Kabanata 15

Anne's POV



"Takbo!"


Nagsitakbuhan kami kaagad nang marinig namin ang nakakabinging sigaw ni Andrew. Sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko, hindi namin nakita kung sino ang nasa likod ng halaman. Pero dahil sa takot naming lahat ay mabilis kaming napatakbo.


"T-teka guys, huminto kayo!" Sigaw ni Dexter pero patuloy pa rin kami sa pagtakbo.


"Guys! Nagkakamali kayo ng hinala! Walang multo, hoy!" Napatigil nalang ako sa pagtakbo nang maabsorb ko ang sigaw ni Dexter. Pati mga kasama ko sa takbuhan ay napahinto na rin at napalingon nalang kami kay Dexter. Nasa tabi na niya ngayon ang isang matandang lalaki.


Nagkatinginan naman kaming lahat. Unang naglakad si ma'am patungo kay Dexter at sa matandang lalaki kaya sumunod na rin kami. Nakita ko pa si Jason na napailing.


Inayos ko ang eyeglass ko saka nagpatuloy sa paglalakad.


"Nagkamali tayo ng hinala, eh hindi naman multo si manong eh," napakamot nalang ako pati ang ibang kasama ko.


"Ano palang ginagawa niyo sa gitna ng gubat mga bata?" Nagkatinginan na naman kaming lahat, bata pa naman kung titignan si ma'am kaya napagkamalan siyang bata.


"Uhm, manong naliligaw po kasi kami pwede niyo po ba kaming tulungan sa daan patungong bayan?" Tanong ni ma'am sa matanda.


"Oo naman, sa katunayan nga ay doon din ang punta ko. Bibisitahin ko lang ang inaanak ko."


"Naku, salamat po talaga manong. Kung 'di dahil sa inyo baka naligaw na talaga kami nang tuluyan," pagpapasalamat naman ni Aria na kumikislap pa ang mga mata nito.


"Walang anuman, saka niyo na ako pasalamatan kapag nakarating na tayo sa bayan. Halina kayo," saad ni manong at nagsimula ng maglakad kaya sumunod nalang kami.



***



"Manong sigurado po ba kayo na ito ang daan patungong bayan? Sabi niyo po shortcut ito, pero bakit parang kanina pa tayo naglalakad?" Reklamo ni Aria habang kinakamot ng bahagya ang kanyang kanang braso.


"Oo iha, malapit na tayo sa bayan. Konting lakad nalang at makakarating na tayo roon."


Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Aria. Habang 'yong mga kasama namin ay tahimik lang na sumusunod kay manong.


Bale nasa unahan lang namin si manong habang kami naman ay nakasunod lang. Katabi ko si Aria sa paglalakad habang si Anna naman ay umuna sa paglalakad katabi si Jason.


Nagpatuloy lang sa pagrereklamo si Aria hanggang sa narating na nga namin ang bayan. Maraming bahay at tindahan sa paligid kaya hindi naman maitatanggi na maraming tao sa paligid.


"Nandito na tayo mga bata, sinabi ko naman sa inyo na malapit na tayo," sabi ni manong habang nakangiti pa ito sa amin.


"Naku salamat po talaga manong, ang laki po talaga ng naitulong ninyo sa'min. Heto po, tanggapin niyo sana ang bayad namin," pahiwatig ni ma'am at may inabot na pera ngunit hindi ito tinanggap ng matanda.


"Hindi na iha, wala naman iyon sa akin. Itago mo nalang iyan," pagtanggi ng matanda saka tumalikod para maglakad ulit.


Wala ng nagawa si ma'am kaya binalik na lamang niya ang pera sa bulsa.


Sumasakit na rin ang likod ko dahil sa dala kong bag. Mabuti nalang at iniwan ko ang maleta ko sa bus kaninang umaga.


Sumunod lang kami kay manong hanggang sa nagpaalam na siya at pumasok na sa isang bahay. Nagtungo naman kami sa tindahan at bumili ng maiinom. Bumili nalang din kami ng junkfoods basta may makain lang.


"Thank goodness may signal na," masayang saad ni ma'am saka siya nagdial sa cellphone niya. Napatingin din kaming lahat sa kanya at pakiramdam ko rin ay para akong nabunutan ng tinik sa puso.


"Hello? Sir? Si ma'am Heidi po ito... Opo ... nasiraan po kasi kami ng bus ... " Hindi ko na pinakinggan si ma'am dahil nagpapakabusy na ako sa pagkain. Sobra lang kasi akong napagod at nagutom. Napansin ko rin naman na gutom na gutom din tulad ko ang mga kasama ko.


Dumaan ang ilang minuto hanggang sa naglakad na kaming lahat patungo sa kalsada. Napag-usapan daw kasi nila ma'am na sunduin nalang kami rito sa bayan.


"Ma'am! Ayun na po sila oh!" Excited na sigaw ni Andrew habang tinuturo ang paparating na bus at nakangiti pa ito ng malapad.


Excited kaming pumasok sa loob ng bus pero nagulat kami sa nakita namin sa loob.


"B-bakit kayo lang? Asan na 'yong iba? Nagpaiwan ba?" Sunod-sunod na tanong ni Ma'am Heidi pero napatahimik lang ang lahat. Pati kami na bagong pasok lang sa bus ay hindi makapaniwala sa nakikita. Apat lang kasi sila, kasama ang bagong driver, ang nandito sa loob.


Si Diana, Richard at Coleen lang ang nandito. Habang si Diana naman ay panay ang iyak habang nanginginig pa ito.


"Sumagot nga kayo, ano ba talagang nangyari? Nasaan na ang ibang kaklase niyo?" Natatarantang tanong ni ma'am sa kanila pero tahimik pa rin silang tatlo. umiiyak pa rin si Diana habang si Coleen at Richard naman ay nakayuko lang.


"S-si Christine p-po... N-nawawala ang bestfriend k-ko," putol-putol na sabi ni Diana habang humihikbi pa ito.


Nag-angat ng ulo si Coleen kaya napatingin kami sa kanya.


"May humahabol po kasi sa amin, hindi ko po alam kung anong hitsura niya o kung ano siya. Pero sigurado po akong nakaitim siya. At ... at ... nakita ko pong nakalutang lang siya ... si S-Sammy, ang bestfriend ko ... w-wala akong kwentang kaibigan ... iniwan ko ang bestfriend ko..." nagkatinginan nalang kaming lahat dahil umiyak na rin si Coleen kagaya ni Diana.


"Nagkahiwahiwalay kayo?" Tanong ni Andrew, binigyan naman siya ng masamang tingin ni Aria dahil sobrang halata ang tanong niya.


"Nagkahiwalay po kami, kaming tatlo lang po ang nakabalik sa bus," saad naman ni Richard.


"Si manong? Okey lang ba siya?" Nag-aalalang tanong naman ni ma'am at bahagyang napapikit.


"Okey lang po si manong ma'am, dumating na po ang ibang school staffs para ayusin 'yong nasira sa bus," mahinang sagot ni Richard. Pero kahit ganoon, hindi pa rin mawala sa aming sistema ang pag-aalala para sa mga kaibigan namin.


Medyo naiinis nga lang ako kay Sammy, pinahiya niya ako sa harap ng mga kaklase namin. Sinabi niya pa na diary ko 'yon eh hindi naman ako mahilig sa diary.


"Pinaalam niyo ba sa mga school staffs na nawawala sila?" Seryosong tanong ni Aria, pero halata mo ang pangamba niya.


"Oo, at may limang tao na ang nagpunta sa ilog. Sabi nila na may guide naman daw sila papuntang ilog kaya siguradong hindi sila maliligaw," sagot ni Richard saka kami natahimik.


"O siya siya, umupo na kayo. Subukan niyong makatulog para makarelax naman kayo," sinunod namin si ma'am kaya kanya-kanya na kami ng upo.


Tinignan ko ang wrist watch ko at nalaman kong 10:16 AM na pala. Hindi naman nagtagal at nakatulog ako sa posisyon ko kahit maraming bumabagabag sa isip ko.


Sana ligtas sila...



*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top