Kabanata 44
Kabanata 44
Annabeth’s Point of View
Lahat kami ay napatingin sa labas, sa aming harapan ay may nakaharang ngang sasakyan. Bumukas ang pinto nito at lumabas mula rito ang mga kilala naming tao.
Si Dexter, Anne, Crystal at Claire, hindi namin inaasahang sila ang mga taong nasa loob ng sasakyan ng sasakyang humarang sa amin. Agad na binuksan ni Jason ang van at lumabas, nagkatinginan pa kaming dalawa ni Aria bago sumunod sa paglabas.
Nakatayo na silang apat sa aming harapan sa oras na lumabas kami ni Aria.
“Anong ginagawa n’yo rito?” unang naitanong ni Andrew.
“We’re the one who should be asking you that,” ganting tanong ni Claire at nag-cross arms. “Anong ginagawa n’yo rito?”
Napatingin si Andrew sa amin bago nakapagsalita. “Ahh… wala, nagpapahangin lang. I mean, pupunta kaming mall.” Muntik na akong mapa-face palm sa palusot ni Andrew.
“Jason,” direktang tumingin si Claire sa mata ni Jason. Tahimik lang si Dexter pati si Anne at Crystal. Tumingin si Jason sa amin ni Aria na nasa tabi niya lang saka niya sinagot si Claire.
Bumuntonghininga si Jason. “Pupunta kami kay aling Dolores,” diretsong sabi ni Jason. Tahimik lang si Claire, tila hinihintay si Jason sa susunod na sasabihin nito. “Para matapos na ang mga nangyayari ngayon, pupuntahan namin si Aling Dolores. Alam naming siya lang ang makakatulong sa atin, alam naming siya lang ang makakasagot sa mga tanong natin.”
Sandaling nanahimik si Claire. Tinignan niya pa ako at tinanggal din ang tinging iyon.
“Sasama kami,” nagkatinginan kami ni Aria sa saad ni Claire.
“Hindi,” mariing pagkakasabi ni Jason.
“Hindi?” hindi makapaniwalang tanong ni Claire.
“Hindi Claire, masyadong delikado kung marami tayong pupunta---“Jason.
“At hindi delikado kung kayo ang pupunta?” umirap si Claire at nagpatuloy sa pagsasalita. “Jason, mas magiging delikado kung kayo lang ang pupunta. At alam nating lahat na sa baryong Narra nagsimula ang lahat ng ito, sa bahay ni Aling Dolores. At hindi lang kayo ang may karapatang malaman ang katotohanan. Marami na sa mga kaklase natin ang nawalan ng buhay, ayokong may sumunod pa. Kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama kami.”
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko noong narinig ko ang sinabi ni Claire. Alam ko na ang lahat ng iyon ay galing sa kanyang puso.
Ilang segundong tahimik si Jason hanggang siya ay nagsalita. “Sige, sumama kayo kung gusto n’yo.” Pumasok na silang apat sa loob, napatingin pa si Jason sa akin, nginitian ko na lamang ito. Napabuntonghining na lamang si Jason.
Alam naming delikado kung marami kaming pupunta, hindi namin alam kung ano ang maaaring mangyari. Bahala na.
Malaki ang van ng tatay ni Lim kaya nagkasya parin kaming sampu sa loob nito. Ganoon parin ang posisyon ko gaya ng kanina, katabi si Aria. Katabi ni Aria si Dexter habang magkatabi naman sa likuran si Crystal, Anne at Claire.
Kakaiba ang mood ng paligid habang kasama namin sila. Pilit ko na lamang itong binalewala at tumingin na lamang sa labas. Sinandal ko ang aking ulo sa nakasaradong bintana habang pinagmamasdan ang nadadaanan naming mga gusali.
Habang nasa biyahe ay biglang nagsalita si Andrew. “Teka lang guys, pa’no ba natin matutunton ang baryong narra? I mean may nakakaalam ba sa inyo sa daan?”
Akala ko ay wala nang sasagot kay Andrew nang itaas ni Lim ang hawak na mapa habang nagmamaneho.
“Iyan lang? Sapat na ba ‘yan para makapunta tayo kay aling Dolores?” si Andrew. Sumagot naman si Lim nang nakatuon parin ang tingin sa daan.
“Useless lang ang mapang ito kung ikaw ang gagamit. Tsaka, minsan na tayong nakapunta sa baryong Narra, magtatanong nalang tayo kung sakaling maligaw man tayo.”
“Magtanong? Kung sakaling maligaw? Ibig sabihin hindi n’yo pa talaga alam ang daan papunta kay aling Dolores,” hindi makapaniwalang si Andrew.
“Oo,” simpleng sagot ni Lim at seryoso lang sa pagmamaneho.
“Baka maligaw lang tayo nito eh,” saad ni Andrew.
“Bakit ka pa kasi sumama, ngayon magrereklamo ka? Kung ayaw mong maligaw pwede ka namang bumaba eh, wala namang gustong sumama ka,” ganti naman ni Lim. Kahit ako ay nakaramdam ng kirot sa mga binitawan niyang linya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Lim. Tinignan ko si Andrew, nag-iba ang kanyang ekspresyon, halatang nagpipigil ito. Hindi na lamang sumagot si Andrew.
“Tumahimik nga kayo, ikaw Lim magmaneho ka na nga lang dyan. Mag-aaway pa kayo,” awat ni Aria na halatang naiirita na sa dalawa. Naiintindihan ko si Lim, medyo naiingayan lang siguro siya kay Andrew.
Pero bakit gano’n? Bigla nalang nawala sa mood si Lim. Kilala ko siya, matalik silang magkaibigan ni Andrew.
Tumahimik na ang lahat. Simple akong tumingin sa likuran at nakita si Anne, nagtama ang mata namin. Bigla na lamang yumuko si Anne na tila nahihiya.
Umiwas na rin ako at yumuko. Namimiss ko na si Anne, dalawa sila ni Aria na best friends ko, bigla na lang siyang nawala.
Kinuha ko ang headset sa loob ng bag ko at sinaksak ko na lamang ito sa tenga ko. Niyakap ko ang jacket ko, sumandal ako sa bintana at sinubukang matulog.
***
“Nagugutom ba kayo?” nagising ako dahil sa tanong ni Jason. Kinusot ko ang aking mata at tumingin sa labas. Mataas na ang sikat ng araw, tinignan ko ang relo ko at nalaman kong alas-onse na ng umaga.
Kakagising lang din ni Aria.
“Nakarating na ba tayo?” tanong ni Aria habang kusot-kusot ang mata.
“Oo Aria, nandito na tayo,” sagot ni Jason. “Kailangan nalang nating alamin kung saan ang bahay ni aling Dolores. I’m sure malapit na tayo.” Tumango-tango naman si Aria.
Nakatingin si Jason sa labas kaya pati kami ay napatingin din. May mga bahay sa labas, mga taong naglalakad at nag-uusap. Mga batang naglalaro at nagtatakbuhan. Ang iba ay nagtatawanan pa habang nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. May maliit na karenderya rin kung saan ang ibang tao ay kumakain.
“Mabuti pa kumain na muna tayo, tsaka magtanong-tanong na rin tayo at baka may nakakakilala kay aling Dolores.” Suhestiyon ni Jason habang nakatingin sa labas. “Sinong gustong sumama?”
“Dito lang ako,” napatingin kami kay Claire dahil sa kanyang sinabi. “Ang init sa labas, tsaka baka kung ano pang makain natin. Hindi natin alam kung malinis ba mga pagkain dito, at baka may lason pa.”
Tumingin ako sa mga taong kumakain sa labas at mukhang okay naman silang kumakain.
“Okay, bahala ka kung anong gusto mong gawin. Ikaw rin ang magugutom,” umirap lang si Claire sa sinabi ni Aria. “Tara na Anna.”
Bumaba na kaming lahat ng van at nagpaiwan naman si Claire sa loob kasama si Anne at Crystal.
Habang kami ay naglalakad ay tila tumigil ang mundo ng mga tao sa baryo at tinignan lang kaming pito habang naglalakad. Tumigil talaga sila sa kanilang ginagawa at tinignan kami. Hindi ko maintindihan ang mga tinging pinupukol nila sa amin, ang mga bata pa ay tila namamangha. Yumuko na lamang ako. Mayamaya lang ay tinanggal din nila ang tinging kanilang binigay.
Iginala ko ang aking mata sa paligid, sariwa ang hangin kahit mainit ang ilaw ng araw. Nilapitan namin ang isang tindahan na may mga paninda ring mga ulam at kanin.
“Hello iho, ano bang atin? Mukhang hindi kayo taga rito.” Nakangiting bati sa amin ng tindera, sa tingin ko ay nasa mga mid-fifties na si manang.
“Ahh, oo nga po. Gusto lang sana naming kumain,” magalang na sagot ni Jason at nginitian si manang.
Napatingin ako sa gilid, tumama ang mata ko sa lalakeng nakatingin sa akin. May katandaan na siya, wala siyang suot na pang-itaas kaya klaro ang pinagpapawisan niyang katawan. Gulo-gulo ang kulot niyang buhok, pati ang suot niyang shorts ay tila hindi pa napapalitan ng ilang lingo dahil medyo marumi na ito.
Nakatayo siya katabi ng puno, noong napansin niyang nakatingin ako sa kanya, bigla niyang inangat ang kanyang kamay at nag-wave sa akin. Nakangiti siya nang malapad habang nagwewave. Sa nakikita ko, sa tingin ko ay tatlo o apat na magkakahiwalay na ngipin na lang ang natititra sa kanyang bibig. Umiwas na lamang ako ng tingin.
“Naku ang gagwapo naman ng mga batang ito,” puri ni manang na may malapad na ngiti. “Kung kakain kayo marami kaming ulam dito na pwede ninyong pagpilian. May adobo, may pansit, sinigang naku pumili lang kayo.”
Pumili na kami at agad nang pumwesto sa mesa na nasa labas lang ng tindahan. Nakita ko kung gaano kalakas kumain si Aria, ibang klase talaga ang babaeng ito, walang sinasanto.
“Heto po bayad namin, manang,” nakangiting tinanggap ng babae ang bayad mula kay Jason.
“Naku, salamat ha.”
“Ahh, manang,” napatingin pa si Jason sa amin bago nagpatuloy. “May kilala po ba kayong babae? Dolores po ang pangalan niya.”
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng tindera at seryosong tinignan si Jason.
“Si Dolores?”
“Kilala n’yo po siya?” tanong ni Jason, hindi matanggal sa kanyang mukha ang excitement. Nagkatinginan kami ni Aria.
“Oo, kilala ko siya,” tila nagdadalawang isip pa si manang. “May kailangan ba kayo sa kanya?”
“Opo, gusto lang po sana namin siyang makausap,” kakaiba ang tinging binigay ng tindera kay Jason. Tila nagdadalawang isip ito na magsalita. “Importante lang po talaga, please po.”
Ilang segundong nanahimik si manang, binigyan niya pa kami isa-isa ng tingin. Sa huli ay nagsalita rin siya.
“Kayong lahat ba ang pupunta kay Dolores?” tanong ng babae habang binibigyan kami ng tingin.
“Opo, kami po?” sagot ni Lim.
“Oh sige, dahil mapilit kayo, pero mag-ingat kayo.”
“Para sa’n po?” tanong ni Andrew sa unang pagkakataon, nagkatinginan pa sila ni Jason.
“Ano po bang meron?” hindi napigilang tanong ni Lim.
“Basta, mag-iingat kayo.”
Ilang minuto ang dumaan bago natapos si manang sa pagbibigay ng direksyon sa amin. Hindi ako gaanong nakinig dahil sa mga bumabagabag sa isip ko. Lalo na sa babalang binigay ni manang.
“Oh heto, sa inyo nalang din itong ginuhit kong mapa,” tinanggap ito ni Lim at nagpasalamat. Nagpasalamat na kaming lahat at bumalik na sa van.
Hindi pa ako nakasakay sa van nang may biglang kumalabit sa kaliwang braso ko. Napalingon ako at halos napatalon sa nakita. Nakatayo ngayon sa harap ko ang nakita kong lalake kanina na nakatayo sa tabi ng puno. Kakaiba ang tinging pinupukol niya sa akin.
Kakaiba rin ang kanyang amoy ngunit tiniis ko na lamang ito. Nakalahad ang dalawa niyang kamay na tila may hinihingi habang nakatitig parin sa akin.
“Ah, teka lang po,” mabilis kong kinuha ang wallet mula sa bulsa ko at kumuha ng barya. “Heto po,” tinanggap niya naman ito.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kaliwang braso ko. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
“Huwag na kayong tumuloy!” nanlilisik ang kanyang mata. Napalunok ako at halos nanlambot. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.
“HUWAG NA KAYONG TUMULOY!”
Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top