Kabanata 10

Annabeth's POV




Natahimik kaming lahat nang marinig namin ang nagsalita. Kitang-kita ko sa mukha ng babae ang gulat, takot at pangamba. Akala ko wala ng magsasalita, mabuti nalang sumagot na si ma'am.


"Uhm, sorry po manang. Nasiraan po kasi kami sa daan at wala na po kaming alam na matutuluyan. Itong bahay niyo lang po ang nahanap namin, kaya sana po pagbigyan niyo na kami. Kahit ngayong gabi lang, delikado na po kasi sa daan."


Namayani ulit ang katahimikan sa loob ng lumang bahay. Inilibot ng matandang babae ang kanyang mga mata at parang isa-isa niya kaming tiningnan. Parang napaisip siya na wala na siyang magagawa kaya napabuntong hininga nalang siya.


"Kumain na ba kayo?" Dahil sa tanong na iyon ng babae, naramdaman ko ang pagreklamo ng tiyan ko. Hindi pa pala kami kumakain.


"H-hindi pa po eh, nasa camp po 'yong dinner namin," sagot ni Mica.


"O siya, ibaba niyo na ang mga gamit niyo at maghahanda ako ng makakain niyo."


"Ah. Tulungan na po namin kayo," biglang sabat naman ni ma'am. Napalingon si manang saka tinitigan si ma'am bago nagsalita.


"Sige," saad niya at dumiretso na ng lakad.


"Halina kayo girls,.. and boys bawal ang mag-ingay at bawal magkalat."


"Yes ma'am."


Labin-dalawa kami kasama si ma'am ang nagprepare ng dinner. Namangha nga ako kasi nasa gitna ng kagubatan ang bahay na 'to pero ang raming stocks ng pagkain si manang Dolores. Nagpakilala kami sa kanya kaya sinabi niya na Dolores ang pangalan niya.


Mahigit isang oras din ang lumipas bago kami natapos sa paghahanda ng makakain. 11:03 na ng gabi noong nagsimula na kaming kumain. Ang ibang lalaki, nakaupo sa lumang sofa habang kumakain at ang iba naman kasama kami ay nakaupo sa mesa.


Naging okey naman ang dinner kahit sobrang late na. Napagana nga ako ng kain eh, mabait din naman pala si manang Dolores nagulat lang daw siya nang makita niya kami.



Habang kumakain, naligaw nalang ang paningin ko sa second floor ng bahay. At may naaninag akong bata na nakasilip. Napansin siguro ng batang lalaki na nakatingin ako sa kanya kaya tumakbo siya para magtago.


"Anna? Anong tinitingnan mo?" Narinig kong tanong ni Aria sa akin kaya napatingin nalang ako sa kanya.


Napansin ko ring nakatingin na pala ang iba sa akin, lalong-lalo na ang tingin ni manang Dolores. Parang may kakaiba sa titig niya.


"W-wala, may iniisip lang." Pagkasabi ko nun, hindi na nila ako pinansin.


Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa second floor para sa kwarto na tutulugan daw namin. May tatlong floor ang bahay ni manang Dolores. At pinagbawal niya sa amin na umakyat ng third floor. Wala namang nagtanong kaya ilang minuto lang ay settled na kami sa kwarto.


May apat kasing kwarto, at since 22 kaming lahat, 12 girls at 10 boys, divided kami into four rooms. Double bed ang bawat kwarto kaya hindi kami magsisiksikan. Malaki rin kasi itong bahay. Kasama ko sa kwarto si Aria, Anne, Faith, Mica, Christine at Jessa.


Tabi kaming tatlo nina Aria at Anne sa pagtulog dahil ayaw naming mahiwalay sa isa't-isa. At sa upper part naman sina Christine, Mica at Jessa.


Sandali lang kaming nag-usap at dahil sa pagod mabilis kaming nakatulog.




Sammy's POV


"Best bumalik na kaya tayo sa loob."



"Shhhhh," pagpapatahimik ko kay Coleen. Ang ingay niya kasi.


"Best, sige na balik na tayo. Baka kasi mahuli pa tayo ni manang," saad niya ulit. Halata ko sa kanya na natatakot siya. Lumapit pa siya sa'kin saka kumapit sa braso ko. Umirap nalang ako saka nagpatuloy sa pag-akyat sa third floor.


Nagtataka lang kasi ako kung bakit niya kami pinagbawalan na umakyat dito sa third floor. Ano ba kasing meron dito?


Nalaman namin ni Coleen na may isang kwarto pala rito sa third floor, dahil nga sa curiosity namin, I mean ko ay tinungo ko ang pinto. Aabutin ko na sana ang pinto nang bahagya itong bumukas. Gumawa pa ito ng nakakakilabot na tunog.


"Sammy, umalis na tayo rito. Natatakot na ako," mahinang saad niya sa akin na takot na takot na at ikinainis ko naman ito.


"Ano ka ba, hangin lang 'yon okey. Lika na," sabi ko sa kanya saka ko siya hinila papasok sa kwarto.


"Noooooo..." reklamo niya pero wala na siyang nagawa dahil nahila ko na siya sa loob.


Madilim sa loob kaya binuksan ko na ang flashlight ng cellphone ko. Pagkabukas ko nito, bumulaga sa harap namin ang nakatayong babae. Napasinghap kaming pareho ni Coleen. Mahigpit siyang napakapit sa akin at bumilis namang bigla ang tibok ng puso ko.


Pero kinalaunan ay narealize ko na sariling repleksiyon lang pala namin sa salamin ang aming nakita.


"Hoy Coleen, tanga eh tayo lang 'yan oh," suway ko pa sa kanya habang hinaharap ang ilaw ng cellphone ko sa salamin.


Inilibot ko ang aking paningin at napag-alaman kong simpleng kwarto lang naman ito. May malaking kama, malaking kabinet at bedside table.


Naagaw ng pansin ko ang nakatayong picture frame sa bedside table kaya lumapit ako rito. "Best, bumalik na tayo." Nanginginig na sa takot si Coleen habang nakakapit pa rin sa akin.


"Saglit lang 'to," saad ko at kinuha ang picture frame. Wala namang kakaiba sa litrato, simpleng family picture lang. Binalik ko na ang frame at naagaw naman ng pansin ko ang isang lumang notebook.


Napakunot ang noo ko nang malaman kong diary ito.



Binuksan ko ito at kasabay ng pagbukas ko ang biglaang pagsara ng pinto!




*****

Gusto niyo ng patayin guys? Kapit lang kayo, malapit na tayo sa patayang 'yan. Lol.

Don't forget to vote and comment.

God bless.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top