Chapter 7
Naglakad si Allen papasok ng hotel na parang walang nangyari, na parang hindi man lang ako kasama. Nang maitayo ako agad naman na niya ako iniwan na mag-isa.
Pa- I am here to catch you pa siya,dami niyang alam!
Bumungad sa paningin ko ang chandelier sa lobby ng hotel. Chandeliers can make places look majestic at gold plated ang paligid kahit yung edges ng sofa. Everything is nice and clean and super elegant. Pati receptionist maganda. I bet this is a five star hotel, gusto kong kalabitin si Allen para lumipat ng ibang hotel. Wala kong pambayad sa ganitong klaseng lugar. I plan to travel cheap, yung parang mga backpackers lang, hindi ganto.
"It's me Allen Alvarez, I took a reservation for adjacent rooms."
Matamis na ngumiti sa kanya ang babae. "Alright sir, we have prepared your rooms, here is your keys." Napatingin sya sa akin mula, ulo hanggang paa. Kung ano ang ikinatamis ng ngiti niya kay Allen, ay ikanasama ng tingin niya sa akin. Inirapan ko nga!
"Thank you ha."
Napatingin ako sa susi na ibinibigay sa akin ni Allen ngayon. Nag-aalangan akong tanggapin dahil wala naman akong pambayad. Ok lang naman kahit saan ako matulog sa labas, dadamay pa kasi akong gumastos ng Malaki. Kitang wala akong pera!
"It's on me Lara come on." Kinuha nya ang kamay ko para maiabot niya sa akin ang susi.
"I won't do anything Lara. Unless you want to."
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, kapal ng mukha nito a.
"Asa ka," Singhal ko.
Nakakaloka ang lalaki na yon, ang sabi ko isama ako, hindi yung ilibre pa ako sa napakasosyal na kwarto na to. Pero sa bagay, sino ba naman ako para tumanggi, ako na nga itong nililibre, but isn't it that too much. Everything they have given to me is too much, lalo pa at isa lang naman ako stranger sa kanila and they trust like their own.
I suddenly looked at my phone para icheck kung may text si nanay, yung 8080 lang naman. Naisipan ko din na itext si Allen, hindi man lang sinabi sa akin kung saan kami pupunta at kung anong oras bukas, hindi naman ako manghuhula no.
Pero maalala ko, na wala akong number niya, I tried searching his facebook, baka sakali na makita ko, doon ko na lang imessage, kaso ibang Allen Alvarez naman ang nakikita ko. I've been scrolling a lot, but none of them matches his profile. Kaloka
Asar, manghuhula na lang ba ako?
Mabilis akong bumangon para mapuntahan sya sa kabilang kwarto. May access ang rooms namin through terrace.
Sakto, nakasandal sya na railings, tila nagmumuni muni sa view ng mga building sa harap naming. The lights of the buildings flickers like stars in the night. Kahit ako napansandal na doon, at ni wala man lang siyang pakialam sa presence ko.
I like this view, because I feel like I am in stars too. Basta natutuwa ako kapag may nakikitang akong mga ilaw ilaw. Minsan simple akong napapalingon sa kanya, he's stare is still on the view. Pero ako, I am having a view of his side frame his pointed nose and that curly lash. Sana all talaga.
"Saan ba kasi tayo pupunta Allen." Maktol ko, dahil wala pa rin syang balak kibuin ako. Mabuti at lumingon sya sa akin pagkasabi ko.
"Zambales."
Agad na nanlaki ang mata ko.
"Zambales? Bakit nandito tayo sa Clark, sana dumeretso na lang tayo. O nag check in doon mismo" Hindi sya kumibo at tumitigin muli sa mga nagkikislapang mga building.
"Madalas ang gulo mo rin no?"
"Ikaw ang magulo Lara." Agad akong napangiwi, sinabi niya iyon sa akin ng hindi man lang ako nililingon. Hindi naman building nya kausap nya. Makaalis na nga!
Hindi ko rin maintindihan si Allen, pupunta pala kami sa Zambales pero bakit pa niya ako dinaan dito sa Clark. For sure meron din naman places to sa Zambales. Saka maaga rin kaming aalis dito, parang mag-oovernight lang kami sa Clark. Sabagay siya naman gagastos, bahala siya sa buhay niya. Tamad kong binagsak ang katawan at pinikit na ang mga mata ko.
Bahala talaga siya bukas, nakakainis!
Napadilat ako nang maramdaman ang pagkalam ng tiyan ko.Agad kong kinuha ang phone ko sa may bedside table. Alas nuebe na pala, kaya pala ginugutom ako, nalipasan na ko! Hindi man lang ako inaya na kumain ng lalaking iyon.
Pero baka ayaw naman niyang istorbohin ang tulog ko. Masyado na kong assuming. Saka malamang hindi rin niya alam ang number ko, para matawagan ako. Dali-dali akong bumangon at inayos ang nagulo gulo kong buhok. A ponytail will do, then ayain ko na lang si Allen, baka sakali hindi pa kumakain.
Lumabas ako sa may terrace, para silipin ang kwarto nya. Napangiwi ako nang maramdaman na nakalock ang pinto, sumilip ako sa may kurtina, mukhang madilim sa loob, siguro tulog na yung lalaki nay un. Di bale kaya ko naman kumain ng mag-isa.
Agad akong lumabas sa hotel, pwede naman akong magpaserve ng pakain, pero alam ko Ayokong maging masayadong magastos. Maalala ko na may nakita akong Jollibee sa may malapit, hanggang dun muna ako dahil mukhang mamahalin din ang mga ibang kainan doon.
Medyo inilibot ko ang paningin habang papunta ng Jollibee. Infairness maganda rin sa Clark, parang ibang bansa ang awrahan. Natutuwa ako dahil sa kabila ng mga naggagandahang mga gusali, madami pa ring mga halamanan ang mga nakatanim. Despite of the urbanization of the place, hindi pa rin nila nalilimutan na maging environment friendly.
At sa wakas! Nakapasok na rin sa Jollibee, maswerte ako at walang pila kaya nakaorder ako kaagad ng aking Chickenjoy. I picked a seat on the side where I can see everything. Clark roads are bit busy, even at night the city is still alive. Establishments and buildings are alive with their lights, marami pa ring mga tao ang palakad lakad, para bang araw pa rin ang gabi. Sabagay may mga BPO buildings din dito.
I am still savouring the crisp of the chicken skin and dip it in their gravy. Kinuha ko rin yung isang fries ko at sinawsaw sa my sundae ko. Agad akong napatigil nang may tumapat sa sa akin. All I thought is Allen, but to my disappointment, ibang tao ang nasa tapat ko.
He's hair is clean cut, nakabrush up pa na sobrang bagay nya, medyo may stables ng konti around his jawline. His almond eyes seems so deep and his red lips are pursed. Kissable lips, swerte naman ng jowa nito char.
Nakatingin lang siya sa akin, waiting for my response kung ano ang magiging reaksyon ko.
"Miss, can I share a seat with you." Tumingin tingin ako sa paligid, halos wala nan gang maupuan. Hindi naman kaya ng kunsensya ko na hindi sya paupuin, besides makikikain lang naman din. Maybe I can win a friend here.
"Sure."
"Thank you miss." Mabilis syang umupo sa tapat ko. He offered his peach mango pie to me, pero umiling lang ako.
"I insist, that is my simple way of saying thank you." Aniya at inaabot pa rin ang mango pie sa akin. Sige na nga! Favorite ko naman din ito.
"Maliit lang ng bagay no. Alangan di kita paupuin." Sabi ko at kinuha yung Mango pie sa kanya. "Salamat din dito."
"I'm Leon by the way." He offered his hand to me, agad akong humawak sa kanya. Magaspang ang kanyang kamay, mukhang sanay na sanay ito sa trabaho. I wonder kung ano ang trabaho niya, sa gaspang ng kamay niya, pakiramdam ko hindi siya sa opisina nagtratrabaho.
"Leon like Lion right?" He chuckled. Ok fine, alam kong corny ang hirit kong yun.
Yes, I'm the Filipino vesion." Flashing his smile na parang bang nasa commercial siya ng toothpaste, tila may spark din sa mapuputi nyang ngipin.
"Naks alam mo din pala sumukay sa humor ko."
"Sakto lang."
"O siya! I'm Lara." I smiled awkwardly at patuloy na lang na kinain yung sundae ko.
"Where are you from? Seems you are new in this place." Nanalaki ang mata ko sa sinabi nya. Paano naman niya nalaman yun? Lagi lagi ba siya dito o kaya kabisado niya ba lahat ng mukha ng mga taga-Clark? Kaloka.
"I'm from Nueva Ecija okay? Nagagala lang."
Halo maibuga na niya ang iniinom na coke sa sinabi ko. Grabe ang OA naman nitong taong ito. What's the matter kung nagagala ako. Wala naman akong masamang ginagawa. Hindi ko na lang masyadong pinansin ang reaksyon ng taong ito nagpatuloy na ubusin ang aking manok.
"Ang layo naman ng idinayo mo." He still chuckled.
Gusto ko na lang talaga siya irapan at sabihin na wala siyang pakialam. I don't want to be rude tho.
"Ngayon lang naman ako gumala malayo sa amin
"Strict parents" Nahihiya lamang ako tumango, dahil naisip ko baka pagtawanan lang niya ako. Simple na lamang siyang napangiti, yung parang naiintindihan niya ako.
"Glad they allowed you."
"Oo naman mag-aabroad kasi ako sa Oman. Yun pinayagan naman na ako."
Sasagot n asana siya ng biglang tumunog ang ringtone ng messenger at agad siyang napatingin doon. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at naniningkit ang kanyang mga mata habang tinitignan ang kung ano sa phone nya. Siguro seryoso ang kung ano ang message sa kanya. Maya maya pa inilagay na niya ang phone sa kanyang bag at mabilis na kinain ang natitira niyang burger.
"I need to go right now." Aniya at malapit nang tumayo.
"Emergency?' Tumango lamang siya sa akin at kinuha na ang kanyang backpack
"Sure, magiingat ka Leon." Tumapat siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay.
"Nice meeting you Lara" Tinanggap koi to at nagshake hands kami ng tatlong beses.
Kung hindi ko lang nakilala si Allen, hay nako baka nilandi ko na ang lalaking ito. Char.
Pero bakit nga ba biglang nasama si Allen?
Nakatanaw na lang ako sa papalabas na si Leon at sumakay na sa kanyang kotse. Mabilis niya itong pinaharurot, talagang madaling madali sa kung anong kanyang pupuntahan. Madami pa din ang mga pumapasok sa loob kaya dali-dali ko nang inubos ang pagkain ko, para may maupo naman na iba.
I took my fries with me. Kinakain ko ang fries papauwi, Nililibot ko pa din ang paningin sa mga building dito, napapatingala pa din ako kahit pa nadaanan ko ang mga ito ng ilang beses. Nang malapit na ako sa hotel nalingat ako sa may isang gilid.
Teka ano to? Hindi ako maaring magkamali na si Allen yung nakikita ko at may kasama pang babae. Aba kaya siguro wala sa kwarto niya at hindi man lang nag-abala na tawagin ako kanina, dahil may kasamang babae.
Oo, wala naman akong dapat pakialam dito, pero hindi ko mapigilan na mainis.
Agad akong nagtago sa may poste pare mas matitigan pa silang mabuti. Naniningkit ang aking mga mata habang mas tinititigan ko sila. Pero wala ding silbi ang pwesto ko, hindi ko makita kung sino tong babae na kasama niya. Baka ito yung sinasabi ni Oli na ex ni Allen. Lumabas ako sa may poste at pasimple na naglakad sa kanilang direksyon. Shit! Hawig ko nga! Pero maikli ang kanyang buhok, ayos na ayos, maputi at matangos din ang ilong. Simple ang kanyang ayos, natural lang, samantala ako laging naka dark red na lipstick. Parang ang hinhin nya base sa pino ng kanyang kilos.
So kaya pala nagpunta kami ni Clark, dahil sisilay sa babae. Lalaki nga naman. Ang malas ko lang dahil dinamay pa ako sa kalokohan niya. Kaloka siya.
Pero di hamak naman na mas maganda ako sa kanya.
Akmang papasok na ako sa may lobby nang mapansin na ang direksyon ng tingin ni Allen ay nasa akin. Anak naman ng tinapa, bakit pa niya ako nakita. Tila may binulong siya sa babae at iniwan niya ito, tapos ito na siya! Papunta na sa akin. Sarap talagang magpalamon ngayon sa lupa! Juicecolored! Wala akong intension na mangulo sa lovelife niya.
"Lara." Aniya habang papalapit sa akin
The fuck! Talagang tinawag pa ako. Please lang ayokong makaharap yang babae mo, baka mapaguntog ko pa kayo. Please lang ako ay mayroong tahimik na buhay. Ayoko nang madamay sa kung anong meron sila.
"Allen bakit."
Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hapitin sa baywang at lumapit doon sa may babae. Hinawakan ko ang kamay ni Allen para hilahin na palayo pero dinaan niya ako sa nakikusap niyang tingin.
"Just play along please."
"Wag mo akong idamay sa kalokohan niyo."
Hindi na muli siya nagsalit at napatuwid ako ng tayo ng malapit sa siya sa amin.
"This is Lara. My girlfriend."
Teka ano? Girlfriend! Ang kapal ng mukha! Masyado akong maganda para maging jowa mo. Jusko.Nakakaloka.
She just smiled toward us at inilahad pa ang kamay sa akin. Hindi ba halata sa mukha ko ang gulat. Hindi ba niya halata na nagpapanggap lang 'tong Allen na ito.
"I'm Tamsin, Allen's Friend." Tila naiilang pa siya sabihin na friend. Jusko girl ok lang naman kung sabihin niya. Tumango lamang ako sa kanya at tinanggap ang kanyang kamay. Bumitaw siya sa akin at agad bumaling agad ang kanyang atensyon kay Allen. Sobra pa ang ngiti na gininawad niya, kulang na lang ilabas na niya pati gilagid niya..
"I'm so happy with you Allen, you already found someone." Mula sa masaya niyang mukha, biglang nabura ang kanyang ngiti at para pa siyang nandidiri kung makatingin sa akin. Aba mas maganda ako sa kanya, sipain ko siya gamit boots ko.
Napangiti lamang siya at hinapit pa niya ako papalait sa kanya.
"I really do, I am glad na dumating siya sa buhay ko." Mas humigpit ang hawak niya sa akin at tinignan na parang sobra niya ako pinahahalagahan, kita ko ito sa kislap ng kanyang mga mata. Napangiti na lamang ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero pang nagugustuhan ko ang paghawak niya sa akin, para na akong naging kumportable dito, pakiramdam ko sa kanya ako kahit nagpapanggap lamang siya.
"Should we go back to the room Allen." Mas lalong naging dismayado ang kanyang itsura. Hindi na siya makangiti at tikom na ang bibig na parang nagpipigil. Buti nga sayo girl! Gusto ko sana i-sway ang mahaba kong mukha sa mukha niya, kaso huwag na lang.
Ngumiti siya sa akin at tumango. "Sure baby." Simple akong napangiti, sobrang mukhang awkward na ang itsura ko, batid kong pulang pula na ang aking ilong.
Pagpasok sa hotel, tinignan ko kung umaaligid pa yung Tamsin. Mabuti at naglaho na rin kaya, mabili ko siyang tinitulak palayo.
"Hoy hinayupak di ako rebound ha. Baby baby ka pa." Dinuro-duro ko siya kahit umagaw na ako masyado ng pansin sa mga receptionist.
"Who says na gagawin kitang rebound Lara."
"Ano yong kanina? Pa girlfriend girlfiend pa! Please I have a quiet life Allen, wala sa purpose ko ang lumandi. Please lang." Saad ko at akmang hinilot ang ulo ko. Sumasakit talaga ang ulo ko sa kanya, bakit ba ganito?
"I won't be making you as a rebound Lara. Saka sabi mo papasok na tayo sa kwarto natin" Pinagdiinan niya pa ang salitang kwarto at lumapit pa siya sa akin lalo. "I also don't mind if totohanin natin.
Agad akong lumayo sa kanya at ramdam na ramdam ko ang kaunting pangingilabot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ipinakain sa kanya nung Tamsin na iyon at nagkakaganyan siya. Hindi ako natutuwa.
Nilakasan ko ang loob ko at nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya sabay pamaywang. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob sa ganitong pagkakatoon, pero nakakainis lang talaga si Allen.'
"Nakadrugs ka no?"
Umiling lamang siya. "I am serious Lara." Seryoso ang kanyang tingin at batid kong ang mga tingin na iyon ay nasa akin lamang, na parang kami lang dalawa ang nandito sa lugar na ito.
"In your dreams, diyan ka na nga!
Mabilis akong lumakad palayo sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin, wala man lang akong balak habulin.
Teka, bakit naman niya ako hahabulin.
Natatawa pa siyang nakatingin sa akin, talaga naman ibabato ko sa kanya ang vase at siya magbayad kapag nabasag.
Pagpasok sa kwarto, agad kong ni-lock ang pinto at mabilis na humiga sa kama, para akong nagutom uli at hinang hina sa mga nangyari. Nakakalokang Allen at Tamsin na iyon at dinamay pa ako sa kalokohan nila. Huwag ako, gusto ko lang gumala.
Pero nakakaloka si Allen, nakakaloka na rin ang pagkabog ang aking dibdib, dahil sa mga tingin niya, ramdam ko pa din yung paghawak niya sa akin na parang bang may "kami" talaga. Ganoon ba yung feeling kapag may kaholding hands o nakaabay ang lalaki sa isang babae, na parang may konting kilabot, yung titibok ng mabilis yung puso mo, yung parang magiging kumportable ka mula sa init ng kanyang balat.
Jusko, halos maging kumportable na ako sa paghawak niya at kung-ano ano na ang naiisip ko. Pagalit galit pa ako kanina, pero medyo ginusto ko din naman. Hay, ano na lang ang iisipin ni Allen sa akin.
Mula sa pagmumuni-muni, bigla ako napatingin nang tumunog yung phone ko.
From: 0915---
We'll leave at 3am
Agad na napakunot ang nook o, sino naman tong magtetext sa akin bigla bigla. I don't wanna assume kaso baka ibang tao ito, mahirap na.
To: 0915—
Hu u
From: 0915
Its Allen.
Napakunot ang noo ko, saan naman nya nakuha yung number ko. Aba lang talaga!
To: Allen
Stalker ka no.
From Allen:
Asa ka. Hindi ka naman maganda. Tita gave it to me.
Ang kapal kapal talaga ng mukha! Akala mo kung sinong gwapo! Hindi porque hindi pa ako nagkakajowa pangit ako! Yabang niya! Saka ginawa pa kong panakip butas sa ex niya. Sarap niyang sapukin.
To Allen Sungit
Fione Fione!Whateber. I'll be there at 3
I alarmed my phone 3 AM at pinatong na ito sa bedside table. Hindi na ako interesado sa kung anong irereply ni Allen.
Tinatamad akong bumangon, nanatili pa rin na nakapikit ang aking mga mata, pakiramdam ko kulang na kulang pa din ang tulog ko at parang ayaw ko na lang tumuloy sa lakad naming ni Allen at ituloy na lang ang naudlot kong tulog.
Pilit kong binuka at aking mata at nasilaw sa pagsilip ng phone ko, at matagal kong tinitigan ang laman ng usapan naming, hindi ako makapaniwala sa reply niya. Siya ba talaga ang kausap ko.
From: Allen Sungit
I'm sorry last night. Hindi ko dapat ginawa yon."
Simple akong napangiti. Mabuti at napagtanto niya. Talagang iiwanan ko siya mag-isa dito! Nakakainis na talaga siya. He makes me feel weird, ewan ko hindi na pangkaraniwan ang mga nararamdam ko, at ayokong maramdaman dahil ilang araw na lang aalis na ako ng Pampanga.
Babalik pa kami dito mamaya kaya kinuha ko yung maliit kong backpack, naglagay lang ako ng pamalit na t-shirt, tumbler, shades face mask, saka yung maliit kong make-up pouch. Ayoko maligo at dahil malamig, naghilamos lang ako ng konti at binasa ag buhok. Mabango rin naman ako kahit di maligo.
Inayos ko uli ang gamit ko at chineck kung kumpleto na ang lahat doon. Ok naman so far. Tumingin ako sa may phone ko para tignan kung may anong text si Allen at halos mapatakbo na ako palabas nang mapagtanto ang oras. 3:30 na! At malamang kanina pa si Allen doon sa labas. Kaloka!
Agad akong napatingin sa direksyon ng kanyang kwarto na marinig na magsara rin ito. Sabay pa kaming lumabas ng kwarto, Sakto pa na nagkatinginan pa kaming dalawa. Yung kusa na lang naglapat at aming tingin at hindi ko alam kung iaalis ko ba to habang tinitignan ko ang bilugan niyang mata.
"Uhh, let's go!"
Simple akong napangiti at pilit inalis ang "Awkwardness" na nararamdaman ko. "Arat na!"
Sumakay kami pareho sa may Montero niya. Pareho kaming walang kibo at tanging kanta na Air Supply mula sa radio ang aming naririnig. Medyo inaantok pa ko, pero pilit ko lang nilalabanan dahil sa kasama ko. Nakakahiya naman dahil alam kong kulang pa din siya sa tulog.
"Lara."
"Oh." Lumingon ako sa kanya at nginitian lamang niya ako. Very unusual sa kanya dahil hindi naman niya ako madalas nginitian na labas ang ngipin, simula kahapon lang.
"About last night—" Agad akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking pisngi at basta na lang winasiwas ang kamay ko, para ipakita na kanya na wala lang iyon.
"Wala yun, sadyang high ka yata noon kagabi, mukhang may hangover ka pa." Sabi ko na may halong panloloko
"Siguro nga."Napailing na lamang siya at ibinalik ang buong atensyon sa daan, na dapat doon lang dahil maaksidente pa kami. Sa pag-iling niya para siyang dismayado sa sagot ko. Wala nang kumibo sa aming dalawa hanggang sa makarating na kami sa stalls.
Maraming mga tao sa meet up area at nakaparada na ang mga 4X4 na mga jeep. We bring our glasses and mask out dahil sobrang maalikabok dahil sa lahar.
Before we proceed in our assigned jeeps we met our tour guide and gave us information tungkol sa Mt. Pinatubo at yung mga rules ang regulations during the tour. Nawala na ang antok ko nang makita ang ganta ng view dito. We cross through river habang bumungad sa amin ang mga limestone wall at feel na feel ko pa ang pag-sway ng buhok, parang sa mga commercial ng mga shampoo.
Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa may buhok ko at pinagsama sama ang mga lumilipad na mga hibla ng mga buhok ko. Bumungad sa akin si Allen na masamang masama na ang tingin sa akin.
Ooops! I showed my peace sign to him and shows my pleasing smile. Inirapan lang ako ng loko.
Nagstop-over muna kami sa isang tabi, mahaba haba pa rin ang lalakbayin, sabi baka abutin ng mga isa pang oras or less. Nasa kalagitnaan pa lang kami, kahit kalayo layo na nang nararating namin.
"Ok let's stop over here guys so you can all take a picture of the view here." Sabi nung tour guide. Inalalayan ako ni Allen pababa ng jeep at nahila ko na yung kamay niya sa sobrang excited kong magpapicture. I can't miss this view no!
"Lara, calm down." Pag-awat niya sa akin, agad kong binitawan ang kanyang kamay nang mapagtantong hawak ko pa rin ito at naguguluhan ako bakit ko nahawakan ang kamay niya. Alam ko hindi lang dahil sa excitement ito. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Napangiti na lang ako at inabot ang phone ko sa kanya para maalis ang kung anong mabubuong awkwardness.
"Allen picturan mo ako dito!" Pumuwesto ako habang ang mga limestone walls ay nasa likuran ko. I did a candid pose saka nakapamewang ang kaliwa kong braso habang chill lang yung isa.. Dismayado akong makita na tamad lang niyang tinutok ang camera sa akin. Dalawang braso na ang nakapamewang sa akin saka siya sinamaan ng tingin. Sakto pang humangin ng malakas at natakpan ng buhok ko yung mukha ko. At doon bumungad sa akin ang pag-flash ng camera.
"Gandahan mo naman ang angulo. Mag effort ka naman, ang pangit ko diyan!" Naiinis kong sabi at kinuha na ang cellphone ko sa kanya at tinignan ang kanyang mga kuha. Infairness ayos naman, kahit itong stolen na ito, maganda pa rin tignan kahit natakpan yung mukha ko. Pwede na.
"I do already put effort here."
"Wow! Thanks ha!" I sarcastically said at tinutok ang camera sa kanya.
"Ikaw naman dali."
"Sigurado ka?"
Tumango lang ako, nakatayo lamang siya at hindi man lang ngumingiti
"As expected hindi na maganda ang kuha mo." Aniya habang nakatingin siya sa kuha ko. Aba ayos naman a. Kaarte nito. Pinagmukha ko pa nga siyang mas matangkad. Napairap na lang ako sa kanya at hinarap ang front cam sa aming dalawa.
"Selfie na lang tayo."
Ayun, ni hindi man lang siya ngumiti. Hindi ko maiwasan na mapangiti, kahit na ganito, sa ilang araw kami nagkakilala, nagkaroon din kami ng picture.
Tinawag na kami ng tour guide namin para bumalik sa may jeep.
Huminto ang sasakyan sa may ilog kung saan doon na kami pupwede magsimula na magtreking papunta sa may lawa ng Pinatubo. Sobrang na akong naeexcite dahil sabi ng mga tour guide doon
Kumuha rin ako ng mga ilang picture ng mga aeta doon. Natutuwa ako lalo yung lalo yung makita ko yung ngiti ng mga bata, kitang kita ko na sobrang saya nila kahit kahit hirap sila sa buhay at pinili pa rin nila na maging sama-sama. Samantala ako kailangan kong lumayo para sa pamilya ko, at hindi ko masabi ko masaya ba ako dito o hindi.
"Lara." Agad akong natauhan sa pagtapik ni Allen sa akin. Nanlaki mata ko sa gulat nang mapagtanto na kami na lang pala ang tao sa stop over at nagsisimula nang magsiakyatan ang mga kasama namin!
"Lalim kasi ng iniisip mo, nandito lang naman ako." Napakunot ang noo sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Ang gulo!
"Sinasabi mo diyan, halika na nga!" Sambit ko at hinila na siya papalapit doon sa mga kasama naming na aakyat papunta sa may lake.
Hanggang sa pumukaw ng atensyon ko yung papalapit na signage, agad akong lumapit dito.
Young age: 15 minutes
Middle age: 18 minutes
Senior Citizen- 20 minutes
"Lara saan ka diyan?" Aniya nang tumabi siya sa akin at pareho na kaming nakatingin sa signage. Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip ako.
Tinatanong pa ba yan? Siyempre young age." Mayabang kong sabi at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Samantala ikaw pwede na sa senior citizen."
Ngumisi lang siya sa akin at tinapatan ako ng tingin. "Makikita natin."
"Talaga lang ha."
Hindi na siya nagsalita at agad nang tumakbo ng pagkabilis bilis.
"Hey! Huwag mo kong iwan dito! Madaya, wala pang go!" Bulyaw ko at dali-dali siyang hinabol. Pabilisan, hindi iwanan! Kaloka.
"Lara, what happned? Let me help you." Pabiro niya pang sabi nang huminto ako sa isang tabi para iapahinga ang pagod kong binti. Mahaba haba rin ang tinakbo ko a!
"Ano kaya mo pa ba?" Asar pa niya at may halong ngisi, na parang bang mali ang sinabi ko kanina. Yeah ang bilis bilis nga niya, halos hindi ko maabutan. Siyempre di papatalo ego ko sa kanya.
"Siyempre naman no. Tara na nga!"
Mabilis akong naglakad hanggang sa malagpasan siya. Akala niya, hindi niya ako mauunahan this time. Mabilis na akong tumakbo pababa ng hagdan, pero sa hindi inaasahan natapilok ako sa may isang bato. Agad na napatingin ang mga ilang kasabay naming at mukhang nagpipigil pa ng tawa ang iba.
Bwisit! Nakakahiya!
Dahan dahan akong tumayo at agad din akong inalalayan ni Allen.
"Kaya mo ba?" Nagaalala niyang tanong.
"Oo naman! Mawawala din ito." Sabi ko at bumitaw na ako sa kanya, pinilit ko na maglakad kahit paika-ika na ako. Nakakainis talaga, sobrang pahiya na ako dito.
Agad din niya akong tinapatan sa paglalakad.
"Pasan na kita."
"Naku mabigat ako, ok lang ako promise."
Umupo siya sa may tapat ko at iginiya na pwede na kong pumasan sa kanya. Blanko ko lang siyang tinignan, pero sa loob ko, gusto kong pumas an talaga.
...................
Pasan-pasan na ako ni Allen habang papalapit sa may lawa. Mapilit si Allen na ipasan ako dahil hirap na ako lumakad Iniinda ko pa rin ang sakit ng kaliwa kong paa, pero hindi na alintana dahil ang ganda ng view an gang bango bango ni Allen kahit pawis. Matanong nga sa kanya kung ano ang scent niya. Kaso baka lumaki na naman ang ulo niya at tuluyan nang matapakan ang natitira kong ego laban sa kanya.
Hanggang sa makarating na kami sa lawa. Grabe ang ganda! Super worth it ang pagod at puyat basta makakita ng view. Nakalimutan ko na ang sakit sa paa ko at mabilis na lumapit. Gusto ko rin sana maligo, pero hindi ito reccommended nung tourist guide namin. Sayang may extra pa naman akong damit.
"Hoy Allen, napanganga ka naman na diyan."
"Hindi a." Kinapa pa niya yung labi niya kung talagang napanganga siya. Uto talaga. Tinabihan ko siyang maupo sa bato bato habang nakatingin kami pareho sa may view."
"I still admiring this, kahit ilang beses na akong nakapunta dito"
Sinamaan ko siya ntg tingin. Talaga lang ha, naidala na niya kaya yung ex niya dito. Yung Tamsin?
"Ikaw pa lang nadadala ko dito." Mabilis na napadilat ang mata ko, hindi ko naman tinatanong sa kanya a? May paka-mind reader ba 'tong tao na ito. Nakakaloka. Hindi na lang ako kumibo at pinagmasdan na lang ang magandang view ng lake. Wala rin naman ako masasabi.
"You know why I like this place a lot, because it is just like people. Pain and our struggles are just disasters in our lives that brings us to out better version."
Napanganga ako sa sinabi niya. Bukod sa English iyon, saan naman niya napulot ang hugot na iyon?
"Grabe, dinugo yung ilong ako." Pabiro kong sabi at akmang pinunasan pa ang ilong ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Wuy peace lang, gets kita.. Siyempre tama naman ang sinabi mo. We are molded by these things, like Pinatubo, dahil sa pagsabog noon, naexpose lalo yung mas maganda niyang version tama?"
Tumango lamang siya.
"What a beautiful disaster." Sambit niya.
"Yeah beautiful, kung pwede nga lang magtagal tayo dito." Lumingon ako sa kanya. Gulat ko na lang dahil nakatingin pala siya sa akin at buong akala ko doon lang siya sa lake nakatingin.
Our eyes met each other, tila nahinang na kami sa tingin ng isa't isa. Hindi ko na maipakakaila na mabilis na naman niyang napapatibok ang puso ko.
"Lara, I like you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top