Chapter 9
"Lara!" Masayang bungad sa amin ni Tita Maris nang pumasok kami sa loob ng bahay. Kahit papaano namiss ko rin yung ambiance ng bahay nila. The vintage feels na para kang nasa Spanish period.
Nakakatawa lang dahil ako pa ang inuna na yakapin ni Tita Maris kaysa sa pamangkin niya. Para na akong part ng family nila kahit kakikilala nila sa akin. Maya-maya pa tumapat si Tita kay Allen at nakapamewang pa siya sa harap nito at makahulugan nang nakatingin sa kamay naming dalawa.
"Talaga naman! Sinasabi ko na nga ba!" Tuwang tuwa pa niyang sabi. Para kaming napasong dalawa sa pareho naming kamay at agad na naghiwalay. Huli na rin naman dahil kitang kita ni Tita!
"Hindi girlfriend Allen ha."
Naghihintay ng isasagot si Tita Maris, pero nagngitian lang kaming dalawa, Ano nga ba kami? Kunot na kunot na ang noo ni Tita habang naghihintay ng sagot namin.
"Mga batang to,O sya! Nasaan salubong ko." Aniya at nakalahad na ang kamay kay Allen.
"Makakalimutan ko ba Tita, ito ay additional magnets sa ref." Masayang sabi ni Allen, medyo ilang pa siya at hindi makatingin ng diretso kay Tita Maris. Tapos inabot na kay Tita yung paper bag. Simple akong napatingin sa ref nila, tadtad ito ng mga ilang ref magnets galing sa iba't ibang lugar.
"Yun bilin ko sinunod mo ba?" Kahit ako sa sumabay sa pagkunot ng noo ni Allen, habang siya nakapoker-face pa! Anong bilin? Wala din ako maalala. Lalo pa at nagpabalik-balik pa ang mapanuring tingin niya sa aming dalawa na parang mayroon kaming ginawa na kababalanghan.
"Ano Tita?" Umirap lang siya sa pamangkin at tumapat sa akin.
"Lara may ginawa bang di kanais-nais tong pamangkin ko." Hinawakan niya yung isa kong kamay. "Baka mamaya diyan.. Nako talaga!"
Naalala ko lang yung hinalikan niya yung noo ko. Pero tingin ko wala naman masama dun. Ang sweet nga, kung sa labi ako mahalikan, baka hindi ako makatingin ngayon ng diretso kay Tita Maris.
"Lara ba't ka naman nakangiti diyan?" Napakurap-kurap ako nang matauhan. Tumuwid ako ng tayo saka sumagot.
"Don't worry tita, inalagaan naman ako ni Allen." Naniningkit pa ang mga tingin ni Tita Maris na parang nainimbang kung totoo ang sinabi ko o hindi. Pero totoo naman kasi, inalagaan niya ako, actually simula nang magkita kaming dalawa dito sa Pampanga naging responsibilidad niya ako. Sinusuri pa rin niya ako ng kanyang mga tingin, pakiramdam ko para kaming nasa court, at kami yung sinusuring criminal. Hanggang sa ngumiti na siya sa akin.
At doon na ko nakahinga ng maluwag!
"Nako dapat lang! Kundi lagot siya sa akin." Sinamaan niya pa ng tingin si Allen. "O siya kumain na kayo lovebirds" Dagdag pa niya sabay kindat.
Nangitian pa kami saglit, bago sumunod kay Tita. Para kaming nagkasundong dalawa kahit hindi pa kami nagsasalita, Paano naman kasi parang nagkakatotoo na ang mga banat sa amin ni Tita. Akalain ba naman kasi aabot sa ganito.
Nagluto si Tita ng Adobo, tapos may nilagang talbos ng kamote saka bagoong kaya agad akong natakam. Bakit ba naman kasi huling-huli ni Tita yung mga gusto kong ulam!
"Lara, hindi ka ba pinakain ni Allen at parang gutom na gutom ka."
Oops. Masyado yata ako naexcite sa pagkain. Masyado na ang pagiging feel at home ko dito.
"Hindi Tita, masarap po kasi talaga ang luto niyo po." Nahihiya pa kong ngumiti. Hindi naman kasi sa feeling patay gutom ako or what. Kasalanan talaga ni tita at nasisira ang diet ko!
"I know right hija, ako yata ang pinakmasarap magluto dito sa Angeles." Buong pagmamalaking sabi ni tita, which is totoo naman at sobrang sarap. Pang bonggang restaurant ang dating!
"Kamusta naman ang lakad niyong dalawa, did both of you enjoy?"
"Of course tita! Ang ganda sa Pinatubo saka sa Clark."
"Correct! Ang ganda ng development sa Clark! Imagine madami pa ding greens and preserved pa din yung mga historical landmarks doon gaya nung Fort Stotenburg."
Bigla akong natahimik, how could I forget this place. Yes maganda siya, Lakas makaibang bansa. Its buildings na parang Old America style and how beautiful the trees there na para siyang nakaayon sa lugar.
How could I forget that place, where Allen confessed, at dahil pa dito parang ayoko nang umalis pa ng Pilipinas.
"It's really good you are enjoying Pampanga! Good thing kasama mo si Allen, if you stay longer pa, madami ka pang makikita.
I wish that too.
Pero pwede naman ako bumalik. Oo, babalik talaga ako dito.
Hanggang sa natigilan ako sa naisip ng biglang may kumatok sa may pinto. Pare-pareho kaming napatingin nang mag sunod sunod pa itong kumatok.
"Sige na, ako na dito." Sabi ni Tita at tumayo, akmang susunod din si Allen nag pigilan siya nito.
"Tita, samahan na kita."
"Ako na sabi, samahan mo na lang si Lara."
"Ok lang po ako tita, maganda na meron po kayong kasama." Nag-aalangan pa si Allen pero ngumiti lang ako sa kanya at tumango, pero assurance na ok lang talaga. Nakatingin na lang ako sa pagkain habang naghihintay sa kanila. Parang ang rude naman kung hindi ko sila hihintayin.
Kaso nga lang bakit hindi pa sila bumabalik kaagad? Kaya yun, sumilip ako doon sa may sala hanggang sa nakita ko na may kausap sila tita Maris.
"Gerard bakit hindi mo sabihin sa akin kung bakit, baka makatulong ako."
Tensyonado ang mukha nang lalaki, ang alalang-alala ito. Halata na wala itong tulog dahil mesy kamukha ito ni Tita Maris, parehas na bilugan ang kanilang mata at kulay brown gawa nang kay Allen. Parehas din ng tangos ng ilong at nipis ng labi. Kung titignan nga ang lalaki, para siyang boy version ni Tita.
Luminga linga pa siya sa likuran ko at ni wala man lang pakialam sa presence ko! Tumingin-tingin pa na parang may hinahanap.
"Maris, hindi ba gumawi dito sa Oli?" Maya-maya agad din bumalik ang tingin niya kila Tita.
"Wala, hindi siya nagagawi dito." Nagtatakang sabi ni Tita. "Huwag mong sabihin na.."
"Simula nung isang araw hindi naming siya makita, ni hindi naming macontact yung cellphone niya." Pagkasabi na pagkasabi niya, gulat na gulat si Tita habang si Allen ay poker face pa din. Parang hindi man lang naapektuhan sa sinabi ng Papa ni Via. Kahit ako ay nabigla sa sinabi, kahit papaano naman naging close din kami, kaya concerned din ako, sana maayos lang siya, jusko!
"Mabahaging! Naireport niyo na ba sa mga Pulis?" Medyo hysterical na si Tita at pinapakalma na lang ni Allen.
"Kahapon pa, kaso wala pang lead ang mga pulis." Nakayuko na lang ito at naging tuliro. Lumapit sa kanya si Titan a niyugyog pa ito, na parang nangigising.
"Bakit hindi mo naman sinabi sa akin kaagad Gerard, para matulungan namin kayo ni Allen."
"Maris, ayaw na naming kayo mag-aalala."
Inis na napahilot si Tita at napaupo. "Gerard, si Oli iyon! Dapat hinanap natin, sa mga kaibigan o kahit sino!"
"Sinubukan na naming puntahan isa-isa Maris, ngayon nagbabakasakali na ako kung nandito siya o wala." Kalmado nitong sagot, siguro ayaw na din salubungin ang paghihisterical ni Tita. Mukhang daig pa nga nito ang Papa ni Oli kung makapanic. " Sana maging ayos lang ang batang iyon, hindi kaya sumama dun sa lalaki niya. Sinasabi na nga ba't walang maidudulot ang lalaki na iyon sa kanya." Dagdag pa nito.
"Naisip mo ba kung bakit nagkakaganyan si Oli?" Sinubukan mo bang isipin kung bakit siya napapariwara?" Nanlaki ang mata ng Papa ni Oli, kahit ako nagulat dahil sa pagtaas ng boses ni Tita Maris. "Siguro nga kaya siya sumama sa lalaking iyon, kaya hindi niya mahiwalayan, kasi minamahal din siya nung lalaki at binibigyan siya ng atensyon.Kasi hindi naman niya nararamdaman yun sa inyo. dahil sariling pamilya, hindi man lang siya naappreciate. Naiitsapwera niyo si Oli, lagi mong kinukumpara kay Sylvia. " Sabi ni Tita at halata na sa boses niya ang pagpigil niya ng iyak. Natuliro lang ang Papa ni Oli at tila hindi alam ang sasabihin, para siyang na-off guard ni Tita.
"Matalinong siyang bata, That kid has a big potential in life. She did so well in high school, at tandang-tanda ko ipinahiya mo ang anak mo, dahil naging second place sa quiz bee, achievement na yun kung tutuusin, pero hindi niyo man lang inappreciate. Alam niyo ba kung gaano siya sasaktan, kung gaano siya umiyak sa harap ko nung gabing iyon, o sa bawat araw na pinapagalitan niyo siya dahil hindi siya top 1?" Pinunasan niya ang luhang tumutulo sa kanyang pisngi at tinatagan pa ang boses. "Kung pagsabihan mo ng masakit, parusahan mo, akala mo gumagawa ng masamang kalokohan, akala niyo walang nararamdaman yung bata. Kaya napariwara, dahil sa ginagawa niyo sa kanya, pinabayaan niyo, tinitiis niyo tapos aasahan mong masasabi basta sayo ang bata."
"Pero ok naman na si Oli, tinaggap namin siya uli sa bahay."
"Sa palagay mo ba ayos si Oli? Kasi kung ayos siya, hinding hindi siya aalis. Alam mo, hindi lang ako nagsasalita, kasi Tita lang naman ako ni Oli. Pero yung nagkakadaleche na buhay niya, dahil sa inyo. Magsasalita ako, kasi kailangan mo matauhan. Gerard may kasalanan ka at hindi mo masisi si Oli sa ginagawa niya. Kung tutuusin, baka kayo din ang sumira nang buhay niya." Tuluyan na humagulgol si Tita Maris, dahil na rin sa halong sakit at galit at pag-aalala niya pa kay Via. Hindi ko rin maitatanggi na masaktan din para sa kanya. Hindi ko akalain na gaanon kasaklap ang nangyayari sa kanya. That can be hard for her, na hindi man lang makaramdam ng pagmamahal sa sariling magulang. My parents is strict with me, pero hindi ako napressure sa kanila nang ganyan. I am thankful kasi, proud sila sa akin kahit sa mga simpleng achievements, kahit hindi ako nakagraduate with flying colors or being a topnotcher. Kung pagsabihan man ako, hindi din sila namamahiya.
Lumungkot ang ekspresyon ng Papa ni Oli, namumula na rin ang mga mata, nagbabadya na umiyak. Tuliro at tila natauhan sa mga sinabi ni Tita. Mabuti na rin naman kung ganoon, para rin naman kay Via.
"Masama ba kung gusto ko lang, maayos siya. I just want the best for her."
Umiling lang si Tita, pinigil na ang iyak. "That isn't the best for her, kita mo naman diba. Alam mo kung mahanap mo siya, humingi ka ng tawad sa anak mo."
"Tama ka Maris, ang daming kong pagkukulang kay Oli, Alam ko namang magaling siya, pero ni hindi ko man lang magawa na ipakita sa kanya. Sana nga hindi pa huli ang lahat."
Lumapit si Tita at niyakap ang kapatid. Malambot ang puso ni Tita, alam kong hindi rin siya tuluyan na magagalit sa Papa ni Oli. "Hindi pa uli ang lahat Gerard, hahanapin natin si Oli ha."
"Tito, Tita. Sa tingin ko hindi naman sasama si Oli doon, baka nagpalipas lang ng oras." Dagdag ni Allen, at sinusubukan na pagaanin ang sitwasyon. Sana nga lang, tama siya.
"Oo nga! Pero sana tumawag man lang, alam niyo naman ang panahon ngayon!" Dito ay mas ramdam na ang pagpapanik ng Papa ni Oli, mas naging tensyonado na ang kanyang itsura.
Maya-maya ay tumayo si Tita, saka niyakap ang kapatid. "Gerard, magiging maayos din si Oli." Paninigurado niya dito.
"Allen labas muna tayo, tulungan natin ang tito mo." Kumalma na si Tita at pinunsan ang mga mata. Maya-maya, napatingin sa akin si Tita. Gets ko na, alam kong ipapasuyo niya sa akin ang bahay.
"Ako na pong bahala dito, mag-iingat po kayo."
"Salamat hija ha, emergency lang. Alam mo naman."
"Ayos lang po Tita, kahit ito man lang maitulong ko po."
Ngumiti lang siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Ano ka ba, wala yun, part of the Family ka na.
Maya-maya din lumapit sa akin si Allen at nagpaalam pa.
"Ayos ka lang ba dito Lara, magpapaiwan na lang ako."
"Allen naman, ayos lang ako. Mas kailangan ka nila tita dun." Hinawakan ni Allen ang kamay ko. "Babalik ako."
"Sus, magkikita pa tayo."
Ngumiti lang siya sa akin at saka na umalis. Talaga naman, nagpaalam pa sa akin. Jusko, label muna Allen.Char.
Naiwan ako na mag-isa sa bahay habang sa Allen at Tita lumabas para tumulong na magtanong sa mga ilang kakilala ni Via. Sana mahanap nila si Via at maayos ang lagay. Ayokong makita na malungkot si Tita, hindi niya bagay.
Inayos ko yung pinagkainan namin, sininop ko na rin yung mga ilang natira na mga pagkain, baka mamaya magutom sila pagbalik. Mabuti na lang din at patapos na kaming kumain kanina, kaya walang masyadong tira-tira. Kinuha ko lang muna yung journal sa kwarto ko saka bumalik sa bahay. Ilang araw na akong hindi nakakasulat dito.
Nakakaloka! This is everything how it feels lie! Para akong nasa cloud 9. Yung mga sabi sa movies na kilig! OMG totoo. I can't imagine in the simple actions lang mapapangiti na ako. I cant imagine din na matatapos ito. Super saya! This is how it feels! Ito pala feeling pag gusto ka din ng gusto mo.
Sobrang saya sa feeling, love can bring you to cloud 9.
Hay sana nga maging kami.
Hinding-hindi ako magsisi na nagpunta dito, aside sa maganda ang lugar. Dahil naranasan ko nang magtravel without any-restrictions, pwede gabihin. Naging masaya ang trip ko dahil kay Allen.
Tiniklop ka na yung journal at kinuha yung phone ko para makipagkamustahan kila Nanay. Nagsend din ako ng mga pictures ng pinuntahan ko doon.
Saan saan ka na nakakarating Lara ha, baka mapaano ka niyan.
Nanay, ayos lang ako, I am very fine.
Sino ba yang kasi kasama mo? Kilala mo ba yan?
Natigilan ako, Oo nga hindi ko kilala si Allen, sila Tita. . Pero kahit na ganoon, alam kong mabuti silang tao, dahil hindi nila ako pinabayaan. Kahit nga ako, pinagkatiwalaan nila kahit hindi nila kilala.
Friend ko.
Baka mamaya kung kani-kanino ka na sumama.
Hindi pramis. Basta pag-uwi ko may dala akong Mochi ng Nathaniels'
Sige, wag na wag mo kakalimutan yun. Mag-iingat ka.
Umayos ako ng umpo at luminga-linga sa mga gagawin. Nagwalis ako saglit saka bumalik sa may kwarto ko at magbasa ng libro. Hay kamusta na sila, nahanap na kaya nila si Via. Medyo nakakainip rin at wala man lang ako makausap. Si Nanay kasi, busy naman na sa grocery niya.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa, nang may narinig na akong kumatok. Hapon na nang makabalik sila dito. Nakalahati ko na rin naman yung binabasa ko. Dali-dali kong binuksan ang pinto.
Nakangiti na si Tita Maris, na parang wala man lang problema kanina. Kalmado pa siya at merong pang bitbit na mga brownies. Laking pagtataka ko lang, nasaan si Allen, bat di niya kasama. Hindi ko rin matanaw yung Montero.
"Naku, babalik din yun, hinatid lang si Tito Gerard niya."
Binalik ko ang tingin kay Tita at tumango-tango. "O-ok po."
Gulat pa ko nang hinawakan niya ang balikat ko. "Ikaw naman namiss mo agad si Allen, saglit lang yun, diyan lang siya sa kabilang barangay."
Tuloy sa sabi ni tita, agad nag-init ang aking pisngi. Medyo tama rin naman kasi ang kanyang sabi. Nakakaloka, huling huli niya pati ang nasa isip ko.
"Hay nako, kayo talaga. Bakit kasi hindi pa kayo umamin sa akin. Halatang halata na kayo!"
Jusko! Ramdam na ramdam ko na ang pamumula ko at hindi ko na kayang salubungin ang mga mapanuring tingin ni Tita. Alam ko naman na nagbibiro lang siya, pero nakakahiya. Papunta pa lang kami ni Allen doon, pwede sa ligaw stage muna kami, ganun?
Hay, akala ko sanay na ako sa mga banat niya.
"Lara, nanigas ka na. Ayos lang yan, nasa tamang edad naman na kayo. O siya! Ito nagdala ako ng meryenda. Ikain mo na lang yan."
Hindi na ako nakasagot dahil hila-hila na ako ni Tita papunta sa may kusina. Agad niyang binuksan ang box ng brownies at agad na nilantakan iyon.
"Kailan ka na ba uuwi sa inyo hija?"
"Sa isang araw na po tita."
Agad na nanlaki ang mata niya at tumigil sa pagkain ng brownies. Nilagay niya muna ito sa plato at mabilis na tumapat sa upuan ko, naghihintay sa kung ano ang magiging reaksyon ko.
"Hala! Talaga ba? Ang bilis. Sana dito ka pa hija, mamimiss kita niyan."
"Gustuhin ko din po mag-extend, kaso flight ko na rin next week."
Medyo lumungkot ang mukha ni Tita, kahit din naman ako, ayoko pang umalis. Kaso kailangan na. Hindi na ako pupwede na magtagal at kailangan kong sumunod sa usapan naming ng mga magulang ko.
"Huwag kayo mag-alala Tita, dadalaw po ako dito pag-umuwi ako. Magdadala ako ng madaming chocolates."
"Promise yan ha."
"Promise Tita."
I really do promise to come back here. Hinding hindi ko sila makakalimutan. How could I forget their kindness to me.
Maya-maya dumating na rin si Allen, at agad na lumapit sa amin nila Tita.
"Kamusta na si Gerard?"
"Ayos na po Tita, kahit papaano bumaba na blood pressure niya," Sagot ni Allen. Tumango-tango lang si Tita habang ngumunguya ng brownies.
"Pati ako, aatakihin sa batang yun, di wari sana magpaalam man lang kung aalis. Papayagan naman siya siguro ng Papa niya. Pero mabuti na lang din hindi niya kasama yung hinayupak niyang lalaki."
"Mabuti at ayos si Oli, nasaan na po siya ngayon?" Singit ko, hay para na kong part of the family nito. Char. Wala rin naman masama na maging concern din kay Via, siyempre friend ko din siya.
"Nasa Baguio, may kasama na kaibigan. Tama nga ako, nagpalipas lang ng oras si Oli." Si Allen ang sumagot.
Sa wakas din ay nakahinga na rin ng maluwag, mabuti at maayos si Oli, tuloy bigla kong nakita ang sarili sa kanya. I did this trip to unwind, para mag-enjoy, para makatakas sa sa realidad kahit saglit. Para hanapin at mas kilalanin ang sarili. Sa mga napagdaanan niya, kailangan na kailangan niya talaga magpalipas ng oras. We tend to have different ways to heal and find ourselves, it takes time at minsan kailangan lang mapag-isa.
Pero minsan kailangan mo din na kasama. Akalain ko ba na may mabibingwit ako.
Iniwan muna kami ni Tita Maris nang may tumawag sa kanya na tenant at kami na lang uli ni Allen ang naiwan.
Natahimik lang kaming dalawa hanggang sa magsalita siya uli.
"May gusto ka bang puntahan Lara?"
"Hindi ka ba pagod? Siyempre kung saan saan ka nagpunta." Nag-aalala kong sabi. Mukha siyang pagod kanina pa, dahil parang inaantok ang mata niya, at isa pa, anong oras na rin kami natulog kagabi. Kailangan na niya ng tulog.
"Sabi ko nga sa'yo diba, ieenjoy natin ang last days mo dito." Mapait akong ngumiti. Mas magandang magpahinga muna siya, saka ilang araw naman na kami magkasama, ok na ako doon.
"Masyado na kitang naabala Allen. Ok lang"
'Hindi Lara, let us make the most out of it." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sabi sayo hayaan mo akong mahalin ka, kahit sa huling sandali Lara."
Agad akong mapasimangot, para naman na siyang namamaalam sa akin. Babalik pa ko!
Hanggang sa ito, nasa skyranch na uli kami. Napilit din ako sa huli. Deep inside gusto ko din na lumibot pa, kung hindi lang kasi pupungas-pungas si Allen kanina. Mabuti na lang at umidlip siya kanina, kaya mukha na siyang gising.
"Allen, baka ipunta mo na naman ako sa roller coaster, ayoko na dun please." Ngumisi pa siya sa akin nang nakakaloka. Ayoko yang nasa isip niya! Iiwanan ko siya dito. Natatanaw ko pa lang yung roller coaster, bumabaliktad na ang sikmura ko. Ayoko na dun, baka matuluyan na akong atakihin.
"Hindi na promise." Matawa-tawa pa niyang sabi. Sarap batukan, Isabit ko kaya siya dun!
Nagpalakad lakad kami habang tumitingin ng mga rides. Doon na ako nakahinga ako ng maluwag, nang nilagpasan na naming ang mismong ride. Hindi ko na kakayanin muli an sumakay doon, baka hindi na ako makauwi ng buhay sa Nueva Ecija kapag ganoon.
Hanggang sa matapat kami sa Pampanga eye! Yes! Gusto ko uli dito. Labis ang tuwa ko, lalo na nang wala pang nakapila dito.
"Balisan mo Allen!" Sambit ko habang hila-hila ko na siya papunta sa pila, baka maunahan pa kami.
"Balik na lang tayo sa roller coaster" He winked.
Sinamaan ko siya ng tingin. Sapak talaga ang gusto ng lalaking to. Ngumiti lang siya sa akin at nagpeace sign siya. Magwalk-out na kaya ako? Hinawakan ko muli ang kamay niya para hindi niya tangkain ang balak. Subukan lang niya talaga!
Awtomatiko akong napatingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. To his reponse bas a ginawa ko. Shet, nakakahiya! Namamawis na ata yung kamay ko. Bakit ba ako humawak, kung hindi rin ako kumportable sa mga ilang matang nakamasid sa amin. Gusto kong bumitaw sa hiya, pero mahigpit pa rin ang kapit niya.
Mas tensed pa ako sa pagholding hands naming ni Allen, kaysa sa ride.
Nagbitiw na lang kaming dalawa nang sasakay na kami sa ride, inalalayan pa niya ako papaakyat doon. Allen is doing this for a long time, kahit masungit siya sa akin noong una, gentleman pa rin siya, sinukob niya ako sa payong niya, pinatukoy sa bahay niya. Pero nang sinabi niyang gusto niya ako, mas naappreciate ko lahat ng actions niya, kahit simple lang ang mga ito.
Umayos ako ng upo, saka tumingin sa may view naming sa baba. Kahit kalian ang ganda talaga ng city lights. Sobrang ganda! Tanaw na tanaw ko yung mga ilaw sa mga buildings tapos sa mall and yung mga ilang sasakyan. Tapos papalapit na ako ng papalapit sa mga stars.
I will definitely go back here, I make sure, kasama ko ulit si Allen dito. Exactly in this place. Aha! Alam ko na, dito ko na rin sasabihin ang feelings ko sa kanya, para maging memorable ang place na ito.
"Lara?"
Nakangiti siya sa akin nang lumingin ako sa kanya. Hinawakan niya pareho ang aking kamay, at tinignan sa mata. Para kumikinang yun, at taimtim na nakatingin sa akin ito na para akong isang mamahaling gem.
"You are very important to me Lara." Nagtataka akong napatingin sa kanya. Why all of the sudden sasabihin niya lahat sa akin ito, bakit ngayon pa, kung kalian malapit na akong umalis. Walang nagsasalita sa aming dalawa, we are both staring in each other's eyes. His almond eyes never fails to mesmerize me. Malaking turn on talaga sa akin pag brown ang mata. Mabilis na akong naghumerentado nang mapatingin siya sa mga labi ko.
Oo hindi pa ako nagkakajowa, pero hindi naman ako ganoon kainosente para hindi ma-gets ang balak.
Mas nagwala pa ang mapanlinlang kong puso nang mas mapalapit pa ang mukha niya sa akin. Para na akong natuliro, hindi na ako makagalaw, napako ang tingin ko pababa sa kanyang mga labi, hanggang sa napapikit na lang ako at naramdaman ang pagdampi ng kanyang labi sa akin.
Totoo bang hinalikan niya ako Shet! First kiss to ito tangina! Ano ang gagawin ko, should I respond? Hindi naman ako marunong na humalik.!. It is just a long smack kiss. It is just a simple kiss and yet nagwawala na ang Sistema ko. Gustong-gusto ko nang magpagulong-gulong sa kilig.
Bahagya siyang lumayo sa akin at itinapat ang noo niya sa nook o. He genuinely smiled at me, while his eyes still into mine.
"I love you Lara." He whispered.
What does he say? Teka naman nanaginip lang yata ako e. Pasampal naman.
His eyes widened when I kissed him back. It is more passionate, when he move his lips and I also moved in the same motion, mabagal lang. It's my instinct to do that. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa, basta gusto ko siyang halikan uli!
"What is that for?" He said panting for air.
"Hindi ba obvious? I love you too." Napakamot pa ako ng ulo. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng mapagtanto ang nangyari. Talagang umisa ka pa! Hindi na tuloy ako makatingin na diretso. Ang manyak Lara ha.
Allen held my chin to face him, then he insist the kiss again. Sinadal ko ang parehong kamay sa kanyang balikat. I followed how his lips moves. This is my first time, pero parang nasasanay na ko. Bumaba ang kamay ko sa kanyang dibdib, at naramdaman ang pagtibok din nito.
I know those beats are for me.
I really I love you too Allen Alvarez
We both gasping for air, when the kiss ended. Sabay na lang kami na natawa na dalawa na para kaming may kalokihan na ginawa.
I know that laugh stands for our happiness that we found each other.
I can't imagine na matatapos pa ito. Ayokong matapos ang moment na ito.
Kung kalian naman malapit na akong umalis saka ganito, paano na? Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi.
Isang sabi lang niya, mananatili ako dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top