Chapter 2
"Nakapili ka na lang magiging kwarto mo?"
Minsan masama rin pala na maging asyumera. Pagkakaba-kaba pa akong sumama sa kanya, habang nag-aabang kami ng jeep papuntang intersection, hinahanap ko pa ang ginawa kong DIY na pepper spray at lihim itong hawak hawk. Just in case na may kung ano siyang gawin, wala namang masama maging sigurado.
Pero bakit nga ba ako sumama sa kanya? Hay ewan! Curiosity ko na rin, saka oo wala naman akong matutuluyan dito, mga hotel ang bagsak ko. Baka may alam naman siyang tutuluyan at patuluyin ako nang libre hehe.
Mabuti na lang at sa jeep kami sumakay kaya kung sakali man na may gawin siya madali akong makatakas. Nanalig na lang ako sa paniniwalang mabuti siyang tao, mukha rin naman siyang mabait kahit masungit. Anyways maraming mukha ang mga masamang tao, mahirap malaman. Hanggang sa makarating kami sa isang compound dito sa Angeles.
"Paupahan namin lahat yan." Napanganga ako habang itinuro niya ang 10 apartment na magkakasunodsunod. Dito na ako nakampante at itinago ang DIY pepper spray sa bag.Aba mayaman pala tong si kuya. So inaya niya ako, para maging extra boarder, dagdag income. Basta ayos a. Gusto ko ang marketing strategy niya. Natatawa na lang ako sa naisip, I never expected this na maging border na kuya. Akala ko libre ako patutuluyin, may bayad pala! Langya!
Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa kanya. The heck! I am smiling alone. Ano ba? Baka mapagkamalan naman akong baliw dito.
"Lara ano ba yung hawak mo kanina?" Nanlaki ang mata ko, napansin niya? Nahalata niya ba kung ano iyon. Pucha, nakakahiya!
"Pabango ko, favourite scent ko kasi, wanna try" I almost stutter at pinilit na kumalma habang sinasabi ko iyon.
"Hindi ako interesado." Napailing na lang ito at parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Hay bahala na, maiintindihan din naman niya kung sakali. Patuloy kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang ancestral house. Dito siya siguro nakatira. Manghang-mangha ako habang papalapit kami sa bahay, pinipigilan ko na lang na mapanganga sa ganda nito. Hindi siya yung mga typical na ancestral house na napabayaan o mukhang luma.The house is maintained very well, para pa rin siyang bagong tayo.
Bago pumasok inalis niya ang sapatos niya. at isinuot ang slippers na nasa shoe rack. I also removed my shoes at nakapaa nang pumasok sa loob, as sign of my respect.
"Ba't mo inalis yang sapatos mo?" Aniya nang mapansin niya akong nakapaa.
"Eh." Napakamot ako ng noo. "Inalis mo din kasi yung iyo e."
Napailing ito at iniwan ako sa loob at pumasok sa kwarto,lumabas din siya kaagad at may bitbit na mga damit.
"You better wear these first, baka sipunin ka, nandyan lang ang CR." Aniya at itinuro ang kung nasaan ang CR. Pagpasok doon, bumungad sa akin ang rose scented nilang air freshener, saka minimalist ang set-up at combination siya ng white ang gray na tiles.
Napatingin ako sa damit na binigay niya isang T-shirt saka shorts na above the knee. Mabuti at nagkasya sa akin tong mga damit. Teka saan niya nakuha? Siguro may kapatid siya na babae. Mamaya isasauli ko rin ito sa kanya.
Nakaupo si Allen sa sofa habang nakatutok sa cellphone niya, nag-angat siya ng tingin sa akin nang mapansin niya ako.
"Buti kasya sayo."
"Oo nga e, salamat."
Ngumiti na lang siya sa akin. Aba! Ngumiti talaga siya, akala ko hindi talaga marunong ngumiti ang taong to, dahil simula nang makita ko siya, lagi siyang nakapoker face.
"Allen saan ba pwede maglaba dito?"
'Mamaya-ituturo ko yung laundry area, saka sayo na yang damit, wala namang gumagamit niyan dito."
"O-ok." Nauutal ko pang sabi.
Tumango lang siya. "Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang susi."
"Allen pwede rin pala na makiinom."
"Kuha ka lang diyan sa dispenser." Itinuro niya ang dispenser sa kitchen at patuloy nang pumasok sa kanyang kwarto.
Tumingin-tingin ako sa paligid nang makapasok sa kusina, baka may tao o ano. Pero, wala naman. Kumuha ako baso saka pumunta sa dispenser para kumuha ng tubig.
"Sino kang babae ka!" Nabitawan ko ang baso sa gulat. Hindi ko alam ang gagawin ko, pupulutin ang nabasag na baso o tatakbo. Pero para na ko naging tuod at hindi na makagalaw. Nangigil na lumapit ang babae sa akin at nakatutok pa ang foldable na payong nito sa akin. Agad akong napaatras hangang sa maramdaman ko ang malamig na simento.
Nagpapanik kong itinaas ang pareho kong kamay dahil mas itinutok pa niya sa akin ang payong. "Please, hindi po ako masamang tao pramis!" Please sa ganda kong ito hindi ako miyembro ng kahit anong sindikato! Napadaing ako sa sakit nang marahas niyang hawakan ang pulsuhan ko.
"Hoy babae! Hindi mo ako madadala diyan ha!" Bulyaw niya sa akin.
Napapikit ako nang akmang ihahampas niya ang hawak na payong. Mukhang tama nga ang tatay ko hindi ako makakauwi. Teka, nasaan na nga ba si Allen bakit ang tagal niyang hanapin kung nasaan ang susi. Baka magulpi na ko!
"Tita Maris." Napatigil ito nang humarap kay Allen.
"Tita anong ginagawa mo." Nagtataka siyang tumingin dito at kinuha akon sa pagkakahawak sa kanyang tita. Ipinuwesto niya ako kaagad sa kanyang likuran. Hay mabuti at nakarating siya, kahit papaano ay makakahinga ako ng maluwag.
"Sino ba yan?" Tumingin siya sa akin bago niya ipako ang nagkokompronta niyang tingin kay Allen.
"Ay border ba?" Lumapit siya sa akin, napaatras ako ng konti dahil sariwa pa ang nangyari kanina. "Hindi mo naman kasi sinabi naman agad." You did not even ask, inakusahan mo ako kaagad! Nagyon marahan na niyang hinawakan ang kamay ko, na parang close na close na kami
"Naku pasensya ka na iha, naninigurado lang naman, alam mo naman ang mga tao ngayon." Pinipiglan ko na mapakunot ng noo, ayoko naman maging bastos. I understand it naman. It already happen at mabuti dumating si Allen bago ako mahampas ng
"A-ayos lang po, walang problema." I gave them a small smile, just to assure I am a bit fine sa kabila ng nangyari. Well misunderstanding lang at sort of security measures ng tita niya. Naiintindihan ko naman, kinabahan lang ako sa kanyang foldable na payong.
"Kalimutan mo na yung kanina, sa totoo lang friendly naman akong tao." Grabe sa lagay na iyon. Sabagay, first impression does not lst. I gave her a small smile saka ko ininom ang tubig na inabot sa akin ni Allen.
"Ano pala ang pangalan mo hija."
"Lara" Sambit ko sabay pakita ng isang valid ID ko.
"Lara Jade S. Quebral." Pagbasa pa ni Allen sa buong pangalan ko. Mabilis akong mairita kapag binabanggit ang buong pangalan ko, para kasing di pinag-isipan, Pero nang binasa niya, ba't ang gandang pakinggan.
"O siya, bumili na lang ako sa kainderya ni Bebang sa kanto, buti naparami ang bili ko." Bumaling siya sa akin. "Huwag kang mahihiya Lara."
Tumango na lang ako sa kanya. Tumulong ako na mag-ayos ng plato, pinigilan pa ako ng Tita niya noong una pero pinilit ko pa rin na tumulong.
"Baka Allen, girlfriend mo tong si Lara, nahihiya ka lang sabihin sa akin. Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko. Pinilit kong kumalma at tinuon na lang ang tingin sa pagkain. Kahit gusto kong tumutol, ayaw ko naman sumali sa usapan nilang mag-tita.
"Hindi nga,Tita, bagong border." Ititado niyang sabi at ipinagdiinan ang Aba diring-diri sa akin? Pucha! Why do I think like that? Hindi ko rin naman siya gusto maging jowa. Hindi ko siya type!
"Ok! Bagong border it is. Kalma Allen." Itinaas pa ng Tita niya ang kaliwang palad na parang dapat siya kumalma. "Hanggang kalian naman?" Aniya nang lumingon siya sa akin.
"Mga isang linggo lang po."Ako na ang sumagot. Ginawaran niya ako ng ngiti, just to lighten the mood, I can feel na may tension sa kanilang dalawa ni Allen, dahil sa pang-iinis niya na girlfriend ako. Hay kahit ako, I feel awkward, hindi ko alam kung makakain ko pa tong pagkain ko.
"Ako na ang bahala dito kay Lara. Halika ka na." Sumenyas siya sa akin na umalis. Nagdadalawang isip ako na tumayo. Gusto kong tumulong, kahit na magligpit man lang ng pinagkainan.
"Si Allen na ang bahala diyan! Halika na." Aniya at hinila na ako palabas ng kanilang bahay. Hindi na ako nilingon ni Allen at patuloy sa pagliligpit ng pinagkainan ng lamesa. Kahit man lang, simple kaway lang o ngiti. As in wala lang, wala man lang siyang reaksyon. Hay why I would bother think about it? Ano at kung hindi ka pinansin.
Nang lumabas kami sa bahay nila, mayroon din akong nakitang mga a. partment, mas maliit ito kumpara sa nakita ko noong una. Hindi ko pa sila napansin kanina. Masasabi ko na may kaya sila dahil ang dami nilang paupahan, dito palang buhay na sila. I guess it is their bread and butter, mukhang wala rin namang trabaho si Allen.
Maya-maya sumalubong sa amin ang mga grupo ng mga babae na tantya ko mga kaedaran ni Tita Maris. Nang makita siya wagas ang naging kawayan nila na para bang ang tagal nilang hindi nagkikita,mukhang magkakapitbahay lang naman sila.
"Kumare!" Sigaw nang babaeng naka-bestida saka nakabun ang buhok. Agad na lumapit si Tita Maris at nahatak ako dahil hawak niya ang kamay ko. Agad silang nagtinginan sa akin.
Inalayo ko ang braso ko nang hawakan ko ng isang naka-blue na polo shirt saka pants. "Ang ganda naman itong batang to, girlfriend ni Allen?" Napabuntong hininga ako, yan na naman e. Hay bakit ba napagkakamalan akong jowan niya, una sa lahat kakikilala lang namin. Baka naman ngayon lang siya nagdala ng babae sa lugar nila, no girlfriend since birth ba 'tong si Allen.
Pero ako hindi, hindi ako kumportable na mapagkamalang jowa ng supladong iyon and never ako magkakagusto sa kanya. If ever man, hindi pwede dahil hindi rin naman ako magtatagal. Magagala lang ako, hindi ako naghahanap ng jowa.
"Border." Nakangisi pang sagot ni Tita Maris.
"Ahh" Sabay sabay pa nilang sabi.
"Mauuna na kami at ihahatid ko lang sa kwarto tong bagong border naming." Ani ni Tita Maris at pinagdiinan ang salitang "border". Kahit iritado, hindi ko na lang pinansin. Wala namang point kung sabihin kong hindi at dayo ako dito, bawal maging mataray.
Hanggang sa tumapat kami sa isang kahoy na pinto. Maraming mga nakaukit na mga bulaklak at dahon sa paligid nito at dark brown and kulay nito dahil sa barnis.
"Ito ang kwarto mo, Mayroon na rin yang sariling CR."Aniya nang mabuksan ang pinto.
"Alam mo kung girlfriend ka sana ng pamangkin ko, libre ka na, pero huwag kang mag-alala bibigyan naman kita ng discount e." Napabuntong hininga ako, talaga bang hindi niya ako titigilan dun? Kakikilala lang naming ni Allen! Pero pinilit ko na lang na maging kalmado at humarap sa kanya.
"Magkano po?"
"10k lang." Nanlaki ang mata ko, 10k LANG talaga?! Para na akong nagbayad ng apartment ng isang buwan! Discounted price pa ba yun? Maya-maya natawa na lang siya sa naging reaksyon ko, ang mahal naman kase. Hanap na lang ako iba, marami namang pwedeng tuluyan dito.
"Di ka naman mabiro, two-five lang ang babayaran mo per week." Dahan-dahan akong napatango, pwede na rin, saka maganda naman ang kwarto, maayos saka mayroon ng mga gamit tulad ng kutson, at pinabongga pa ng split-type na aircon. Para na rin akong naghotel diba?
"Ito pwede mong ilagay ang mga gamit mo diyan, yang aircon pwede mong gamitin yan saka mga ilang gamit dito, ingatan mo siyempre." Aniya at binigay na sa akin ang susi. Kinuha ko ang wallet ko at ibinigay sa kanyang ang 2,500, baka kasi magastos ko pa.
"Thanks po ng marami, ang ganda ng kwarto, sulit!" Nakangiti kong sabi at inabot ang 2,500.
Ngumiti siya sa akin nang abot tainga tila tuwang-tuwa sa sinabi ko, pero ang pingatataka ko, imbis na kunin ang bayad ko, pinagtaklop niya ang aking mga daliri sa kamay kung nasaan ang pera. "I serve the best to my future in-law" Ngumisi pa ito. "Actually libre na yan, I consider you as a guest pa-sorry ko na sa ginawa ko sayo."
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano, may advantage naman na mapagkamalan na jowa ni Mr. Payong dahil malilibre ako, pero nakakahiya sobra! Saka bakit? Di niya ako jowa, though siguro batid niya rin na hindi totoo. O kaya masyado ba akong special sa pagdating sa mga buhay nila. ? Napakamot ako ng ulo. "Tita." Napahinto ako, tita talaga ha. Feeling close ka talaga Lara! Napangiti siya lalo nang marinig ito. "Magbabayad po ako, ok lang po." Halos mautal-utal ko pang sabi.
"Wag na, ok lang. Hindi ka na iba sa amin. Ma-enjoy mo sana 'tong Angeles. Di ka magsisi." She said in her assuring tone.
"Pero-"
"Walang pero pero, wag tumanggi sa grasya, ikaw naman, maliit lang na bagay."
Ginawaran ko na lang ng ngiti si Tita Maris, mukhang hindi ko rin naman siya mapipilit na magbayad ako.
"Sige po thank you po."
"Iwan na muna kita diyan ha, magpahinga ka muna." Sambit niya bago lumabas.
Binuksan ko ang bag ko para ayusin yung bag ko sa cabinet, inilabas ko na rin pati yung ibang mga essentials saka yung mga librong pinamili ko sa booksale, bibilhan ko na ring ng lalagyan dahil punit punit na yung paper bag nito.
Binuksan ko ang isang blank notebook ko. I plan to write everything here, what happen para naman hindi ko tuluyan na malimutan. I like to treasure this experience.
First day!
Everything comes in an unexpected way. Ang nasa isip ko pagtungtong ko dito sa Pampanga, pagala-gala lang ako, lakad-lakad, maliligaw. I started sa dalawang malls malapit sa binabaan ko, inabot ako ng buong araw para libutin ang dalawang malls at bumili ng libro. I also see skyranch in person! Babalik ako dun.
Sobra akong naenjoy iba sa feeling kapag walang iniintinding curfew, masaya din palang mag-isa na naglilibot. Medyo nakakabother nga lang kapag may couple akong makakasalubong tapos titingin sayo. Wala kong pake!
On my last two weeks in the Philippines I'll experience to be free and travel alone. I never expected to meet, Allen. I never expected he offered me a place to stay, gagawin pala akong border ng paupahan nila. Akala ko pa masaman siyang tao. kahit napakasuplado niya. I also I never expected na muntik na kong mahampas nang foldable umbrella nang kanyang tita dahil napagkamalan ako magnanakaw. Mabuting kaagad si Allen. Though they left me a bad impression, but sobrang babait nila. An impression can't judge a person anyways. Akala ko minamalas ako, dahil nawala ang pouch ko, nabasa pa ako ng bongga sa ulan! Maswerte ako at nakatagpo ako ng mga babait na tao.
I hope I can enjoy my mini adventure.
I took a deep breath when I close my journal.
Inayos ko ang mga damit kong nabasa para malabhan. Nakita ko yung laundry area malapit sa kwarto na tinuluyan ko.
Isinalang ko na lang sa washing machine ang mga damit, hindi naman sila narumihan. Tuwang-tuwa ako dahil may pasabon dito sa sa laundry area at may dryer pa. Kung sakali namang mahal ang upa dito, sulit na rin dahil maganda ang facilities.
Mabilis akong natapos at nagpunta sa sampayan ng damit, wala namang siguro yung mga nangunguha ng mga damit dito.
"Anak naman ng pating!" Sigaw ko sa gulat nang may kumalabit sa akin, buti hindi ko naibato ang tshirt na hawak ko. Letseng Allen, tinunton pa ako dito, samantala kanina hindi na ako pinansin.
Hindi pa rin niya inaalis ang kanyang tingin sa akin, so I did the same. Para na kaming naglalaro ng staring contest. Aba! Hindi ako magpapatalo kahit maganda pa ang mata niya.
Talagang pinuri mo pa ang mata niya Lara!
"I like to take you a tour in our place." Aniya at hindi pa rin pinuputol ang tingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"I don't need your help."
Sumandal siya sa may pader habang nakahalukipkip ang mga braso. "Bahala ka baka maligaw ka." Aba! Talagang tinakot pa ako, ano ako bata? Kahit maligaw ako, I can still figure it out. Saka sapat na 'tong libre nilang pagpapatuloy sa akin.
"I can manage." Ako na ang nag-iwas ng tingin.
"You need me." Tinaasan ko siya ng kilay. Ano kaya ang nakain niya naisip akong itour. Sige pwede na rin.
"Fine, when do we start?"
"Ngayon na." Nanlaki ang mata ko.
"Agad agad?"
"Oo, ayaw mo? Aarte ka pa?"
In this adventure I planned to be alone, I never expected that he will join me in my misadventures.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top