Kabanata 29
Kabanata 29
Annabeth's Point of View
"Anna... Anna gumising ka."
"Please."
"Anna, please gumising ka."
Nagmulat ako ng mata at mukha ni Jason ang sumalubong sa akin. Bahagyang napadilat ang kanyang dalawang mata.
"Anna! B-buti nalang gising ka na. Dadalhin kita sa infirmary," natataranta niyang saad at akmang bubuhatin ako.
"Huwag na," pigil ko sa kanya kaya siya napatingin sa mata ko. Ginamit niya ang kanyang bisig para alalayan akong bumangon at umupo.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong ko at ininda ang konting hilo.
"Nadatnan kitang nakahandusay rito," sagot niya at tinignan ang paligid. "Ano ba'ng nangyari sa'yo?"
Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. May babaeng bumubulong sa tenga ko. Tinatawag niya ako, sinisisi sa pagkamatay ng mga kaibigan ko.
"Anna?" napatingin ako kay Jason. Marahan akong umiling.
"W-wala," tinukod ko ang aking kamay sa sahig. "Nahilo lang siguro." Tinulungan niya akong tumayo.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?"
"Okay na 'ko," ngumiti ako nang pilit. Alam kong hindi siya naniniwala sa akin.
"Ang mabuti pa ihatid na kita sa bahay n'yo. Ako na'ng magbibigay ng excuse sa mga teachers natin," saglit ko siyang tinitigan. Ayaw ko sana pero tumango na lamang ako sa huli.
Hinintay ko si Jason sa labas ng gate ng school dahil kinuha niya pa ang bag ko at kinausap ang mga adviser namin.
Nagtaxi lamang kami ni Jason pauwi ng bahay, sinubukan kong sabihin sa kanya na okay lang talaga sa aking umuwi nang mag-isa pero nagpumilit talaga siyang sumama kaya wala na akong nagawa.
Lumipad lang sa kung saan ang pag-iisip ko sa biyahe pauwi. Hindi ko parin kasi lubos na maintindihan ang sinabi sa akin ng babae kanina. Pakiramdam ko ay dapat may gawin na ako.
Naalala ko rin ang nangyari kanina papuntang school, sigurado ako. Nagpakita sa akin si Richard, ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit ganoon na lamang ang tingin niya sa akin. Na parang ako ang may kasalanan.
"Nandito na tayo," bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Jason. Tumingin ako sa labas at napagtanto kong nasa tapat na pala kami ng bahay ko.
"Salamat," sabi ko kay Jason at inilabas ang wallet ko para magbayad.
"Ako na," saad niya. Tumango na lamang ako.
"Sige Jason, salamat ulit." Lumabas na ako ng taxi at dumiretso sa bahay.
"Anna, napaaga uwi mo? May nangyari ba? Na-cancel ba klase n'yo?" bungad sa akin ni yaya sa oras na nakapasok ako sa bahay.
"Meron po yaya, medyo masama kasi pakiramdam ko," dumiretso ako sa refrigerator at kumuha ng maiinom.
"Aba'y uminom ka na ba ng gamot?" nilapitan niya ako. Tumango ako habang umiinom.
"Opo, tapos na po. Binigyan po ako ng school nurse kanina."
"Mabuti naman kung gano'n. Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kaninin?" umiling ako.
"Hindi na po, magpapahinga na lang muna ako," sabi ko at umakyat ng kwarto.
"O sige, basta bumaba ka lang dito 'pag nagugutom ka na, ha?" pahabol ni yaya.
Nagbihis kaagad ako pagpasok ko sa kwarto at dumiretso ng higa sa kama ko. Sinubukan kong matulog para narin makapagpahinga. Ngunit ilang segundo, minuto at oras akong nakapikit ay hindi ko parin magawang matulog.
Ilang gulong na ang ginawa ko pero hindi parin ako makatulog. At sa huli ay sumuko na lamang ako.
Kinuha ko sa bedside table ang cellphone ko at binuksan na lamang ito. Naglaro ako ng kung ano sa cellphone ko para antukin ako pero wala parin.
Ini-on ko na lamang ang wifi at binuksan ang facebook ko. Mga usual lang ang nakikita kong posts kaya scroll lang ako ng scroll.
May nakita pa akong post na may picture ng sandamakmak na pera at may caption na, 'Sweswertehen ang kung sino man ang maglike at magshare ng post na ito'
Nagpatuloy lang ako sa pag-iiscroll hanggang sa napatigil ako sa isang post. Post ito na nanggaling sa isang kaklase ko.
Jessa Diana Corpuz
Mica Sison, Richard Fajardo, Coleen Cortez and Alfred Labajo. You will always be in our heart. May you all rest in peace.
From: Alpha-IV
Nakita ko ang maraming comments pero hindi ko man lang magawang buksan ang mga ito. Sinarado ko na ang facebook at binuksan na lamang ang messenger.
Maraming mga unopened messages ang sumalubong sa akin at isa-isa ko itong binuksan.
Wesley Smith
Send nudes...
Nandilat ang mata ko at agad na sinara ang message. Akala ko kung sinong amerikano. Bakit ba kasi naging friend ko 'yon sa fb?
Nagpunta ako sa settings at binlock ang lalake. Binuksan ko pa ang ibang mga messages at pare-pareho lang naman ang laman. May mga nangungumusta, may mga nagsheshare ng links ng kung anu-ano.
Binuksan ko ang message ng bestfriend ko noon sa dati kong school.
Melody Martinez
BEEEEEEEEESSSSSSSST!!!
Asan ka na?!
Buhay ka pa ba?
Miss na kita!
Oo buhay pa ako. Sira!
Miss na rin kita.
Melody Martinez
Salamat naman online ka na! Ano ba yan! Tumanda na ako kakahintay na mag-online ka.
Kamusta jan?
Nag-oonline ako, ngayon ka lang talaga nag-chat.
Biglang nagmessage sa'kin si Aria kaya binuksan ko ito.
Aria Pevensy
Best?
Oh bakit?
Aria Pevensy
Okay ka na ba? Sinabi samin ni Jason ang nangyari.
Oo, nahilo lang ako kanina.
Aria Pevensy
Sigurado ka ha? Btw gumawa kami ng GC ng section natin kahapon. Naadd na kita, check mo nga.
Kinlose ko ang chatbox at hinanap ang sinasabi ni Aria. May nakita akong nakapangalang Alpha-IV Official GC. Agad akong bumalik kay Aria.
Nakita ko na.
Alpha-IV Official GC.
Aria Pevensy
Oo 'yan nga.
Binuksan ko ang GC at may mga messages na ito.
Lim
Guys? May copy ba kayo ng assignment kanina?
Send niyo dito please.
Paki salihan na rin ng sagot. Hihi.
Jetter
Don't have.
Lim
Sino meron?
Adrian
Meron ako rito. Teka, send ko.
Adrian sent a photo.
Lim
Savior ka talaga, thanks!
Jetter
Teka lang 'di ako makaview. Pakshit!
Dexter
Guys libing na by next week nila Mica. Sino sasama?
Lim
Sama ko.
Jetter
Ako rin, sasama.
Christine
Sama na rin ako. Btw guys open ko lang sana.
Hindi ba kayo nagtataka kung sino pumatay sa kanila?
Hoy! Mga gago huwag nyo kong iseen!
Andrew
Nagtataka syempre.
Christine
Yon naman pala eh, tsaka ang weird lang kasi ng pagkamatay nila. Nasunog si Richard, nagpakamatay si Coleen, nalunod sa ilog si Alfred, tapos namatay sa car accident si Mica. Ang weird lang.
Hindi ba parang sadya ang pagkamatay nila?
Adrian
Tigilan mo na nga yan Christine.
Christine
Ayan na naman kayo. Ang weird lang kasi. Parang may pumatay talaga sa kanila.
Diana
Nakakatakot ka naman Christine.
Christine
Diba? Malay niyo nasa paligid lang siya, hindi natin alam. Baka nga isa pa sa'tin eh.
Crystal left the group.
Sammy left the group.
Lukas left the group.
Christine
Oyy bat kayo nagleave?
Adrian
Tigilan mo na kasi 'yan Christine.
Jake left the group.
Christine
Wala namang masama dun ah. Tsaka hindi ba talaga kayo nagtataka sa pagkamatay nila Alfred?
ALFRED
OO. HINDI BA KAYO NAGTATAKA KUNG BAKIT KAMI NAMATAY?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top