Chapter 4
Pagsakay sa Montero mabilis kong inalis ang isang boots na nakasuot pa sa paa ko. Itinabi ko muna ito sa may paanan saka umupo ng maayos. Naiinis ako napatingin sa mga ito. Mapanlinlang na Shopee sabi matitibay ang mga to.
So sadya lang mapanira ang paa ko. Kainis! Kung hindi dahil dito, hindi na ako kailangan pang buhatin ni Allen.
"Ayos ka lang?" Nagtataka pa niyang tanong sa akin.
"Ok lang no, wala naman masyadong nangyari." Badtrip kong sabi. Akala ko pa naman maeenjoy ko ang paglalakad dito. Hay.
Maya-maya napailing na lang siya bago paandarin ang sasakyan. Pareho kaming tahimik na dalawa. Ayokong mag-initiate ng pag-uusapan dahil wala ako sa mood. Medyo awkward na ang atmosphere, kaya mas pinili ko na lang na tumingin sa daan.
Huminto kami sa Marquee mall. Bago kami pumasok sa parking kinuhanan pa ng picture si Allen pati ang sasakyan. Natuwa ako sa may katapat namin kahit bike kinukuhanan din. May binigay muna sa kanya na card bago kami pinaalis. Bago kami bumaba may inaabot si Allen at ibinigay niya sa akin ang Nike slippers niya. Nagtataka akong tumingin dito nang inabot niya sa akin ito.
"Unless you want to walk with your bare feet."
"No." Mabilis kong kinuha sa kanya ito at mabilis na sinuot. Oversized ito sa paa ko, pero carry na ito. Kaysa naman magpaa ako dito. Saka libot is life no. Char.
Agad akong namangha pagkapasok. Napasosyal ng mall na ito. Tapos yung mga nasasalubong ko pa may mga foreigner, mga batang naka-uniform pa, tapos parang ang yayaman ng mga nakasalubong ko. Para tuloy ako nahihiya sa suot ko, lalo sa slippers. Pero branded naman e, ok na to. People does not mind haha.
Nilibot ko ang tingin sa mall. Mayroon din mga designers stalls at mas pumukaw ng pansin ko na mayroong stall ng MAC doon. Gusto kong pumasok dun, kaso wala naman ako budget. Saka pang window shop lang ang kaya ko.
"Lara." Nanlaki ang mata ko nang maisip na kanina pa siya nakatingin sa akin. At ang sama-sama niya pa kung makatingin na para bang may ginawa akong kalokohan. Mabilis kong hinawakan ang baba ko. Bwisit! Hindi naman ako nakanganga a.
Nakangisi na siya nang tumingin ako sa kanya. At talaga naman plano niyang mang-inis. Maibabato ko na talaga tong tsinelas niya sa kanya. Hay ewan ko ba ngayon at trip niyang mang-inis. Tuwang-tuwa pa siya na naiinis. Hindi ko siya mawari e.
Inilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtitingin ng mga stalls. Halos kumukinang na ata mata ko sa dami ng mga stalls doon na malimit wala naman sa probinsya. Pati mga favorite kong cosmetic line nandito rin! Ang sosyal naman kasi ng mall na ito, what to expect diba? Magpalibre kaya ako kay Allen sa mamahaling restaurant dito. Hehe.
Sumakay kami ng escalator hanggang sa narrating na naming yung stalls ng mga sapatos.
"Choose."
Napakunot ang kanyang noo sa mapanuring tingin na iginawad ko sa kanya.
"Bago pa magbago isip ko."
I rolled my eyes. "Kaya kong bilhan ang sarili ko no." Pinipilit ko ang sarili na ko hindi mapangiwi. Kahit aware ako sa presyo ng mga sapatos dito, nabibigla pa rin ako pag sisilipin ko ang price nito. Hay bakit naman kasi dito pa niya ako dinala. Pwede sa palengke na lang, that may do, masyadong nakakahinayang na bumili nang mahal na sapatos. Saka mag-aabroad naman ako, mas prefer ko doon na lang bumili.
Pero naisip ko magpalibre sa kanya.
Ngumisi ako sa kanya at saka pumili nang sapatos. Yung pinakamahal kaya. Char. Nakakahiya naman ng kaunti. Tumingin-tingin ako sa mga ilang mga sandals doon, wala naman akong masyadong magustuhan at nabibigla pa rin ako sa presyo. Luminga-linga na lang ako at maya-maya ay lumapit sa akin si Allen na may bitbit na putting sneakers.
Agad kong kinuha ko yung hawak niya. Shet bet ko to. I am longing for a white sneaker, lagi kasi ako nag-aalangan na bumili nito. Pero gustong gusto ko nito.
"You want?"
"Oo naman!" Umupo ako sa may bench at mabilis na sinukat ang sapatos. Sobra akong namangha na kasya yung sapatos sa akin. Talagang tyamba nga naman ni Allen, ayos a. Napangiti ako nang tuluyan nang maisuot ko na yung sapatos.
"Sa susunod kasi yung kaya mong dalhin ang isuot mo."
"Bakit? Ayos naman ako sa boots a? Nasira lang kasi."
"We'll get it miss." Napangiti siya sa aming dalawa nang maisoli ko yung sapatos para maipunch as cashier.
"Alam mo sir, bagay nga sa girlfriend mo. Sana all." Pero kaming nagkatinginan ni Allen.
"Yeah, I'm happy that she likes it. She's very hard to please" Aniya at nakakaloko pang tumingin sa akin. Mabilis akong umirap sa kanya. Teka teka parang kahapon lang diring diri ito sa akin. Ngayon sinasakyan na yung saleslady.
Talaga bang mukha kaming mag-jowa?
"Ganyan lang kami mga babae sir no." Aniya at inipit pa ang buhok sa likod ng kanyang tenga. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, ang pabebe mo girl. Napairap ako.
"Diba bawal kayo makipag-usap sa mga clients niyo." Iritado ko nang sabi. Agad kong nakuha ang atensyon nilang dalawa dahil sabay pa silang napatingin sa akin. Talaga lang ha. Tinaas ko ang kilay ko at hinarap sila. Plastik na ngumiti sa akin si ate na saleslady saka tumalikod sa aming dalawa. Sinundan pa ng tingin ni Allen ang papalayong si Ate.
Teka baka bet naman niya yun?
Agad akong napailing sa naisip at umiwas ng tingin sa kanya.
"Bakit?"
Tinignan ko lang siya. Bakit niya mukha niya. Naglakad ako at sinundan si ateng saleslady papuntang cashier agad naman sumunod sa akin si Allen. Binayaran niya yung sapatos at saka niya inabot sa akin ito.
"Suot mo na."
"Agad agad?" Tinignan ko pa ang inaabot niyang box, ni hindi ko man lang kinuha sa kanya ito.
"Unless gusto mong isuot ang tsinelas ko, balik ko na lang kaya." Biglang nanlaki ang mata ko at kinuha sa kanya ang sapatos. Sayang naman. Umupo ako sa malapit na bench at mabilis na kinuha ang sapatos sa box, natuwa pa ko ng may binili pa siyang footsocks. Hindi ko man lang napansin na binili rin niya ito. Ayos.
"Ako na magbibitbit niyan." Sabi niya nang maipatong ko na yung paperbag sa may tabi ko.
"Ako na. Nakakahiya sayo." Mabilis kong kinuha ang paperbag para hindi na niya kunin pa. Napatingin na lang siya sa akin at hinayaan na lang na magbibit ng paperbag. He's not my boyfriend anyway to carry my things. Even if he does...Wait no way!
Basta! Nakakahiya. Ayaw kong dumepende masyado lalo naman sa bagay na kaya ko. Naglakad kaming dalawa palabas ng shop. Parehas kaming tahimik na dalawa. Parang kaming nasa first data na awkward na awkward sa isa't isa.
I feel awkward, but it is not a date.
Napatingin muna ako sa hawak na paperbag saka tumingin sa kanya.
"Salamat ha." I almost stutter, buti nacontrol ko ang sarili ko, Agad namang napangisi ang loko.
"Yan. Kanina ko pa gusto marinig yan" Tumapat siya sa akin.
"Kanina ka pa iratado, akala ko nga hindi mo tatanggapin yung sapatos."
"Sayang no. haha." I fake laugh at patuloy pa din sa paglalakad.
"Di ko type yung saleslady huwag kang mag-alala." Paninigurado niyang sabi. Napatigil ako kaya nasa tabi ko na siya ulit. Tingin na tingin siya sa akin. Those eyes can seems to be penetrating, bat ba ganun naman na siya makatitig. Nakakatunaw.
"Pakialam ko."Saad ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. Naglakad lakad kami ng kaunti at tumanaw tanaw sa mga stalls. Gusto ko sanang pasukin ang mga ibang stalls doon, pero parang hindi ko naman trip at ayaw ko rin mapagastos. Mukhang ayaw din naman nitong kasama ko at hindi na naman nagsasalita. Mukhang uuwi na lang ata kami.
Hay akala ko pa naman madaming kaming pupuntahan at mag-eenjoy ako. Well nagenjoy naman ako kanina sa simbahan at ok naman ako dahil may pasapatos siya.
But this journey, my journey is about being free for a while, yung gagala ng bongga. To travel. I don't know if it is worth it to have Allen with me. Lagi kong hindi maintindihan, minsan nanloloko, minsan masungit tapos ngayon parang hindi ako kasama.
Hay.
"May gusto ka pang puntahan." Nanlaki ang mata ko nang magsalita siya. I even blinked twice while looking at him, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Nang matauhan nagkibit-balikat ako.
"Bahala ka." Napangiti lang siya sa akin.
Wala naman ako ideya kung ano ang pupuntahan, hindi naman ako nagsearch. Basta magpapatinanod na lang ako kung saan niya ako dadalhin. Maya-maya pumila siya sa isang stall para magbayad sa parking, habang ko ay bumili ng brownies sa katabing stall saka bumalik sa tabi niya. I've been craving for a brownies for a long time, saka masarap ang brownies sa stall na iyon. Bumili na rin ako ng isang box para kay Tita Maris niya.
Nagtataka pa siyang napatingin sa hawak kong box. Sinalubong ko ang tingin niya at tinaasan ng kilay. So what?
"Dami mo namang kakainin."
"Kay Tita mo yung isa." Buong pagmamalaki kong sabi. Gusto ko rin naman na may salubong sa kanya, since pinatuloy niya akong libre. Pathank you na rin.
"Tita does not like sweets." Sinamaan ko siya ng tingin, anong hindi mahilig sa matamis, samantala napakadaming stock ng chocolates sa may pantry nila. Hay nako. Isusupalpal ko sa kanya yun pag-uwi ng bahay nila. Char.
Nang matapos na siyang magbayad lumabas na kaming dalawa ng mall. Sabay kaming sumakay ng Montero. Maya-maya pinaandar na niya ito at umalis, binigay niya ang card sa mga stall doon saka kami lumabas. Marami din sakayan doon at medyo traffic sa may pacircle na daan. Rush hour din kasi mas lalong traffic.
Pasimple akong napatingin sa cellphone ko para magtext kila Nanay na maayos naman ako at nasa mga mabuting kamay. Hay muntik ko nang malimutan lalo at nakailang missed calls na sila. Masyado ko naman na naenjoy ito na nalimutan na sila. Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko habang naghihintay ng reply, habang naghihintay napatingin ako kay Allen na seryosong seryoso na nakatingin sa daan.
From his side view, mas kita ang matangos niyang ilong. Tikom pa ang kanyang bibig at nakakunot pa ang kanya noo. Sa mga tingin niya parang gusto niyang hawiin ang mga sasakyan sa harapan naming. Medyo hirap kaming umusad dahil sa traffic.
"Lara, You can stare at me anytime."
"Huh?" I blinked. At doon ko napagtanto na nakatingin na siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin. Nakakahiya! Nahuli pa niya ako!
Eh ano? Those stares does not mean much. Hindi ibig sabihin nun pinagnanasaan ko siya or what.
Stare-at-me anytime mukha niya. Hay sarap niyang hampasin. Nabaling na lang ang atensyon ko nang nagring ang phone ko. Mabuti at nagreply na si Nanay.
From: Nanay
Mabuti naman kung ganun. Mag-iingat ka lagi, saka gabi na! Umuwi ka na dapat
Napabuntong hininga ako. Hay may curfew pa rin ako. I can't blame them worried lang sila. Iuupdate ko na lang sila mamaya kung saan man kami mapunta.
"Uuwi na tayo?" Wala sa loob kong tanong. Nanlaki pa ang mata ko nang mapagtanto na nagsalita ako. Hay, nandyan naman na. Napangiti ako nang umiling siya sa akin. Excitement instanly fills me. Hay mabuti na lang at ililibot niya pa ako.
Nawala na rin ang inis ko sa kanya.
"Saan tayo pupunta?" I said with full excitement.
"Nope, You'll see later." I pouted because of disappointment, ano yun cliffhanger lang? Kainis ulit.
Maya-maya bumungad sa aming ang mga taong naglalakad sa tabi tabi. Napangiwi ako nang may makita pang mga magkaholding hands saka magkaakbay. Mga lintik, walang forever. Char. Maya-maya pumarada si Allen sa may parking space at sabay kami na bumaba. Nakasunod lamang ako sa kanya habang naglalakad. Medyo malayo layo tong pinarkingan niya ha. Saka trip niya ba maglakad? May sasakyan naman kami. Luminga-linga ako habang naglalakad ako, hanggang sa may nakita ako.
Is that night market! Wow! Ukay finds ang dami pala ditto! Sana dito na lang kami bumuli ng sapatos para mas mura. Pero sabagay sagot naman ni Allen to. Ok na rin.
"Save that for later."
"Bakit?"
"Mas magugustuhan mo yung pupuntahan natin. Aniya at hinawakan ang kamay ko. Gusto kong pumalag pero parang may sa loob ko na ayaw itong gawin na hinayaan na lang na makahawak ang kamay naming dalawa. Ang higpit higpit nang hawak niya sa kamay ko.
Ewan ko ba pero dahan dahan ding sumisilay ang ngiti sa labi ko. Ngayon lang kasi may lalaking humawak ng kamay ko. Naalala ko kanina, halos mandiri ako sa mga nakasalubong naming na magkaholding hands, tapos ito may kahawak ako kamay. I wonder if may makasalubong akong bitter then sabihin niya ring walang forever!
Wala naman kaming forever dahil hindi kami mag-jowa.
Somehow, I felt more secured nang hawak niya ang kamay ko. Parang hindi ako, mawawala. I don't know for the first time I felt this comfort, lalo pa at kakikilala ko lang sa kaniya.
Hanggang sa tumapat kami sa isang hall. Kahit medyo malayo pa lang alam ko na kung ano ito. Para siyang food court ng mga malls, tapos ang dami daming mga kainan. Parang ang sarap magfoodtrip dito. Tama nga si Allen, mas magugustuahan ko dito!
Pumukaw ng atensyon ko yung malalaking mga letter stand na "Mangan tamu." It is a kapampangan word at alam na alam ko ang ibig sabihin, "Kain tayo." Talagang nadedepina nga nito ang lugar dahil sa dami ng tao na kumakain.
Pumasok kami sa may green arch. Ang saya dito! I am too overwhelmed by the noises made by the people talking, tapos ang sarap sarap pa ng kain nila. Mas lalo akong natatakam. Para akong nagutom bigla at gusting kumain ng madami. Tumingin tingin kami sa mga stalls, napakaraming choices! Hindi ko alam kung saan bibili ng pagkain, lahat nang nandoon gusto ko! may mga streetfoods, Korean foods, mga palamig, pizzas, barbeque. Basta napakaraming choices. Bilhan kaya naming lahat, saka ngayon lang naman ako kakain ng madami.
Halos malula ako sa dami ng inorder naming ni Allen. Kumuha ako ng bimbap, rice cake, kwek-kwek, pizza, shrimps bbq tapos isaw. Samantala si Allen tapsilog, ilang tuhog tuhog din saka pizza. Actually tig-isa kami ng box na magkaiba ang flavor. Sa set up namin, para kami hindi nakakain ng mga ilang araw.
Akmang kukuha na si Allen ng pagkain nang pigilan ko.
"Teka, picturan mo muna ako please." Pakiusap ko.
Napailing si Allen nang kuhanin ang phone ko at tinapat sa akin.
"Gandahan mo kuha ha." Tumungo lang siya at saka na ako nagpose na nakapeace tapos yung nakangiti lang. Maya-maya inabot na sa akin ni Allen ang phone ko at tinignan ang kuha niya. Aba ayos a. Ang galling ng kuha niya yung sa akin nakafocus tapos yung nasa paligid ko blur.
Napabaling ako kay Allen na kumukuha ng pagkain.
"What?" Nagtataka pa niyang sabi.
"Pipicturan din kita."
Napakunot ang kanyang noo at kinagatan ang pizza. "Is that necessary." Napailing siya.
"Please, for memories."
Simpleng gumiti si Allen habang hawak yung kinagatan na pizza.
"Happy?" Tanong niya. Masigla akong tumango at nagsimula na ring kumain.
"Lara hinay-hinay ka." Natatawang sabi ni Allen nang makailang subo ako ng hipon. Ayaw niyang kumain, dahil allergic siya dito. Iniinggit ko. Kumuha pa ako ng pizza at kinagatan ito. Hay mamaya oorder pa ako ng pagkain.
Napahinto ako nang masamid. Napahawak ako sa bandang lalalumnan ko at kinakalma ang sarili. Napailing si Allen at mabilis na inabot ang tubig. Natatawa-tawa pa siya habang umiinom ako ng tubig. Fine, nasa iyo ang halakhak. Bwisit.
"Sabi kasi sayo, dahan dahan we have all the night Lara." Aniya at sumubo ng pizza.
"Nag-eenjoy lang naman ako!" Saad ko at nagpatuloy sa pagkain.
"You can enjoy things better slowly." Makahulugan akong nakatingin sa kanya, para bang may pinaghuhugutan siya sa sinabi niya. Iniwas niya ang tingin sa akin at binalik ang atensyon sa akin.
"Tignan mo nangyari sayo? Nakakaenjoy ba na masamid."
I shrugged. Oo nga naman. Nasamid na ako dahil sa bilis kong kumain. Tama nga siya mas masarap kumain pag dahan-dahan besides wala naman akong curfew. hehe
Maya-maya napahimas ako sa tiyan ko, grabe sobra akong naenjoy sa pagkain. This is the best foodtrip I ever experienced at hindi ako makapaniwala na naubos namin dalawa ni Allen lahat. Habang nakatingin ako kuha naming sa cellphone, hindi sadyang napatingin ako kay Allen at nagulat sa ginagawa niya.
Sinisinop niya yung pinagkainan namin, sinasalansan niya yung bawat mga cups. Nahiya naman ako sa kinilos ko, pagkatapos kumain cellphone kaagad. Ano kaya ang iniisip niya sa akin. Pero infariness ha, ang nice ng ginawa niya. Nahiya ako at tumulong na magligpit nang pinagkainan naming.
Marami kaming nasasalubong na mga tao nang naglalakad kami sa pathway. Maganda na rin to at kahit papaano at matagtag naman kami sa dami ng kinain naming. Ieenjoy ko ang paglalakad lakad namin, habang si Allen parang walang pakialam. Sabagay nga naman, taga-rito siya at malamang makailang beses na rin siyang makapunta dito.
Sino kaya ang mga dinadala niya dito?
Napailing ako para mapigilan ang kung anong maisip. Malamang kaibigan diba. Pero pwede naman na magenjoy siya para kunyari, para naman hindi ako mukhang tanga na libang na libang.
Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama?
Haggang sa mapalingon ako sa malapit na live band. OMG! Gusto kong pumunta doon. Kanta ng Rivermaya yun! Mabilis ko siyang hinatak papunta sa live band. Tuwang tuwa akong habang nakatanaw sa bandang kumakanta. Grabe, ang saya pala makinig sa live band! Tapos parang gusto mo rin makisabay sa kanila.
Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya
Hindi mo na kailangan humanap ng iba
Kalimutan lang muna
Ang lahat ng problema
Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na
Handa na bang gumala
Napangiti ako nang mapagtanto ang lyrics. Si Allen ang unang pumasok sa isip ko. Naalala ko na yung kahapon na nagpresinta siya na ilibot ako dito sa Pampanga. Gusto kong gumala, gusto kong maging malaya pansamantala, gusto ko naman maransan na pumarty, magpalaboy laboy, lumibot libot. Gusto kong lumibot without curfews, gusto ko mag-enjoy without limits.
Pap-pa-rap... pap-pa-rap-pa..
Pa pa pa pa (papapapa....)
La-la-la... oooh hoo hoo..
Hinayaan ko ang sarili na sumayaw at makisabay pa sa kanta. Hindi naman ako dancer pero carry na, gusto ko talaga maramdaman ng kanta, gusto ko maramdaman yung ambiance ng live band dito. Nang mapalingon ako kay Allen nakatingin lang siya sa akin na parang kanina pa niya ako inoobserbahan. Aliw na aliw ata na mukhang tanga ako ditto.
"Luh, bakit ka nakatingin sa akin? Nagagandahan ka sa akin no." Mas lumapit siya sa akin, napahinto ako sa pagsayaw dahil doon. Sobrang lapit na naming sa isa't isa, kung natulak man kami baka tuluyan na kaming magpalit ng mukha.
"Paano kung nagagandahan nga ko sayo."
"Huh?" I blinked. Teka sinabi niya yun? Gusto kong ulitin niya.
"Hatdog! Halika na, umuwi na tayo."
Sa sasakyan kusang ako nangingiti habang naalala ang sinabi ni Allen kanina. Alam ko naman na maganda ako, pero iba yung dating pag sinabi niya. Para bang ang ganda ganda ko talaga!
"Lara ba't ka nakangiti."
"Aba paki mo." Mabilis kong sabi at nagpoker face na lang ako at pinipigilan na mapangiti.
Bumungad sa amin si Tita Maris pagbukas ng gate.
"Aba saan kayong galling na dalawa. Sabi ko huwag munang gagawa ng bata diba?" Akto pa niyang nag-aalala na sabi. Pareho na lang kami na natawa kay Allen at nanlaki pa ang mata niya dahil dito.
"Teka, hindi pa ako handa na maging lola ha. Teka bigyan niyo ko ng pagkakataon na mag-isip, paano ko to sasabihin sa mama mo Allen." Lumapit si Allen kay Tita Maris, hinawakan niya ang kamay nito saka binigay yung binili niyang mga Korean food.
"Tita kalma, ito salubong namin."
Mabilis ko rin inabot yung brownies na binili ko para kay Tita Maris.
"Para sa inyo din po." Nakangiti kong sabi.
"Iha, nag-abala ka pa, pero salamat ha. Alam mo paborito ko to." Bigla kong naalala yung sabi ni Allen na hindi mahilig si Tita Maris sa matamis. Hindi ko naman nakikita na sarcastic siya at tinikman pa niya ito.
"Diyos ko." Naglipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Akala ko pa naman magkakaapo na ako."
Natawa na lang si Tita Maris nang sabay pa kaming napakamot ng ulo. Nakakailang kasi, bakit kasi ganun ang banat niya. I can't see myself for that. Hindi ko maatim na maisip. Natauhan na lang ako nang kinalabit ako ni Tita Maris.
"Kamusta? Nagenjoy ka ba Lara."
Napangiti ako kay Tita Maris. "I never though masaya palang kasama to si Allen." I unconsciously answer at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang sinabi.
Si Allen abot tenga na ang ngisi, kulang na lang pumalakpak na ang tenga sa narinig. Ako naman, iniisip kung pwede ko lang bawiin ang sinabi ko. Nakakahiya!
"Mabuti naman at hindi ka sinungitan nitong si Allen, kaya hindi nagkakagirlfriend e." Makahulugan siyang nakatingin kay Allen na nakasandal sa Montero habang bitbit ang kanyang itim na payong. Habang ako pibipigilan ko na matawa, tamang tama nga ang sinabi nito, may pagkamasungit kasi tapos moody, daig pa ang may regla.
Maya-maya pumasok si Tita Maris sa loob. Nakangisi pa ito sa aming dalawa bago siya pumasok, alam ko na ang nasa likod ng mga ngisi niya at ayoko nang isipin uli.
"Una na ako, thanks for the night Allen." Saad ko at tumalikod sa kanya.
"Hatid na kita." Pinigilan ko ang sarili na matawa. Ayos a, may pahatid pa siyang alam samantala katapat bahay lang naman nila yung tinutuluyan ko.
"Hindi na, diyan lang ako. Ikaw naman. Magpahinga ka na."
"I insist." Seryoso akong napatingin sa kanya. Bongga! May pa- "I insist" pa siya. Ang taray ng pagkakasabi niya.
Nagsimula kaming maglakad papunta sa tinutuluyan ko. Hindi ko na mapigilan na mangiti at nag-iwas na lang ng tingin sa kanya para hindi ko mahuli na nakatingin sa kanya.
Masaya siyang kasama, At hindi ko na pala babawiin ang sinabi ko.
..............................................................................................................................
A/N: Ano ba yung mga pinapatugtog pag live band doon sa may live band malapit sa may foodstreet sa Pampanga?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top