Kabanata 18
Lim's POV
"Gising! Lim gising!"
Nagising ako dahil sa malakas na pagyugyog sa akin ni Adrian. Tagaktak ang pawis ko sa noo dahil sa masamang panaginip. Habol ko rin ang aking hininga at hindi pa rin tumitigil sa malakas na pagkabog ang aking dibdib.
Bahagya akong napaupo habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa lupa. Napapikit din ako dahil hindi pa rin mawala ang takot at kaba na dulot ng masamang panaginip.
"Nightmare?" Tanong ni Christine sa akin na ngayo'y nakatayo na. Hindi nalang ako umimik at pinilit kong magrelax. Napansin kong madilim pa kaya napatingin ako sa wrist watch ko.
"Alas-tres pa ah, ba't niyo 'ko ginising?" Inaantok ko pang tanong, unti-unti na rin akong kumalma. Bago nagsalita si Adrian ay tinuro niya muna ang madilim na kalangitan. Noong una'y 'di ko makuha ang gusto niyang ipahiwatig pero ilang segundo lang ay may napansin akong usok.
"Sa tingin namin bonfire din 'yon, siguro mga kaklase natin ang nandoon." Saad ni Adrian kaya napatango nalang ako at tumayo. Alam ko na ang ideya nila, plano nilang puntahan ang kinaroroonan ng bonfire.
Nagsimula na kaming maglakad at tinungo ang kinaroroonan ng bonfire. Tahimik lang kami sa aming paglalakad. Kaninang umaga lang ay naligaw kami at paulit-ulit lang naming narating ang ilog. Kaya nagsuggest si Adrian na baliktarin daw namin ang mga damit namin dahil may paniniwala raw ang mga matatanda.
Sinubukan naming baliktarin ang aming damit at naglakad uli, at gumana naman ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad at hindi na kami bumalik sa ilog. Pero kahit 'di man kami nakabalik sa ilog, hindi pa rin namin nahanap ang bayan hanggang sa naabutan na kami ng pagkagat ng dilim.
Alas-tres pa ng umaga ngayon kaya hindi namin maiwasang hindi ginawin. Malamig ang temperatura sa paligid na tila gusto nitong pumasok hanggang buto namin. Walang ni isa sa amin ang umimik sa paglalakad dahil pre-occupied kami sa mga bagay na nangyayari at sa mga katanungan.
Nasaan na kaya sila? Si Crystal? Si Alfred?
Narating na namin ang kinaroroonan ng bonfire ngunit nagdulot lang ito ng pagtataka sa aming tatlo. Wala kaming nakitang tao, mga umuusok na kahoy lang ang bumungad sa amin.
"Nasaan na sila?" Nagtatakang tanong ni Christine. Hindi kami naimik at nilibot nalang namin ang paningin sa paligid.
May mga wrapper ng biscuits ang nagkalat, palatandaan na may mga tao nga dito kanina. Napatingin kami kay Adrian na ngayo'y may hawak ng panyo.
"Kilala ko ang panyong 'to, kay Mica." Saad ni Adrian at ipinakita sa amin ang panyo.
"Pa'no mo naman nalaman?" Naniniguradong tanong ni Christine.
"Nakita ko siyang ginamit ang panyong ito, at tignan niyo oh. May initials pa siya." Napatango nalang kami ni Christine sa sinabi niya.
"Kung gano'n, nandito nga sila kanina." Pagbibigay konklusyon ko at inilibot na naman ang paningin sa madilim na gubat.
"Pero bakit wala sila? H-hindi kaya?" Rinig ko sa boses ni Christine ang pangamba.
Sana mali kami ng hinala.
Annabeth's POV
"Best. Best gising!"
Nagmulat ako ng mata dahil sa marahang pagyugyog ni Aria sa'kin. I woke up groggily then checked my wrist watch.
"Ano ba'ng meron? Alas-kwatro pa Ars." Inaantok ko pang saad saka humikab.
"Basta, bangon ka na dali. Nandito na sila," napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang excitement sa mukha nilang dalawa ni Anne. Magkasama kasi kaming tatlo sa isang tent. Mabuti naman at okay na si Aria. Kagabi lang iyak siya nang iyak na parang iniwan ng boyfriend.
Tumayo na ako para magsuklay at ayusin ang sarili ko pero bigla nalang akong hinila ng dalawa at sinabing huwag na daw akong magsuklay.
The lingering fog of sleep slowly vanished as these two drag me to our destination. It's still four in the morning, darkness pressed in, sucking light and life right out of me. And the sky is just a sea of black stretching to the horizon, where it seemed like a curtain of stars had been pulled down.
Sobra pa akong inaantok pero napagtanto kong nakarating na kami sa office ng papa ni Aria. Hinawakan na ni Aria ang doorknob at binuksan ito.
Akala ko ba nagtatampo siya sa papa niya? Ano 'yon, bati na sila agad? Iyon ba 'yong good news niya sa'kin?
Natigil ako sa pagtatanong ko sa isip ko nang makapasok na kami sa loob ng office ni sir Pevensy. Halos mandilat ang mga mata ko dahil sa pinaghalong gulat at saya.
"LIGTAS KAYO!" Sigaw ko at patakbong lumapit sa kanila. Naiiyak din silang tumakbo patungo sa amin at nag-group hug kaming lahat. Halos 'di matanggal ang ngiti sa akin habang sila naman na bagong dating ay maluha-luha pa. Sobra tuloy kaming nag-ingay sa loob ng office ni sir. Napansin ko ring nakangiti na si sir Pevensy.
Hindi naman halatang close kami pero hindi lang talaga namin mapigilan ang sarili dahil sa saya na ligtas sila. Nandito na rin pala ang ibang kaklase namin pati na rin si Crystal. Pero napansin ko nalang na may kulang.
"Nasaan si Alfred?" Everyone went to silent and a flicker of change passed over everyone's expression.
Dahil sa katahimikan nila, marahan nalang akong napatango at nagsalita.
"Hindi pa pala siya nahahanap. Don't worry, mahahanap din sila. 'Di ba?" Saad ko pero natahimik lang sila. Hanggang sa nagsalita na si Lucas.
"Kami lang ang nandito, hindi pa rin nahahanap sina Lim, Christine at Adrian. At si Alfred." Nagkatinginan ulit silang lahat matapos sabihin iyon ni Lucas. Tumingin ako kay Mica pero nakayuko ito.
"Wag kayong mag-alala, hindi titigil sa paghahanap ang mga school staff. Makakauwi rin sila Lim at Alfred." Sabi ni ma'am Heidi pero mahirap itong paniwalaan. Napatingin ako sa ibang kaklase ko at napansin kong parang may tinatago sila.
"S-sige na, bumalik na kayo sa mga tent ninyo. Kayong mga bagong dating, sumunod kayo sa'kin." Tahimik kaming sumunod sa sinabi ni ma'am at lumabas na sa tent. Nagbalik na kaming tatlo ni Aria at Anne sa tent namin na tahimik lang. Masaya kami dahil nakabalik na ang iba pang kaklase namin, pero may kulang pa rin. Hindi kami matatahimik hanggang sa makumpleto kaming lahat na magkaklase.
Lumipas ang umaga at hindi na kami nakabalik pa sa pagtulog. Nagpatuloy lang ang training pero 'di kami sumali. Inintindi naman kami ng mga teachers kaya kaming mga magkaklase ay 'di na sumali sa mga activities ng training. May mga parlor games, nakakainggit nga pero wala kaming ganang sumali.
***
10:36 ng umaga iyon nang mapansin namin ni Aria ang mga estudyanteng nagkumpulan sa likod ng sasakyan. Kaya walang anu-ano'y patakbo kaming nagtungo dito.
Nakisingit kami ni Aria hanggang sa nasa harapan na kami. May patay na katawan sa likod ng sasakyan, at tinatakpan ito ng puting kumot. Umalingawngaw ang mga bulong-bulungan sa paligid at meron pang napasinghap dahil sa gulat.
Nakita ko ang ibang mga kaklase ko at nasagap ng aking paningin si Crystal. Nakatakip ang kanyang kamay sa bibig niya at bigla nalang siyang napatakbo, gusto ko siyang sundan pero tila napako ako sa aking kinatatayuan.
"Anna, we need to talk." Saad sa'kin ni Sammy na ngayo'y katabi ko na.
"Para saan?"
"Basta, sumunod ka nalang. We need to talk but not here." Saad niya saka umalis sa mga estudyanteng nagkumpulan, sumunod nalang ako sa kanya.
Nagtungo kami sa isang booth na may mesa at mga upuan. At hindi lang kami ni Sammy ang nandito. Nandito ang mga kaklase ko.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top