PROLOGUE

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Any names, characters, business, places, events and incidents are either the products of author's imagination. Any resemblance oh actual person living or dead or actual events is purely coincidental.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Anak mag-iingat ka lagi dun, yung sarili mo ha." Sabi sa akin ni Nanay at niyakap ako nang mahigpit.

"Ano ka ba nay, magiging ayos lang ako. Ako pa." Mayabang kong sabi, ang loko loko ko namang kapatid, binatukan pa ko.

"Hayop ka talaga." Sabay ganti ng batok sa kanya. Si Tatay naman mapait na napangiti. Hindi siya kumukibo habang papunta kami ng airport. Alam kong nahihirapan din siya sa pag-alis ko, ngayon lang naman kasi ako malalayo sa kanila.

Sabay-sabay silang nag-wave ng kamay, natawa na lang ako sa nakita at dahan na dahan na tumalikod. Pasimple akong napatingin sa kanila na nandoon pa din sa labas at nakatanaw.Gusto ko pa kasi lubusin na nakikita ko pa sila sa personal. Ang hirap pala pag-aalis ka, ang bigat bigat sa loob. Sabi ko pa noon, pag nakalayo ako, hindi ko sila mamimiss. Pero lintik! Wala nasa airport pa lang ako mamimiss ko na sila.

Mamimiss ko ang murahan naming magkapatid, yung adobo ni Nanay at ang malupitang sermon ni Tatay.

Napabuntong hininga ako habang hila-hila ang trolley ko. Masyadong mahirap sa akin ang pag-alis. Iniisip ko ang mga taong iiwanan ko, pamilya ko, kaibigan ko. Noon desidido akong tumuloy, ngayong nandito na ako, kinakabahan naman na ako.

Ang sarap sarap magback out! Gusto ko nang tumakbo palabas ng NAIA. Pero hindi pupwede nandito na ako, kailangan ko nang gawin ito para sa pamilya, para sa pangarap ko.

Bigla ko din naalala si Allen.

I just wished to be feel free by travelling alone, though magiging Malaya rin naman ako pag nasa Oman na ko. Pinagkaiba lang, doon magtratrabaho ako, doon sa Pampanga, I feel literally free, yung palakad lakad sa tabi, travelling and what makes it more special noong nakilala ko siya.

I did not expect that to happen, sa loob ng dalawang linggo na kasama ko siya. Masasabi ko na masaya ako.

Medyo masungit nga lang siya noong una, pero carry lang. Mabait naman siya inside, ang hirap nga lang niya kilalanin. One thing for sure, we both seek love and comfort.

I remember one time the first time we met sa isang fastfood chain. Ang sungit niya pa sa akin dahil napagkamalan niyang kinuha ko pa ang payong niya.Tapos para kaming tanga na nabasa ng ulan noon.

Our late night walks sa Angeles, lalo na sa food street! Pakiramdam ko nanaba ako dahil halos araw-arawin na naming doon.

But thing I would not forget, sa skyranch. Nasa Ferry's Wheel kami noon. We both holding hands while having the view of the whole theme park. Sobra akong nalilibang sa mga ilaw doon.

"You are very important to me Lara." Nagtataka akong napatingin sa kanya. Why all of the sudden sasabihin niya lahat sa akin ito, bakit ngayon pa, kung kalian malapit na akong umalis. Walang nagsasalita sa aming dalawa, we are both staring in each other's eyes. His almond eyes never fails to mesmerize me. Malaking turn on talaga sa akin pag brown ang mata. Mabilis na akong naghumerentado nang mapatingin siya sa mga labi ko.

Oo hindi pa ako nagkakajowa, pero hindi naman ako ganoon kainosente para hindi ma-gets ang balak.

Mas nagwala pa ang mapanlinlang kong puso nang mas mapalapit pa ang mukha niya sa akin. Para na akong natuliro, hindi na ako makagalaw, napako ang tingin ko pababa sa kanyang mga labi, hanggang sa napapikit na lang ako at naramdaman ang pagdampi ng kanyang labi sa akin.

Totoo bang hinalikan niya ako Shet! First kiss to ito tangina! Ano ang gagawin ko, should I respond? Hindi naman ako marunong na humalik.!. It is just a long smack kiss. It is just a simple kiss and yet nagwawala na ang Sistema ko. Gustong-gusto ko nang magpagulong-gulong sa kilig.

Bahagya siyang lumayo sa akin at itinapat ang noo niya sa nook o. He genuinely smiled at me, while his eyes still into mine.

"I love you Lara." He whispered.

What does he say? Teka naman nanaginip lang yata ako e. Pasampal naman.

His eyes widened when I kissed him back. It is more passionate, when he move his lips and I also moved in the same motion, mabagal lang. It's my instinct to do that. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa, basta gusto ko siyang halikan uli!

"What is that for?" He said panting for air.

"Hindi ba obvious? I love you too." Napakamot pa ako ng ulo. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng mapagtanto ang nangyari. Talagang umisa ka pa! Hindi na tuloy ako makatingin na diretso. Ang manyak Lara ha.

Allen held my chin to face him, then he insist the kiss again. Sinadal ko ang parehong kamay sa kanyang balikat. I followed how his lips moves. This is my first time, pero parang nasasanay na ko. Bumaba ang kamay ko sa kanyang dibdib, at naramdaman ang pagtibok din nito.

I know those beats are for me.

I really I love you too Allen Alvarez

We both gasping for air, when the kiss ended. Sabay na lang kami na natawa na dalawa na para kaming may kalokihan na ginawa.

Kung kalian naman malapit na akong umalis saka ganito, paano na? Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi.

Isang sabi lang niya, mananatili ako dito. 

"Gusto mo ihatid kita sa airport." Aniya at hinawakan niya ang kamay ko. Nandito kami sa bus terminal dahil kailangan ko nang umuwi ng Nueva Ecija.

"Hindi na, kapag nakita kita baka mag-back out pa ko." Umiling lang siya.

"Huwag mong gawin yun, you need it to be there Lara, pursue your dreams." Napabuntong hininga ako,at pinunasan ang pagtulo ng luha ko. Nasa harap ko na rin ang pangarap ko. Ayoko nang umalis sa totoo lang. Shet! Pigilan mo naman ako, Isang sabi mo lang mananatili ako dito sa Pilipinas.

Isang sabi lang talaga.

Or pwedeng magpaextend kahit one hour! (Lara ang buhay ay hindi internet café na pwedeng pagpaextend ng oras!"

"I am always here for you Lara, even if we're apart."

Napailing ako sa naisip.

Minsan talaga may mga bagay na gusto natin, pero hindi natin pupwede makuha. Pwede namang hindi muna nakalaan para sayo, pero balang araw ipagkakaloob din naman na mapasayo.

"Passengers of Flight 101 bound to Muscat,Oman please come aboard.Passengers of Flight 101 bound to Muscat Oman, please come aboard."

Tumayo ako nang marinig ang flight announcement.

Mariin akong napapikit habang papasok ng boarding Area. May mga taong sadyang dumaan lang sa buhay natin. Hindi man sila permanente na nagtatagal, pero mahirap kalimutan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top