Chapter 10
"Hay nako, mamimiss talaga kita, parang kalian lang kararating mo pa lang dito." Sabi ni Tita Maris nang yakapin niya ako bago umalis. Kanina ko pa pinipigilan ang pag-iyak ko, gusto kong humagulgol. Kahit ako rin, ay hindi pa rin makapaniwala na natapos na rin ang bakasyon kong ito. Kasi nga naman, saglit lang naman ang isang linggo.
"Mag-iingat ka Lara ha." Aniya nang bitawan niya sako sa pagkakayakap.
"Maraming salamat Tita sa pag-accommodate niyo po sa akin dito." Mahinang tinapik ni Tita yung braso ko at sinsero na ngumiti sa akin. Sobra ko talagang mamimiss si Tita. Niyakap ko siya muli.
"Ikaw talaga umisa ka pa. Basta ha, huwag mo kami kakalimutan dito."
Tumango ako kay Tita. "Siyempre naman po, babalik po ako promise."
Nakatanaw pa rin ako kay Tita habang paaalis na kami, ito na aalis na talaga ako. Tapos na ang lahat at babalik na ang lahat sa dati. Ewan ko kung babalik pa ba ako sa dati. I know something will change to me, I don't know it yet. Maybe I'll be much happier, because I have a week of experiencing being free. Hindi naman ako masyadong nagwalwal, pero ako na rin, nag-enjoy din naman ako at may bonus pa!
I will miss Pampanga so much, hindi ko rin naman maipagkakaila na mamimiss ko din siya.
I never felt this happy, dahil na rin siguro sa masyado akong intoxicated because I felt love by him, even if the feeling is still surreal, pero sobrang saya ko pa din. May part sa sarili ko na baka masaktan lang ako, pero wala naman masama kung subukan ko din. I should take the risk, sabi nga.
Habang lumilinga ako sa daan laking pagtataka ko na iba ang daanan namin, hindi naman ito yung daan papunta sa terminal. Nagtataka akong tumingin sa kanya, saang terminal pa ba niya ako pupwede na dalhin? Huwag niyang sabihin na itatanan niya ako.
Ok lang ,kaso.. teka lang, wag ganito.
Huwag assuming. Wala naman masama kung magtatanong ako diba.
"Mukhang iba yata yung dinadaanan natin Allen?" Nagtataka kong sabi, ngumiti lang siya sa akin, habang ang mga mata niya ay nakapokus pa din sa daan.
"May pupuntahan pa tayo Lara." Mas lalo akong napadilat, Hindi nga? Kahit pauwi na ako, may pahabol pa. I wonder kung ano pa ang mga pakulo ni Allen, pero deep inside, I wish na sana itanan na ako, char.
"Wow may pa-huling gala pa tayo."
Ngumiti siya sa akin. "Basta surprise, maaga pa naman."
Yes, he has a point, 8am pa lang naman and meron pa namang biyahe hanggang hapon, so wala naman dapat ikarush, makakauwi at makakauwi ako. Pwede rin naman niya ako ihatid sa bahay, sabay pakilala na sa kanya kila Nanay. I wonder what will be their reaction kapag may dinala akong lalaki. I know na magugulat sila, I can perfectly imagine what will they say.
Isang linggo ka lang nawala, may lalaki ka na agad.
Ate salubong, hindi jowa.
Hay, masyado na akong abusado kung gagawin pa iyon ni Allen, they are super kind to me, and I am very thankful with that. Kung iuuwi ko man siya sa bahay, yung official na kami na talaga.
Hanggang sa huminto kami sa isang park, I was surprised nang may makita akong lighthouse doon, agad ako na nanggigil na lapitan yun. This is my first time to see this one, lagi kasi sa pictures or movies nakikita ito, and hindi naman ako masyadong naglalabas, nito lang. Aside sa main attraction na light house na sobrang nagblend sa may lake. Maganda rin yung ayos mga nakahilerang puno, marami ding mga plants, kaya sobrang aliwalas ng lugar. May mga tables din doon allotted for pinic, mukha nga, dahil madami din mga nakatambay dito.
"Nakakinis ka! Bakit ngayon mo lang ako dinala dito." Sambit ko habang naglalakad kami sa patio papalapit sa may lighthouse. Pasimpleng paraan niya ba ito, para sabihin na huwag akong umalis.
Natatawa na lang si Allen at umiling. "Kasama sa plano to"Sinamaan ko siya ng tingin, kinakabahan ako sa "plano" niya ha. Pwede naman niya kasi sabihin na magstay ako, isang sabi lang talaga. Natatawa na lang siya sa akin at kinuha yung kamay ko, kaya yun, holding hands pa kami habang naglalakad. Kahit papaano blend in pa rin kami sa mga tao dahil madami rin naman ang mga nagdedate dito.
Kahit na ganoon, hindi ko pa din maiwasan na mailang sa kamay ni Allen, first time ko lang naman may kaholding hands while walking. Oo, naghahawak kamay din kami habang naglalakad sa night market, pero hindi pa rin ako sanay at feeling ko first time lagi lahat. Pati first kiss ko pa kinuha.
Maya-maya pa pareho kami umupo sa may shore ng lake, tahimik lang kaming nakatnaw doon, umagaw ng pansin ko yung mga nangingisda doon, gusto sana itry kaso, pauwi na rin naman ako, aanhin ko pa ang isda. I sighed, sobrang bitin pa ang stay ko, naisip ko bakit ko pa naexperience ang lahat ng bagay na ito, kung mabili din natatapos. Minsan ko lang naman maranasan na makatravel without restrictions, yung pakiramdam mo ang laya-laya mo, bonus pa na may nagkagusto din sa akin for the first time. Lagi kasi akong biktima ng one-sided love.
Laking gulat ko na lang na may dumampi ang kamay ni Allen sa balikat . Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko man lang namalayan si Allen sa likuran ko.
"Bakit? May kuto ba ako?" He just chuckled, at maya pa ay dumampi na yung necklace na inilalagay niya sa leeg ko. Mabuti at naka-pony tail ako kaya no need na hawiin pa ang buhok ko sa likuran. Manghang mangha pa ako napatingin sa may silver na necklace, meron niyang puso sa gitna, kasama nun ay isang infinity ring na may diamond sa gitna. Naks, bakit hindi pa niya ipasuot ito, pero sabagay ok na rin naman na nandito, para malapit sa puso.
Para akong nanaginip nito. Bakit may panecklacce siya? Kalian niya pa ito binili, ni hindi ko man lang namalayan tapos mukhang mamahalin pa to. This is too much.
"Salamat ha."
Humarap siya sa akin. His sincere stares never fails to make my heart skip a beat. Hindi ko alam kung mapapangiti ako o mamapaiyak. Allen made me so happy, I will never forget this, even him.
"Gusto ko tandaan mo lagi na nandito ako para sayo Lara."
Pwede kayang magpaextend kahit one hour! Or a day!
Lara ang buhay ay pwedeng internet café na pwedeng pagpaextend ng oras!
Napabuntong hininga na lang ako nang mapatingin sa bus na pabiyaheng Nueva Ecija, This is it Lara, everything comes to an end. Hindi pa dito matatapos ang lahat, dahil babalik at babalik ako. Tinulungan ako ni Allen na ilabas ang mga gamit mula sa sasakyan. Siya na rin ang nagbitbit ng mga gamit ko, medyo nakakahiya nga, pero gusto din naman niya.
Ayoko na matapos ito, ayoko ayoko. I can't never imagine that we will get apart. I hate this moment ngayong nasa tapat na kami ng terminal.I can't believe na aalis na ako dito sa Pampanga, right this moment. Hindi ako mapakali. Pwede bang dito na lang ako sa Angeles. Hindi ko na kayang umalis. Kahit dito na lang ako magwork, mukhang madami rin naman pupwede na pasukan dito. Pareho rin naman, lalayo rin naman ako. Hinawakan ko ang nanalalmig kong kamay, bakit ko ba nararamdam to? Bakit sobrang lungkot ko, bakit pakiramdam ko ang hirap humiwalay sa kanya. Bakit ba kasi ang bilis bilis tumakbo ng oras, kapag naeenjoy mo ang isang bagay, hindi mo namamalayan, ang bilis na nitong matatapos.
Maya-maya pa ay nag-aalalang tumingin sa akin si Allen.
"Ayos ka lang Lara?"
"Oo naman." Ngumiti ako, para maassure ko siya na ayos lang ako. Oo magiging ayos din naman ako, siguro sa una lang masakit na maghihiwalay kaming dalawa, but when the time goes by, sa tamang panahon, I know everything will be worth it. Konting tiis lang Lara, mabilis naman tumakbo ang oras.
"Gusto mo ihatid kita sa airport." Aniya at hinawakan niya ang kamay ko. Nahihiya pa ako dahil nanlalamig pa ako. Para naman akong kabadong kabado nito, kahit makailang beses na kami naghawak nang kamay.
"Hindi na, kapag nakita kita baka mag-back out pa ko." Umiling lang siya sa sagot ko.
"Huwag mong gawin yun, you need to be there Lara, accomplish your dreams." Napabuntong hininga ako,at pinunasan ang pagtulo ng luha ko. Nasa harap ko na rin ang pangarap ko. Ayoko nang umalis sa totoo lang. Shet! Pigilan mo naman ako, Isang sabi mo lang mananatili ako dito sa Pilipinas.
Bakit ba sa saglit lang ng panahon na nakilala kita, parang ang lalim lalim nang pinagsamahan natin. Is this illusion? pero sana hindi.
"I am always here for you Lara, even if we're apart."
Tumango ako sa kanya. "Ako din Allen, nandito lang ako para sa'yo."
Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo, this is the sweetest thing I ever felt. Mabilis pa rin tumitbok ang puso ko habang dinamam ang pagdamipi ng kanyang labi. "Hihintayin kita Lara." HInawakan niya ang kamay ko. Wala na, bumuhos na ang mga luha ko, hindi ko na kayang pigilan.
Please Allen, isang sabi lang talaga. Mananatili ako sayo. Pigilan mo naman ako.
"Sige na Lara, papaalis na yung bus, mahuhuli ka na."
Pinatatag ko yung boses ko at pinunasan na yung mga luha ko. Nakakahiya, bat pa ako naiiyak.
"Bye Allen."
Dahan dahan akong tumalikod sa kanya. This is it Lara, kaya ko ito. Kaya ko.
Pero yun! Mabilis akong bumalik at agad siyang niyakap. Last na talaga.
"Thanks for everything, Allen" I look at him straight in the eye, slowly while my hands are on his cheeks. Gusto kong iminememorya ko lahat, ayaw ko siya makalimutan at hinding hindi ko siya makakalimutan
"Babalik ako Allen." Buong paninigurado kong sabi.
"Hihintayin kita." Kinuha niya yung isa kong kamay at mahigpit na hinawakan.
"Promise?"
"Yeah.Tapos liligawan kita Lara pag bumalik ka." Pagak akong napangiti, hindi pa ba ligaw to?
"Ligaw? Sasagutin na lang kita. Doon din naman tayo pupunta."
Ngumiti siya sa akin at pinisil ang aking ilong. "Hindi liligawan kita Lara."
"Tapos idadala kita doon, sa amin. Ililibot din kita."
Pareho lang kami na natawa at niyakap niya muli ako. For the last time, kahit yung mint scent niya, kinakabisado ko pa rin.
Nagwave uli ako sa kanya bago tuluyan na pumasok sa loob. Agad na akong lumingon sa may daan, hindi ko kaya makita na papalayo siya sa akin, baka bigla akong magpababa ng bus.
Tama si Allen, I should pursue my dreams. I know in the right time, magtatagpo kami, and that time, wala nang hahadlang sa aming dalawa.
"LJ, lapad ng ngiti mo diyan sa cellphone." Agad akong natauhan at binalik ang atensyon sa pinsan kong nakangisi na sa akin.
From: Allen
Hello Lara, kamusta ka na? Namimiss ka na ni Tita.
Actually namimiss na din kita,
"Ano kaba Yella, may binabasa lang ako." Mas lumapad pa yung ngisi ng pinsan ko at nagdududa pa rin ang kanyang tingin. Kapag ganyan na ang mga tingin niya, alam na. Kailangan kong magkwento sa kanya. Sasabihin ko rin naman, kapag official na kami.
"Ows lang ha, sa pagkakaalam ko hindi ka naman mahilig magbasa through your phone." Tinaasan na niya ako ng kilay habang tuloy pa din sa pag-inom ng milktea.
"Ngayon nahilig na." Natawa na lang si Yella at umiling, hindi siya kumbinsido. Alam kong alam niya na nagsisinungaling ako.
"Hay nako ate Yella, simula nang dumating yan galing Pampanga lagi nakatingin sa cellphone." Biglang singit ng kapatid ko, pagkatapos makuha yung order naming na nachos.
"Pakialam mo ba! Leche ka talaga no?" Irita kong sabi sabay irap. Patay ako kay Yella mamaya, pipigain at pipigain niya ako mamaya hanggang sa makwento ko si Allen.
"Ikaw kaya leche, wala ka nang pasalubong." Pumamewang ako sa kanya at tinaasan ng kilay.
"Oo, nawala na yung salubong ko dahil inubos ko yung mochi na dala ko." Irap ko sa kanya. Hindi man lang nagtagal yung 3 plato na mocha sa kanya, yung isa dapat kay Yella, ayun inubos!
"Sorry naman daw,ang konto kasi nang dala mo." Ngumisi pa siya at humigop ng milktea, binatukan ko nga.
"Kung sana nagbigay ka ng pambili!"
"Kung sana di ka rin nambatok!" Umirap na lang ako sa kanya.
Maya-maya kami na lang ni Yella ang nasa table, may mga dumating na kakilala nang kapatid ko, ayun pumunta doon.
"Yung totoo LJ, anong nangyari sa'yo sa Pampanga."
Sinasabi ko na nga ba, pipilitin at pipilitin pa rin niya ako magkwento.
"Siyempre gumala, Yella naman." I denied.
"Oo, ni hindi mo man lang ako sinama. Nagtatampo ako sayo!"
"Yella naman, alam mo kung bakit diba?"
Napabuga siya ng hangin at umupo ng maayos para matapatan ako. "Alam ko naman Lara. Pero dapat kasi nagkukuwento ka, alam ko may lalaking involved diyan. Ikaw naman para tayong di magpinsan."
Inubos niya ang natitirang milktea at seryoso na tumingin sa akin. "Alam ko ang mga ngitian na niya, pumapag-ibig ka na. Saka sino ang nagbigay ng necklace mo, hindi ka naman mahilig sa mga ganyan Lara."
"Binili ko siyempre."
"Huwag ako Lara, di mo akong maloloko." Aniya at tinapik ang balikat ko. "Nagdadalaga ka na nga Lara, dati gusgusin ka pa noon, ngayon lumalovelife na, baka naman kaya ka nagpunta ng Pamp—"
"Hindi no! Nameet ko lang siya doon." Pagkontra ko, dahil doon agad na namilog ang kanyang mata.
"Sabi na e, may lalaki! Magkwento ka na." Inilapit niya ang sarili sa akin at mukhang excited na excited pa sa kung anong sasabihin ko.
Sinasabi ko na nga ba talaga, wala na kong kawala nito. Napabuntong hininga muna ako bago magsimula na magkwento sa kanya.
"Sayang naman, dapat kasi jinowa mo na, hindi yang wala pa kayong label." Dismayadong reaksyon ni Yella nang matapos ako na magkwento sa kanya. "Ok na sana, mabait naman, galante pa, kaya ka nan gang buhayin."
"Yella, alam mo naman na may mga bagay pa akong kailangan iachieve saka we can't just lean on to a man kasi kaya naman natin na mga babae."
Tumango-tango lang siya
"Basta ha tandaan mo, pag nagmahal ka, huwag mo muna ibuhos lahat lahat. Oo sasabihin natin na hindi tayo magpapakatanga, pero magpapakatanga at magpapakatanga ka pa din." Kumagat siya ng nachos tapos pinatuloy ang sasabihin. "Saka huwag ka muna magpakasigurado sa kanya, wala yang kung kayo, kayo, mapanlinlang ang destiny Lara."
"Salamat sa advice mo ha."
"Nako eksperto to, basta mag-iingat ka Lara."
Kumunot ang noo ko. "Double meaning ba iyan?"
"Oo, mag-ingat ka doon, saka yang puso mo ingatan mo na din!"
"Alam ko Yella, at alam ko din na iingatan din niya to." Sabay turo ko sa may puso ko. "Sabi ko nga, gusto niya din na tuparin ko lahat ng gusto ko sa buhay."
Ngumiti siya sa akin at agad akong niyakap. "Mamimiss kita Lara."
"What did I miss ha?" Biglang sulpot nang kapatid ko, mukhang natapos na makipagkwento sa mga katropa niya.
"Wala! Tara nang umuwi!" Mataray kong sabi at agad nang tumayo at kinuha yung bag sa table.
"Huwag ka mag-alala kwento ko sayo." Singit ni Yella at agad ko siyang sinamaan ng tingin. Secret muna yun!
...................
To Allen:
I am going now to the airport, sana pala tinanggap ko na yung offer mo na ihatid ako dito. Gusto kita sana makita bago ako umalis
Allen sent a photo
Ayun nagsend pa ng selfie, kasama si Tita Maris na nakapeace sign pa.
From Allen:
Mag-iingat ka lagi Lara, sabihan mo ako agad pag nakarating ka na ng Oman.
Opo, huwag kang mag-alala babalik naman ako next year.
Ako naman ang pupunta ng Nueva Ecija Lara. Sige na mag-iingat ka sa flight, I love you.
I love you too.
Always remember Lara, that you can pursue your dreams. Nandito lang ako.
Napahawak ako sa may kwintas na suot ko at hinawakan yung puso na pendant. Tapos yung white na sneakers ko galing din sa kanya. Oo, dito ka lang Allen.
"Anak mag-iingat ka lagi dun, yung sarili mo ha." Sabi sa akin ni Nanay at niyakap ako nang mahigpit.
"Ano ka ba nay, magiging ayos lang ako. Ako pa." Mayabang kong sabi, ang loko loko ko namang kapatid, binatukan pa ko.
"Hayop ka talaga." Sabay ganti ng batok sa kanya. Si Tatay naman mapait na napangiti. Hindi siya kumukibo habang papunta kami ng airport. Alam kong nahihirapan din siya sa pag-alis ko, ngayon lang naman kasi ako malalayo sa kanila.
Sabay-sabay silang nag-wave ng kamay, natawa na lang ako sa nakita at dahan na dahan na tumalikod. Pasimple akong napatingin sa kanila na nandoon pa din sa labas at nakatanaw.Gusto ko pa kasi lubusin na nakikita ko pa sila sa personal. Ang hirap pala pag-aalis ka, ang bigat bigat sa loob. Sabi ko pa noon, pag nakalayo ako, hindi ko sila mamimiss. Pero lintik! Wala nasa airport pa lang ako mamimiss ko na sila.
Mamimiss ko ang murahan naming magkapatid, yung adobo ni Nanay at ang malupitang sermon ni Tatay.
Napabuntong hininga ako habang hila-hila ang trolley ko. Masyadong mabigat sa akin ang pag-alis. Iniisip ko ang mga taong iiwanan ko, pamilya ko, kaibigan ko. Noon desidido akong tumuloy, ngayong nandito na ako, kinakabahan naman na ako.
Ang sarap sarap magback out! Gusto ko nang tumakbo palabas ng NAIA. Pero hindi pupwede nandito na ako, kailangan ko nang gawin ito para sa pamilya, para sa pangarap ko.
Pumasok sa isip ko ulit si Allen.
I just wished to be feel free by travelling alone, though magiging Malaya rin naman ako pag nasa Oman na ko. Pinagkaiba lang, doon magtratrabaho ako, doon sa Pampanga, I feel literally free, yung palakad lakad sa tabi, travelling and what makes it more special noong nakilala ko siya.
I did not expect that to happen, sa loob ng dalawang linggo na kasama ko siya. Masasabi ko na masaya ako.
Medyo masungit nga lang siya noong una, pero carry lang. Mabait naman siya inside, ang hirap nga lang niya kilalanin. One thing for sure, we both seek love and comfort.
When we travel expect to meet some people. Sometimes for acquaintances lang. Who would have thought that Allen will have a special place here in my heart. I know what I feel towards him. Actually he is already enough for me to stay. Kung pwede nga lang dito na lang ako sa Angeles.
Pero hindi pwede.
Tama siya, I should pursue my dreams,. May mga pangarap ako para sa sarili ko.
Sa totoo lang mahirap mamili sa pagitan ng pangarap mo at nang taong mahal mo. Pero maraming maaring mangyari. Mahal ko si Allen pero mas mahal ko ang sarili ko. Madami pa kong gustong marating. Siguro gasgas na tong sabi nila ang kung kayo, kayo.
Naniniwala ako doon. If we are destined to each other, Diyos mismo ang gagaawa para maglapit ulit kami.
Napabuntong hininga ako at diresto na naglakad papunta sa may boarding area.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top