Kabanata 47
Kabanata 47
Annabeth’s Point of View
“Sa’n naman kaya natin hahanapin ang diary ni Maria Anne?’’ tanong ni Andrew, tanong na ni isa sa amin ay hindi kayang sagutin.
Nasa loob na kami ng van at kasalukuyang nasa biyahe. Tahimik lang kami hanggang sa nagsalita si Andrew. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana at tumingin sa madilim na paligid sa labas.
“At hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na multo ang kalaban natin. I mean, kung may isa nga sa atin ang kumuha ng diary, bakit niya tayo papatayin dahil sa diary lang na ‘yon?” dagdag pa ni Andrew.
“Malamang may kung anong laman ang diary na importante sa kanya kaya gusto niyang maibalik ito sa kanya,” sagot naman ni Jason kay Andrew. “Kung ikaw may diary, gugustuhin mo bang mapasakamay ito at mabasa ng ibang tao?”
Nagkibitbalikat lang si Andrew. “Ewan, wala naman akong diary. Tsaka hindi ako babae para magkaroon ng diary.”
“Babae ako,” singit ni Aria sa usapan. “At oo, ayokong may ibang tao ang makabasa ng diary ko kundi ako lang. And in the first place, personal property ang diary kaya natural lang na magalit ang may-ari kung may ibang makabasa.”
“That’s the whole point,” sabi ni Jason na tila may sasabihing importante. “Magagalit ang may-ari kung may kumuha man ng diary niya, at sa sitwasyon natin ngayon, si Maria Anne ang may-ari ng diary. Pero bakit sabi ni aling Dolores na si Marga ang pumapatay at hindi si Maria Anne?”
“Please enlighten me, dude.” Umayos ng upo si Andrew para makaharap si Jason, nasa harap ko kasi si Jason at nasa harap naman ni Aria si Andrew. “Wala akong narinig na sinabi ni aling Dolores na ‘yong babaeng si Marga ang pumapatay.” Napabuntong hininga si Jason at tinignan si Andrew na tila hopeless na ito.
“Oo, sige ako na ang bobo. Salamat, ha?” pahiwatig ni Andrew.
“Andrew, ano ba ang huling sinabi sa atin ni aling Dolores?” tanong ni Dexter na sumali na rin sa usapan.
“I’m not sure, sinabi niya na kailangan nating ibalik ang diary? Hindi, binigyan niya tayo ng diresyon pauwi.”
“Hindi, sinabi niya na kung hindi man natin maibalik ang diary, ang natitirang solusyon na lang ay talunin at patayin si Marga,” pagkukuwento ni Dexter at inayos ang suot na glasses. “Hindi ko pa totally naiintindihan ang lahat pero dahil sa sinabi ni aling Dolores, nalaman ko na si Marga ang pumapatay.”
“Okay, ngayon alam ko na.” Tumango-tango si Andrew. “Pero sigurado ba si aling Dolores na ang babaeng Marga ang pumapatay? I mean multo na siya ‘di ba? Tsaka paano natin papatayin ang patay na?”
Natahimik lang kaming lahat. Habang nagsasalita si Andrew, hindi makita sa kanyang mukha at marinig sa kanyang boses ang pagkabahala at takot.
Tinignan ko si Lim, tahimik at seryoso lamang siya sa pagmamaneho. Mabuti na lang at pinakiusapan namin si aling Dolores na bigyan kami ng direksyon pauwi.
Tumingin ako sa daan at nandilat nalang ang aking mata nang---
“Lim! May mababangga tayo!” sigaw ko, napalingon si Lim sa gulat at agad na pinahinto ang sasakyan.
Tila tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Binuksan ko ang van at bumaba mula rito. Tumakbo ako at tinungo ang harap ng sasakyan.
Ngunit wala akong nakikitang tao.
“May nabangga ba tayo?” tanong ni Andrew. Sa likuran, sumunod din sa pagbaba ang mga kasama ko. Sinundan nila kung saan ako nakatingin.
“Ano meron ba?” tinignan din ni Andrew ang harap ng sasakyan at walang nakita. “Wala naman eh.”
“Sigurado ka ba sa nakita mo, Anna?” tanong ni Aria na nasa tabi ko lang.
“Oo, sigurado ako. Nakita ko siya!”
“Sino bang nakita mo?” tanong ni Jetter sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Maiintindihan ko kung ang nakita ko ay mga kaibigang kilala ko. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit siya ang nakita ko.
“Kailangan na nating umalis dito,” saad ko at hinarap ko silang lahat. Naguguluhan ang kanilang mukha. Nagpalingalinga ko sa paligid. “Nandito na siya.” Sabi ko at mabilis na bumalik sa loob ng van.
“Anna, anong ibig mong sabihin? Sinong nakita mo?” tanong ni Andrew habang pumapasok sa loob. Hinintay kong nakapasok na ang lahat bago ako nagsalita.
“Si Marga, nakita ko siya.” Natahimik ang lahat ng kasama ko. Halos marinig na namin ang pintig ng aming mga puso sa sobrang tahimik. “A-alam kong hindi kayo maniniwala, pero sigurado ako. Nakita ko si Marga, nandito na siya,” tumingin ako sa labas. “Nasa paligid lang.”
Napansin kong napayakap si Claire sa sarili.
“Hindi ako naniniwala sa multo pero kay Anna, oo. Lim, tara na,” utos ni Andrew at sumunod naman si Lim. Ngunit lalo lang lumalala ang sitwasyon sa sunod na nangyari.
“Teka lang,” saad ni Lim sa sarili habang sinusubukang paandarin ang sasakyan.
“Anong problema?” tanong ni Jetter na nasa shotgun seat. Nagkatinginan kami ng kasamahan ko.
“Shit!” mura ni Lim at hinampas ang manibela. “Ayaw mag-start.”
“Ano?” hindi mapigilang tanong ni Andrew.
“Subukan mo ulit,” suhestiyon ni Dexter. Kahit hindi niya pa sinabi ‘yon ay iyon agad ang ginawa ni Lim.
“Sinusubukan ko, pero ayaw parin.”
Napatingin ulit ako sa harapan nang may naaninagan na naman ako.
Nakita ko siya.
Nakatayo sa harapan ng van.
Ang suot niya ay kagaya nang nakita ko sa litratong pinakita sa amin ni aling Dolores. Itim na damit, at itim na belo sa ulo. Napalunok ako nang tumama ang kanyang tingin diretso sa aking mata.
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya.
Ibang-iba ang kanyang mukha kumpara sa nakita ko sa larawan. Ang kanyang mata ay dilat at tila puno na ito ng ugat, wala nang makikitang itim sa kanyang mata. Puro na lamang ito puti.
Ang kutis ng kanyang mukha sing puti ng papel, wala na itong buhay. Napapalibutan din ang kanyang mukha ng nangingitim na ugat. Namimilog ang kanyang mga mata na nakakatitig sa akin.
Ilang kurap ko lang ay bigla na lang naglaho sa paningin ko ang babaeng si Marga.
“Baka naman nasiraan?” tanong ni Jetter.
“Pero imposible tol, kanina lang maayos ito,” sagot ni Lim habang pinipilit na paandarin ang sasakyan.
“May tools ka ba bro?” nilingon ni Lim si Andrew.
“Meron d’yan sa likod.”
Binuksan ni Andrew ang van at bumaba. “Kunin mo ang tools, check natin.” Bumaba na rin si Lim at kinuha ang tools.
Pati ang lahat ng lalake ay bumaba para tignan din kung may sira nga. Puro babae na lang kaming nasa loob. Iniwan lamang nilang nakabukas ang pinto ng van.
Binuksan ni Lim ang flashlight ng kanyang cellphone habang tinitignan ang kung ano ang sira.
“Sigurado ka bang alam mo ginagawa mo, Andrew? Baka mamaya puro ka lang kalokohan eh.” Tanong ni Aria, nasa loob parin kaming mga babae ng van.
“Hindi gaanong malaki ang grades ko sa academics pero sisiw lang sa’kin ‘to,” sagot naman ni Andrew.
“Hangin talaga,” napailing naman si Aria at napatingin sa akin. “Okay ka lang ba?”
“Hindi ko alam, hindi lang ako mapakali.”
“Magrelax ka muna, alam kong makakaalis din tayo rito. As long as sama-sama tayo walang mangyayaring masama sa atin,” pilit na lamang akong ngumiti.
Ilang minuto kaming naghihintay pero hanggang ngayon ay hindi parin sila natatapos sa labas.
“Matagal pa ba ‘yan?” tanong ni Claire at sumilip sa labas. “Bilisan n’yo nga. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ‘to.”
Mayamaya lang ay biglang bumaba si Crystal sa van dala-dala ang kanyang cellphone.
“Sa’n ka pupunta?” agad na tanong ni Claire, huminto naman si Crystal ngunit hindi ito lumingon.
“D’yan lang sa malapit, iihi lang ako.”
“Samahan na kita,” hindi na nakapalag pa si Crystal dahil agad na bumaba si Claire ng van.
“Ako rin, samahan ko na rin kayo. Mas ligtas kung sama-sama tayo.” Bigla ring presenta ni Aria saka ako tinignan. “Anna, sasamahan ko lang sila. Dito ka lang,” tumango naman ako kay Aria.
“Sama rin ako," tinignan naming lahat si Jetter. “Mali ang iniisip n’yo, babae lang silang tatlo. Mas mabuti na kung may kasama silang lalake.”
“Iiha lang ako, hindi ako magtatagal,” sabi ni Crystal. “Hindi mo na kailangang sumama.”
“Basta, tara na,” pagmamatigas ni Jetter. Wala silang ibang nagawa kundi ang pumayag nalang. At para sa akin ay tama lang ang ginawa ni Jetter, mas magiging ligtas sila kung may kasama silang lalake.
“Balik kayo agad, ah. ‘Wag kayong magpapakalayo,” paalala ni Jason.
“Mga babae talaga, ang aarte. Pwede namang d’yan lang sila sa tabi ng van, mas ligtas pa, kailangan pa talagang lumayo.” Napailing nalang ako sa komento ni Andrew. Somehow may point si Andrew, pero ibang babae rin kasi si Crystal. Sana lang talaga hindi sila lumayo.
Napadako ang aking tingin kay Anne, tamihik lang siya at tila natutulog ito. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa nagdaang mga araw. Tungkol sa biglang paglayo niya sa amin ni Aria.
Habang naghihintay ay panay ang tingin ko sa wrist watch ko. Kahit maginaw sa loob at labas ng sasakyan ay ang lagkit parin ng pawis ko sa noo.
Ilang minuto, hanggang sa kalahating oras na ang paghihintay namin pero hindi parin sila bumabalik. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanila.
“Asan na kaya ang mga ‘yon?” tanong ni Jason at tumingin sa direksyon na tinungo nila Crystal kanina. “Lagpas kalahating oras na silang hindi nakakabalik.”
“Paano kung, puntahan kaya natin sila? I mean sunduin?” suhestiyon ni Dexter at napaisip naman si Jason. “Baka kasi naligaw na ang mga ‘yon.” Hindi matanggal ang pagkabahala sa mukha nilang lahat.
“Sinabi ko naman kasi sa kanila na ‘wag lumayo, tigas talaga ng mga ulo,” saad ni Andrew na nasa ilalim ng sasakyan.
“Baka naligaw nga sila,” saad ni Jason at tinignan ang paligid. “Ang mabuti pa ganito nalang, dito na muna kayo, aalis na muna kami ni Dexter para hanapin sila. I’m sure hindi pa sila nakakalayo. Sana lang talaga. “Sama ako,” pag-vovolunteer ko pero agad na nagsalita si Jason.
“Huwag na, Anna,” pagpigil niya sa akin. “Mas mabuting dito ka lang, kayo ni Anne.”
“Pero—“
“Babalik din kami agad," tinignan ni Jason si Dexter. “Tara na.” Binuksan nila ang flashlight ng kanilang cellphone saka sila naglakad. Wala akong nagawa kundi ang ihatid na lang sila ng tingin.
Habang naghihintay ay panay ang tingin ko sa relo ko. Pakiramdam ko ang bigat at bagal ng takbo ng bawat segundo at minuto.
Hanggang sa sampung minuto na ang dumaan pero pati sila Jason at Dexter ay hindi pa nakakabalik.
Dahil sa aking pagkabalisa ay bumaba ako ng van at doon ko napagtantong wala rin sa paligid si Lim. Tanging si Andrew lang ang nakikita kong nakahiga sa ilalim ng sasakyan at may kung anong inaayos.
“Andrew?” tanong ko at niyakap ang sarili dahil sa ginaw.
“Hmm? Bakit Anna?”
“Nasa’n si Lim?” nagpalinga-linga ako sa paligid, ngunit dahil sa dilim ay hindi ko siya makita.
“Umihi lang saglit,” sagot ni Andrew kaya tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.
Naglakad-lakad ako dahil sa inip at pagkabahala ko sa aking mga kasama. Hindi pa sila nakakabalik. Sinigurado kong hindi ako lalayo sa van dahil na rin sa takot ko.
Nanindig bigla ang balahibo ko. Walang hangin ngunit nakaramdam ako ng biglaang pag-ginaw. Napalunok ako at nagmadaling naglakad pabalik sa sasakyan habang malakas ang kabog ng aking dibdib.
Nakahinga ako nang malalim noong nakabalik na ako.
“Andrew? M-matagal pa ba ‘yan?” tanong ko sa kanya habang pinapakiramdaman ang paligid. Malakas parin ang kabog ng aking dibdib.
Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong natanggap.
“Andrew?”
Wala parin siyang imik. Hindi ko na rin naririnig ang mga tools na gamit niya.
“Andrew?” napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan. Dahan-dahan akong yumuko para silipin siya sa ilalim. Hindi ko maintindihan ang aking sarili.
Sumasakit na ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Malalaki ang butil ng aking pawis.
Pabagsak akong napaupo sa lupa dahil sa nakita, muntik na akong mapasigaw. Nandidilat ang aking mata habang pinagmamasdan ang katawan ni Andrew.
Nanginginig ang aking kamay. Hindi ako makagalaw, nanlalambot ang aking tuhod.
Si Andrew. Duguan ang kanyang katawan. Puno ng saksak ang kanyang tiyan! Ang puti niyang t-shirt ay napuno ng pulang likido. Nanginginig ang aking bibig.
Kahit nanghihina ay sinubukan ko paring tumayo. Patuloy na umaagos ang aking luha, tumingin ako sa paligid. Kailangan na naming makaalis ni Anne!
Lalo akong nagimbal nang hindi ko makita si Anne sa paligid.
Nagpalinga-linga ako.
At bigla na lang may naramdaman akong matigas na bagay na tumama sa aking ulo.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top