Kabanata 23

Kabanata 23


Annabeth's POV


"Anna?"


"Anna..." Nagbalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang malamig na kamay ni Anne sa braso ko. Napatingin ako sa kanya, nagtataka ang kanyang mga mata.


"Okay ka lang?" Napatingin ulit ako sa babae ngunit wala na ito. Nangunot lang ang noo ni Anne. Nagtatakang tumingin si Anne sa kung saan ako nakatingin.


"Oo, okay lang... ako."

"Tara na nga, kanina ka pa nakatayo rito eh. Pinasok na nila si Mica sa van." Hinawakan ako ni Anne sa kamay saka niya ako kinaladkad. Habang papalapit kami sa van, nakatingin pa rin ako sa madilim na parte ng gubat kung saan huli kong nakita ang... si Mica.


Tumawag ng mga school staffs si sir Pevensy at agad naman dumating ang mga ito. Nagkaroon lang ng konting galos ang dalawang taong nakasakay sa truck na nakabanggaan nila. At nakaalis naman sila ng maayos.


Nagsiksikan kaming lahat sa loob ng van, at tahimik lang kami sa buong biyahe. Balisa rin ako gaya ng lahat lalo na't kasama namin ang katawan ni Mica na binalot sa puting tela.


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita. Nakaririmarim ang anyo ni Mica. Basag ang kanyang ulo kasama na rin ng mukha. Hindi pa rin nila sinasabi ang buong nangyari. Basta ang sabi ng driver nila, tumilapon daw ang katawan ni Mica dahil nasa shotgun seat ito. At naipit ang kanyang ulo sa malaking gulong ng truck.


Bakit hinayaan mo akong mamatay?


Napatingin ako sa paligid ko nang marinig ko ang malalim na boses ng babae. Kung hindi ako nagkakamali, si Mica ang narinig ko. Nanlamig ang buong sistema ko, bumilis na rin tibok ng puso ko. Ilang segundo ang lumipas, nawala ang takot ko pero nandoon pa rin ang pakiramdam ng pagkabalisa.


Tahimik pa rin kaming lahat, natulog sina Claire, Lucas, Jake, at Diana dahil sugatan sila. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa madilim na daan at minsan pa'y pasimple akong tumitingin sa mga kasama ko.


Noong nakabalik na kami sa camp, dumiretso ang mga sugatan naming kaklase sa opisina ni sir para mabigyan agad sila ng agarang gamot. Samantalang ang iba naman, kasama ako ay dumiretso na sa aming tent.


Mahigit oras na ang dumaan pero 'di pa rin ako nakakatulog. Ang dami kasing katanungang bumabagabag sa akin. Tatlo na sa mga kaklase ko ang namatay. Ayokong isipin na konektado ang lahat ng mga patayan. Pero, aksidente lang naman ang sanhi ng pagkamatay ni Mica. Tsaka, nalunod lang din si Alfred. Pero si Coleen, bakit siya nagpakamatay? Bakit siya nagbigti?


Sana mahanap na nila sina Lim. Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari sa kanila. Para makauwi na kami, para makaalis na kami sa lugar na ito.


***


Kinabukasan, alam kong hindi magiging maganda ang buong araw. Magkakasabay kaming kumain, labing lima kaming magkaklase ang nandito. Pinagdidikit lang namin ang tatlong plastic na mesa. Kanina ko pa gustong batukan itong si Richard. Ang gloomy kasi ng atmosphere pero siya, panay ang pagsasalita. At parang nananakot pa siya.


"Kasi guys, don't you find it weird? I mean strange? Kasi gaya nga ng sinabi ni Crystal, iisa-isahin tayo ng kung sino man. Unang namatay si Alfred, tapos sunod si Coleen. Tapos ngayon si Mica? Hindi ba parang konektado ang mga nangyayari?" Nagpanggap lang akong hindi nakikinig kay Richard, nakatuon lang ang pansin ko sa pagkain.


"Kumain ka na nga lang Richard, kung anu-ano na lang ang pinagsasabi mo." Suway ni Jason sa kanya habang nginunguya ang pagkain niya. Pero parang bingi lang si Richard, dahil nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita.


"Huwag nga kayong magpanggap na wala kayong napapansin. Alam kong lahat tayo rito, iniisip na konektado ang lahat ng nangyayari. At hindi rin ako naniniwala na nagpakamatay si Coleen. Kung 'di may pumatay sa kanya. At tsaka, wala naman siyang dahilan para magbigti."


"Hindi ka ba natatakot sa sinasabi mo Richard? Pa'no kung totoo nga ang sinasabi mo? Pa'no kung sabihin ko sa'yo na may pumapatay nga at ako iyon?" Biglang napatingin si Aria sa akin dahil sa sinabi ni Sammy, kakaiba rin ang pagkakasabi niya. Para itong may ibang kahulugan.


"Natatakot ako, okay? Sobra na akong natatakot. Kaya ako nagkakaganito dahil takot akong mamatay. Tsaka ikaw Sammy? Pumapatay? Nambubully ka pero hindi ka pumapatay. At hindi ba parang oras na para pag-usapan natin ang mga nangyayari? Iyong sinabi ni Crystal, na may kinuha tayo sa black lady na sinasabi niyo. Pa'no kung sabihin ko sa inyo na may kinuha nga tayo? Na isa nga sa atin ang kumuha ng bagay na 'yon?"


Hindi na naimik si Sammy dahil sa huling sinabi ni Richard. Tahimik lang ulit kami kaya sobra nang naiinis si Richard.


"Ano ba guys? Wala ba kayong bibig? Kailangan na nating pag-usapan 'to. Hindi natin alam kung sino na ang susunod." Tahimik pa rin kami sa kabila ng naiinis na tono ni Richard. Patuloy pa rin sa walang ganang pagkain. Sunod na nagsalita si Claire, kakaiba na rin ang boses niya. Siguro'y dahil sa trauma.


"Basta ako uuwi na ako ngayon. Bahala kayo sa buhay niyo."


"Hindi ka pwedeng umalis Claire, hindi ba kayo nakakahalata? Parang pinipigilan kayo,... tayo na umalis dito. Umalis kayo kagabi, pero anong nangyari? Aksidente, namatay si Mica. At heto kayo ngayon." Pareho kami ng iniisip ni Richard, na may pumipigil nga sa pag-alis namin. Hindi niya kami titigilan kung hindi niya nakukuha ang bagay na kinuha ng isa sa amin.


Pero kung may kumuha man, sino?


"Aksidente ang nangyari kagabi Richard, wala ng ibang kahulugan iyon. At hindi niyo alam ang dahilan ng pagkamatay ni Mica. Kasalanan niya, kung bakit namatay siya." Umalis na si Claire dala-dala ang pinagkainan niya. Medyo naguluhan ako sa huling sinabi ni Claire. Paano naging kasalanan ni Mica ang pagkamatay niya?


Natatandaan ko pa ang ibinulong niya sa akin kagabi.


Bakit mo ako hinayaang mamatay?


Nakaukit pa rin sa aking alaala ang mga tingin niya. Tingin ng nanunumbat. Bakit parang sinisisi niya ako? Alam ko rin na kaluluwa ni Mica ang nakita ko. Nakita ko si Alfred sa panaginip ko, nakita ko rin si Coleen. At iisa lang ang mensahing sinasabi nila.


Bakit ko sila hinayaang mamatay.


"Richard, pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan pero huwag muna ngayon." Tipid na sabi ni Jason saka siya tumayo. Niligpit niya ang pinagkainan niya saka umalis.


Nahilamos na lang ni Richard ang kamay niya sa kanyang mukha at nagpatuloy na lang sa pagkain. Noong natapos na kaming magbreakfast, kanya-kanya na kaming lakad.


Tumambay na lang kami ulit sa ilalim ng puno pagkatapos naming magbreakfast. Ako, si Sammy, Aria, Anne, Jason, Jetter at Andrew lang ang nandito. Ilang walang kabuluhang bagay lang naman ang pinag-usapan namin. Pasimple lang kaming tumatawa kahit balisa.


Masarap din sa pakiramdam ang hangin. Kahit papaano'y nakapagrelax ako. Hanggang sa nag-open na ng topic si Andrew.


"Kamusta na kaya sina Lim, ano? Bakit hanggang ngayon ay 'di pa rin sila nahahanap? Pa'no kung tayo na lang ang maghanap sa kanila? Ayokong sabihin 'to pero, hindi kasi natin alam ang kalagayan nila." Napabuntong hininga na lang si Jason dahil kay Andrew.


"Pwedeng tayo, pero pa'no kung tayo naman ang maligaw? Hindi naman sa nagpapaka-selfish ako pero, malay mo mahanap na sila mamaya? Edi makakauwi na tayo. End of story." Saad ni Anne, katabi ko siyang nakaupo sa malaking ugat ng puno.


"Pero pa'no kung hindi?" Pangungulit naman ni Andrew. Anne gave him a long look then started talking.


"Kailangan lang natin silang pagkatiwalaan, okay? Alam kong makakauwi rin tayo. Tsaka si Lim? Masamang damo 'yon, magtiwala ka." Marahan na lamang na tumango si Andrew. Wala rin naman siyang laban kay Anne.


Natahimik ulit kaming lahat, at maya-maya pa'y may nag-open na naman ng topic.


Ilang oras pa kaming tumambay hanggang sa tinawag na kami ni Diana para maglunch. Hindi na naulit ang usapan kanina. At kahit awkward, pinipilit pa rin ni Andrew ang magbiro para magbago lang ang mood ng bawat isa. Nadadala rin naman ako sa mga jokes ni Andrew, kaya gaya ng iba tumatawa na rin ako.


Pagkatapos ng lunch, pumasok na agad ako sa tent ko. Doon na lang muna ako tatambay. Niyaya ulit ako ni Jason na tumambay sa labas pero mas gugustuhin ko na munang mapag-isa. Pagpatak ng alas-dos ng hapon, medyo bumigat ang mga mata ko kaya nakapagdesisyon akong matulog muna.


Ilang segundo lang siguro ang dumaan at nakatulog na agad ako.



***


Nagbago ang paligid. Natayo ako sa gitna ng apoy. Umaalingawngaw sa paligid ang sigaw ng isang lalaki. Nasasaktan siya, napapahiyaw sa sakit. Wala akong ibang daan. Pinapalibutan ako ng malalaking apoy.


Anna...


Anna...


Anna...


Naririnig ko ang paulit-ulit na tawag niya sa pangalan ko. Pamilyar sa akin ang boses ng lalaki. Pero hindi ako sigurado kung sino. Ramdam ko sa boses niya ang pasakit at hapdi.


Anna... maawa ka!


Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Paulit-ulit ko lang naririnig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Labis na akong pinagpapawisan. Malakas ang pintig ng puso ko, nakakabingi ito.


Paikot-ikot lang ako, hinahanap ang pinanggalingan ng boses. Pinapalibutan pa rin ako ng malalaking apoy. Mahapdi na ang katawan ko. Nasusunog na ako, ramdam na ramdam ko kung paano kumapit ang apoy sa balat ko. Kakaiba ang apoy na ito, tinutusok ako.


Sigaw ako nang sigaw pero wala pa ring lumalabas na boses sa bibig ko. Nakita ko kung paano nasunog ang balat ko. Alam kong mamamatay na ako.


Anna...


Anna...


Anna...


"Anna gising!"


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagtapik ng kung sino man sa'kin. Dahil sa takot ko'y nayakap ko siya, at doon ko lang siya nakilala noong nagsalita siya.


"Panaginip? Okay ka lang?" Akala ko si Aria ang niyakap ko, pero bakit ang tigas naman ata? Malakas ko siyang naitulak noong nakilala ko kung sino siya.


Nangunot lang ang noo niya.


"S-sorry Jason, masamang panaginip lang." Bahagya akong napapikit. Ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso. Labis akong nagpapasalamat dahil panaginip lang ang lahat.


"B-bakit ka nga pala naparito?" Humugot muna nang malalim na hininga si Jason bago siya nagsalita.


"Sina Lim..."


Kinabahan ako sa sunod kong narinig kay Jason.



*****


Ano sa tingin niyo ang tungkol kay Lim at sa mga kasama niyang si Christine at Adrian?

Hoping for your answers guys.

May ideya na ba kayo sa susunod na mangyayari?

kuya_mark

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top