Chapter 8

Lumayo ako kay Allen. Malinaw sa akin ang sinabi niya, natuliro ako at hindi ko alam ang sasabihin. Gusto ko pa ipaulit sa kanya, para mas malinawan ako.

"I'm sorry Lara."

Bakit naman siya nagsosorry? Dahil ba natahimik ako, mukha ako nailang at naging affected sa sinabi nya.

Ngumiti lang ako sa kanya , wala pa rin ako masagot.

"Uwi na lang tayo" Tumayo na lang ako at nagsimula na maglakad pabalik. Ang galing Lara! Talagang inaya mo na lang na umuwi. Wala ka man lang sinabi na iba.

Sakto rin naman na tinawag na kami ng tour guide naming.. It's our time to leave. Mabilis ang oras, mas matagal pa yung ipinunta naming kaysa sa pag-eenjoy dito sa view. Medyo nabitin pa ako pero baka gabihin na kami. Pero sobrang awkward na naming dalawa, hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o ano. Bigla akong nahiya.

I can still clearly hear what he says. He likes me. Pero parang nabura na iyon dahil sa pagtawag ng tour guide. Ni hindi man lang niya ako nilingon, at nauna na maglakad, para bang walang nangyari. Gusto ko na. lang paniwalain ang sarili ko na gunu guni ko lang, kaso rinig na rinig ko na galing sa kanya ang mga salitang ito.

Lara, I like you

Gusto ko na lang kumuha ng bato at iuntong ang ulo ko, nang magflashback pa sa isip ko ang sinabi ko. Lara, Gusto lang! Walang sinabi na liligawan ko, o mahal ka. Kalma ka girl! Kitang nauna pa siyang naglakad kaysa sayo.

Pero dapat ko lang ba ito baliwalain, gusto ako ni Allen at alam kong unti unti ko na siyang nagugustuhan kahit bwisit siya. Dahil doon, hanggang ngayon naghuhumerentado pa rin ang puso ko. For a short period of time, napakabilis ng lahat para sa akin. Sigurado na ba ako?

Ano bang dapat ko sabihin kanina, na nagugustuhan ko na rin siya.

Masyado pang mabilis ang lahat saka pwede pakipot muna ako.

Sa totoo lang, kahit magkagustuhan pa kami, wala rin naman mangyayari at aalis din naman ako in three days. After that wala rin naman assurance ang lahat kung magtatagal kami at kung hanggang saan makakarating ng kung ano mang magiging relasyon naming.

Naalala ko ang sabi ni Via na kamukha ko ex-girlfriend niya. Malamang nakikita lang niya ang ex niya sa akin. Iyon naman ang posibleng mangyari! Kahit na madalas kaming magkasama nitong mga nakaraang araw, hindi pa rin naman naming lubos na kilala ang isa't isa. Ang sarap lang na ipamukha sa kanya na iba ako kay Tamsin!

Nakatingin ako sa Certificate naming dalawa habang pabalik uli sa Clark, bago kami umalis It is Certificate of completion, na nakarating kami sa crater. Pa-souvenir na rin nang trekking naming sa Mt. Pinatubo. Ini-imagine ko na lang ang magandang view sa isip ko habang nakikinig ako sa radio para naman malibang ko naman yung sarili ko at malabanan ang antok.

Kaso ang hirap pagilan, puyat pa ako kahapon, tapos maaga pa kami gumising at pagod pa. Bahala na kung makatulog. Tulog din naman ang paraan para iwasan ko si Allen na tahimik pa rin hanggang ngayon.

Kahit papano yung balita sa radio ang nagpapagaan ng atmosphere sa pagitan naming dalawa. Simula bumaba halos walang kibuan, magkalapit nga kami, kaso halos isang kilometro naman distansya naming.

Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo
Parang bale wala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Agad akong napadilat at nakalimutan ko na yung antok ko. Natapos na ang mga showbiz chicka na featured sa radio, bakit ito pa ang playlist nila. Bakit mga ganitong may pahugot hugot pa. Gusto ko na lang patayin ang radio, pero mukhang chill lang naman si Allen. Kaya umayos ako ng umupo at nagkalkal ng earphones sa aking bag.

Kaso malas ko lang at mukhang naiwan ko pa yung earphones ko. Tamad kong sinandal yung ulo sa may bintana habang pinagtiyatiyagaan ang kanta. Bakit ang tagal pa ng kanta na'to.

Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo
Kung ako nalang sana

Dahil tuloy sa kanta naisip ko, paano kung pagkatapos ng lahat ng ito, maging kami ni Allen sa kabila ng lahat ng pero. Kung yung kanta sinisigurado na kaya niya ibigay lahat, na wala ka nang hihilingin pa. Ako, hindi. Paano ko siya papanindigan kung alam kong aalis na rin naman ako, magkakalayo rin kaming dalawa. Mahirap din na sumugal sa walang kasiguraduhan, natatakot ako. Lalo pa at hindi pa ako nagkakaroon ng jowa.

Lara gusto ka lang, hindi nga inulit ni Allen! Bakit jowa na nasa isip mo, hindi ka pa naman nililigawan at hanggang ngayon hindi ka kinakausap!

Napabuntong hininga na lang ako at nilibang na lang ang sarili sa pagtingin tingin sa mga sasakyan at mga street signs, hanggang sa nahikab na lang ako.

Ipinikit ko na lang yung mata ko at pinilit na makatulog, habang yakap yakap ang bag. Ang hirap makinig ng mga ganyang senti na music, sobrang nakakarelate at baka ano pa ang maisip ko. Pwede naman kasi yung mga pop na lang. Nakakantok kaya lalo.

Napapungas ako nang maramdaman na huminto na yung sasakyan namin sa may isang park. Medyo nasilaw pa ako sa sinag ng araw.

Napatulala na lang ako, hindi naman dahil sa bagong gising ako kundi sa ganda ng view. We are in a green field with so many trees, kaya sobrang aliwalas sa mata, tapos pinaganda pa ng orange na mga ulap dahil sun down na rin. Agad akong lumingon kay Allen

"Bakit tayo nandito? Dapat nasa hotel na tayo diba?" Nagtataka kong tanong. Umiling lang siya sa akin at mapait na ngumiti.

"Ayoko pa umuwi Lara. ayaw ko pa matapos ang araw na ito. Kung pwede nga lang na dito na lang tayo." Mapanuri ko siyang tinignan, ano ba ibig niyang sabihin, na dito na lang kami?

"Alle--"

"I like you Lara." Agad akong natigilan sa kanyang sinabi. Para bang kinukumpirma niya sa akin na totoo ang sinabi niya kanina at lakas loob na lang niya sinabi sa akin. Natahimik ako saglit, napakabilis naman ng lahat. Oo maganda naman ako, pero hindi sapat yun. Ano naman ang magiging dahilan para magustuhan niya ako. Wala naman akong ginawang something impressive, para matuwa siya sa akin. Lagi siyang iritado sa akin tapos ngayon gusto na ko?

"Pero Allen, halos isang linggo pa lang tayo nagkakakilala."

"Mahal kita."

Naninigkit ang mga mata ko habang tinitignan ko siya, pagkasabi niya ng mahal niya ako, unti unti nang lumabo ang lahat at panay mga huni na lang ng mga ibon ang naririnig ko.

"Lara gising" Napangiwi ako nang marinig ito. Sasabihin niya na mahal niya ako ngayon, tapos pinapagising ako kahit dilat na dilat ako! Pero tama nga! Dapat ako magising sa katotohanan.

"Lara!"

Agad akong napadilat nang bumagsak ako mula sa pinto, pwede naman kasi kumatok lang. Bakit binuksan kaagad ang pinto. Mabuti at nasalo rin niya ako kundi bagsak ako sa damuhan.

"Allen naman"

Napahinto ako nang dito agad nang bumungad sa akin ang brown niyang mga mata. Patuloy pa rin

Umiwas ako ng tingin nang mapagtanto ang lahat.

Hindi nga totoo ang lahat ng ito.

"Allen sampalin mo nga ako."

"Lara, mabigat ka."

"Bwisit ka! Sipain kita kita." Umayos ako ng tayo at inaalalayan din niya ako kahit papano.

Siya nga! Gising na gising na ako at malinaw na nandito na ako sa katotohanan. Akala ko totoo na yung kanina, nanaginip lang pala ako.

Pumasok uli ako para makapag-ayos na yung buhok ko at naglagay lang ng konting liptint, lumabas na ako sa Montero at tumingin tingin sa paligid. Para akong namaligno nang mapagtanto ko kung saan kami.

Ang mga puno at orange na ulap dahil sa papalubog na araw. Parehas na parehas sa panaginip ko. Hindi ako maaring magkamali! Ganitong ganito ang lahat. Mabilis akong lumapit sa kanya na nakaupo na sa bench.

"Saan tayo?"

"Fort Stotenburg." Tumango lang ako. Ang foreign naman ng dating ng place. Pero kung sa bagay Clark has became a US army base.

Tumabi ako sa kanya, pero lumayo siya nang bahagya nang maglapit kami. Aba natatakot pa siyang malapit sa akin? Di naman ako nangangat. Ako dapat ang mailang dahil sa sinabi niya kanina.

"Kanina pa tayo nandito?" Sabi ko, para naman gumaan gaan ang awra naming dalawa.

Tumango lang sa akin si Allen. "Ayaw ko lang istorbohin ang tulog mo." Ay ang bongga! Sana ginising man lang ako, tuloy napaginipan ko ang hindi dapat mapaginipan.

Ang galing nga e! My dream already tells kung nasaan kami. siguro nanaginip pa ako nung makarating kami dito. Ang galing naman! Pero sana naman huwag naman magkapareha ang nangyari sa panaginip ko. Ok na yung minsan nyang sinabi nang nasa Pinatubo kami kanina. Nakakaloka na talaga! Baka magkaroon ako ng premonition skill, char.

"Lara."

"Oh?" Siga kong sagot.

Napabuntong hininga na lang siya, at para bang nag-iisip pa nung kung anong sasabihin.

"Bakit Allen?" Mas kalmado ko nang sabi.

"Lara gusto kita." Aniya at seryoso akong tinignan.

"Si-sigurado ka ba? Baka nalilito ka lang?"

"Saan naman ako malilito Lara?"

Hay paano ko ba sasabihin ito sa kanya? Si Tamsin.

Napangisi lang siya sa akin at batid kong alam na niya ang tumatakbo sa isip ko. "Are you thinking about her." Tumapat siya sa akin at hinawakan ang pareho kong kamay, sinserong nakatingin ang mga mata niya sa akin.

"Lara, gusto kita dahil gusto kita." Saad niya nang puno ng paninigurado. Pinipigilan ko na lang ang sarili ko na mapanganga sa lahat ng sinasabi niya, hindi ako makapaniwala. Talagang aabot na kami sa ganito.

Oo nagugustuhan ko siya, pero hindi ko aasahan na gusto din niya ako. Madalas naman kasi one-sided ang lahat. Mahirap umasa.

"I know naguguluhan ka pa. Pero hayaan mo akong patunayan sayo ang lahat."

Hinawakan niya yung kamay ko at hinaplos ito ng marahan. Simple akong napapabuntong hininga dahil naghuhurumentado na naman ako. Alam kong simple lang ng lahat pero tagos sa akin lahat. Masyadong overwhelming ang lahat sa akin, siguro dahil first time ang lahat sa akin, lalo at first time din na may magkagusto sa akin.

Allen naman pinapahulog mo ako lalo.

"Only, if you can stay longer with me. Kung pwede lang."

Allen kahit gustuhin ko.

Wala kong magawa kundi titigan ang kanyang mata. Isipin na sa amin na muna umiikot ang lahat, kahit medyo marami maraming mga tao ang naglalakad sa paligid.

Umiwas siya ng tingin at bumaba ito sa magkahawak naming kamay. Para na kong namamawis sa higpit ng hawak niya, parang ayaw niya pakawalan. Paano pa kaya pag uuwi ako ng Nueva Ecija, baka isilid na niya ko sa sako.

"I know you have bigger dreams with yourself. Ayokong maging hadlang ako doon."

Umiling ako, hinding-hindi siya magiging hadlang sa akin.. "Allen hindi." Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at tinitigan siya sa mata.

"Sobrang saya ko na nakilala kita Allen. Salamat." Tumango-tango lang siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya, lalo pa at nakita kong nagsisimula nang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hala.. hindi ko siya gustong paiyakin.

"Lara, in your last days here in Pampanga hayaan mo ako na gustuhin ka, na mahalin ka." Bumitaw siya sa akin at hinawi niya yung mga bumabagsak na mga hibla sa aking buhok sa sinabit sa aking tainga. Pinagmasdan niya ang aking mukha na para bang minememorya ito, saka hinaplos ang aking pisngi.

Habang papalapit ang kanyang mukha, mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Sigurado ako na pulang-pula na ako ngayon. Anong balak niya, hahalikan niya ba ako? Jusko ang bilis naman! Pwede maghinay-hinay siya, first time ko to!

Alam ko sa sarili na dapat na kong umiwas pero sinalubong ko lang ang kanyang mamumungay na mga mata. Batid kong naghinang na ang mga tingin naming at ako nag-aabang na lang na dumampi ang kanyang labi sa akin. Papalapit na siya nang papalapit hanggang sa maramdaman ko an gang mainit niyang paghinga.

Agad na akong pumikit, ganito yung ginagawa ng mga babae sa mga romance movies pag hahalikan sila.

Hanggang sa napadilat ako nang maramdaman kung saan dumampi ang kanyang labi, sa aking noo.

Ngumisi lang siya sa akin nang makita ang dismayado kong mukha. Pucha akala ko hahalikan na ako. Umasa ako ng konti ha, ready na ko e.

Magkalapat ang noo naming dalawa habang nakatingin sa mata ng isa't isa. Ewan ko ba kahit halos titigan lang ang ginagawa namin, para na rin kami nagkakaroon ng koneksyon sa isa't isa.

"Saka na Lara." Natatawa na lang niyang sabi. Dahil doon, agad kong muli naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi. Sobrang nakakahiya! Halata tuloy ako na atat na mahalikan, kahit hindi.

"Nakakainis ka Allen." Saad ko sambay hampas sa kanyang balikat.

"Shhhh.. moment natin to."

Ganoon lang ang posisyon naming dalawa, habang magkahawak ang aking kamay. Pinikit ko pa ang aking mata, para mas feel. Now I understand kung bakit may ilang girls na sobrang clingy sa mga jowa nila. Madalas nandidiri pa ako kapag nakakakita ako nang magkaholding hands, yung naka-angkla yung babae, magkahug. Tapos ito ako ngayon halos magkalapit ang mukha naming dalawa at magkahawak pa ang kamay! If I can see myself baka mapangiwi ako.

Pero ngayon I understand kung bakit madaming "touchy". Ang sarap para sa pakiramdam na magkahawak kayo ng kamay ng gusto mo, na magkalapit kayo. Para bang pakiramdam ko, sa pagitan ng higpit ng hawak niya sa akin, protektado ako, na hindi niya ako bibitawan.

Masarap din pala sa pakiramdam na gusto ka rin ng taong gusto mo.

"Yiee ang sweet niyo naman po." Pareho kaming napadilat at napatingin sa dalawang bata sa harapan namin. Yung isang bata meron pang hawak na teddy bear at nakaturo pa sa aming dalawa. Kalokang mga batang ito!

"Kayo bata pa kayo, dapat naglalaro lang kayo." Sambit ko at pinilit na pinatatag ang boses ko. Sobrang nakakahiya at nadungisan na naming ang mga inosente nilang mga isip.

"If I grow up sweet din ako sayo." Inosenteng sabi ng batang lalaki sa babae. Oo alam kong usapang bata lang, pero parang siguradong sigurado ang lalaki.

"Promise yan ha."

"Pinky swear." Natatawa rin si Allen nang makita na nagpinky swear ang mga bata. Sobrang nakakatuwa dahil ang cute cute nila. At the same time nakakaloka rin kasi ang babata pa nila, supposed to be, hindi dapat ganyan, dapat laro laro lang. Childhood sweetheart lang ang peg nilang dalawa.

"Basta dapat naglalaro lang kayo tapos mag-aral ng mabuti. Kami malaki na kaya pwede na." Mayabang pang ngumiti yung lalaki.

"If I grow up naman I make ligaw to her."

Sinamaan ko nang tingin si Allen na humahagalpak pa ng tawa. Yung batang lalaki naman tuwang tuwa din sa sinabi niya.

Agad kong binatukan si Allen para tumigil na kakatawa. Hindi niya dapat pagtawanan yung bata!

"Buti pa yung bata malakas ang loob manligaw, daig ka pa!"

"Gusto mo bang ligawan na kita ngayon?" Agad ko siyang siniko at sinamaan ng tingin.

"May bata Allen!"

Ngumiti ako muli sa mga bata at mukhang libang na libang habang pinapanood kami.

"Basta tandaan niyo ha, mag-aral ng mabuti."

"Opo!" Tapos sabay pa nagthumbs-up ang dalawang bata. Yan, ganyan nga! Sana madadali kayong kausap.

Lumapit sa amin ang isang yaya at tumapat sa dalawang Nabatid ko namang kilala siya ni Isha dahil tinawag siya na Yaya.

"Kayo nandito lang pala kayo, buti nandito kayo kundi lagot ako kila mommy niyo."

"Sorry Yaya, nagdedate pa kami ni Isha." Kahit yung yaya at nagulat sa sinabi ng batang lalaki. Kami ni Allen pareho nang nagpipigil ng tawa. Jusko kabata at mukhang desidido sa balak.

"Nakakalerks kayong mga bata, kulang lang kayo sa tulog." yang hiya na tumingin sa amin ang Yaya ng mga bata.

"Nako pasensya na kayo! Ganitong talagang tong mga batang to, Lalo tong si Alfonso." Napasimangot pa yung bata nang tawagin siyang Alfonso.

"Yaya, its Ponti!" Inis na sabi nito at nagpout pa! Kahit iritado ang bata ang cute pa rin.

Nagpaalam na yung Yaya sa amin at inaya na ang mga bata na umalis. Natanaw ko pa na pinagsasabihan pa yung bata. Kawawa naman.

Pero infairness ang cute talaga. How innocent they are and witty. Kung magkatuluyan ang dalawang batang ito. Ayos na ayos!

Maya maya hinawakan ni Allen yung kamay ko. "Alam mo mas sweet pa tayo diyan."

"Alam mo mas cute ang bata sayo!"

May pa-pout pa siya ng labi na akala mo nagpapacute! Nako hindi siya kasing cute ng batang lalaki! Pero pwede na rin.

"Kumain na lang tayo tomguts na ko."

........

"Allen its too much di naman ako baby!" Inis ko nang sabi ng subuan nya uli ako nung fries for the nth time. Hindi naman sa nahihiya, pero hindi ako sanay sa ganitong set-up. Siguro ligaw nay un, pero I think di naman dapat ganun ka-sweet.

Pero pwede na rin, char.

Sa huli kinigat ko pa rin ang fries na bigay niya.

Yes I allow na hayaan siya na iparamdam sa akin yung feelings niya. Masyado lang nakakaoverwhelm at kakasabi lang niya talaga naman umaapaw na siya sa sweetness. Ibang Allen na ang kaharap ko ngayon, sobrang cool at sweet, para bang nabura ang bwisit at masungit niyang side. Tama nga, baka mas sweet pa kami sa dalawang bata kanina, Kaloka.

Pero sana nga consistent si Allen dito. Oo nakamental note na aalis din ako dito, pero sana maging handa rin ako sa mga maaring mangyari.

"Paano ako?" He pouted.

"Tumigil ka nga diyan! Para kang aso."

He just did his puppy eyes at talagang pinanindigan nga! Kaya yun sinubuan ko din ng fries. Imagine, I can't believe I am doing this na dating kinaasaran ko everytime kapag nakakakita ako ng mga mag-jowa.

Pero infairness masaya naman sa pakiramdam.

Inilabas ko ang cellphone ko at pasimpleng kinuhanan si Allen habang kumakain. Remembrance lang diba?

Kaso nga lang, hindi ko napatay yung flash kaya ayun nakangisi na siya sa akin na parang aso!

"Lara pwede mo naman ako sabihan kung gusto mo nang picture ko. Willling naman ako."

Tinapatan ko ang ngisi niya nang makita ang kuha ko. Saktong ang laki ng pagkagat niya sa may manok."

'Ayaw ko! Remembrance ko to." I can't let him see it at burahin niya. This is mine haha. I also duplicated some copy of it, just to make sure.

"Basta gwapo ka dun don't worry." Paninigurado ko, kahit mukhang lalamon ng isang buong manok ang pagnganga niya. Akala niya ha.

Maya maya nilabas din niya ang cellphone niya at laking gulat ko na lang ng ipakita niya ang nasa screen.

Kuha niya ito habang natutulog ako. Well ok lang naman sana kung tulog lang ako, kung hindi lang ako nakanganga! Aba talaga lang ha. Ang galing lang.

"Akin na yan." Mabilis kong pag-abot sa cellphone niya, pero maagap niyang nailayo sa akin. Nakakhiya! Bat ganyan ang kuha ko, nakakaloka! Ang pangit. Ngayon mas dehado na ko.

"Bakit maganda ka pa rin naman a."

Sinamaan ko siya ng tingin. Bolero!

Pero ganyanan ha, hindi ko buburahin ang kuha niya at ipapakita kay Tita Maris!

Madilim na rin na naisipan namin na bumalik sa hotel. Habang naglalakad nagpalitan kami ng cellphone ni Allen habang nagbubura ng mga pictures! Mabuti na rin at isang kuha lang dun sa tulog. Pero habang hawak ko din ang cellphone niya, tumingin din ako sa mga ilang pictures din naming. Siguro kung hindi ko siya mami-meet hindi ko ganoon na maeenjoy ito saka higit sa lahat laking tipid ko rin at halos libre na niya lahat.

Kung tutuusin siya ang sumama, dapat nga sagot ko siya.

Meron pa akong mga tatlong araw bago umalis. Bakit naman kasi may ganito pa? Papahirapan ako nito umalis. Habang magtatagal magiging close kami lalo. Pero mas nangingibabaw sa akin na enjoyin na lang ang lahat.

Hawak ko ang doorknob nang lingunin ko uli si Allen. Wala rin naman mawawala kung sabihin ko rin ang nararamdaman ko. Since malapit lapit na rin matapos ang munting lakwatsa na to, sulitin ko na rin.

Dapat ko din sabihin na gusto ko siya.

"Allen?" Tawag ko sa kanya bago kami pumasok ng pinto.

"Bakit?" Seryoso na siyang nakatingin at nag-aabang na sa kung ano ang sasabihin ko. Kanina alam ko sa sarili ko, pero umurong dila ko.

"G-good night."

Ang galing Lara, bakit ako naduwag!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top