Kabanata 36

Kabanata 36


Annabeth's Point of View


Seryoso ang kanilang mukha. Napayuko ako at humugot nang malalim na hininga.

"L-lahat... lahat ng nakita ninyong nakasulat sa mga papel, nakatanggap din ako niyan," labis na pagtataka ang rumehistro sa kanilang mukha. "Bawat papel na natanggap ng mga namatay, natanggap at nabasa ko ang mga ito."

"You mean ito?" pinakita ni Andrew sa akin ang mga papel. "Natanggap mo ang mga ito?" tumango ako.

"Oo, pero bigla rin itong nawawala ng hindi ko namamalayan." Klaro sa kanilang mukha na hindi sila makapaniwala.

"Pero paanong buhay ka pa?" singit ni Lim. "Sorry, I mean kung nakatanggap ka rin ng ganito gaya nila paanong hindi ka pa patay ngayon? At lahat pa ang natanggap mo," umiling ako at yumuko.

"Hindi ko rin alam," sagot ko at yumuko.

"Pero ang ipinagtataka ko lang, isang papel lang ang natanggap ng mga namatay. Bakit ikaw, lahat natanggap mo?" nagkatinginan kaming lahat dahil pati ko ay hindi kayang sagutin ang tanong na iyon.

"Hindi man natin alam ang dahilan, pero may isang bagay na sigurado ako," pahiwatig ni Jason. Napatingin kami sa kanya. "Alam ko na ang mga papel na natanggap nila ay ang dahilan sa pagkamatay nila."

Kinuha ni Jason kay Andrew ang mga papel. At hinarap ang pin-it board. Naka-arrange ang mga pictures horizontally.

"Bright as diamonds, loud as thunder, never still, a thing of wonder. Sa pagkakatanda ko ito ang note na natanggap ni Alfred," dinikit ni Jason ang note na iyon gamit ang pin sa baba ng picture ni Alfred. Binasa niya ang sunod na note. "Ten men's strength, ten men's length, ten men can't break it, yet a young boy walks off with it. Ito naman, kay Coleen."

Nagpatuloy lang si Jason hanggang sa nadikit niya na ang lahat ng papel sa ibaba ng kung sino ang nakatanggap nito.

"Ngayon, unahin natin si Alfred. Nakatanggap siya ng ganitong note. Bright as diamonds, loud as thunder, never still, a thing of wonder. Ano sa tingin n'yo ang sagot sa riddle na 'to?" nagkibit-balikat si Andrew habang si Aria at Lim naman ay nag-isip.

Waterfalls. Sagot ko sa aking isipan. Nandilat na lamang ang mata ko nang maalala ko ang pagkamatay ni Adrian.

"Waterfalls?" sagot ni Aria.

"Tama," sinulat ni Jason sa ibaba ng note ang sagot na waterfalls.

"Kay Coleen, Ten men's strength, ten men's length, ten men can't break it, yet a young boy walks off with it," nag-isip na naman ng sagot ang mga kasama ko.

"Si Hulk ba 'yan?" napatingin kami kay Andrew.

"What? Iyon ang sagot ko, ano ba sa inyo?" si Andrew.

"Rope, rope ang sagot." Sagot ni Lim. Sinulat agad ito ni Jason saka binasa ang sunod na tanong.

"Kay Mica, I go in circles, but always straight ahead. Never complain, no matter where I am led," binaba ni Jason ang papel.

"Bola? Alam ko bola 'yan," sagot ni Andrew.

"Andrew, magseryoso ka nga." Awat ni Aria.

"Tingin ko gulong," sagot ulit ni Lim. Tumgano si Jason at sinulat ang sagot na gulong.

"Wow talino ni Lim," si Andrew.

"Kay Richard, I get bigger when I eat, but die weaker when I drink."

"Fire," sagot ko at sinulat ito ni Jason.

"Lastly, kay Adrian. I am fast moving one way, and under a city. I never stop, and I am always turning."

Medyo natagalan silang sagutin ang huling riddle, hanggang sa nagsalita si Andrew.

"Earth," sagot ni Andrew kaya kami napatingin sa kanya.

"Huwag ninyong sabihin na mali na naman ako? Eh earth lang ang pwedeng sagot dyan, nakakulong ang earth sa orbit kaya one way lang ang daan nito," inakbayan ni Lim si Andrew.

"May silbi ka rin pala pare," sabi ni Lim.

"Eh, mukhang alam mo na ang lahat ng sagot eh bakit mo pa kami tinanong? Sumakit pa ulo namin kakaisip ng sagot," tinignan lang ni Jason si Andrew sa sinabi nito.

"Ngayon, tatanungin ko kayo. Ano ba ikinamatay ni Alfred?" tanong sa amin ni Jason. Alam ko na kung saan pupunta ang usapang ito.

"Nalunod si Alfred sa ilog hindi ba? Nakapunta pa nga tayo do'n, tsaka may waterfalls pa nga---" napatigil si Andrew sa sinasabi. "Waterfalls... waterfalls ang sagot sa riddle na natanggap ni Alfred." Tumango si Jason.

"Si Coleen? Ano ang ikinamatay niya?" tanong ni Jason.

"Nagpakamatay si Coleen, 'di ba?" tanong ni Andrew.

"Rope, tali ang ikinamatay ni Coleen." Saad ni Lim.

"Kung ganoon, may pumatay talgaa sa kanya," pag-conclude ni Andrew.

"Si Mica, namatay siya sa aksidente. Tumama ang ulo niya sa gulong." Tumango kami sa sinabi ni Aria. "At wheel o gulong ang sagot sa riddle na natanggap niya."

"Si Richard, namatay siya na sunog ang katawan. At Fire ang sagot ng riddle niya." Sabi naman ni Lim.

"At ang panghuli ay si Adrian, inilibing siyang buhay. Earth ang sagot sa natanggap niyang papel," pagtatapos ni Jason.

"Kung ganoon, kung sino man ang sunod na makakatanggap ng note, siya ang susunod na mamatay. At ang sagot sa tanong na nasa loob ng papel ay siyang magiging—"

"Dahilan ng pagkamatay mo," pagtatapos ko sa sasabihin ni Andrew. Saglit kaming natahimik lahat.

"At isa lang ang ibig sabihin nito, nakikipaglaro sa atin ang pumapatay." Saad ni Jason. Nakatuon ang mata namin sa kanya. "Nais niyang alamin natin kung ano ang papatay sa atin. Kaya kailangan na nating malaman kung sino siya. Alam kong hindi si Adrian ang huling papatayin niya. May susunod pa."

Kinain ng katahimikan ang kwarto ni Jason. Nanindig pa ang aming balahibo sa huli niyang sinabi. Hanggang sa hindi ko na napigilan at nagsalita na ako.

"May kailangan pa kayong malaman," napatingin sila sa akin. "May mga nakikita ako. Sa panaginip ko, nakikita ko kung paano sila namatay."

Yumuko ako, alam kong nagulat sila sa pahayag ko.

"Paanong nakita mo?" tanong ni Lim.

"Hindi ako sigurado noong una, hanggang sa napanaginipan ko si Adrian. Nakita ko kung paano siya namatay sa panaginip ko. Kaya alam ko, alam kong sinisisi nila ako kung bakit sila namatay. Dahil hindi ko sila natulungan at hinayaan lang sila na mamtay," hindi ko napigilan at tuluyan nalang umagos ang aking luha. Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Aria.

"Best, huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan ang lahat," saad ni Aria.

"Oo nga, tsaka bakit ka nila sisisihin eh, hindi naman ikaw ang pumatay sa kanila." Dagdag pa ni Andrew.

"Pero, kailan mo napapaginipan ang mga iyon? Napapaginipan mo ba sila bago sila namatay o pagkatapos nilang mamatay?" tanong sa akin ni Lim.

Umiling ako. "Hindi ako sigurado. Pero sa tingin ko, napapaginipan ko ito bago ito mangyari." Tumango-tango si Lim.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo Anna, kung iisipin nga mas makakatulong ka pa sa sitwasyong ito," dagdag ni Jason. Ngumiti ako nang pilit at nagpasalamat sa mga kaibigan ko. Sana lang talaga, matapos na ito.

Bigla na lang akong nakarinig ng bulong ng babae. Malamig ang kanyang boses, bumubulong siya. Ang boses niya ay sinasabayan ng magkakasabay na boses ng mga babae.

Halos sumabog ang aking dibdib dahil sa malakas na pagkabog nito,

Dali-dali kong kinuha sa loob ng bag ko ang aking ballpen.

"Anna may problema ba?" tanong ni Aria.

Kinuha ko ang libro ni Jason at binuksan ito.

"Anna?"

"Anong nangyayari?"

Nanginginig akong sumulat sa libro. Dilat ang mata habang sumusulat. Hindi parin tumitigil ang boses ng babae sa utak ko. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Wala ako sa tama kong pag-iisip. Hanggang sa natapos ko ang aking sinusulat.


Laro tayo, kapag hindi mo nasagot ang tanong nang tama. Mamamatay ka!


If you go to Niagara Falls

You'll see lots of this in motion

You also see it in a bath

In a glass and in the ocean



***


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top