Kabanata 28
Annabeth's POV
Ligtas kaming lahat na nakauwi sa kanya-kanya naming bahay. Noong time na umuwi nga ako parang wala lang si mama. Si yaya, grabe kung makayakap dahil sobra ko raw siyang pinag-alala. Pero si mama, ayun parang wala lang sa kanya.
"Mabuti naman at nakauwi ka na, namiss ka ni yaya. Wala siyang nakakasama rito sa bahay." Sabi ni mama in her usual voice, at iyon lang ang sinabi niya. Wala man lang, 'anak lubha akong nag-alala sa'yo. Akala ko kung ano na nangyari sa'yo.' Pero okay na ako doon, at least may tao pang nagmamahal sa akin kahit papaano, si yaya.
Akala ko babalik na sa normal ang lahat, pero nagkamali ako kasi hanggang ngayon balisa pa rin ako. Iniisip ko pa rin kasi ang apat na kaklase ko na namatay during sa training. Ang araw na akala namin na magiging masaya kami ay naging araw kung saan namatayan kami.
Monday na ngayon at naghahanda na ako para pumasok. Tumingin ako sa calendar habang sinusuklay ko ang aking buhok.
"August 8, buwan ng wika na pala ngayon," bulong ko sa aking sarili saka ko sinuot ang back pack ko.
"Iha nakahanda na ang pagkain, baba ka na rito." Tawag ni yaya sa akin mula sa dining room. How I wish na si mama ang tumawag sa'kin.
"Bababa na po yaya," pasigaw na sagot ko. Tumitig ako sa kabuuan ng sarili ko sa salamin na from ceiling to floor ang haba. May nakikita akong itim na shade sa ilalim ng mata ko, tanda na puyat ako.
Ngumiti ako at halata sa repleksiyon ko na pilit ang ngiting ito.
Bumaba na ako at ang nakangiting si yaya ang unang bumungad sa akin. Nginitian ko rin siya at kumain na. Maliit lang ang nakain ko dahil sa dalawang dahilan, una dahil malelate na ako at pangalawa wala akong gana.
Pagkatapos kong gawin ang routine ko, nagpaalam na ako kay yaya at lumabas na ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam sa mama ko dahil maaga siyang pumasok.
Ilang sandali lang ay nakahanap na ako ng taxi at sumakay rito. Hindi na kalangan na sabihin ko pa sa kanya ang pupuntahan ko dahil alam na niya sa uniform na suot ko.
Kung anu-ano lang ang tumatakbo sa pag-iisip ko hanggang sa dumilat ako. Ngunit sa pagdilat ko ay bigla na lang akong napasigaw dahil sa nakita!
“Manong may mababangga tayo!” Mabilis akong napahawak sa nagmamaneho. Kahit gulat, agad siyang nagbrake. Muntik nang tumama ang ulo ko sa likurang parte ng upuan.
Ang bilis ng tibok ng puso ko! Paulit-ulit ko lang binulong ang pangalan niya. Tila nakaukit na ito sa utak ko.
Richard. Si Richard! Hindi ako pwedeng magkamali, si Richard ang nakita ko.
“Iha ayos ka lang ba? Teka, dito ka na lang muna.” Lumabas ang driver at agad akong tumingin sa daan. Nandilat ang mga mata ko nang makita ko siya, si Richard.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko ngunit sa muli kong pagdilat, hindi ko na siya makita. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko na siya nakikita.
“Iha, wala naman tayong nasagasaan. Sigurado ka ba sa nakita mo?”
“Ho?... Ah... sorry po.” Wala sa sarili kong sagot dahil sa nangyari.
“Ano ba 'yan! Hoy! Tang*na naman oh! Malelate na ako sa trabaho!”
“Malelate na kami nito ano ba 'yan!”
Rinig ko ang mga sigaw at reklamo ng mga tao na nakasunod lang sa amin kanina. Marami rin sa kanila ang bumusina. Nasa labas ng sasakyan ang driver, nakasilip lang sa akin. Tumingin siya sa mga tao sa likod namin.
“Pasensya na mga pare, medyo nagkaroon lang ng deperensya ang sasakyan.” Saad ng taxi driver at pumasok na sa loob.
“Sorry po,” paumanhin ko at yumuko. Mabuti na lang mabait itong si manong driver. Pinaandar na niya ang taxi at hinatid ako.
Lutang ang pag-iisip ko noong pumasok ako sa gate. Hindi pa rin maalis sa utak ko ang nakita ko kanina.
Si Richard. Ang tinging iyon, ramdam ko na galit na galit siya sa akin.
Sunog na sunog na ang kanyang katawan, pero kahit ganoon ay nakilala ko pa rin siya. Humarang siya kanina sa sasakyan kaya napasigaw ako. Nanlilisik ang mga mata niya.
Hindi ako tumitingin sa nilalakaran ko kaya ako nabangga sa malaking tao.
“S-sorry,” paumanhin ko ng hindi tumitingin sa lalaki at pinulot ko ang dalawa kong libro.
“Para tayong nasa movie,.. o gamit mo.” Nakangiti niyang saad at binigay ang isa kong libro. Nginitian ko siya dahil hindi ko inakala na siya pala ang nabangga ko.
“Jason, ikaw pala. Sa'n ka?”
“Uhm, actually papunta na rin akong classroom. Tara na,” marahan lang akong tumango sa kanya at sumabay na.
Papuntang classroom daw siya pero kanina lang sa labas ng gate ang direksyon niya.
Maingay ang classroom sa oras na dumating kami ni Jason. Magkasabay kaming pumasok, dumiretso ako sa upuan ko katabi si Aria.
“Uyy, ikaw Anna ha. May sasabihin ka ba sa'kin?” Bati ni Aria sa akin noong nakaupo na ako, halata sa kanya ang panunukso.
“Anong sasabihin? Wala naman.” Sagot ko pa habang inaayos ko ang bag ko.
“Ayun oh,” ngumuso siya sa direksyon ni Jason. “Magkasabay kayong pumasok, ano sinundo ka ba niya kanina?” Kinikilig siya sa tono ng kanyang pananalita. Na parang balik sa normal ang lahat.
“Naku hindi ah, nabangga niya kasi ako kanina sa pathway kaya ayun, magkasabay na kami.” Tumango siya sa saad ko at halata parin ang panunukso dito.
Maya-maya lang ay dumating na ang English teacher namin kaya agad na kaming umayos ng upo.
“Good morning students!”
“Good morning sir.” Sagot ng mga kaklase ko pero ako, 'morning' lang ang sinagot ko.
“I don't want to start my class knowing that most of you here are still bounded of what had happened.” Inilibot ni sir ang kanyang paningin sa paligid, trying to give each one of us a long look. Naglakad siya sandali.
“Mababait ang mga batang iyon. Ayokong isipin ninyo na isang sumpa ang kanilang pagkamatay, a bad omen perhaps. Crying is a good way to release pain and deep sorrow. Kaya okay lang ang umiyak. Pero sana, imbes na umiyak ay magpakatatag kayo. Ipagdasal niyo sila. Darating din ang araw na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Kumuha na rin ng detectives ang principal para mag imbestiga.”
Sinakop ng katahimikan ang buong classroom. Walang sino man sa amin ang nagawang umimik. Halos lahat din sa amin ay nakayuko.
Nagpatuloy pa sa pagsasalita si sir, pinipilit na pagaanin ang loob ng bawat isa sa amin. May narinig pa akong humikbi.
Imbis na gumaan ang loob ko ay lalo lang sumikip ang aking dibdib. Alam kong pinapagaan ni sir ang pakiramdam naming lahat pero mas lalo lang nakapagpabigat ito sa bawat isa sa amin.
Hindi ko na kinaya, ayokong umiyak sa may maraming tao kaya ako ako nag excuse. Pinayagan ako ni sir kaya mabilis akong naglakad.
Ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko sa oras na naglakad ako palabas ng classroom.
Nagpunta ako sa kung saan man ako gustong dalhin ng mga paa ko. Ramdam kong nag-iinit na ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha. Napapatingin din ang mga taong nakakasalubong at nadadaanan ko dahil siguro sa bilis ng paglalakad ko.
Hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng comfort room. Nakatitig lang ako sa salamin. At doon na umagos ang luha ko.
Natatakot ako. Natatakot akong aminin na kasalanan ko ang pagkamatay nilang lahat. Natatakot ako sa nararamdaman ko dahil laging sinasabi ng konsensya ko na ako ang pumatay sa kanila.
Pilit kong inaalis at sinasawalang bahala ang mga nakikita ko. Panahon na siguro para gamitin ko ang kung anong meron ako.
Napapikit ako nang marahan. Sana lang matapos na ito.
Noong naging okay na ako, nakapagdesisyon akong lumabas na. Pero wala na akong planong bumalik pa ng classroom.
Hinawakan ko ang doorknob, bubuksan ko na sana ito pero ayaw nitong bumukas. Nakalock ito mula sa labas.
Napatingin ako sa kisame nang biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Narinig ko pa ang tunog ng kuryente na aakalain mong mawawalan na ng buhay.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko na rin ang malamig na pawis na dumadaloy sa aking katawan.
Nagsimula akong mataranta at pilit na binuksan ang pinto. Alam kong may nakatitig sa akin.
Please,.. please! Bumukas ka...! Paulit-ulit kong pakiusap. Nanindig ang balahibo ko nang may naramdaman akong presensya sa tabi ko.
Hindi ko na kinaya hanggang sa nawalan ako ng ulirat.
Jason's Point of View
Noong lumabas ng classroom si Anna, hindi na ako mapalagay. At sa ilang minuto lang ay di ko na napigilan. Itinaas ko ang kamay ko. Napatingin sila sa akin.
Humingi ako ng pahintulot na lumabas. At pinayagan niya naman ako.
Dumiretso ako ng takbo, hindi ko alam kung nasaan si Anna ngayon. Pero alam kong kailangan ko siyang sundan.
Lumapit ako sa babaeng may yakap-yakap na makapal na libro at nakasuot pa ng makapal na eyeglasses.
“Excuse me miss, nakita mo ba si Anna na dumaan dito,” nakatingin ako sa mata niya noong tinanong ko siya. Pero imbes na sagutin niya ako ay nanatili lang siyang tahimik at biglang pumula ang pisngi.
“Nevermind,” sabi ko nalang at tumakbo paalis. Expected ko kasi na kilala si Anna ng mga estudyante rito dahil nasa Alpha section kami. Nakalimutan ko nga lang na kakatransfer niya lang.
Napaisip ako bigla at dumiretso na sa CR ng mga babae. Ang comfort room ng building naming mga fourth year.
Noong nakarating na ako, mabilis akong pumasok sa comfort room.
At nakita ko siyang nakahandusay sa lapag.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top