Kabanata 42

Kabanata 42

Annabeth’s Point of View

Sumigaw ako at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ko sa kanya. Sinipa ko siya sa tiyan at dahil sa pagtama ng paa ko sa kanyang sikmura ay nabitawan niya ang patalim na hawak. Lumikha ito ng ingay ng tingga na nahulog. Tinulak ko siya kaya siya napaatras.

Tatakbo na sana ako nang mahuli niya ang ulo ko at sinabunutan ang buhok ko. Napahawak ako sa kanyang kamay at halos mapasigaw ako sa higpit ng pagkakasabunot niya sa akin.

“HALIKA RITO!” sigaw niya at hinila ako, napaimpit ako sa sakit.

“Sammy ano ba! Itigil mo na ‘to!” mas hinigpitan niya pa ang pagkakasabunot sa akin saka niya ako tinulak. Napasubsob ako sa lapag, tamama ang baba ko sa semento at pati ang siko ko ay naitukod ko sa lapag.

Mabilis ang tibok ng puso ko, dilat ang aking mata habang ako ay nasa lapag. Malakas si Sammy, hindi ako magtataka kung paano niya kinayang patayin ang mga kaklase namin.

Nilapitan niya ako habang nasa lapag pa ako, at sinipa sa sikmura. Napaungol ako habang yakap ang tiyan. Sunod niya akong tinadjakan sa aking likod kaya ako napahiyaw sa sakit.

Inulit niya ang pagtadjak sa akin ng tatlong beses, habol ko ang aking hininga at pakiramdam ko ay ilang minuto na lang ay mawawalan na ako ng ulirat.

Nakita ko siyang inilabas ang syringe mula sa kanyang bulsa. Tinanggal niya ang takip nito. May kulay asul na likido sa loob nito.

Nandilat ang aking mata sa naalala, ang nakasulat sa note. Lason! Lason ang sagot sa note!

Lumuhod siya sa tabi ko at ngumiti. “Ito, ito ang papatay sa’yo Anna!” sigaw niya, bago niya pa nasaksak ang syringe sa akin ay nasalo ko pa ang kanyang kamay at napigilan siya.

“Itigil mo na ‘to Sammy!” nanginginig na ang aking kamay habang siya ay aking pinipigilan.

“Hindi. Mamatay ka na Anna! Mamatay ka na!” puno ng galit ang kanyang mga mata.

Hinugot ko ang natitira kong lakas at tinama ang aking tuhod sa kanyang likuran. Hindi siya natinag sa aking ginawa, paulit-ulit ko iyong ginawa. Alam kong wala itong gaanong epekto sa kanya ngunit kailangan ko paring subukan.

“Bakit mo ba ito ginagawa?”

“Bakit?! Tinatanong mo ako kung bakit?! Ikaw ang dahilan kung bakit naubos ang lahat ng mga kaklase natin!”sigaw niya sa akin.

“Hindi kita maintindihan!”

Narinig ko ang biglaang pagbukas ng pinto, halos maiyak ako nang makita ko si Jason.

Nandilat ang mata ni Jason nang makita niya kami. Agad siyang tumakbo at hinawakan sa magkabilang bisig si Sammy mula sa likuran nito. Pilit niyang inilayo si Sammy sa akin.

Nagsisigaw si Sammy habang nagpupumiglas na makawala. Ngunit malakas si Jason kaya wala siyang nagawa.

“Jason, bitawan mo ako! Ano ba! Bitawan mo ‘ko!” mas hinigpitan pa ni Jason ang pagkakahawak niya kay Sammy mula sa likod.

Nagpatuloy sa pagpupumiglas si Sammy at sigaw nang sigaw. Hanggang sa bigla na lang siyang nahimatay.

***

“Okay na ang kaibigan n’yo, dala lang siguro ng pagod kaya siya nahimatay. Nacontact n’yo na ba ang mga kamag-anak niya?” tanong ng Doktor kay Jason. Dinala agad namin sa ospital si Sammy noong nahimatay siya kanina.

“Hindi pa po Dok, pero gagawa po kami ng paraan para ma-contact po sila,” sagot ni Jason at tinignan ang ngayong mahimbing na natutulog na si Sammy.

“Sige aalis muna ako.”

“Sige po Dok, maraming salamat po,” umalis na ang Doktor at lumabas ng kwarto.

Nakatayo ako sa tabi ni Sammy, pinagmamasdan ang kanyang mahimbing na pagtulog. Tumabi sa akin si Jason.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Jason sa akin, tumango na lamang ako habang nakatingin parin sa mukha ni Sammy. “Huwag kang mag-alala, magiging maayos na rin ang lahat.”

“Naguguluhan parin ako,” napatingin si Jason sa akin. “Pakiramdam ko hindi si Sammy ang pumapatay. Hindi ko alam, pero nararamdaman ko.”

“Nasa’n na siya?” napalingon kami ni Jason nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Aria, Andrew at Lim. Nagmadaling lumapit si Aria sa akin at niyakap ako.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Lim. Kagaya niya, seryoso rin ang mukha ng iba pa naming kasama. Napabuntonghininga ako at ikinuwento ko sa kanila ang lahat nang nangyari kanina sa infirmary ng paaralan.

Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa natanggap kong note.

“Lason ang sagot sa note na natanggap mo Anna,” sabi ni Jason. Nakaupo na kami ngayon sa mahabang upuan na nakadikit lang sa pader ng hospital.

“Anna, binanggit mo kanina na may isasaksak sanang syringe si Sammy sa’yo kanina,” tumango ako sa sinabi ni Lim. “Sa tingin ko lason ang laman ng syringe na ‘yon at iyon sana talaga ang papatay sa’yo. Kaya ka nakatanggap ng note dahil ikaw na ang susunod na papatayin niya, pero nagawa mo siyang pigilan.”

“Ibig-sabihin ba nito si Sammy talaga ang pumapatay?” tanong ni Andrew. Nagkatinginan lang kami pero ni isa sa amin ay hindi makasagot.

“Mabuti pa umuwi na kayo, ako na magbabantay kay Sammy rito,” sabi ni Jason at tumayo.

“Hindi, magpapaiwan ako,” sabi ko.

“Ako rin,” si Aria at Lim.

“Paano naman ako? Magpapaiwan din ako,” sabi rin ni Andrew. “Tsaka baka kung ano pa ang gawin ni Sammy kay Anna kung kayo lang dito.”

Tinignan namin lahat si Jason, napahilot na lamang ng sintido si Jason at pumayag na rin sa huli. Nauna na kaming natulog ni Aria sa upuan habang ang mga lalake naman ay gising at binabantayan si Sammy. Hindi nagtagal at nakatulog na agad ako.

Bigla na lamang akong nagising sa hindi ko malamang dahilan. Malabo pa ang aking paningin nang makita ko ang taong nakatayo sa tabi ng natutulog na si Sammy. Nakayoko siya at nakatingin kay Sammy. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang syringe na hawak niya.

“Sino ka?!” Ininject niya ang hawak na syringe. Nandilat na lamang ang aking mata. “Anong ginagawa mo?!” nagmadali akong lumapit sa kanya.

Ngunit tila may humihila sa akin at hindi ako makalapit sa kanya.

Hinarap niya ako saka siya humalakhak.

Tagaktak ang aking pawis noong ako ay nagising. Agad akong bumangon at tinignan si Sammy. Mahimbing lamang siyang natutulog, tila nabunutan ako ng tinik sa puso at nakahinga nang malalim. Pumikit ako at sinubukang irelax ang sarili.

“Nanaginip ka ba?” napatingin ako kay Jason na nakaupo ngayon sa mahabang upuan na nasa kabilang banda. Tumango ako at pilit siyang nginitian. Klaro ko sa kanyang mata na inaantok na siya. “Bumalik ka na sa pagtulog, alas-dos pa lang.”

Tumingin ako sa wristwatch ko at nakumpirma kong alas-dos pa nga ng umaga. Natutulog na ngayon si Lim sa upuan na katabi ng hinihigaan ni Sammy habang si Andrew naman ay tulog na rin sa mahabang upuan katabi si Jason.

Imbes na bumalik ako sa pagtulog ay natagpuan ko ang aking sarili na tumayo at nilapitan si Sammy. Inayos ko ang kumot sa itaas ni Sammy at tinitigan siya.

Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla ko nalang naalala ang aking panaginip. Hindi ko nakilala ang mukha ng babae, blury lamang ito.

Pero ang boses niya ay pamilyar sa aking tenga.

Hindi ko alam pero sana lang talaga matapos na ito. Kung ano man ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa, alam kong malaking dahilan ito.

Dumako naman ang mata ko kay Jason at may biglang may naisip.

“Kanina ka pa ba nakaupo jan?” tanong ko kay Jason. Marahan siyang tumango.

“Kakalabas ko lang kanina, saglit lang akong bumili ng kape at bumalik din ako rito,” sagot ni Jason kaya naman ay tumango ko.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Sammy. Tumagal ng ilang minuto ang pagtitig ko kay Sammy hanggang sa nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang kamay. Paulit-ulit itong gumalaw hanggang sa sunod na gumalaw ang buo niyang katawan na.

“Jason,” nandidilat na mata na tawag ko kay Jason. Tumayo siya agad at lumapit.

Umangat ng bigla ang tiyan ni Sammy nang paalon, hanggang sa wala nang humpay ang paggalaw ng kanyang katawan na tila sinasaniban ito.

“Sammy,” banggit ko sa kanyang pangalan.

Lalong lumalala ang aking takot nang makita ko ang pagbula ng bibig ni Sammy.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top