minsan naiisip ko . . .

minsan naiisip ko . . .
ni D. Lavigne

minsan
naiisip ko
kung ano bang
pakiramdam
nang magsulat
ng ganitong tula.
mababa pala
ang tono nito
dahil sa maliliit
na letrang ginamit.
hindi madaling
mabasa ang
emosyong dala.
hindi masabi
kung seryoso ito
o lokohan na.
kalmado lang
ang dating
ng bawat linya
kung saan
limitado lang
sa isa, dalawa,
o tatlong salita.
sapat para
makahinga ang
mambabasa.
sapat para
magkaroon ng
pagbagal at
paghinto para
maintindihan
ang nilalaman.
masaya rin
naman pala.
nakakatuwa.
isa itong
bagong karanasan
para sa akin
sa patuloy kong
paglalakbay
sa mundo
ng mga makata.
at kung
tatanungin ako
kung magsusulat
pang muli
sa ganitong
porma,
depende siguro
sa paghinto
at paghinga
na kailangan
ng mismong tula
para magkaroon
ng pagdidiin
sa pinupunto.
depende siguro
sa kasalukuyang
takbo ng panulat
na magdidikta
kung kailan
mabagal o mabilis
ang pagbabasa.
at depende siguro
sa bilang ng
blangkong papel
na ipagkakatiwala
sa akin para
dumihan ng tinta
at bigyan ng
makabuluhang obra.
naiisip ko lang
gawin ito dati,
ngayon natupad na.
isang patunay na
walang limitasyon
ang masining
na pagsusulat
at puno ng
kalayaan ang
makulay at
masayang laro
ng mga salita.


February 29, 2020

Laro ng mga Salita by D. Lavigne

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top