Kabanata 1

Anna's POV


"Have you ever wondered how powerful words are?"

"Only the unwise disregard what words can do."

"For have not words toppled kings?"

"Destroyed kingdoms?"

"Changed the course of history?"

"Shaped the destinies of men and nation?"

"Even today, we are bombarded with words. Words in newspapers and magazines, on radio and TV, on billboards, in the mail, on road signs, on automobile stickers, on banners..."

"All these words try to influence us or persuade us to take some kind of action."

"Words, as a communication tool, can---"

Kanina pa ako nakatayo sa labas ng room. Kaharap ko ang pintuan na may naka-label na Alpha-IV. Hindi ko naman magawang pumasok at baka masigawan ako ng teacher. Mukhang strikto pa naman ito.

2 weeks na ang dumaan mula noong first day of school. Hindi agad ako nakapasok sa first day of school dahil kakalipat lang namin ng bahay at nagkasakit din si mama. Ako ang nag-aalaga kay mama sa hospital dahil busy si papa sa company namin. Wala rin kasi kaming kamag-anak dito.

Narinig kong tinawag ako ng teacher kaya pumasok na ako agad.

"Oh, I'm sorry I didn't notice. Please, come on in."

Nakakahiya. Nakatingin ang lahat ng estudyante sa akin. Umiwas ako sa mga titig ng mga kaklase kong ito.

"I believe you are Annabeth Fernandez? And no need to explain, I already know. Please tell us about yourself."

Magsasalita na sana ako pero may pinahabol pa si sir.

"And just to remind you, this is your English class."

Marahan lang akong tumango saka nagsimulang magsalita. Sinikap kong huwag mautal dahil sa kaba. Nasa top section ako kaya 'di dapat ako mapahiya sa mga geeks dito.

"H-hello everyone! I am Annabeth Jin Fernandez, 16 years old and about to turn 17. I guess I can't live without coffee. I love English but I hate grammar. I love math when it doesn't have letters, just numbers. Uhmm ... what else?... Hobbies? Well, I love reading books. Dan Brown. Stephen King. Nicholas Sparks. Patricia Cornwell ... Their works are really awesome, insightful and compelling. Nicholas Sparks? His works are intellectually existential, electrally ebullient love stories that brilliantly melds the ridiculous with realistic."

Napansin kong napanganga ang mga kaklase ko. Ang iba naman ay nakangiti. Meron namang nakasimangot.

"Oh ... I'm sorry, just to tell you. Talking is my talent so ... Uhmm ... Sorry."

"Well, wow. I like that. Interesting. Annabeth, you may now take your sit." Sabi ni sir saka ngumiti, ay! Ang gwapo niya!

Mabilis kong tinungo ang bakanteng upuan sa likuran, iyong sa may bintana banda. Para kita ko ang tanawin. As usual, umiiwas ako sa mga tingin ng mga kaklase ko. Nakakahiya naman kasi ang ginawa ko. Ang OA naman kasi ng dating ng pagpapakilala ko. Pwede naman sanang pangalan lang ang sinabi ko.

Nagpatuloy lang sa discussion si sir. Hindi ko rin kilala kung sino siya. At gaya ng nakararami, ang boring sobra. Pero titiisin ko nalang ito. Tutal fourth year na ako. Hindi na ako inabot ng K-12.

Sa first section ako kaya paniguradong mga matatalino ang mga kaklase ko rito. Pasimple akong tumingin sa paligid at nalaman kong talagang nakikinig sila sa mga sinasabi ng English teacher namin. May iba pa na grabe kung maka-take note.

"Uhmm ... Hi. Ako nga pala si Aria."

Napalingon ako sa katabi ko nang marinig ko siya.

"Ha?"

"Sabi ko ako si Aria. Nice meeting you Annabeth." Nagtatago siya sa likod ng upuan na nasa harap niya. Nag-wave pa siya para mag hi.

Ang cute niya naman. Takot mahuli.

"Ms. PEVENSY! Wanna say something?"

Nandilat ang mga mata ni Aria saka nag-angat ng ulo. Lagot na! Nahuli pa siyang nakikipag-chikahan.

"Ah. Sir. Sorry, joke lang naman po eh."

Tiningnan lang siya saglit ni sir saka ito sumulat ng kung ano sa parang sticky note.

"Rules are rules. You're not allowed to use any language except english during my class. So please Ms. Pevensy get---"

"Okay sir," hindi na natapos sa pagsasalita si sir dahil tumayo na si Aria saka mabilis na lumabas dala-dala ang gamit niya.

"Bye-bye Anna! Usap tayo maya ha." Mahinang sabi niya saka nag-wave sa akin. Bago tuluyang umalis, hinarap niya muna ang teacher namin saka nag-bow. Loko talaga 'yong babaeng 'yon. Hindi ba siya natatakot?

Pero mukhang mabuti naman siyang maging kaibigan. Nakakatuwa nga eh, siya ang unang nag-approach.

Nagpatuloy lang sa boring na discussion si sir hanggang sa nag-bell na.

Natapos ang first day ko sa school na walang kahirap-hirap dahil hindi naman ako nakinig. Nag-usap lang kami ng kung anong bagay ni Aria. Nakakatuwa nga siyang kausap eh. Saka ako umuwi.

*****

Bago ako tuluyang nakapasok sa bahay ay naagaw ng atensiyon ko ang kapitbahay namin. May matandang babae ang nagwawalis sa tapat ng lumang buhay. Nakaitim na bestida ang matandang babae. Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya ay natataranta siyang pumasok sa bahay niya.

Anong meron? Gano'n na ba ako kapanget para matakot siya sa'kin?

Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na naghuhugas ng pinggan. May katulong kami pero siya ang naghuhugas.

"Hi mommy."

Lumapit ako sa kanya para ikiss siya sa pisngi pero umiwas siya kaya hindi ko siya na kiss.

"Kumusta ang first day?" she said while busying herself, pretending to be busy."

"Okay lang po ma. Sige po, akyat na 'ko sa taas," sabi ko at dumiretso na sa kwarto.

Bata pa lang ako, hindi na maganda ang pakikitungo ni mama sa akin. 3 years old ako noong namatay ang twin sister ko. Ako ang sinisisi ni mama sa pagkamatay ni Emma kaya ganoon nalang ang pakikitungo niya sa akin.

May third eye ako, at isa rin daw ito sa dahilan ng pagkamatay ng kambal ko. Alam kong totoong may third eye ako. Dahil normal na sa akin ang makakita ng mga ligaw na kaluluwa. Alam ko rin na ang pagkakaroon ko ng third eye ay isang sumpa. Huwag na nga nating pag-usapan 'yan.

Nagpalit na ako tsaka kumain ng dinner. At nakahiga na ako ngayon sa bed ko habang naglalaro ng Color Switch. Hindi ko namalayan na low bat na pala ang cellphone ko hanggang sa nag-warning na ito na 1percent na lang.

Nag-ninja moves agad ako para kunin ang charger ko, pero huli na dahil nag-dead bat na talaga siya.

"Haysh!" pagmamaktol ko at nilagay nalang ang cellphone ko sa bedside table. Bukas ko nalang ichacharge ito.

Pinatay ko na ang ilaw at sa pagpatay kong iyon ay lumitaw ang pigura ng babaeng nakaputi sa harap ko. Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatingin sa babae.

Malungkot ang kanyang mukha. Kahit sanay na akong makakita ng multo ay hindi pa rin nawawala sa akin ang takot.

Nandilat ang mga mata ko nang lumutang palapit sa akin ang babae. Napaatras ako hanggang sa nakasandal na ako sa headboard ng higaan ko.

Pumikit ako at pabulong na nagdasal. Alam kong nasa harap ko lang ang babae. Nanindig pa rin ang mga balahibo ko sa braso at batok. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

"Please, layuan mo na ako," pabulong kong sabi at nagdasal na naman.

Maya-maya pa'y nawala na ang panlalamig ko. Nawala na rin ang presensya sa paligid. Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko kahit pa alam kong wala na ito.

Nakapikit pa rin ako hanggang ngayon. Malalim ang mga hiningang hinuhugot. Masikip pa rin ang dibdib ko.

Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang kong idinilat ang mga mata ko. Alam kong wala na siya.

Ngunit nagulantang ako! Nandilat ang mga mata ko nang malaman na kaharap ko na ang babae!

Ilang inch lang ang distansya ng aming mukha. Hindi ko magawang pumikit dahil sa takot ko. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Nakita kong umiyak siya. Imbes na luha, dugo ang umagos sa mata niya!

Noong hindi ko na kinaya ay nagtalukbong na ako ng kumot. Mabilis at mabigat ang paghinga ko. Pumikit ako. Sumakit na ang mga mata ko sa higpit ng pagkakapikit ko.

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Nagdasal ako. Gusto kong sumigaw pero parang may pumipigil sa akin. Hanggang sa napaluha na lang ako.

May naramdaman akong galaw sa tabi ko. Naramdaman kong may dahan-dahang humiga sa tabi ko. At alam kong ang babae ito. Nakatalikod ako sa kanya.

Biglang may humila ng kumot ko. Mahigpit kong hinawakan ang kumot ko pero nawala pa rin ito sa pagkakatalukbong sa akin.

Nanlamig ang buong katawan ko! Pakiramdam ko'y wala na akong mapagtataguan. Sobra na akong nanginginig dahil sa takot.

Malamig. Malamig ang kamay na humawak sa kanang braso ko. Ramdam ko ang lamig ng kamay na ito. Ang kamay ng babae!

Umalingawngaw sa paligid ang iyak ng babae. Pigil ang luha ko pero patuloy pa rin ito sa pag-agos.

Lalong lumala ang takot ko nang magsalita ito.



"Iniwan nila ako."

"Ayoko nang mapag-isa."

"Sasamahan mo ba ako?"

"Pwede ba akong matulog sa tabi mo?


*****

Hanggang dito na lang muna.

Aria Pevensy - isa siya sa mga readers at at writers dito sa wattpad.

Haha. God bless guys.

And please vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top