Kabanata 21
Kabanata 21
Annabeth's POV
“Huwag ka ngang magsalita nang ganyan. Lalo mo lang kaming tinatakot.” Suway ni Diana kay Crystal habang nakacrossed arms ito. Pero parang bingi si Crystal dahil patuloy pa rin siya sa pagsasalita.
“Hindi niyo naiintindihan eh, hindi niya tayo titigilan.” Saad ni Crystal at nandidilat pa ang mga namamagang mata nito. Nakatingin lang kami sa kanya, at patuloy pa rin sa paghikbi si Sammy.
“Wala na tayong magagawa. Iisa-isahin niya tayo. Mabuti pa umamin na kayo, isauli niyo na ang kinuha niyo.” Kakaiba ang boses ni Crystal. Malalim, nakakakilabot. Nagsimula na ring kumagat ang dilim. Unti-unti na nitong sinasakop ang kinaroroonan namin.
“Ano bang pinagsasabi mo? Eh wala nga kaming kinuha. Kaya ka ba nagkakaganyan dahil namatay si Alfred? Kung nahihirapan ka sa buhay mo 'wag mo kaming idamay!” Naiinis na saad ni Richard. Pero tinitigan lang siya ni Crystal.
“Hindi kayo naniniwala. Mamamatay tayo---” Natigil si Crystal sa pagsasalita dahil bigla siyang sinampal ni Claire.
“Why don't you just shut the fuck up?! Alam kong best friend kita pero please tumigil ka na! Nagkakagulo na ang lahat kaya huwag ka nang dumagdag pa.” Malalim ang hiningang binibitawan ni Claire. Halatang galit na siya kay Crystal.
Tila napako si Crystal sa kanyang kinatatayuan. Nakahawak lang siya sa kaliwang pisngi niya na ngayo'y namumula na.
“Dalawa na ang namatay sa atin. Ayoko nang dumagdag pa. Uuwi na ako.” Seryosong saad ni Claire kaya napayuko na lamang kami. Nagsimula na siyang maglakad paalis.
“P-pero pa'no na sina Lim? Hindi pa sila nahahanap. Iiwan na lang natin sila?” Napahinto si Claire dahil sa sinabi ni Diana. Nagsalita siya ng hindi lumilingon.
“Alam ko... pero wala akong pakialam sa kanila. Problema na nila 'yon. Mas importanteng unahin ko muna ang kaligtasan ng sarili ko.” Umalis na si Claire Pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon. Hanggang sa nawala na siya sa paningin namin sa madilim na gubat.
Tumigil na sa paghikbi si Sammy. Nag-angat akong muli ng ulo at tinignan ang nakabigti na si Coleen. Sa madilim na kagubatan, tumindig ang mga balahibo ko sa batok. Sinakop din ng lamig ang sistema ko dahil sa anyo ni Coleen.
Bigla akong sumigaw nang makita kong gumalaw ang kanang kamay ni Coleen. “Aaaaaahhhhh!!!”
“Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong sa'kin ni Jason na ngayon ay mahigpit ng nakahawak sa kaliwang braso ko. Tumango lang ako sa kanya sa kabila ng lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nag-aalalang nakatingin ang mga kasama ko sa akin. At pilit ko namang iniiwasan ang kanilang mga tingin. Napalunok ako sa kaba.
“Mabuti pa bumalik na tayo sa camp.” Sumang-ayon naman ang lahat kay Jason. Inalalayan ni Aria si Sammy sa pagtayo. At bago pa kami nakalayo nang tuluyan, binigyan ko muna ng huling sulyap ang bangkay ni Coleen na ngayon ay nakabitay pa sa puno.
Naalarma si sir Pevensy sa binigay naming balita patungkol kay Coleen. Kaya agad niyang pinatawag ang limang school staffs at inutusan itong kunin ang bangkay. Nagpresenta pa si Jason na siya na raw ang magtuturo sa daan patungo sa kinaroroonan ni Coleen. Sumama na rin si sir Pevensy sa gubat.
Dumiretso na kami sa tent namin. Pero sinamahan pa namin ni Aria at Anne si Sammy sa tent nito. Natatakot daw kasi si Sammy na mapag-isa. Apat kaming nakaupo sa loob ng tent, malaki naman ito kaya hindi na namin kailangan magsiksikan.
“Aalis na si Claire. Kasama ang iba pa nating kaklase.” Nakahalumbaba na saad ni Aria kaya nagkatinginan na lang kami.
“Really? Seryoso talaga silang iwan sina Lim? Gano'n na ba talaga sila kaselfish?” Nayayamot namang sabi ni Anne. Napabuntong hininga na lang ako.
“Hayaan na lang natin sila, hindi naman natin sila mapipilit sa gusto nila eh.” Napairap lang si Aria sa sinabi ko habang si Anne naman ay nagcross arms. Napansin kong kanina pa tahimik si Sammy. Nakayuko lang siya. Parang inaalala niya ang nakita niya kanina.
Naaawa ako kay Sammy. Mag-isa niya kasing nakita ang nakabitay na si Coleen.
“Pero teka nga lang, sino pa ba ang umalis maliban kay Claire?” Tanong ni Anne kay Aria habang inaayos niya ang eyeglasses niya.
“Sa pagkaka-alala ko, anim silang aalis ngayon. At---” napatigil si Aria sa sasabihin nang makarinig kami ng pagkabuhay ng engine ng sasakyan. Mabilis kaming lumabas ng tent at tinungo ang pinanggalingan ng tunog.
Nakita namin ang van sa 'di kalayuan. At may mga tao na ang nakatayo sa labas nito. May dala silang mga bag.
Nakita ko si Claire na pumasok sa van dala-dala ang bag niya. Sumunod naman ang iba. Si Mica, Jake, Diana, Lucas at Faith.
Lumabas din ang iba naming kaklase sa kani-kanilang tent. Lumapit sa aming gawi sina Jetter at Jason.
“Pinayagan sila ni sir Pevensy na umuwi. Naiintindihan ko naman sila eh.” Saad ni Jason na nakatayo sa tabi ko. Hindi ako tumingin sa kanya dahil nakatuon ang mata ko sa papaalis na van.
“Oo. Pero... hindi ko maintindihan kung paano kinaya ng konsensya nila ang iwan sina Adrian.” Basag ang boses ni Sammy noong sabihin niya iyon. Napabuntong hininga na lang ako.
“Hayaan na nga lang natin sila. Buhay nila 'yan. Ang mabuti pa kumain na tayo.” Nakaakbay na si Jetter kay Aria at nagpatangay naman si Aria. Sumang-ayon kaming lahat kaya kumain na kami ng dinner.
Halos nawalan kaming lahat ng gana sa pagkain. Si Jetter na nga lang ang umubos sa pagkain ni Aria.
Pagkatapos naming kumain, nagpahangin muna kami sa labas. May dalawang bus pa ang natitira kaya napagdesisyunan naming lahat na akyatin ang isa nito.
Halos lahat sa amin ay nakasuot ng jacket dahil sa ginaw. At sa bilang ko, sampu kaming lahat ang nakaupo ngayon sa itaas ng bus. At sampu na lamang kami ang natitirang estudyante rito.
Katabi ko si Jason at katabi naman ni Aria si Jetter. Kailangan ko pang tanungin si Aria kung sila na ba ni Jetter. Napapansin ko kasing hinahayaan niya lang si Jetter na akbayan siya.
Pero kung ako si Aria, matagal ko nang sinagot si Jetter. Halata naman kasing mabait si Jetter. At sigurado akong seryoso siya kay Aria dahil matagal na rin siyang nanliligaw sa kanya.
“Anong iniisip mo?” Napatingin ako kay Jason nang magsalita ito. Dahil sa ilaw ng buwan, klaro sa paningin ko ang mukha niya. Ang tangos ng ilong nito, bumagay rin sa kanya ang singkit na mata. Ang sarap titigan ng mga mata niya. Para itong kumikislap.
And I was wonder-struck by the features of his face - it looked paler with the moon's rays.
“Anna?” Bumalik ako sa reyalidad nang napagtanto kong ang lapit na ng mukha niya. Nanlalaki pa ang mga mata niya.
“Uhm sorry. Ano nga ulit 'yon?” Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam ako ng ilang. Narinig ko siyang tumawa nang mahina kaya mas nailang lang ako.
“Wala. I see you're lost in deep thought. Okay lang 'yan, naiintindihan kita.” Bahagya siyang ngumiti kaya medyo nawala ang ilang ko. Naramdaman ko na lang na inakbayan niya ako. Ang kumportable sa pakiramdam.
Tumingin ako sa mga mata niya. At hindi ko alam kung bakit ako napatitig.
🎼 Who'd have thought this is how the pieces fit 🎼
🎼 You and I shouldn't even try making sense of it 🎼
🎼 I forgot how we ever came this far 🎼
Biglang kumunot ang noo namin ni Jason dahil sa narinig. Nawala rin ang pagkakaakbay niya sa akin.
🎼 I believe we had reasons but I don't know what they are 🎼
🎼 Don't blame it on my heart, oh 🎼
Napatingin kami kay Andrew dahil sa cellphone pala niya nanggaling ang tugtog.
🎼 Love moves in mysterious ways 🎼
🎼 It's always so surprising
When love appears over the horizon 🎼
Napansin ni Andrew na nakatingin kaming dalawa ni Jason sa kanya. At hindi lang pala kami, pati rin si Aria at Jetter.
“What?” Nagtatakang tanong niya sa amin.
🎼 I'll love you for the rest of my days 🎼
🎼 But still it's a mystery
How you ever came to me 🎼
Mukhang nakuha niya ang ibig naming sabihin kaya mabilis niyang kinuha ang cellphone niya. “Oh! I'm sorry. Hehe,” saad niya saka pinatay ang music.
🎼 Which only proves 🎼
🎼 Love moves in mysterious ways 🎼
Heaven knows love is just a chance---
“Oh ayan na oh, wala na. Kayo ah, masyado kayong halata. Music lang ganyan na ang reaction niyo. Kung nakakamatay lang ang mga tingin niyo siguro kanina pa ako nakahandusay rito.” Pahiwatig ni Andrew habang nakanguso. Napailing na lang kami.
“Labo mo naman kasi pare, kalalaki mong tao may ganyan kang kanta sa cellphone mo.” Sabi ni Jetter kay Andrew, napasmirk lang si Andrew.
Tumambay pa kami sandali sa taas ng bus at noong medyo maginaw na nakapagdesisyon kaming pumasok na sa tent.
Nagdasal muna ako bago natulog. Pinagdasal ko na sana wala ng susunod. At sana, makabalik na si Lim, Adrian at Christine.
Natatakot akong matulog mag-isa lalo pa at namatayan na kami ng dalawa. Pero kailangan kong magpakatatag. Maging matapang. Sana lang matapos na 'to.
Ilang sandali lang, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng alarm clock ko. Nakapikit pa ang mga mata ko habang kinakapa ang pinanggalingan ng ingay. At bigla akong napaisip, hindi alarm clock 'yon.
Nawala ang antok ko at nalaman kong sa cellphone ko pala nanggagaling ang ingay. May tumatawag pala.
Tumingin ako sa wrist watch ko. 11:47 pm na pero may tumatawag pa.
Claire calling...
Hindi ko maintindihan kung bakit kinabahan ako nang malaman kong 11:47 pm pa. Nagring pa ng limang beses bago ko nasagot ang tawag.
“Hello... Claire? Nakauwi na kayo?” Naalala ko na isa pala siya sa mga umuwi. Medyo may naramdaman akong kirot.
“A-anna...” halos mandilat ang mga mata ko ng marinig ko siyang umiyak, humihikbi.
“C-Claire? A-anong nangyari? B-bakit ka umiiyak?” Putol-putol ang pagsasalita ko dahil sa kaba sa dibdib ko. Sumisikip na rin ito. Hindi niya ako sinagot, nagpatuloy lang siya sa pag-iyak na mas nagpalala lang sa kaba ko.
“Claire sagutin mo 'ko,... anong nangyari?” Nanginginig na ang boses niya, umiiyak pa rin siya. Lubha na akong kinakabahan.
Halos manginig na ang kamay ko nang narinig ko ang sigaw at iyak sa kabilang linya. Sigaw ng nasasaktan!
“Claire please. Sagutin mo 'ko... Anong nangyayari?” Tila bumagal ang oras noong sinagot niya ako.
“A-anna... naaksidente k-kami...”
“At...”
“Patay na si Mica...”
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top