Kabanata 13

Diana's POV



Nagkakagulo na kami sa loob ng bahay ni manang Dolores dahil alas-singko na ng umaga ay hindi pa nakakabalik ang magsyota na sina Alfred at Crystal. Bakit ba kasi nagpaiwan ang dalawang 'yon?


"Bakit niyo sila hinayaan? Bakit niyo iniwan ang kaklase niyo?" Kalmadong tanong ni ma'am sa aming lahat. Ngunit kakaiba ang pagiging kalma niya, para na siyang kakain ng tao.


Lahat kami ngayon ay nakayuko dahil ayaw namin siyang harapin. At walang ni isa sa amin ang nagawang sagutin ang tanong niya.


"Sino ba kasing may pasimuno ng lahat ng 'to? 'Di ba pinagbawalan ko na kayong lumabas lalo pa't gabi na? Ha? Sino?" Pakiramdam ko'y gusto na kaming sigawan ni ma'am pero pinipigilan lamang niya ang sarili dahil baka magising pa namin si Manang Dolores.


Nandito kaming lahat sa kwarto naming mga babae, malaki ang kwartong ito kaya nagkasya kaming lahat. May iba na nakaupo sa kama habang nakayuko at ang iba naman kasama ako ay nakatayo lang sa harap ni ma'am.


Hindi namin magawang tignan ang aming guro dahil alam namin na kami ang may sala. Iniwan namin silang dalawa sa ilog.


"Adrian, sino ang may pasimuno sa nangyari kagabi? Sino?" Wala ng nagawa si Adrian kaya napatayo na siya habang nakayuko pa rin.


"M-ma'am kasi... kasi po... Nawawala kagabi sina Alfred at Crystal kaya nagsamasama kaming lahat para hanapin sila---" hindi na natapos ni Adrian ang sasabihin dahil sumabat kaagad ang tatlo.


"Ma'am hindi po ako sumama," - Jake.


"Hindi rin po ako sumama, natulog lang po ako kagabi," - Lucas.


"Ako rin po ma'am, hindi ako sumama," - Faith.


Napatingin si ma'am sa tatlong nagsalita saka niya tinanguan ang mga ito. Alam kong naniniwala si ma'am na nagsasabi ng totoo sina Lucas, Jake at Faith dahil sila ang mga mababait na estudyante sa section. Mabait naman si Anna eh, hindi nga lang siguro siya KJ kaya siya sumama.


"Iyong mga batang 'yon talaga, mga pasaway!" Saad ni ma'am, medyo napalakas na ang boses niya dahil sa iritasyon. Napaupo siya sa upuan sa likod niya saka hinilot ang kanyang sentido.


"Wala na tayong magagawa, nangyari na. At magsasayang lang tayo ng oras kung tutunganga lang tayo rito," saad ni ma'am habang nakapikit. Nagkatinginan kaming lahat dahil kumalma na si ma'am. Bumalik na 'yong dating teacher namin.


"Kailangan nating hanapin sina Alfred at Crystal. At the same time, kelangan matawagan na natin ang ibang teachers sa camp at---" hindi na natuloy ni ma'am ang kanyang sasabihin nang may biglang sumabat.


"Umalis na kayo rito!" Napatingin kami kay manang Dolores na kakapasok lang sa kwarto. Kapansin-pansin sa mukha niya ang pangamba at pag-aalala.


"P-pero nawawala po kasi ang dalawa naming---"


"Alam ko. Kaya ulamis na kayo rito! Hindi niyo alam ang ginawa niyo!" Napakunot naman ang noo naming lahat dahil sa sinabi ni manang Dolores.


"A-ano pong ginawa? Wala po kaming ginawa manang," pagtatanggol ni ma'am pero sadyang mapilit si manang.


"Basta! Umalis na kayo! Kung ayaw ninyong may mangyari sa inyong masama." Madiin ang pagkakasabi ni manang kaya wala na kaming nagawa, nakikisilong lang naman din kasi kami.


"Students, tara na. Kunin niyo na ang mga gamit niyo," sinunod na namin si ma'am kaya kanya-kanya na kami ng kilos. Napansin kong huminto si ma'am sa harapan ni manang.


"Manang, salamat nalang po pero pwede ko po ba kayong makausap sa labas?" Tanong ni ma'am sa matanda, pumayag naman si manang kaya lumabas na sila.



***



"Paano na po 'yan ma'am? Pinalayas na po tayo ni manang." Ngayon ay naglalakad na kaming lahat habang dala ang aming sariling gamit patungo sa bus.


"Hindi tayo aalis dito hanggat hindi natin nahahanap sina Alfred at Crystal. Kailangan nating mag-hiwahiwalay." Tumigil si ma'am sa paglalakad kaya napatigil na rin kaming lahat at nakinig sa susunod niyang sasabihin.


"Kailangan ko ng volunteers na sumama sa'kin sa bayan. Nakausap ko si manang kanina, sabi niya na isang oras ang lalakarin mula dito hanggang sa bayan. Kailangan kong matawagan ang mga teachers sa camp para masundo nila tayo rito. Sabi ni manang may signal na daw sa bayan. Kaya inuulit ko, sino ang gustong sumama sa'kin na pumunta sa bayan para makahanap tayo ng signal o ng telepono?"


"Ma'am ako po, sasama" - Aria.


"Sasama na rin po ako." - Jetter.


"Ako rin po." - Annabeth.


May apat pang sumama. Bali sumama sina Anna, Anne, Jetter, Jason, Andrew, Dexter, Aria at Faith. Kaya kaming mga hindi nagvolunteer ay ini-assign ni ma'am na bumalik sa ilog para hanapin sina Alfred at Crystal.


Marami kami ngayong naglalakad patungo sa ilog. Kami nila Sammy, Richard, Lim, Adrian, Christine, Claire, Mica, Coleen, Jake at Lucas.  Madali rin naman naming natunton ang ilog dahil malapit lang ito at natatandaan pa rin namin ang daan.


"Alfred!" Sigaw ni Lim habang nakapatong sa malaking bato malapit sa ilog.


"Crystal!" Tawag naman ni Coleen. Napansin ko lang na magkalayo ngayon sina Coleen at Sammy. Magbestfriends ang dalawa kaya nakapagtataka kung bakit parang malayo sila sa isa't-isa ngayon.


Patuloy lang kami sa paghahanap, nagkalat sa paligid ang mga basura namin kagabi. Hindi ko rin maiwasan ang kaba sa dibdib ko lalo pa't kaklase na namin ang nawawala. Naghiwahiwalay kami pero nakikita pa rin namin ang isa't-isa.


"Dito tayo Jessa," napalingon ako sa tumawag sa'kin. Baka nagtataka kayo. Diana ang pangalan ko at Jessa rin ang pangalan ko. Diana Jessa Montefalco.


Habang naglalakad kami ng bestfriend kong si Christine ay nagulat nalang kami sa narinig na tili ng kaklase namin.


"Si Mica 'yon!" Nag-aalalang sigaw ni Christine saka mabilisan kaming tumakbo sa pinanggalingan ng sigaw.


Nadatnan namin si Mica na ngayo'y nakayakap na kay Lim. Umiiyak siya habang panay ang panginginig. Hindi ko naman maiwasang mangamba dahil dito. Si Lim naman ay marahang hinahaplos ang likod ni Mica para mapakalma lamang ito.


Kahit natatakot sa ano mang maaari naming malaman. Natataranta naming tinungo ni Christine ang nakita nilang lahat.


Ngunit lubha akong nagsisi. Nakikita ko ngayon ang pugot na ulo ni Alfred!


Dilat ang nangingitim nitong mga mata na tila nakatitig sa akin. Nakabuka ang kanyang bibig at kapansin-pansin ang itim nitong ngipin.


Mabilis akong napatakip sa mata at tumalikod. Nakaririmarim ang tanawing iyon.


Narinig kong sumuka sina Claire at Sammy.


"U-umalis na tayo rito!" Sigaw ni Mica habang nanginginig. Basag na rin ang kanyang boses. Halos mapaiyak na rin ako dahil sa nakita.


"Aalis na ako! Bahala kayong maiwan dito!" Basag na sigaw ni Claire. Sinundan na namin siya ngunit napatigil kami sa paglalakad nang makarinig kami ng yapak ng paa.



Nandidilat ang mga mata ko habang dahan-dahan akong napatingin sa paligid. Tila nanggagaling sa bawat sulok ng gubat ang tunog.


Sunod naming narinig ang nakakakilabot na kaluskos. Hanggang sa nakarinig na kami ng ungol kaya mabilisan kaming tumakbo.



"Nandito na siya..."





"Tumakbo na kayo!"



*****



Anong masasabi niyo sa update?

Haha. Please vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top