Kabanata 41
Kabanata 41
Annabeth’s Point Of View
Takagtak ang aking pawis noong ako ay nagising. Habol ko ang aking hininga habang nakahawak ako sa aking dibdib.
Napalunok ako at agad na kinuha ang cellphone ko sa bedside table. Ilang ring lang ay sumagot na agad ang kabilang linya.
“Hello?” paos ang boses ni Aria sa oras na sinagot niya ang tawag ko.
“Sorry, nagising ba kita?” tumingin ako sa wallclock, alas-singko pa ng umaga.
“Okay lang, Anna ikaw ba ‘to?” sabi niya sa inaantok na tono.
“Aria, nanaginip ako. Masama ang kutob ko, si Diana!” dahil sa sobrang tahimik ay narinig ko pa ang ingay ng kanyang pag-galaw sa higaan.
“T-teka lang. T-tatawagan ko si Diana,” inend na ni Aria ang linya. Habang ako naman ay naiwan sa madilim at tahimik kong silid.
Sariwa pa sa aking alaala ang panaginip kong iyon. Pakiramdam ko ay nandoon ako sa mismong pangyayari. Ang pagkamatay ni Diana. Ang kanyang pagkahulog.
Lumitaw sa aking isipan ang imahe ng manika na yakap-yakap ni Diana. Nagdasal ako na sana walang nangyaring masama sa kanya.
Gusto kong umiyak. Kasalanan ko ang lahat! Nakakatanggap ako ng note, napapanaginipan ko ang nangyari sa kanila pero wala akong nagawa para iligtas sila. Kaya sinisisi nila ako sa pagkamatay nila. Dahil para ko na rin silang pinatay!
Malayang tumulo ang nagbabadyang luha sa aking pisngi.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at sinagot ang tawag.
“Hello, Aria?”
“Anna…” banggit niya sa aking pangalan. Sandali akong naghintay sa kanyang sasabihin. “Hindi sumasagot si Diana.” Mariin akong napapikit.
“Pero baka tulog pa siya, hindi natin alam. Huwag kang mag-alala. Babantayan natin si Diana simula ngayon. Anna? Hello?”
“Hello?… oo sige. Babantayan natin siya, sana lang talaga walang mangyaring masama sa kanya,” iniend ko na agad ang tawag. Ibinalik ko sa bedside table ang cellphone saka ko niyakap ang aking binti at napatitig sa madillm kong silid.
***
Mabigat ang aking pakiramdam noong narating ko ang classroom namin. Nakarating na rin ang iba sa mga kaklase ko. Umupo agad ako at hinilot ang aking sintido.
“Okay ka lang ba?” napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang boses ni Jason. Nakatayo siya ngayon sa aking harapan.
“Medyo mabigat lang ang pakiramdam ko,” sagot ko sa kanya. Nag-aalala ang kanyang mukha kaya nginitian ko na lamang siya.
“Guys!” sigaw bigla ng isa sa aming kaklase na kararating lang. Napatingin kami sa kanya na ngayon ay nakatayo sa pintuan.
Nagmadaling lumapit si Lucas sa desk ng adviser namin na nakapuwesto sa harapan.
“Hindi n’yo ba nabalitaan?” nagkatinginan kami ni Jason. “Si Diana!”
“Anong tungkol kay Diana?” tanong ni Aria na kararating lang, nakatyo siya ngayon sa bandang pintuan.
“Sa cafeteria kanina, narinig ko sa grupo ng estudyante na…” sandaling napatigil si Lucas sa sasabihin.
“Na ano?” hindi napigilang tanong ni Jason.
“Narinig ko na patay na raw si Diana,” kinain ng katahimikan ang buong paligid ng classroom.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong ni Sammy habang dahang-dahang napatayo. Rinig na rinig sa paligid ang pagkalaglag ng kanyang ballpen sa sahig. Tinignan siya ni Lucas sa mata.
“Sana nga mali ang narinig ko,” mahinang saad ni Lucas at napayuko.
“Ano bang nangyayari? Bakit isa-isang namamatay ang mga kaklase natin?” naguguluhang tanong ni Claire. Natahimik lang kami. “Una si Adrian, tapos si Christine, ngayon si Diana? Sino bang gumagawa nito sa’tin?”
“Sigurado ka bang kay Adrian talaga nagsimula ang lahat?” napatingin kami kay Crystal na ngayon ay nakaupo sa kanyang upuan sa bandang likuran. Klaro ang nangingitim niyang mata na tila ilang gabi itong walang tulog. “Sa Baryong Narra, sina Alfred. Sinabi ko na sa inyo na ibalik ninyo ang kinuha n’yo. Pero hindi kayo nakinig.”
“Tumahimik ka nga Crystal, sinasabi mo lang ‘yan dahil hanggang ngayon hindi mo parin matanggap ang pagkamatay ni Alfred,” mariing sagot ni Claire.
“Hindi ninyo naiintindihan eh, mag-isip kayo. Ano sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit isa-isang namamatay ang mga kaklase natin? Sino sa tingin ninyo ang may magandang dahilan para patayin tayong lahat?” walang umimik. “Siya lang ang may dahilan para gawin ang lahat ng ito, kung hindi n’yo ako paniniwalaan mauubos lang tayo!”
“Sino ba sa tingin mo ang pumapatay, Crystal?” tanong ni Jason.
“Jason, bakit mo pa tinatanong si Crystal? Baliw na ‘yan! Kung anu-ano nalang ang sinasa-“
“Tumahimik ka,Claire!” Mariin ang pagkakasabi ni Jason, natahimik si Claire. Maging ako man ay nakaramdam ng takot kay Jason. Kakaiba ang kanyang mga mata.
“Ngayon sabihin mo Crystal, sino ang pumapatay?” ulit na tanong ni Jason.
“Itigil mo na iyan Jason,” awat ni Sammy. “Tama si Claire, walang mangyayari kung tatanungin mo si Crystal. Hindi niya alam ang sinasabi niya.” Napalingon si Jason kay Sammy.
“Bakit Sammy? May alam ka ba? Paano mo nasasabing mali si Crystal? At bakit ayaw n’yong marinig ang sasabihin niya? Sa pagkakatanda ko noon pa sinasabi ni Crystal ang tungkol sa kinuha ng isa sa atin na kailangan nating ibalik.” Napayuko si Sammy at kinuyom ang kamao. “Binalewa natin iyon, hanggang sa unti-unti na tayong nauubos.---“
“Crystal, naniniwala ako sa’yo. Alam naming may alam ka---“
Napahilot ako sa aking sentido nang makaramdam ng hilo. Umaalingawngaw sa isip ko ang boses ng mga kaklase ko. Naririnig ko rin ang bulong sa akin ng mga kaklase kong namatay dahil sa akin. Hanggang sa nandilim na lamang ang aking paningin.
***
Noong minulat ko ang aking mata, puting kisame ang sumalubong sa akin. Tumingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa infirmary ako. Napatingin ako sa lalaking nakaupo katabi ng hinihigaan ko. Nakayuko siya at hindi ko alam kung natutulog ba siya.
Iginala ko ang aking mata at huminto ito sa bintana, napag-alaman kong gabi na pala.
“Jason,” pabulong kong tawag. It felt strange hearing my voice. “Jason,” mas nilakasan ko na ang boses ko at marahan siyang hinawakan sa braso para gisingin.
Tila nagulat siya at nagising. “Anna, gising ka na,” kinusot niya ang kanyang mga mata. “Nakatulog pala ako.” Napatingin ako sa wall clock at nalaman kong lagpas 7:00PM na pala.
“Ba’t ‘di ka pa umuuwi?” tanong ko sa kanya.
“Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?” tanong niya, na tila hindi narinig ang tanong ko.
“Okay na ako,” sagot ko na lamang.
“Ilang oras ka ring tulog. Bigla ka nalang nahimatay kanina. Nagpumilit sina Aria na magbantay sa’yo pero sinabi kong babantayan na kita kaya napapayag ko rin siya na umuwi. Gusto mo ba ng makakain? Alam kong gutom ka---” bigla siyang napapikit at binatukan ang sarili. “Ang tanga ko naman, ba’t ‘di ko naisip ‘yon? Dapat pala binilhan kita ng pagkain.” Napabangon akong bigla.
“Naku hindi na---“ tumayo siyang bigla.
“Bibili ako ng pagkain, anong gusto mo? Burger? Pasta?”
“Jason huwag na---“
“Dito ka lang, babalik ako agad,” sabi niya at mabilis na tinungo ang pinto. Bago niya tuluyang sinara ang pinto ay may pahabol pa siyang sinabi. “Siya nga pala, si Nurse Apple nasa labas lang, may inaasikaso. Tawagin mo lang siya kung may kailangan ka.”
“Pero Ja---“ sinara na niya ang pinto. Napabuntong hininga na lang ako. Nagugutom na ako pero mas gusto kong umuwi na lang.
Biglang napadako ang aking mata sa mesa at bigla na lamang akong naalarma nang makita ko ang note na nakapatong dito.
Walang alinlangan kong kinuha ang note, napatingin ako sa paligid bago ko ito binasa.
Laro tayo, kapag hindi mo nasagot ang tanong nang tama.
I am mostly liquid in form,
but can kill in silence.
I am on ninja’s side,
present in their weapon.
Napalunok ako sa aking nabasa. May susunod na. Naikuyom ko na lamang ang aking kamay.
Pumikit ako at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Kailangan kumilos na agad kami, kailangang ipaalam ko agad ito kay Jason at sa iba.
Mayamaya lang ay tumayo ako at tinungo ang banyo ng infirmary para umihi. Habang nasa loob palang ako ng banyo ay narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto.
“Ang bilis naman ni Jason,” tanong ko sa sarili. Tumayo na ako at naghugas ng kamay.
Hindi pa nawawala sa isip ko ang natanggap kong note ngayon lang. Kailangan ko agad sabihin sa kanya ito para mapigilan namin ang sunod na mangyayari.
“Jason nasa banyo lang ako,” sabi ko dahil baka nagtataka siya na wala ako.
Noong lumabas na ako, ibang tao ang nakatayo sa harapan ko.
“S-Sammy, ikaw pala. N-naparito ka?” hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napatingin ako sa kanang kamay niya na nakatago sa kanyang likuran. “May kailangan ka ba?”
Hindi siya umiimik, seryoso lang siyang nakatingin sa mga mata ko. Nanindig ang aking balahibo, ni hindi ko magawang gumalaw.
“S-Sammy?” napalunok ako. “May problema ba?”
Hindi parin siya umiimik at nakatingin lang sa akin.
“Alam mo---“
“DAPAT KANG MAMATAY!” sumulong siya sa akin habang dala-dala ang patalim sa kanang kamay. Nandilat ang aking mata, hindi ako makagalaw, tila napako ako sa aking kinatatayuan.
Akala ko ay masasaksak na ako ngunit nagawa ko pang saluhin ang wrist niya at napigilan siya.
“Sammy! Anong ginagawa mo?!” nanlilisik ang kanyang mata. Tila wala na siya sa kanyang sarili.
“MAMATAY KA NA ANNA!” galit na galit niyang sigaw. Naalala ko ang note na natanggap ko.
Ako na ba ang susunod?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top