Kabanata 24

Kabanata 24


Lim's POV


Dalawang araw na kaming nag-stay dito sa bahay nina Lola Felisa at Lolo Joaquin. Ang cool nga ng pangalan ni Lolo eh, sabi niya sa amin Lolo King daw ang itawag namin sa kanya.


Noong araw kasi na naligaw kami, naawa ang diyos sa amin kaya nahanap namin ang bahay kung saan kami ngayon pansamantalang namamalagi. Mabait naman ang mag-asawa at pinayagan nila kami. Natuwa nga sila dahil may makakasama na sila kahit panandalian lang.


May anak na lalaki sina Lola Felisa at Lolo King, pero nag-iisang anak lamang ito at nakapag-asawa na rin. Kaya silang dalawa na lang ang naninirahan sa bahay nila. Gawa sa kahoy ang bahay nila kaya maririnig mo ang tunog ng pag'creak' ng sahig sa tuwing lalakad ka. Hindi rin kalakihan ang bahay na ito. Pero mas mabuti na ito kesa naman sa wala kaming masilungan.


Malinis din naman kasi ang loob at labas ng bahay. Kahit matanda na si Aling Felisa, ay mahusay pa rin ito sa paglilinis. Tumutulong din kami sa paglilinis at minsan pa ay tumulong kaming dalawa ni Adrian kay Lolo King sa pag-iigib ng tubig doon sa sapa.


Kung hindi namin nahanap ang bahay na ito, siguro in two days' time namatay na kami sa gutom.


Lunch time ngayon at kasalukuyan kaming kumakain. Nag-uusap lang din kaming lima ng iilang bagay. Magkatabi kaming tatlo ni Christine at Adrian samantalang magkatabi naman sa harap namin ang mag-asawa.


Bale katabi ko si Christine at katabi naman ni Christine si Adrian. Piniritong isda at gulay ang ulam namin, mabuti na lang hindi maarte itong dalawang kasama ko.


"Sige lang, kain pa kayo mga bata. Marami pa dito." Masayang saad ni Lola kaya ngumiti na lang kaming tatlo sa kanya para magpasalamat.


"Alam mo naaalala ko sa'yo ang anak kong si Felipe (philip) eh..." napaangat ako ng mukha nang mapagtanto kong ako ang tinutukoy ni Lolo.


"Po?" tanong ko na lang habang nginunguya ang pagkain ko.


"Si Felipe. Natatandaan ko siya sa'yo. Sobrang magkahawig kasi kayo. Gwapo, makisig na pangangatawan..." naramdaman ko ang pait at kirot habang sinasabi iyon ni Lolo. Saglit kaming nagkatinginan nina Christine at Adrian. Bakas din sa mukha nila ang pagtataka.


"... kaboses mo rin siya. At ... a-at kasing bait." Napabuntong hininga na lamang si Lolo. Habang kaming tatlo naman ay nagtataka pa rin. Kapansin-pansin din sa mukha ni Lola Felisa ang biglaang pagkalungkot.


"Kung hindi lang sana siya nakipagtanan sa Anna na 'yon ... nandito pa sana siya sa amin."


"Pagpasensyahan niyo na itong si King. Namimiss niya lang si Felipe. Sige na, kain na kayo dyan." Pagwawaksi ni Lola sa usapan kaya nagkunwari na lang kaming tatlo. Kahit nakatuon ang mata ko sa pagkain, napansin ko pa rin ang luha na pumatak at dumaloy sa pisngi ni Lolo King.


So Anna pala ang pangalan ng asawa ni Felipe. Kapangalan pa ni Annabeth. Pero, imposible naman ata itong iniisip ko.


Sandali kaming natahimik. Tanging tunog lang ng nagbabanggaang plato at kutsara ang maririnig. Pero agad itong binasag ni Lola Felisa.


"Ah. Nabanggit ninyo na may ginaganap na training ang paaralan ninyo. Saan nga banda rito ang camp niyo?" Pag-iiba ni Lola ng topic.


"Malapit lang po rito. Sa ano,... sa ... anong baryo nga 'yon Lim?" Saad ni Christine, tumingin siya sa akin kaya sumagot naman ako.


"Sa baryong narra po ang location." Halata sa mukha ng dalawang matanda ang labis na gulat. Tila may kaakibat na takot din dito.


"Bakit po?" Nagtatakang tanong ni Adrian, saglit kaming nagkatinginan at tumingin agad kami kay Lola nang magsalita ito.


Humugot muna siya nang malalim na hininga bago nagsalita.


"May madilim na nakaraan ang baryo na iyan. Ang baryong Narra ay isinumpa..." isa-isa kaming tinignan ni Lola. Bakas sa mukha naming tatlo ang kuryosidad.


"Hindi ako sigurado, pero ang sabi ng mga kumare ko namatay raw ang lahat ng taong nanirahan sa baryong iyan ilang taong na ang nakalipas. Pinagbabaril daw ng 'di makilalang lalaki ang mga bata sa murang edad. At umalis daw ito gamit ang sasakyan. May itinanim itong bomba sa baryo at pinasabog ito. Nasunog ang lahat ng puno pati na rin ang mga bahay. At namatay ang lahat ng tao dahil sa sunog." Nakatitig lang kami sa pagkukwento ni Lola. Parang ang hirap paniwalaan.


"Pero lola, kung namatay ang lahat ng tao sa baryo sa insidenteng iyon. Pa'no po kumalat ang balita? I mean pa'no po nalaman ng iba ang nangyari?" Tanong ni Adrian kaya napaisip naman ako.


"Siguro dahil sa investigations sa baryo, kaya nila nalaman. Baka may natira pang mga bagay na pwede nilang pagkunan ng lead." Marahan lang tumango si Adrian sa sagot ko. Sunod namang nagsalita si Christine.


"Lola, sigurado po ba kayong walang natirang tao?"


"Nakalimutan ko, may natira pala. Isang batang lalaki. Dinala raw kasi siya ng lalaking nagpasabog ng bomba. Iyon ang sabi-sabi. Simula noong araw na iyon, hindi na matahimik ang mga kaluluwa ng mga taong namatay sa malagim na insidenteng iyon. At kasama sa mga kaluluwang iyon ang kaluluwa ng babaeng mambabarang."


"Mambabarang?" Agad na tanong ko kay Lola Felisa. Puno ng kuryosidad akong naghintay sa sunod na sasabihin niya.


"Oo. Mambabarang. Iyon ang natatandaan ko, dalaga pa kasi ako sa panahong iyon. Paminsan minsan ay nakikita ko siya sa bayan, namamalengke. Natatakot ang mga tao sa kanya. Lagi kasing itim ang suot niya. Palagi rin siyang usap-usapan sa baryo. At sa tuwing may namamatay, sinisisi sa kanya ang lahat. Dahil kulam daw ang sanhi ng pagkamatay ng ibang tao." Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni Lola, hindi naman ako matatakutin pero kakaiba ang kwento ni Lola. Napansin ko rin na kanina pa tahimik si Lolo King.


"Pero Lola, patay na po siya, hindi ba?" Halata sa mukha ni Christine na natatakot siya.


"Oo, pero hanggang ngayon hindi pa matahimik ang kanyang kaluluwa. Nagmumulto pa rin ito hanggang ngayon..." Natahimik lang kaming tatlo saka kami nagkatinginan. Napansin naman ito ng matanda.


"Huwag kayong matakot, hindi naman ako sigurado sa ibang detalye tungkol doon." Tumayo si lola at niligpit ang pinagkainan niya. "O sige na, tapusin niyo na 'yan."


Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Sunod na natapos si Lolo King at ilang sandali lang ay natapos na kami. Kami na ni Christine ang naghugas ng pinagkainan naming lahat. Habang si Adrian naman ay tahimik lang na nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa bamboo.


"Alam niyo, gusto ko ng umuwi sa atin. Nahihiya na kasi ako kina Lolo at Lola." Rinig kong saad ni Adrian. Mahina lang ito, tama na kami lang ang makarinig.


"Ako rin, tsaka miss ko na kasi si mama. Pati si papa ... pati na rin ang mga kaklase natin." Mahinang pagsang-ayon ni Christine kay Adrian habang patuloy pa rin sa paghuhugas.


"Miss ko na rin ang pamilya ko. Pati mga kaklase natin. Pero maiba nga ako, 'yong tungkol sa babaeng mambabarang." Alam kong napatingin silang dalawa dahil sa pag-iiba ko ng usapan.


"Anong tungkol sa kanya?" Tanong ni Adrian. Kahit 'di man ako lumingon, alam kong nakakunot na ang kanyang noo. Lumingon ako sa kanya.


"Natatandaan niyo 'yong araw na nagkahiwa-hiwalay tayo? Hindi ba may humabol sa atin?"


"Oo, tapos?" Christine asked impatiently.


"Nakita niyo ba ang mukha ng humabol sa atin? O kahit 'yong anyo lang?" Napaisip naman ang dalawang kasama ko. Unti-unting namuo ang sagot sa kanilang ekspresyon.


"Para siyang babae kasi ang haba ng buhok niya. At nakaitim siya. Ang nakakatakot lang ay kung bakit nakalutang siya..." Saad ni Adrian na para talaga siyang naghahanap ng sagot o konklusyon.


"Black lady?" Marahan kaming napatango dahil sa dalawang salita na ibinigkas ni Christine. Marahil ay tama siya. Black lady ang humabol sa amin.


"Hindi kaya ang black lady na humabol sa atin at ang mambabarang na sinasabi ni Lola Felisa ay iisa?" Kahit hindi man nila sabihin, alam kong sang-ayon sila sa sinabi ko. Na iisa nga ang black lady at ang mambabarang.


"Pero ang tanong. Bakit niya tayo hinabol?"


"Maybe gusto niya lang tayong takutin." Alam kong hindi naniniwala si Adrian sa sinabi ko.


"Gano'n lang? Walang ibang meaning? I mean, bakit namatay si Alfred? Nakita nating tatlo ang pugot niyang ulo. Tsaka si Crystal, nawawala siya hindi ba? At may posibilidad na patay na siya."


"Pwede ba Adrian, 'wag kang magsalita ng ganyan. Kaibigan natin si Crystal. Malay mo nahanap na siya."


"Nahanap? Christine 'di ba nga tayo ang maghahanap sa kanya? Pero nagkahiwalay tayong lahat. Tsaka hindi rin natin alam ang kung ano na ang nangyari sa iba pa nating kasama. Buti na nga lang nahanap pa natin ang bahay na 'to. Kung 'di matagal na tayong patay." Natahimik lang si Christine sa sinabi ni Adrian. Ako naman ay nakikinig lang sa kanila. Natapos na kami ni Christine sa hinuhugasan kaya agad na kaming nagpunas ng kamay.


Umupo kami ni Christine sa tabi ni Adrian. Pinat ko pa nang bahagya ang balikat niya. "Wag muna nating isipin 'yan, ang mahalaga ay ligtas tayo. At alam kong ligtas din sila gaya natin." Saglit lang na tumingin si Alfred sa akin.


"Tapos na pala kayo. Huwag kayong mag-alala. Makakauwi na kayo ngayon." Napatingala kaming tatlo sa may front door nang marinig namin ang nagsalita. Kilala ko na siya, sa boses pa lang.


"Pero pa'no po Lola?" Tumingin si Lola kay Christine dahil sa tanong nito.


Humugot muna siya nang malalim na hininga bago nagsalita. "Dahil sa nabanggit niyong sa baryong narra ang lokasyon kung saan kayo nagcamp. Ihahatid ko kayo doon."





*****

Author's Note:

Anong masasabi niyo sa update guys? Unti-unti ko nang ibibigay ang mga piraso ng sagot sa inyo. And yeah, thanks for reading this story.

I hope you are enjoying.

God bless.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top