Kabanata 20
Kabanata 20
Annabeth's POV
Tahimik lang ako habang kumakain kami ng breakfast ng mga kaklase ko. May mesa sa labas ng tent namin at may mga upuang nakapaligid dito. At dito kami kumakain. Ala-siyete pa ng umaga at hindi pa sumisikat ang araw kaya't okay lang na dito kami kumain.
Halos hindi ko maigalaw ang pagkain ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko.
Kamusta na kaya sina Lim?
Okay lang kaya sila?
Kailan kami makakauwi?
Alam ko naman na gano'n din sa mga kasama ko. Na may bumabagabag din sa isip nila.
Isa pa itong panaginip ko kagabi. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko.
May babae.
Umiiyak.
Tinatawag niya ako. Paulit-ulit. Humingi siya ng tulong. Inilibot ko ang aking mata sa paligid. Madilim, blurry ang paligid. May tumatawag sa pangalan ko. Ang lalim ng boses niya. Hinanap ko ang kanyang boses ngunit hindi ko ito mahanap. Dahil tila nanggagaling ang kanyang boses sa bawat sulok ng gubat.
Madilim. Ngunit alam kong nasa gitna ako nang masukal na gubat. Malalaking pigura ng puno sa madilim na gubat ang sumakop sa kabuuan nito.
Wala akong ibang narinig kung 'di ang umaalingawngaw niyang iyak at ang pagtawag niya sa aking pangalan. Sinakop ng lamig ang aking sistema. Hindi ko maintindihan ito.
Patuloy lang ako sa paghahanap sa pinanggalingan ng boses hanggang sa tumambad sa aking harapan ang malaking puno. Dumagdag ito sa kakaibang takot na kanina ko pa hawak. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, tila napako ako rito.
Malalaki ang ugat ng puno. At kakaiba rin ang laki ng katawan ng puno. Para itong tirahan ng nino man.
Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang impit na iyak ng babae. Humihingi pa rin ito ng tulong. Sinasambit niya ang aking pangalan. Nagmamakaawa ito.
Kusang gumalaw ang aking mga mata. Hanggang sa nagsisi ako sa nakita sa itaas. Nanlamig ang aking buong katawan. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko'y maya-maya pa'y malalagutan na ako ng hininga.
Sa itaas ng puno. May isang babae. Nakabitay ito. Nagbigti! At nakatitig ito sa akin, nanunumbat!
Nagbalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Aria sa kanang kamay ko.
“Anna? Okay ka lang?” Tinitigan ko na muna siya ng matagal saka ko siya tinanguan bilang tugon. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya naniniwala sa akin.
“Sigurado ka? Eh hindi mo na nga ginagalaw 'yang pagkain mo oh.” Nakatingin lang ako sa kanya, tahimik. Halos hindi rumehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. Nakita ko siyang umirap.
“Look Anna, I know what's happening lately is really hard to take. Pero hindi lang ikaw ang nahihirapan, kami rin. We're just trying to be brave enough to face what'll happen next. We're all gonna get over this, trust me on this. Mahahanap din natin sina Lim. Makakauwi rin tayo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, binigyan niya ako ng ngiti. Ngiting sapat na para gumaan ang kaluoban ko, kahit konti.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Sorry,” at binigyan ko siya ng simple kong ngiti.
Anim lang kaming kumakain dito. Ako, si Aria, Jason, Anne, Dexter, at Jetter. Medyo may nagbago kay Jetter, nanliligaw pa rin siya kay Aria hanggang ngayon pero hindi na siya gaanong makulit.
Tahimik lang kaming nagpatuloy sa pagkain hanggang sa natapos kami.
Dumaan ang ilang oras. Natapos kaming kumain ng breakfast. Tumambay kami sa kanya-kanya naming tent, at kumain na naman ng lunch. Pagkatapos kong maglunch, hindi na ako nagpaalam kay Aria at Anne at diretso akong pumasok sa sarili kong tent. Iisang tao bawat tent dahil konti na lang kaming nandirito sa baryong Narra. May mga iilang teachers at school staffs naman kaming kasama.
Nagpagulong-gulong lang ako sa higaan ko. Gustohin ko mang matulog ayaw pa rin dumalaw ang antok. Ano ba ang nangyayari sa'kin? Ang hina ko.
Idinilat ko ang aking mga mata. Tahimik ang paligid. Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Gusto kong makaramdam ng katahimikan. Gusto kong mawala ang iilang bagay na bumabagabag sa aking isipan. Kahit ngayon lang.
Bigla akong nakaramdam ng lamig. May presensya sa gilid ko. Nakayakap ito sa akin. Halos mawalan ako ng hininga dahil sa takot. Pigil ang paghinga ko, pakiramdam ko'y mauubusan na ako nito.
Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. Ngunit hindi ko siya makilala. Bumubulong siya. Ngunit hindi ko ito mawari.
Halos mandilat ang mga mata ko nang marinig ko ang kanyang binulong.
“Bakit hinayaan mo akong mamatay?”
“Anna. Halika, tambay tayo sa labas. Masarap hangin do'n.” Nakangiti si Aria nang sabihin niya iyon pero nawala ang kanyang ngiti nang makita niya ako. Habol ko ang aking hininga. At nalaman ko na lang sa nasa tabi ko na pala siya.
“Best, okay ka lang? Bakit p-pawisan ka? Anong nangyari sa'yo?” Natataranta siya habang pilit akong pinapakalma. Pumikit lang ako, humugot ng malalim na hininga. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa nakarelax na ako.
***
“Ya know, you've been acting strange lately. Magtapat ka nga Anna, ano ba talagang nangyayari sa'yo?” Tanong sa'kin ni Jason. Puno ng kuryosidad ang mga mata niya, pati mga ibang kasama ko'y nakatitig sa'kin. Naghihintay ng sagot.
“W-wala, ano ba kayo. Wag niyo na akong pansinin. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko.” Palusot ko pa sa kanila. Sana naman gumana, pati nga ako naguguluhan na sa sarili ko.
“Wala raw, ikaw Anna ah. Marami ng weird stuffs ang nangyayari kaya wag ka nang dumagdag.” Saad pa ni Andrew, nakita ko siyang nakanguso. Ilang palusot pa ang binigay ko sa kanila at kumagat naman sila.
Nandito na kami ngayon sa ilalim ng malaking puno. Malalaki naman ang mga ugat nito kaya nakaupo kaming walo. Sampu kasi kami ang nandito at ang dalawa pa naming kasama ay nakaupo lang sa malaking bato.
Malapit na ring mag-alas kwatro kaya wala ng init. Malakas at masarap din sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Nakakagaan ng loob.
Katabi ko si Jason at katabi naman ni Aria si Jetter.
Natahimik kaming bigla nang mapansin namin ang papalapit na si Mica.
Humihingal siya nang marating niya kami. Dahil siguro sa pagtakbo niya.
“G-guys nakita niyo ba si Coleen?” Nagkatinginan naman kami dahil sa tanong niya. Kapansin-pansin din sa noo niya ang tagaktak na pawis.
“Hindi eh, bakit?” Kunot noong tanong ni Jason na nasa tabi ko lang. Pinunasan na muna ni Mica ang kanyang pawis gamit ang likod ng palad bago siya nagsalita.
“K-kaninang umaga ko pa kasi siya hinahanap pero hanggang ngayon, hindi ko siya makita.” Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa mga katagang iyon.
“Baka naman nasa paligid lang siya.” Sagot ni Andrew pero halata pa rin sa kanya ang pag-aalala.
“Hindi talaga eh, masama ang---” hindi na natapos si Mica sa sasabihin dahil sa sumigaw.
“Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!”
Nagkatinginan kami dahil kilala namin ang sumigaw.
“Si Sammy 'yon!”
Mabilis kaming tumakbo patungo sa kinaroroonan ng sigaw. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin napansin ang bilis ng pagtakbo ko. Hanggang sa nakita namin si Sammy.
Nakaupo siya sa lupa, nakatakip ang dalawang kamay nito sa mukha. Umiiyak. Nanginginig.
“Sam anong nangyari?” Natataranta at natatakot na tanong ni Diana. Hindi sumagot si Sammy, nagpatuloy lamang ito sa pag-iyak. Linapitan namin siya ni Aria at hinagod ang likod para mapakalma ito.
“Tahan na Sam,” nagkatinginan ulit kami ni Aria. Puno ng kaba ang rumehistro sa kanyang mukha.
“Oh my g*d.” Napatingin kaming lahat kay Mica na ngayon ay nandidilat na ang mata. May tinuturo siya. Napaatras pa siya. Nakarinig ako ng pagsinghap ng mga kasama ko. Tila gulat na gulat sila sa nakita.
Napalunok na lamang ako sa nanunuyong lalamunan. Nag-angat ako ng mukha. Tinignan ko ang malaking puno. Pamilyar ito. Tila nakita ko na. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Natatakot at kinakabahan ako sa maaari kong makita.
Pinilit ko pa rin ang sarili ko. At nakita ko na nga ito. Ang Babae.
Babaeng nakabigti sa taas ng puno. Napaatras na lang ako, nakatakip sa bibig ang kanang kamay ko. Dilat din ang aking mga mata sa nakita. Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko. Tila bumagal din ang oras. Coleen!
Binalot ng kakaibang katahimikan ang paligid. Walang umimik.
“Coleen. B-bakit ikaw? Bakit?” Basag ang boses ni Sammy nang sabihin niya iyon dahil sa iyak. Kahit nakayuko siya, alam kong patuloy pa rin siyang lumuluha.
Hindi ko namalayang nakaupo na pala ako sa malaking bato. Nakatayo lang ang iba. Ang iba naman ay kanya-kanyang upo. Nakita ko si Jason, nakahilot sa sentido.
“S-sinong may gawa sa'yo nito best? H-hindi ako naniniwalang nagpakamatay ka.” Ang basag na boses lang ni Sam ang bumabasag sa katahimikan sa paligid. Napatingin ako sa kanya, namamaga ang mata niya sa kakaiyak.
“Si Coleen ang pangalawa. Sino na ang susunod?”
Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Crystal. Nangingitim pa ang kanyang mata, dahil hanggang ngayo'y hindi niya pa rin matanggap ang pagkamatay ni Alfred.
“Sinabi ko na sa inyong umalis. Pero nagpaiwan kayo. Hanggat hindi natin naisauli ang bagay na kinuha natin sa kanya. Hindi niya tayo patatahimikin. Iisa-isahin niya tayo.”
“Will you please shut your mouth up?” - Claire.
“Mamamatay tayong lahat!”
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top