Chapter 3
"Lara, bukas na lang tayo tumuloy." Listo akong napaharap kay Allen. Kakatapos ko lang magsampay at mag-aayos na ako dahil ngayon daw kami gagala. Naeexcite nga ako dahil madaming pasyalan sa gabi ang Angeles, gusto ko din mapunta yung parang food market dun. Tapos hindi lang kami matutuloy.
"Bakit naman?" Dismayado ko nang sabi.
"Pagabi na." Napakunot ang noo ko. Ano kaming dalawa? Bata? Bawal lang gabihin. Well ayos lang naman sa akin, kaso naman umasa ako e. Asang-asa na ako na makakagala na ako dito sa Angeles. Hay.
"Sabi sa net maganda raw ang night life dun? Bakit naman." Pinigilan ko ang sarili ko na magalit at awayin siya baka mamaya palayasin ako dito sa kalagitnaan ng gabi. Napakamot na lang ako ng ulo at pinipigilan na sigawan siya dahil sa pagkadismaya. Pero sa totoo lang gusto ko na talaga siyang awayin.
Hindi rin kami natuloy ni Allen, kahapon at pagabi na rin, saka pinagluto ako ni Tita Maris niya nang specialty niyang adobo, and call me for dinner. Well kaya naman pala, saka kung sakali nakakahiyang tanggihan si Tita. Her Adobo didn't disappoint me, sobrang sarap! Much better pa sa adobo ng nanay ko. Tama nga sabi nila, magagaling magluto ang mga kapampangan. Pero pakiramdam ko masyado na kong abusado sa kanila, I expect myself as a border here, pero para na akong bisita nila dito.
Basta sa susunod kailangan ko talagang maexperience ang nightlife ng Angeles, saka wala pa talaga akong experience sa mga nightlife na'yan. First time sana yun.
"Teka saglit! Five minutes sabi ko e!" Bulyaw ko nang kumatok uli si Allen sa pinto. Hindi ba siya makapaghintay sinabi kong 5 minutes pa dahil hindi pa ako tapos sa pagkikilay ko. Gusto ko kapag nasa picture naka-awra ako no.
Napakuyom ako nang kumatok uli siya! Kapag nasira lang ang kilay ko, talaga naman. Humanda siya sa akin. Mabilis ko nang binlend ang concealer sa kilay ko. Nag-pony tail na lang ako nang buhok para presko, Pagkatapos rin ng mga ilang touch ups, mabilis na akong lumabas at baka mag-alburoto pa ang Allen na ito.
"Your five minutes took an hour! Iiwanan na sana kita." Saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. Napakunot ang no ko. Anong mali ko sa suot ko? Simpleng floral off shoulder top, black fitted jeans at saka boots ang suot ko. Gusto ko lang naman umawra, may masama ba doon?
"We're not going to a date Lara." Tinasaan ko siya ng kilay. Aba, sino ba kasi nagsabi na magdadate kami? Well mukha man itong date, I don't want to consider it.
"Sino ba nagsabi sayo na magdadate tayo? Langya." Inirapan ko siya at nauna nang maglakad papunta sa labas. Naramdamn ko na rin na sumunod sa akin si Allen hanggang sa makarating kami sa tapat nang bahay nila.
"Diyan ka muna Lara, hintayin mo ko."
"Ok." Tumango siya sa akin bago umalis. I wonder saan siya pupunta? Bakit di pa niya ginagawa kanina, kaysa hinintay niya pa ako diba? Maya-maya may tumapat na Montero sa sakin at bumaba si Allen doon. Nice! May service kami. Saka ang astig nang sasakyan, naka-upgrade pa siya ng pang 4X4. Buti pa tong sasakyan pogi, yung may ari hindi. Char.
Ineexpect ko lang na magji-jeep kami, saka hindi ko naman to nakita sa bahay nila. Ano pa ba ang tagong yaman ng bahay nila, baka nandyan ang yamashita treasure. Char ulit.
"Aba! Ngayon mo lang ulit nilabas yan. Saan kayo pupunta?" Tumigil si Tita Maris niya sa pagwawalis at tinapatan kami. Mapanuri siyang tumitingin sa amin na parang may gagawin kami na kalokohan. Simple akong ngumiti para hindi halatang naiilang sa mga tingin niya.
"Sa palengke, diba may pinapamili ka tita?" Nanlaki bigla ang mata ko sinabi niya. Wow! Bihis na bihis pa ako tapos palengke ang bagsak. Ayos.
"Anong sinasabi mo diyan Allen kita mong bihis na bihis si Lara sa palengke mo dadalhin, ikaw bata ka." Sabi pa nito habang inambaan pa siya ng walis.
"Basta diyan lang tita, samahan ko lang baka maligaw." Tumango-tango lang si Tita Maris kay Allen, pero parang napapaisip din ito sa hindi ko malaman na dahilan.
"Sabagay maganda yan Allen, salubong ko na lang ha."
"No worries Tita Maris."
"Nga pala, ibigay mo ito kay Olivia ha, saka sabihin mo nang umuwi naman na dito sa bahay nila. Nag-aalala na si Tita Hilda mo sa kanya." Sabi nito at kumuha sa palda niya ng pera at inabot ito kay Allen.
"Kailangan ba natin to gawin Tita?" Sinamaan ng tingin ni Tita Maris si Allen na parang may maling sinabi ito sa kanya.
"Oo naman, Allen! Kawawa ang batang yun, saka hindi naman siya ganyan dati. Tulungan na natin."
Tumango-tango na lang si Allen at kinuha ang pera kay Tita Maris. "Sige Tita, idadaan ko na lang ito."
"Hay nako, ikaw talaga basta, huwag muna kayong gagawa ng bata ha." Napakunot ang noo ko. Parang may mali, hindi ba dapat mag-iingat kaming dalawa. Bakit bata?! It makes me feel awkward, ok lang naman siguro na ilink niya ako, huwag sa ganun bagay naman. Hay.
"Tita naman! Tigilan mo nga kaming dalawa." Agad siyang nairita at nauna na sa sasakyan.
"Tita" Natigilan ako, talagang tita ang itatawag ko? Ano ba kasi dapat?
"Ok lang, pwede mo rin akong tawaging Tita Maris, ano k aba."
"Sige po Tita Maris, aalis na po kami." Naiilang kong sabi, halos hindi na ako makatingin sa mata niya.
"Mag-iingat kayong dalawa." Tumango ako sa kanya sabay talikod. Agad akong napabuga nang hangin dahil parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ayun! Ganun ang tama. Grabe sa gagawa ng bata. Napailing na lang ako.
Hay kalimutan mo na lang yun Lara!
Nagpunta kami papunta sa Montero nila. Bubuksan ko sana ang pinto ng backseat nang samaan ako ng tingin ni Allen.
"Anong tingin mo sa akin? Driver mo?"
Hindi na ako kumibo at pumunta sa shotgun seat. Doon naman ako pupunta, nahihiya lang ako na maupo doon. Mamaya paalisin lang niya ako pag doon ako naupo. I never meant anything saka sanay ako sa backseat lagi na umuupo. Pero maswerte na rin at libre na rin ng transportation. I insist na ako sa gas dahil libre na ako ng titirahan. Nahihiya ako sa kanila, kahit na sobrang nakakaloka ang tita niya, they accommodated me well, na parang hindi ako estranghero sa kanila.
Tahimik kaming dalawa habang nasa daan. I started to feel awkward. I want to start a conversation, pero wala akong maisip. I think Allen does not want to talk to me either. Tumingin na lang ako sa daan para libangin ang sarili ko. I even try to memorize the road, para next time na pupunta ako ng Pampanga, alam ko na. Then, my thoughts came back to Allen again, today is Monday at parang napakachill lang niya, wala ba siyang trabaho o ano.
"Allen, wala ka bang trabaho?"
"I'm a freelancer."
Napatango ako, wow, ang taray. So pa chill chill lang siya at hawak niya ang oras niya. Sana oil. Pwede kayang ipasok niya ako or bigyan niya rin ako ng commissions? Char.
"Ano mga ginagawa mo?"
'Bakit ang dami mong tanong."
"Bakit ba kasungit mo?"
Napairap ako sa kanya at padabog akong umayos ng upo. Talaga namang napakasuplado nito. I am just trying to lighten up the mood at para mabawas-bawasan ang pagkailang ko sa kanya. Siyempre kasama ko siya lagi. Hay, hindi ko alam kung bakit ako pumayag na samahan niya ako. He volunteered though, pero sinusungitan naman ako. Nakakainis, hindi na lang siya sana sumama. I assume I will enjoy this trip, but with him? Malabo.
Pasimple akong tumingin sa kanya, mas lalong sumama ang timpla niya. Fine, siguro masama ang dating sa kanya nang sinabi ko. I am just asking properly, I guess I did not invade his privacy dahil nagtatanong lang ako tungkol sa trabaho niya.
"I'm sorry."
"I don't care." Walang gana niyang sagot. Hay nako.
"Ang taray naman nito. Pa- I don't care, I don't care pa, langya." Bulong ko.
"Lara, good thing you are honest with me." Nanlaki ang mata ko nang magsalita siya, Narinig niya ako! Langya! Nakakahiya. Ano ka ba Lara, bumulong-bulong ka pa kasi.
Pero kasi ano ang ginawa ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at napakablanko lang ang ekpresyon niya, tila hindi man lang naapektuhan, sa akin. Mukha naman siyang hindi galit, kahit hindi ko mabasang mabuti ang ekspresyon niya. Does it matter anyways? Why do I need to bother what he feels? Wala naman siyang pakialam.
Wala nang nagsalita sa daan. Maya maya dumaan kami sa isang simabahan. Tapos namangha ako sa daan, it is like made of bricks, parang mga daan noong mga Spanish Era. Ang galing. Nagulat nga ako dahil nakakadaan pa ang sasakyan dito. I thought this place is for walking. Medyo nadismaya ako nang hindi kami huminto dito.
"That's the Holy Rosary Parish Church, sometimes we call it Pisambang Maragul." Napalingon ako sa kanya. Nakatingin pa rin kasi ako doon sa simbahan kahit medyo papalayo kami doon. Tumango-tango na lang ako sa kanya at ipinokus ang tingin sa harap.
"Huwag kang mag-alala, babalik din tayo diyan. Daanan muna natin si Olivia." Tumango ulit ako. Oo nga pala may bilin nga pala si Tita Maris sa kanya. Medyo nawala na rin kaagad ang pagkadismaya ko. Maya-maya pumasok na kami sa Holy Angel University, na malapit-lapit din naman sa simabahan. Napatingala ako habang papasok kami. Lamp posts and trees are on the sides of the road, na sobaang aliwalas pa rin tignan. Entrance pa lang ang ganda ganda na.
Pinara kami ng guard at hiningi ang pangalan at ID ni Allen.
"Wow! Ang ganda dito" Manghang-mangha ako nang pumasok kami ng campus. Ang ganda ng facilities. The buildings were high enough, and its designs are modernized. Parang mga buildings sa cities. Despite of these modern design that the campus have hindi pa rin nawawala ang mga greens dito kaya mas gumanda dito sa paningin ito.
Maya-maya pumukaw sa atensyon ko ang dome na building na kulay puti. Napakacomplex ng design, napakaelegante lalo at puro glass and ding ding nito. Ang sosyal sosyal tignan.
"Actually it is a church" ani ni Allen nang magpark kami sa tapat nito.
"Eh? Di nga?" Allen just shrugged. Mapanuri kong tinignan ang loob. Oo nga! Simbahan nga din siya! Ang ganda rin ha.
"Halika na?"
Napatingin ako sa kanya.
"Unless gusto mong maghintay dito."
"Hindi a."
Mabilis akong bumaba ng sasakyan. Sumunod ako kay Allen papasok ng isang building. Mas lalo akong namangha nang pumasok kami sa isang elevator. Talaga namang napakasosyal dito! Later on, Allen pressed the button for 3rd floor. Paglabas nang elevator namangha ako sa hallway ang aliwalas. Dahil na rin siguro walang masyadong estudyante doon, it is all in white na nagpapadagdag ng pagkaaliwalas dito.
It is so conducive to study here Pwede kaya mag-aral ako ulit, tapos dito ako papasok. It is almost perfect! Parang mga international schools ang datingan. Mahal siguro tuition dito.
"Sino ba kasi si Olivia."
"She is my cousin." Ani ni Allen habang nakatingin sa kanyang cellphone na may hinihintay na tawag o text.
Maya-maya may babaeng kumalabit kay Allen. It must be Olivia. Nginitian naman siya ni Allen at agad na nag-usap parang nalimutan na niya na kasama niya ako dito. Pakiramdam ko para akong nasa elite universities. She wearing a white shirt na nakatuck in sa pants niya and sneakers. She is very natural in her look, yung tipong kahit walang make up maganda pa din. Medyo chinita din siya tapos ang matangos din ang ilong, may laman din siya ng konti.
"Sino siya?" Nakatingin na siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Malamang nahuli niya akong nakatingin sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Allen ang pulsuhan ko at lumapit kay Olivia. "This is Lara, a friend."
"Olivia, Oli for short." Ngumiti siya sa akin nang inilahad niya ang kanyang kamay. Agad ko naman tinanggap at nag-shake hands lang ng konti.
Mapanuring tumingin sa akin si Olivia. "Naku, Kuya Allen baka girlfriend mo siya ha."
"E ano? Ikaw ba tigil-tigilan pagboboyfriend mo. Walang idudulot na maganda sayo." Napairap si Oli sa kanya, halata na nainis kaagad sa sinabi ni Allen.
"Pag ikaw talaga nagmahal Kuya Allen, sinasabi ko sayo." Paninigurado niyang sabi at tinuro pa niya si Allen. Napailing na lang siya sa sinabi ni Olivia.
"Lahat ng bagay pinag-iisipan Oli, kahit na nagmamahal ka, saka sana matino kung yang lalaki."
"Isa ka rin sa kanila. Why are you judging him, porque may anak lang siya. Nakakainis! Wala naman kaming ginagawang masama. Ni hindi niyo pa siya nakikilalang mabuti. Saka buti nga siya mahal ako, yung pamilya ko, hindi ko alam!" Inis siyang tumalikod sa amin at dali-dali na umalis.
"Olivia!" Agad na hinabol ni Allen si Oli, kahit ako napahabol na rin. Hingal na hingal ako nang abutan ko silang dalawa sa dulo nang hallway.
"Kung nandito ka lang para sabihan ako, please lang." Naiiyak na nitong sabi. Hindi na lang nagsalita si Allen at niyakap na lang siya.
Based on what I see, I know Oli is already struggled. I know Allen too. I never thought he can act like this. He is so delicate and overprotective to her. Sobrang caring niya dito, I can feel how concerned is he to her, lalo nung sinasabihan niya ito. Ang sarap din siguro na maging kuya din si Allen. If he'll protect me too. How does feel like to be protected by him, Yung talagang nagke-care siya sayo. Hay ano ba tong iniisip ko. Kasi naman wala rin naman kasi akong Kuya. I felt all the Kuyas protect this siblings, gusto ko lang maramdaman yun. Bilang first born, lagi ko rin iniisip ang kapakanan ng kapatid ko.
Basta, alam ko in their situation kulang lang sa kanila, communication, kailangan lang nila magkaunawaan ng bawat sides. Olivia does not deserve to get through this alone. Inobserba ko na lang sila. Mukhang nagkaayos na sila dahil nakangiti na si Oli. Maya-maya nagpaaalam na rin siya sa amin at umalis.
"Sorry, if you hear that."
"Wala yun, ano ka ba." Nagsimula na rin kaming maglakad pabalik sa Elevator.
"Hindi naman sa pangigialam pero siguro kailangan niyo ring intindihin si Oli." Sabi ko. Kinalma muna ni Allen ang sarili bago magsalita.
"We just want to protect her. If that boy means any good to her, hindi siya magkakaganyan, maglalayas, pababayaan ang pag-aaral. She is pushing herself to her Family. Kung hindi lang siya tinutulungan ni Tita baka kung saan na siya pulutin." Napatango na lang ako, tama nga naman. If her boyfriend is a good influence hindi niya hahayaan na mapasama si Oli, hindi niya hahayaan na lumayo siya sa pamilya nito. I don't have a right to judge I don't know the situation. Baka may reason din naman behind that.
"I know, pero baka mamaya, tama rin naman siya, dapat niyo din kilalanin yung lalaki. Kaya siguro nagkakaganyan din siya, dahil hindi man lang siya nakakausap man lang."
"Sana nga ganon lang Lara, pero lagi na siyang lumalayo sa amin, kung hindi lang siya napipilit ni Tita na magstay sa bahay, she wont. If ever that boy is good, dapat iconvince niya si Oli na bumalik siya sa amin."
I just shrugged., wala na akong masabi.
"Basta! Ang alam ko dapat hiwalayan na niya ang lalaki." Dagdag pa niya.
Halos hindi ko namalayan na sa pag-uusap namin nakababa na kami at naglalakad papunta sa Montero. I never thought of having this kind of conversation with him, ayos din pala siyang kausap, kaya kahit papaano gumaan gaan na din ang loob ko sa kanya.
"Allen, wala ka bang naging girlfriend?" Natigilan siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Why did you ask?"
"Kasi, parang ang excited nila nung nakita ako, lagi akong napagkakamalan"
"Ayaw mo sa akin?" Napatingin ako sa kanya. Our eyes interlocked to each other within seconds at pareho na kaming nag-iwas ng tingin. Di ko naman siya sobrang ayaw personally basta ayoko siyang maging boyfriend. I know feel the same. In his voice kanina, parang nandidiri pa sa akin. Napakamot na lang ako ng ulo.
Tahimik kaming pumasok ng sasakyan. Nagulat ako nang magsalita siya uli.
"I had one. Pero hindi ko lang naipakilala sa kanila." Agad akong napalingon. Nasakop na nang curiosity ko ang pagkahiya ako. It is like Allen is answering an controversial question at dapat nakatutok ako.
"Bakit naman." Naging seryoso na ang naging tingin niya sa manibela. Yan na naman Lara, sumosobra ang pagkachismosa.
"Sige, ok lang kahit di mo sagutin." Naging awkward na ang atmosphere sa akin at napatingin na lang sa may dome. Kung pwede na nga lang lumabas ako sa sasakyan, lalabas na din ako.
"Fall out of love." Agad akong napatingin sa kanya.
"Ha bakit naman?"
"She just broke up with me, dahil doon."
Napahalukipkip ako. "Ano kaya yun. Kung mahal ka niya, mahal ka niya. Naghahanap lang siya ng lusot e." Napatingin uli siya sa manibela. Lara talaga naman bibingo ka na sa kanya, baka mamaya sipain na niya ako palabas dito.
"Sorry no offense."
"It's ok. I already moved on." Based on the sadness in his eyes, mukhang hindi pa siya nakakalimot. "You are getting comfortable with me ha." Pag-iiba niya nang tanong.
"Eh.. Wala na feeling close na lang." Saka ayos naman siyang kausap, buti di na siya suplado.
"Then, we'll be friends."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa gulat. Teka, totoo ba tong naririnig ako. ANg Layo na kasi sa Allen na nakilala ko kahapon na parang inis na inis sa akin. Maya-maya natatawa na lang ako. Sige Lara, mapagkamalan kang baliw diyan.
"Did you consider me a friend already in those times." Natigilan ako. I shrugged. I don't know what to say.
"Sige Friends na tayo."
Napangiti na lang si Allen at agad nang pinaandar ang sasakyan.
"Tara na nga."
He did as he promised bumalik kami doon sa simabahan. Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang kamay ko. What is he up to. Hay hinayaan ko na lang na ganun. I still feel awkward though, ngayon lang na may lalaking humawak ng kamay ko habang nagalalakad. Feeling ko yung mga nasasalubong naming nakatingin sa kamay naming ni Allen.
"This is it." Aniya nang makapasok kami sa simbahan.
"I know it is your first time here and I bring you to this place first to give you blessing in your adventure. Also I want you to pray first and wish. I just heard that when it is your first time to go to a certain church, then you wish it might come true." Aniya nang nakatingin sa Altar. Napangiti ako sa kanya.
"Ano ka ba, If I want something I don't wish. I work for it. Pero susundin ko ang advice mo magpepray ako at magpepray ka din."
Tumango lang siya saka lumuhod kaming dalawa sa kneeler.
We both uttered our prayers. I prayed for my Family, my life in abroad saka ang safety naming dito. At the back of my mind I like to try to wish.
I hope maging successful and pag-aabroad ko, sana maenjoy ko ang mga susunod na araw sa Pampanga.
That will be enough at maya maya lumbas na kaming dalawa sa simbahan.
I am so exited walking here! Pakiradam ko habang naglalakad ako dito, nasa panahon ako ng espanyol. Ang lakas makathrowback! Mali ang outfit ko, dapat Filipiniana, char. I am impressed with their tourism office on how preserve those historical places. Sobrang galing!
"Sabi nila, Angeles is also a place for Historical things, may mga museums dito and ancestral house. Itu-tour Kita don't worry."
"Parang bahay niyo rin."
"Ah. Sabi nila it is from our great grandparents."
"Wow! Taray parang heirloom." Allen just shrugged, maya maya, nag-aya siyang kumain muna kaming dalawa sa Jollibee. Maya maya pumukaw nang atensyon ko yung letter stand ng Angeles doon. Agad akong pumunta doon at sumunod si Allen sa akin.
"Picturan mo ako dito sa may pakpak dali!" Binigay ko ang phone sa kanya at tumapat sa letter L na may pakpak. I did a lot of poses yung parang feeling angel, piece sign saka yung nakasmile lang. Then Allen suggested na tumayo ako sa gilid ng letter stands. He gave me my phone at ang gagagnda ng mga kuha! Ayos pala siyang photographer. Nice! Hindi rin ako magsisi na kasama siya.
"Gusto mo picturan din kita?"
Natawa siya. "Taga dito ako."
"Sabi ko nga!"
Tahimik na lang kaming naglalakad na dalawa habang papunta kami sa may Jollibee. Maya-maya natigilan ako nang may natanggal sa may sapatos ko. Napatingin ako kay Allen na tuloy tuloy pa din sa paglalakad. Ni hindi man lang niya napansin na huminto ako.
"Allen!" Tinanggal ko na ang boots ko at dali-dali nang tumakbo para makahabol sa kanya, hindi pa talaga niya ako pinansin.
"Ba't nakapaa ka?" Nagtataka siyang tumingin sa akin. Ni hindi man lang niya napansn talaga. Sinamaan ko siya ng tingin at pinakita ang sirang heels ng boots ko. "Hindi ba obvious."
Napailing siya at maya maya umupo siya sa harap ko.
"Sakay na."
"Ha?" Nagtataka kong sabi.
"Bilisan mo, bago pa magbago ang isip ko." Nahihiya akong sumalabay sa kanya.
"Heavy!" Pag-angal niya nang makatayo siya nang maayos.
Pinalo ko ang balikat niya sa inis. "Edi sana hindi mo na lang ako sinalabay!"
"Kidding, ayoko madumihan paa mo."
Pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti sa sinabi niya. It is just a simple word, pero bat ganito. Para kong kinikilig, langya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top