Kabanata 31

Kabanta 31


Adrian's Point of View


Diary ba 'to? Naitanong ko na lamang sa aking sarili. Nagpunta ako sa ibang pahina at napagtanto kong diary nga ang hawak ko. Ngunit alam kong hindi ito diary ng kapatid ko. Ibang-iba ang kanilang sulat-kamay. Nagpunta ako sa gitnang bahagi.

Hindi ko na kayang tiisin pa ang mga pasakit na ito. Napakalupit niya. Wala siyang puso. Sinasaktan niya ako. Kung nababasa mo ito, isa lang ang hiling ko. Tulungan mo ako.

Nanindig ang balahibo ko habang binabasa ko ang notebook. Bigla nalang may nalaglag na maliit na papel na nakaipit sa notebook kaya napatingin ako rito.

Nilagay ko sa mesa ang notebook at pinulot ang maliiit na papel at binasa ito. Lalo lang kumunot ang noo ko dahil sa nakasulat.

Laro tayo, kapag hindi mo nasagot ang tanong nang tama, MAMAMATAY KA.

I am fast moving one way, and under city. I never stop, and I am always turning.

Ibinalik ko na lamang ang maliit na papel sa pagkakaipit nito sa notebook.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta sa messenger, binuksan ko ang GC namin.

Christine

Wala namang masama dun ah. Tsaka hindi ba talaga kayo nagtataka sa pagkamatay nila Alfred?

ALFRED
OO. HINDI BA KAYO NAGTATAKA KUNG BAKIT KAMI NAMATAY?

Si Alfred, patay na siya. Paanong? Nanindig ang balahibo ko sa batok, napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan at nagscroll.

Diana

Guys? Hindi na magandang biro 'yan.

Diana left the group.

Claire

Sino ba'ng gumagamit ng account ni Alfred?

Pwede ba?

Christine

Kahapon lang ginawa ang GC na to.

Hindi member si Alfred dito.

Gusto kong magtype pero hindi ko magawa. Sino ba kasing hayop ang gumagamit ng account ni Alfred?

Annabeth

Adrian

Laro tayo, kapag hindi mo nasagot

ang tanong nang tama,

MAMAMATAY KA.

I am fast moving one way,

and under city. I never stop,

and I am always turning.

Nandilat ang mata ko nang mabasa ang mensahe na sinend sa akin ni Annabeth. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kinuha ko agad ang maliit na papel na nakaipit sa notebook at kinumpara ang nakasulat sa papel at sa mensaheng sinend ni Anna.

Nanginginig ang kamay ko sa oras na napagtanto kong tama ang hinala ko.

"Magkapareho sila," bulong ko sa aking sarili. Biglang namatay ang cellphone ko.

Biglang nagpatay-sindi ang ilaw, napatingin ako rito.

Napalunok na lamang ako nang tuluyang namatay ang ilaw.

Binalot ako ng dilim sa loob ng opisina. Narinig ko ang tunog ng pagkamatay ng aircon. Nakadagdag ang ungol nito sa kilabot na nararamdaman ko.

Wala akong gaanong makita, ang tanging liwanag lamang ay ang buwan na nasa labas.

Tatayo na sana ako para umalis nang marinig ko ang marahang pagbukas ng pinto. Rinig na rinig ko ang ungol ng pagbukas at pagsara ng pinto.

Hindi ako makahinga, nandidilat ang aking mata habang pinakikinggan ang papalapit niyang mga yapak.

Halos sumabog na ang aking puso sa sobrang kaba. Bilang ko rin ang bawat segundo at ang hininga ko. Gusto kong kunin ang cellphone ko para buksan ang ilaw nito ngunit tila napako ako sa aking kinauupuan. Hindi ako makagalaw.

Papalapit na siya. Sa dilim ay nakikita ko ang pigura niya. Nakatayo malapit sa akin.

Narinig ko ang biglang pagkabuhay ng aircon. Kasabay no'n ang muling pagkabuhay ng ilaw.

Agad akong tumingin sa kanya at naghanda sa susunod na mangyayari.

Ngunit kumunot lang ang noo ko nang tuluyan ko na siyang nakita.

"Ikaw lang pala," napapikit ako at napasandal sa aking upuan saka ko hinawakan ang puso ko. Patuloy parin ito sa mabilis na pagtibok. "Akala ko naman kung sino."

Bigla kong naalala ang maliit na papel at tumayo.

"K-kailangan na nating umalis dito," sabi ko habang nililigpit ang mga gamit ko. Saka ko sinabit ang bag ko sa aking balikat.

"Itong notebook," pinakita ko sa kanya ang notebook. "Tingin ko may kinalaman ito sa pagkamatay nila Alfred. At tingin ko rin dito natin mahahanap ang sagot."

Sabi ko saka ko siya hinawakan sa wrist at hinila. Nagpatangay naman siya sa akin at sumunod. Tinulak ko ang pinto ng office at lumabas kasama siya.

"Hindi ako sigurado pero malakas talaga ang kutob ko," sabi ko habang nilalock ang pinto. Nakatayo siya sa likuran ko.

"Binasa mo?" saglit akong lumingon.

"Ha? Oo binasa ko pero konti la—"

"Binasa mo?" pag-uulit niya. Ramdam ko ang lamig ng kanyang boses.

"Oo, may problema ba do'n?" biglang umihip ang hangin, ramdam ko ang lamig na dumampi sa aking balat. Nanindig ang aking balahibo.

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran. Mabilis ang pangyayari, nakaangat ang kanyang kamay saka niya sinaksak sa akin ang lapis na hawak.

Bumaon ang lapis sa aking kanang mata.

"AAAAAAAHHHHHHH!!!" sigaw ko habang nakahawak sa lapis. Napaatras ako, bumangga ang likod ko sa pinto.

Nakahawak din siya sa lapis at tinulak ang lapis at lalo pa itong bumaon.

Napasigaw ulit ko, halos mapunit na ang aking lalamunan sa aking pagsigaw. Ramdam ko ang pagbulwak ng dugo mula sa aking mata.

Saka ako bumagsak sa lapag.

Nakapikit ako, ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi sa pagkakabaon ng lapis sa aking mata.

Nakaawang ang aking bibig at hinabol ang aking hininga.

Sumigaw ulit ako, halos sumabog na ang aking ulo sa sobrang sakit.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Sigaw ako nang sigaw habang iniinda ang pasakit.

Nanginginig ang aking kamay, ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa aking mata.

Hindi na ako makahinga. Ang nais ko lamang ay mamatay at mawala na ang sakit na ito. Hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

***

Nagising ako ngunit nahihirapan akong igalaw ang bawat parte ng aking katawan. Muling bumalik ang hapdi, nararamdaman ko parin ang lapis na nakabaon sa aking mata.

Nakahiga ako sa lupa, ramdam ko ang lamig nito.

Nakakarinig ako ng kaluskos, hanggang sa may kung ano ang bumagsak sa aking katawan. Ginalaw ko ang aking kamay at hinawakan ito, napagtanto kong lupa nga ito.

Ang ingay ng tila may naghuhukay ng lupa ang maririnig sa paligid.

Naramdaman ko ulit ang mga lupang bumabagsak sa akin, sunod-sunod ito, tila tinatabunan ang buo kong katawan.

Muling bumalik sa akin ang alaala ng nangyari kanina. Napalunok ako, patuloy parin ang pagtabon ng mga lupa sa akin.

"Bakit mo ginagawa ito?"

"Gising ka na pala, mas mabuti kung gano'n. Ang bastos ko naman ata kung ilibing kita nang hindi mo nalalaman. May respeto pa naman ako."

"Ikaw ba? Ikaw ba ang pumatay sa kanila?"

"You mean sila Mica? At Alfred? Oo ako nga. At ikaw na ang susunod."

"Bakit, ano ba ang nagawa namin sa'yo?"

"Sa akin? Wala naman, ayoko lang kasing pakialaman ang gamit ko."

"Tinuring mo ba kaming kaibigan?"

"Kaibigan? May kaibigan nga ba talaga ako?" Tumawa siya nang mahina. "At gusto ko lang kasing maglaro, ang kaso hindi ni'yo nasagutan ang tanong ko. At bago ka mamatay gusto kong malaman mo ang sagot sa tanong sa'yo. Earth."



***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top