Kabanata 17
Annabeth's POV
"I'm very disappointed in you Ms. Heidi! Bakit nawawala ang mga estudyante mo?!" Galit na sigaw ng lalaki kay ma'am. Nakaupo lang ang lalaki kaharap ang desk niya. Habang kaming lahat naman ay nakatayo sa harap niya, habang nakayuko.
"I'm s-sorry sir---" hindi na natapos si ma'am sa kanyang sasabihin dahil pasigaw na namang nagsalita si sir Pevensy.
"Yeah. You're sorry. Because of your STUPIDITY nawala ang mga estudyante mo! You're being irresponsible! Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ng mga estudyanteng iyon?! Instead of acting as a teacher you acted like a CHILD!"
"Mawalang galang na po sir, pero mali naman po atang pagsabihan niyo ng ganyan si ma'am---"
"Aria stop it." Kalmadong awat ni ma'am kay Aria pero 'di pa rin ito tumigil sa pagsasalita. Katabi ko lang siya kaya kitang-kita ko kung paano lumabas ang mga ugat niya. Senyales na naiinis na siya.
"No ma'am, kailangang malaman ng lalaking 'to kung gaano siya kamali! He doesn't even know the whole story. Kung makapagsabi siya ng STUPID parang hindi siya stupid. Because instead of asking us about what had happened he directly scolded us!"
"I said stop it," mahinang awat ulit ni ma'am pero parang wala pa rin ito kay Aria. Nakatingin na rin kaming lahat ng kaklase ko sa kanya. Si sir naman ay walang ekspresyong tinitigan si Aria habang nagsasalita ito.
"Bago PO kayo manghusga, alamin niyo muna PO sana ang istorya. Walang sino man ang may kasalanan sa lahat ng nangyari. Nasiraan kami kaya wala kaming choice kung 'di ang makitulog sa ibang bahay. Then night passed at nawala nalang bigla sina Alfred at Crystal. They're our friends so we choose to look for them. Then it all happened, nawala na sila. Tapos na po akong magsalita kaya pwede na kayong sumigaw hanggang sa mamatay kayo." Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng 'yon, padabog na siyang lumabas.
Sinakop ng katahimikan ang loob ng office. Hindi namin magawang tignan sa mata si sir Pevensy. And yeah you heard it right, siya ang ama ni Aria.
Pagkarating kasi namin dito sa baryong Narra, dumiretso na agad kami rito sa parang office ni sir Pevensy. Hindi siya ang principal ng school namin pero siya ang adviser ng Environmental Organization kaya ganito nalang siya kung umakto.
Napahilot na lang si sir sa kanyang sentido dahil sa inakto ng anak niya. Hindi naman spoiled brat si Aria, sadyang hindi lang talaga sila magkasundo ng papa niya.
"Heidi, sige na... I'm s-sorry. Pwede na kayong lumabas dito. Magpapadala na lang ako ng mga tao para hanapin ang mga estudyante mo." Kalmadong saad ni sir kaya tahimik na kaming lumabas ng office niya.
Nakakapanibago nga lang, ngayon ko lang nakita si Aria ng gano'n. At si ma'am Heidi, sumobra naman ata siya na hindi na niya magawang ipagtanggol ang sarili niya.
Tinungo namin ang tent na sinabi ni ma'am at siya naman ay tumungo na sa grupo ng mga teachers. Habang naglalakad kami ay hindi namin maiwasang hindi mailang sa mga tingin at bulong-bulungan ng mga estudyanteng madadaanan namin.
"Sila ba 'yon?"
"Oo, sila 'yon."
"Naku, nakakatakot naman ang nangyari sa kanila. Nawala pa ang ibang kaklase nila."
May nakahanda ng tent para sa aming lahat. Ang sabi ni ma'am three students kada tent, pero bawal magsama ang babae at lalaki. Nakita namin ni Anne ang isang tent kaya nakapagdesisyon kaming pasukin ito.
Pagpasok namin sa tent, nakita namin si Aria.
At umiiyak siya.
Sammy's POV
"Aaaaaaaaaahhhhhhhh!" sigaw ko saka tumayo para tumakbo. Halos mabaliw na ako dahil sa takot pero napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko ang sumigaw.
"T-teka Sam! Ako 'to! Si Crystal!"
Napalingon ako sa likod ko at inilawan siya gamit ang flashlight ko.
"Crys-tal?" Kunot noong tanong ko habang 'di pa rin tumitigil sa malakas na pagtibok ang puso ko.
"A-ako nga Sam," basag ang boses niya na parang kagagaling lang sa iyak. Unti-unti kong naaninagan ang kanyang mukha pati na rin ang kanyang suot. Nakabalot lang ang katawan niya ng white towel.
"Sira ulo ka, akala ko pa naman white lady ka. Tinakot mo pa ako," pabiro kong sabi kay Crystal pero bahagya lang siyang napangiti.
Nakaupo na kaming dalawa ni Crystal dito sa ilalim ng malaking puno. Sabi niya na magpakalayo raw kami sa ilog dahil delikado. Tinanong ko naman siya kung bakit pero sinabi niya lang na 'basta' kaya wala na akong nagawa kung 'di ang sumunod. Nagyakapan pa kami kanina habang umiiyak. Naiyak ako dahil sa naramdamang relief na makita siya at dahil may makakasama na ako dito sa madilim at masukal na gubat.
Nakatulala lang si Crystal, halata mong malalim ang iniisip niya. Binalot kami ng katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag nito.
"Akala ko kung ano na'ng nangyari sa inyo, asan na ba kasi si Alfred?" tanong ko sa kanya. Pero nagsisi ako, sana hindi ko na siya tinanong dahil nakita ko na lang ang bahagyang pagpatak ng luha niya. Kapansin-pansin ang pagdaloy ng luha nito sa kanyang pisngi kahit pa madilim.
"S-sorry," paumanhin ko at marahang hinaplos ang kanyang likod para mapakalma siya. Dahil sa tanong ko sa kanya, naalala ko na lang ang nakita ko kaninang umaga. S-sino ba'ng gumawa kay Alfred ng gano'n? Nandiri rin ako sa naalalang karimarimarim na anyo niya.
Kahit galit man ako, hindi ko parin maiaalis ang takot ko. Takot sa maaaring mangyari sa'min ni Crystal dito.
"Sam, p-patay na si Al-fred," sabi niya saka umiyak. Pinipigilan niyang hindi humagulhol pero nabigo siya. Rinig na rinig sa tahimik na gubat ang kanyang pag-iyak.
"Alam ko, tahan na." Saad ko habang hinahaplos ang kanyang likod. Napatingin naman siya sa'kin at pinunasan gamit ang kanyang palad ang luha.
"Alam mo?" Tumango lang ako sa kanya.
"Nakita namin siya kanina---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil umiyak na naman siya. Masakit para sa kanya ang makitang patay na ang kanyang boyfriend. Lalo pa't pugot na ang ulo nito.
Kinain muli ng katahimikan ang paligid at nang tumigil na si Crystal sa pag-iyak, ikinuwento niya sa akin ang lahat ng nangyari. Basag din ang boses niya habang nagsasalita.
Sinabi ni Crystal sa'kin na noong oras na bumalik kami sa bahay ni Manang Dolores ay nagpatuloy lang sila ni Alfred sa pagligo. Sabi niya, niyayakap lang siya ni Alfred at nalaman niya nalang na pugot na ang ulo nito.
Sa oras na nalaman niyang pugot na ang ulo ni Alfred, nagmadali siyang umahon sa tubig at nagsimulang tumakbo dahil may narinig siyang babae. Humahalakhak ang babae habang hinahabol siya nito.
Hanggang sa nadapa raw siya at nabagok ang ulo sa malaking bato kaya nawalan siya ng malay. Sa pagkakatanda ko, iyon din ang nangyari sa'kin. Hinabol kami ng nakaitim na nilalang at sa pagtakbo ko ay nabagok ang ulo ko sa bato. Kaya siguro nahimatay ako at nagkaroon ng sugat sa ulo.
Hindi ko alam kung sino o ano ang nilalang na humahabol sa'kin. I mean sa amin. At isa rin sa ipinagtataka ko ay kung bakit hindi niya kami pinatay o hinuli.
Namatay si Alfred, at alam ko na ang babaeng nakaitim ang pumatay sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit si Alfred at kung bakit siya ang una. Kung motibo niyang patayin kaming lahat bakit 'di niya pinatay si Crystal nang mahimatay ito? O kaya naman ako?
Nakasandal lang kami ni Crystal at pinipilit na matulog pero hindi kami dinalaw ng antok. Pati si Crystal ay dilat pa rin ang mga mata. Halatang malalim ang iniisip nito.
Hindi ako makatulog dahil sa mga katanungang bumabagabag sa akin.
Sino ang pumatay kay Alfred?
Ligtas na kaya ang mga kaklase namin?
Makakauwi pa kaya kami ng buhay?
Tinignan ko ang wrist watch ko at nalaman kong exactly 3:00 AM na. Pinilit kong pumikit dahil sa takot ko. May paniniwala kasi ang lola ko tungkol sa alas-tres ng umaga. Nanindig ang balahibo ko nang may marinig akong kaluskos.
Pinili kong huwag idilat ang mga mata ko dahil sa takot. Ramdam ko na ang mga butil ng pawis sa noo ko sa kabila ng ginaw. Halos hindi na rin ako makahinga dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
Nakarinig ako ng paghikbi sa tabi ko kaya napamulat ako ng mata. At bumungad sa akin ang umiiyak na si Crystal. Kitang-kita ko ang nangingitim niyang mata.
At nanindig na lang ang mga balahibo ko sa sunod na binulong niya sa akin.
"Wala na tayong takas."
"Mamamatay na tayo."
"Nandito na siya."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top