pala ang pangalan ng nanliligaw kay Aria.
"Loko ka talaga pare, baka maniwala pa si Ars," reklamo ni Jett saka dumikit kay Aria. "Huwag kang maniwala sa ugok na 'yan babes ah," umirap na naman si Aria.
"Pahingi ako ah," magiliw na saad ng lalaki sabay kuha ng chips kay Aria at umupo sa tabi ni Jett.
Napansin ko namang may lalaking umupo sa tabi ni Anne. Naka-eyeglass ang lalaki.
"Anna, baka 'di mo pa ako kilala. Andrew nga pala, Drew na lang. Nice meeting you classmate. Hehehe. Pahingi ako ng sandwich mo ah," sabi ni Drew raw at mabilis na kinuha ang sandwich ko. Dalawa kasi ang binili ko.
"Dexter naman ang pangalan ko," pagpapakilala ng naka-eyeglass na lalaki saka ngumiti ng matamis. Tumango lang ako sa kanila. Napansin ko namang parang nagblush si Anne.
At ngayon ko lang din napansin na pareho pala silang naka-eyeglass ni Dexter na katabi niya ngayon. May gusto kaya si Anne kay Dexter? Well, bagay naman sila eh. Maganda at gwapong nerd.
Nagkwentuhan lang kami, at mas humaba pa ang kwentuhang iyon dahil sinabi ni Dexter na wala ang teacher namin sa Filipino kaya nanatili kami sa cafeteria.
Ang saya ngang kakwentuhan ng mga kaklase kong 'to. Nakakagaan ng loob. Tawa lang kami ng tawa dahil sa jokes ni Drew samantalang bangayan naman ng bangayan sina Aria at Jett. Ang sarap siguro nilang maging kaibigan.
"Uhm. Excuse me, CR lang ako. Anna, pwede mo ba akong samahan?" Sabi ni Aria kaya tinanguan ko siya at tumayo na rin ako.
"Hoy, kayo ah. Ingatan niyo si Anne. Tatlo kayong lalaki at iisang babae lang siya," sabi ni Aria saka ako hinila papuntang CR.
"Alam mo Anna, natatakot kasi akong mapag-isa sa CR kaya nagpasama ako sa'yo. Sorry ah."
"Okay lang, sige na aayusin ko nalang din ang buhok ko."
Pumasok na sa cubicle si Aria at ako naman ay nakaharap lang sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko.
May biglang pumasok kaya napatingin ako sa kanya. Ang ganda niya, para siyang model dahil sa aura at hubog ng katawan niya. Nagmatch din ang school uniform sa kanya.
Nagpatuloy lang ako sa pagsusuklay habang siya naman ay nag-aapply ng lipstick. Magkatabi kami, ilang inch lang ang layo namin.
"Annabeth right?" sabi niya habang nakatingin pa rin sa salamin.
"H-ha?" Tanong ko naman, malay ko bang ako kinakausap niya.
"Annabeth, Claire is the name." Inabot niya ang kamay niya para siguro sa shake hands. Kukunin ko na sana 'to nang agad niya itong binawi.
"And I'm not pleased to meat ya," mataray na sabi ni Claire daw at tinaasan ako ng kilay. Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya, problema niya?
"Ako dapat ang English president ng class Alpha," sabi niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "At hindi ikaw."
"Alis na ako," dagdag ni Claire, ngumiti siya nang nakakaloko saka lumabas. Habang ako naman ay naiwang nakakunot ang noo. Ang laki ata ng problema ng Claire na 'yon.
Noong natapos na si Aria, lumabas na kami ng cubicle at bumalik sa table namin. Hindi pa kami nakakabalik sa table namin ay nagsalita si Aria.
"Anna, huwag kang magpadala kay Claire. Bitch siya at oo narinig ko ang sinabi niya sa'yo. At kung hahanap man siya ng gulo, nandito kami para tumulong," napakaseryoso ni Aria na parang may kakaiba. Ewan ko sa kanya.
"Ano ka ba, parang ganon lang. Tara na," sabi ko nalang dahil naiilang ako sa seryosong mukha ni Aria.
Bumalik na kami sa table namin kaya bumalik na sa tawanan. Pero napansin kong nag-aalala ang mga tingin ni Aria sa'kin.
Ano ba kasing meron?
"By the way Anna, nagtext si Diana sa'kin. Pinapasabi raw ni sir Reyes na pinapapunta ka niya sa office mamayang 4:30 PM," sabi ni Andrew sa akin kaya nagtaka naman ako.
"Ha? Bakit daw?
*****
Sorry sa update guys. Ang lame ng update ko. 2 chapters nalang, magsisimula na ang totoong storya ng "Laro Tayo".
Hehe. Please vote and comment guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top