Kabanata 14
Aria's POV
Sa aming paglalakad patungo sa bayan ay nadatnan pa namin si manong driver na natutulog sa loob ng bus. Mabuti naman at walang masamang nangyari sa kanya.
Sinabi lang sa kanya ni ma'am na pupunta kaming bayan at nag-okey lang siya. Kaya andito na kami ngayon sa daan, naglalakad syempre.
Tahimik lang kaming lahat sa paglalakad, mga yapak lang ng aming mga paa at ingay ng mga insekto at ibon ang maririnig. Sa bilang ko, siyam kaming lahat kasama si ma'am.
Katabi ko sa paglalakad sina Anne at Anna, bale pinapagitnaan nila ako. Habang nasa unahan si ma'am at Dexter at pati na rin si Faith. Nasa likuran naman ang tatlong boys na sina Jetter, Jason at Andrew.
"Tingin mo matutunton kaya natin ang bayan?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Anne kaya napatingin kaming dalawa ni Anna sa kanya.
"Tiwala lang Anne, malalagpasan nating lahat 'to. Makakauwi rin tayo," sagot ko sa kanya kahit hindi ako sigurado.
"Tama 'yan, positive lang dapat tayo, tsaka I'm sure nahanap na nila Lim sina Alfred at Crystal," dagdag naman ni Anna habang nakangiti pa ito. Dahil sa sinabi niya, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ngumiti nalang si Anne saka kami natahimik.
Ibang-iba 'to sa mga naranasan ko sa buong buhay ko. Sa school kasi, halos 'di kami maubusan ng topic ng mga kaibigan ko habang naglalakad sa hallway o pathway o kaya naman habang tumatambay kami sa mini forest. Pero ngayon, iba na. Wala na kaming imikan dahil sa takot at pangamba na bumabagabag sa isip namin.
Pakiramdam ko kasi hindi na kami makakabalik pa ng buhay. Ayoko namang sabihin iyon sa mga kasama ko dahil magdudulot lang iyon ng pangamba sa lahat.
Siguro twenty minutes pa kaming naglalakad pero sobra na akong napapagod. Mataas na rin ang sikat ng araw dahil mag-aalas otso na ng umaga. Tagakatak na rin ang pawis ko sa noo dahil sa init.
Narinig kong nag-uusap lang sina ma'am sa unahan. Pati na rin ang tatlong lalaki, hindi ko nga lang maintindihan ang mga pinag-uusapan nila. Siguro mga boy's stuff.
Napatingin ako sa katabi ko at napansin kong napabuntong hininga nalang si Anna saka pinahid ang likurang parte ng kamay niya sa noo. Kinuha ko nalang ang cellphone ko saka ini-on ito, nagbabakasakali na may signal na.
Pero hanggang ngayon, wala pa ring signal.
"G-guys narinig niyo 'yon?"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang mahinang saad ni Jason. Napansin ko ring huminto na sina ma'am at Anna.
"Anong narinig?" Kunot noong tanong ni Dexter. Nagsimula nang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga ekpresyon nila.
"Ano ba, huwag nga kayong manakot." Saad ko sabay irap pero hindi niya ako pinansin.
"Ssssshhhhhh..." Pagpapatahimik ni Jason habang nakadikit ang daliri niya sa labi.
"Narinig niyo?" Pabulong na tanong na naman ni Jason sa amin. Halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang makarinig na rin ako ng ingay.
Napatahimik kaming lahat. Saka kami nagkatinginan. Kitang-kita ko sa mukha nilang lahat pati sa teacher namin ang pangamba at takot.
Napalunok nalang ako nang malaman ko kung saan nanggagaling ang ingay. Nasa kanang bahagi ng daan kaya napalingon kaming lahat dito.
Napalunok ako sabay dahan-dahang umatras nang marinig ko na naman ang ingay sa harap ko. Dahan-dahan na ring umatras ang mga kasama ko nang palakas nang palakas ang ingay.
Hindi ko maintindihan ang ingay na ito, parang kaluskos o yapak ng paa. Narinig ko na rin ang pigil na pag-iyak ni Faith, napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatakip sa bibig niya habang lumuluha.
Napalunok ulit ako nang maramdaman kong palapit nang palapit na ang ingay.
At sunod ko na lang narinig ang sigaw ni Andrew na umalingawngaw sa gitna ng gubat.
"Takbo!"
Lim's POV
Natataranta kaming tumakbo nang marinig namin ang nilalang na sumusunod sa amin. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito, dinaig pa ang isang tambol. Patuloy pa rin ako sa malakas na pagtakbo, wala akong pakialam kung ano man ang maapakan ko.
Ramdam ko na rin ang mga galos sa tuhod, binti at braso ko dahil sa masukal na gubat na ito. Tiniis ko na lang ang hapdi sa katawan ko dahil mas importante ang makatakas kami sa nilalang na sumusunod sa amin.
"Aray!" Narinig kong sumigaw si Christine at nakita ko siyang nadapa kaya mabilisan ko itong hinila patayo.
"Bilisan niyo! Bilis!" Natatarantang sigaw ni Adrian. Inalalayan kong tumakbo si Christine hanggang sa kinaya na niyang tumakbo.
Naririnig ko na ang paghikbi ni Christine habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Dumagdag din sa tindi ng kaba ko ang mga sigaw at tili ng mga kasama ko.
Hindi ko pinapakialaman ang mga sanga na tumatama sa tuhod, binti at braso ko sa pagtakbo ko. Patuloy pa rin kami sa pagtakbo hanggang sa nawala na sa pandinig namin ang mga sigaw.
Kahit hinihingal ay tumatakbo pa rin kami, tagaktak na ang pawis ko dahil sa pagod at kaba. Sumusikip na rin ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
"T-teka, hindi ko na k-kaya. A-ayoko na," reklamo ni Christine habang maluha-luha pa ang mga mata nito. Napahinto na rin kami sa pagtakbo ni Adrian. Nakatukod ang kamay naming tatlo sa aming tuhod habang habol namin ang aming hininga.
Napapikit nalang ako habang pinapakiramdaman ang lakas ng pintig ng puso ko. Sobrang lakas pa rin nito, pero maya-maya pa'y dahan-dahan na itong bumalik sa normal na pagtibok.
Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan saka nagdilat ako ng mata. Saka ko lang napansin ang kanina ko pa dapat napagtanto.
"N-nasaan na s-sila?" Kunot noo kong tanong saka ko inilibot ang aking paningin sa paligid. Hindi sila naimik dahil habol pa rin nila ang kanilang hininga.
Ngayon ko lang napagtanto na kaming tatlo nalang pala ang magkakasama. Ako, si Adrian at si Christine. Wala na ang iba pa naming kasama.
Nagpalinga-linga ulit ako at ang katahimikan lang ang nasa paligid. Ang mga huni ng ibon at ingay ng insekto lang ang tanging maririnig sa masukal na paligid.
Napalingon ako kay Christine nang marinig kong umiyak ito.
"W-wala na. Naliligaw na rin tayo, mamatay na tayong tatlo rito," halos tumagos sa buto ko ang sinabi ni Christine. Tama siya, malaki ang posibilidad na mamatay kaming tatlo rito.
"Huwag kang magsalita ng ganyan Christine, makakaligtas tayo. Hindi tayo mamatay, hindi ka namin pababayaan ni Lim." Saad ni Adrian saka siya tumingin sa akin.
Nakaupo na sa lupa ang dalawang kasama ko kaya umupo na rin ako sa tabi ni Christine.
"Tama ang sinabi ni Adrian Chris, hindi tayo mamatay rito. Makakauwi tayo ng buhay. Hindi ka namin pababayaan," tumigil na sa pag-iyak si Christine pero naririnig pa rin namin ni Adrian ang kanyang paghikbi.
"A-ano na kaya ang nangyari kay Diana? Sa ibang kaklase natin? Ligtas kaya sina ma'am? Nakarating na kaya sila sa bayan?" Sunod-sunod na tanong ni Christine kaya nagkatinginan nalang kami ni Adrian dahil sa pag-aalala.
"I'm sure ligtas sila Christ, magtiwala lang tayo sa kanila." Sagot ni Adrian.
"But first things first. We need to find our way out of this stupid forest," sabi ko saka tumayo. Napansin kong 'di pa rin sila tumatayo kaya nagsalita na naman ako. "Come on, we're running out of time. And time is fast approaching. Hindi tayo pwedeng gabihin sa gitna ng gubat na 'to."
Napabuntong hininga nalang ang dalawa kaya wala na silang nagawa. Akmang tatayo na si Christine kaya tinulungan ko na itong tumayo.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi na namin alam kung nasaan kami hanggang sa nakabalik kami sa ilog.
Nagpalinga-linga kami sa paligid para macheck kung nandito pa ang humabol sa amin kanina. Tahimik na rin ang paligid, tanging agos lang ng tubig ang maririnig.
Dahil alam na namin ang daan patungo sa bahay ni manang Dolores ay agad na kaming dumiretso rito. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa malapit na naming marating ito.
"Bilisan niyo, malapit na tayo." Saad ko sa kanila, nakayuko lang ang dalawa habang naglalakad.
Nang tumingin ulit ako sa daan, halos mabaliw ako dahil sa nakita. Pati ang dalawang kasama ko sa likod ay napasinghap na rin dahil sa gulat.
Nasa harap ulit namin ngayong tatlo ang ilog! Tila bumagal ang takbo ng oras nang makita ko ang parehong ilog.
"Hindi ba dapat, bahay na ito ni manang Dolores? Hindi kaya na---"
"Huwag mong sabihin 'yan," pinutol ko na ang sunod na sasabihin ni Adrian saka ako nagsimulang maglakad ulit.
"San ka pupunta Lim?" Tanong sa'kin ni Christine.
"Hahanap ng daan, halina kayo. Hindi tayo pwedeng sumuko."
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa daan na alam namin ngunit sa ikatlong pagkakataon, nasa harap na ulit namin ang ilog! Napaiyak nalang si Chrsitine pero 'di pa rin kami tumigil sa paglalakad.
Tinahak pa rin namin ang daan patungo sa bahay ni manang Dolores habang umiiyak si Christine at sa ikaapat na pagkakataon, nasa harap na ulit namin ang ilog!
Napaluhod nalang ako saka sumigaw dahil sa pinaghalong pagod, takot at galit. Malakas na rin na umiiyak si Christine.
"Wala na tayong takas. Naliligaw na tayo!"
"Mamamatay na tayo!"
*****
Nagkahiwahiwalay silang lahat. Ano na'ng mangyayari sa mga naligaw?
Please vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top