Kabanata 4
Anna's POV
"The derivative of x plus the derivative of y minus the derivative of z plus the integration of m times the integration of the equation square root of quantity e cube times az divided by the equation quantity x plus one."
"Now, before answering the given equation it is best to make the problem more simpler. We are to equate the following equations. Doing so, we obtain---"
Kahit sumasakit na ang mga mata ko sa kakatitig sa white board, patuloy pa rin ako sa pakikinig kahit alam ko namang useless. Pumapasok sa isang tenga ko ang mga sinasabi ni ma'am Macy pero lumalabas naman ito sa kabilang tenga ko. Tulungan niyo ako, hindi ko kakayanin ang mathematics na 'to! Baka mahimatay lang ako.
Sino ba kasi ang nag-imbento ng mathematics na may halong letra? Pwede namang numbers lang. Mabubuhay na ang tao basta't alam na ang multiplication, subtraction, division, at addition. Hindi na kailangang dagdagan pa ng letters.
Tiningnan ko ang katabi kong si Aria. Seryoso lang siyang nakikinig gaya ng mga kaklase ko at nag-tetake note din siya.
Noong napansin niyang nakatingin ako sa kanya, nginitian niya lang ako. Mabuti pa siya, hindi nahihilo.
Hindi ko na napigilan at wala sa sarili kong naipikit ang mga mata ko. Mukhang masama nga talaga ang pakiramdam ko ngayon.
Sunod ko nalang narinig ang mga gulat na sigaw ng kung sino. Anong problema nila? Pinikit ko lang naman ang mga mata ko ah.
"Anna!"
"Bakit ang putla niya?"
"Bilis! Buhatin niyo siya!"
At hindi ko na naalala ang sunod na nangyari.
***
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Noong una'y blurry pa ang nakikita ko pero 'di nagtagal, naging klaro na ito.
Nakahiga ako sa puting kama, inilibot ko ang aking tingin at napagtanto ko kung nasaan ako. Kung hindi ito ospital, paniguradong clinic ito ng school.
May biglang pumasok na babae, naka-uniform siya na parang nurse ang dating.
"Oh iha, mabuti naman at gising ka na," sabi niya at umupo sa upuang katabi ng hinihigaan ko. Ngumiti pa siya ng matamis, ang ganda niya. "Okay ka na ba? Masakit pa ba ang ulo mo?"
Ang ganda niya talaga, angelic face. Innocent eyes. Panigurado nasa mid-twenties lang siya.
"Iha? Okey ka lang ba?"
"Ho?" Napangiti siya nang mapansing nagulat ako. Bakit ko ba kasi tinititigan ang mukha niya? Natotomboy na ba ako?
Ngumiti siya saka nagsalita. "Tinatanong ko lang kung okey ka na, so ano? Okey ka na nga ba?"
"Uhmm, opo. Okey na po ako, salamat po ma'am," sagot ko saka umupo sa hinihigaan ko.
Ngumiti na naman siya at may inabot sa'kin. "Mabuti naman. Oh heto, inumin mo 'yan ah. Makakatulong 'yan kapag nakaramdam ka ulit ng hilo. And one more thing, huwag mo na akong tawaging ma'am. Ate Apple nalang, nakakatanda kasi ang ma'am. Tsaka, school nurse lang ako dito."
"Ahh. Okay po, ate Apple. Hehe," saad ko saka tumango. Nginitian ko na rin siya.
"Matanong ko nga, ba't ka ba nahimatay? Sumulong ka ba sa ulan kagabe? Sa pagkakatanda ko umulan kagabi eh."
Napaisip naman ako sa tanong ni ate Apple. Natatandaan ko na, sumulong nga ako. Kaya pala ako nahilo.
Flashback
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip, at sa pagbangon kong iyon, bumulaga sa harap ko ang nakatayong babae!
Nandilat ang mga mata ko dahil sa nakita, ngunit sa isang kurap ko lang, naglaho na lamang itong bigla. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa sama ng panaginip ko. Hindi ko maintindihan ang panaginip kong iyon.
Babae?
Bata?
Umiiyak?
Halakhak?
Napalunok nalang ako at bahagyang pumikit para mapakalma ang sarili ko. Napatingin ako sa bintana, umuulan pala. Chineck ko rin ang orasan ko sa bedside table at nalaman kong 12:14 AM pa.
Naka-off lahat ng ilaw sa kwarto ko pero may nakikita pa rin ako dahil sa ilaw sa labas.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa ginaw saka tumayo at dumiretso sa kusina. Nauuhaw kasi ako.
Napapapikit ako ng bahagya habang pababa ako sa hagdan. Napahikab pa ako dahil sa antok.
Tumagos ang lamig sa buong katawan ko nang binuksan ko na ang refrigerator. Nakapikit pa rin ako habang iniinom ang mineral water.
Naramdaman kong may dumaan sa likod ko kaya biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso. Napadilat din ang mga mata ko habang umiinom pa rin ng tubig.
Nangilabot ang buong katawan ko pero hindi ko pinahalata ito. Pasimple ko lang binalik ang ininuman ko at sinara ang pinto ng refrigerator.
Mahigpit kong nahawakan ang handle ng pinto ng refrigerator nang makarinig ako ng bagay na nabasag. Mabilis na ang tibok ng puso ko. Nanlambot din ang tuhod ko dahil sa takot.
Kahit natatakot, pinilit ko paring maglakad. Napatigil ako sa paghakbang nang biglang kumulog at kumidlat.
Hindi ko na napigilan kaya dumiretso na ako sa switch ng ilaw at pinindot ito. Umilaw ang sala kaya napatakip ako sa mata. Noong naka-adjust na ako, unti-unti kong dinilat ang aking mata.
Nakita ko ang nabasag na vase. At ang mas nakakagulat pa, may nakikita akong footprints. Maputik ang footprints na parang sumulong sa ulan ang nagmamay-ari nito.
Sinundan ko ng tingin ang footprints. Parang nanggaling sa bandang refrigerator ang tao at lumabas ng bahay.
Dahil sa takot, hindi na ako nag-abalang i-off ang ilaw at diretso na akong umakyat ng kwarto.
Nakahiga na ako sa kama ko pero nahihirapan akong matulog. Ang lakas kasi ng kulog at sobrang mahangin pa. May bagyo ba?
Kahit kinakabahan, bumangon na ako at tinungo ang bintana. Kanina pa kasi nakakapasok ang ulan dahil nakabukas ang bintana.
Noong akmang isasara ko na ang bintana, may nakita akong babae sa kalsada. Basang-basa siya. Nakatayo lang sa daan. Nakapagtataka nga lang dahil nakaharap siya sa bahay namin.
Nag-angat siya ng mukha kaya nagtama ang mata namin. Hindi ko gaanong nakilala ang mukha ng babae dahil tinatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha.
Nag-iwas ng tingin ang babae nang mapagtanto niyang nakatingin ako sa kanya at mabilis siyang tumakbo.
"Ah. Teka! Ate! Hintay!" Sigaw ko at hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla nalang akong napatakbo sa baba. Dala ko ang cellphone ko at ini-on ang flashlight nito.
Pagkababa ko sa sala, naka-off na ang ilaw pero naroon pa rin ang footprints at nabasag na vase.
May lumabas ba para patayin ang ilaw?
Hindi ko na pinansin iyon at dumiretso na sa labas ng bahay.
Pagkalabas ko, nakita ko ang babae sa 'di kalayuan. Tumatakbo.
"Ate! Sandali!" Sigaw ko at sinundan siya.
Basang-basa na ako sa kakatakbo. Nakikita ko pa rin ang babae pero medyo malayo na ito.
Malabo na rin ang tingin ko dahil sa ulan.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko para maabutan ko ang babae.
Malapit ko na siyang maabutan nang makarinig ako ng malakas na busina ng kotse.
*BEEP! BEEP!*
Nandilat ang mga mata ko dahil sa takot. Saka ako napasigaw.
"Ate! Mababangga ka!"
Umalingangaw ang sigaw ko sa likod ng aking utak.
Lumingon ang babae sa akin na nagtataka. At sumunod ang pagtilapon ng kanyang katawan nang bumangga sa kanya ang sasakyan.
Rinig ko ang malutong na pagkabali ng katawan niya. Nakikita ko pa rin ang mukha niya sa isipan ko.
Napatakip nalang ako sa bibig ko at napaluhod. Nasa harap ko na ngayon ang babae. Wasak ang mukha niya. Basag ang ulo. Nakikita ko kung paano dumaloy ang dugo sa kanyang ulo pababa sa kanyang mata. Bahagyang lumuwa ang kanyang mata. Mga matang nakatitig sa akin!
Napaiyak nalang ako.
Sunod kong narinig ang mga yapak ng paa.
"Oh my, what is wrong with you?! Anna muntikan na kitang nabangga! Bakit nandito ka?!" Bulyaw ng babae sa akin, pamilyar ang boses niya.
Nagtaas ako ng mukha. At nalaman ko kung sino siya. Si mama.
"Mama... " Napaiyak na lang ako at mahigpit siyang niyakap. Nakapikit ako habang umiiyak.
"Ano bang nangyari anak?"
"M-mama. 'Yong b-babae." Putol-putol kong sabi habang umiiyak pa rin.
"Ha? A-anong babae? Anak? Anong babae?" natatarantang tanong niya sa akin.
"Nabangga niyo po ang babae. Mama." Nakayakap pa rin ako kay mama habang umiiyak.
"Anong babae? Anong nabangga? Anna hindi kita maintindihan! Wala akong nabangga."
"Iyon po---" napatigil ako sa pagsasalita. Tinuro ko ang bahagi kung saan nakahandusay ang katawan ng babae pero wala na ito.
"Halika na nga, umuwi na tayo," saad niya at inalalayan akong tumayo. Habang ako nama'y naguguluhan pa rin.
Nasaan na ang katawan ng babae?
*****
Author's Note:
Nasa multimedia box ang photo ni Aria Pevensy. Si Sandara Park 'yan, girlfriend ko. Pinakiusapan niya kasi ako na gawin siyang isa sa mga cast. Kaya pinagbigyan ko nalang. Lol!
Hindi ako K-popper guys o kung anong tawag niyo dun. Trip ko lang ang Korean.
Hehe. Thanks for reading guys.
Please vote ang comment.
God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top