Prologo

Paalala: May mga eksenang hindi angkop sa mga bata lalo na sa mga matatakutin at mabilis kabahan.

***

LANGIT, LUPA, IMPYERNO

~This story is a work of fiction. The characters that I used in this story are fictional characters. All scenes and places are pure imagination of the author.

Written by: cgthreena

------------------------  

Ang umpisa

------------------------

"Langit, lupa, impyerno

Im-im-impyerno..."

Tatlong bata ang masayang naglalaro sa isang masukal na lugar. Sa 'di kalayuan, pinagmamasdan sila ng isang dalagang may ngising hindi mo maipaliwanag.

"Saksak puso

Tulo ang dugo

Patay, buhay

Umalis ka na sa pwesto mo!"

Pagpapatuloy ng mga bata sa kanta at sabay turo sa isa nilang kalaro kung saan huminto ito. Habang nag-umpisa namang maglakad ang dalaga patungo sa mga bata na animo'y sabik na sabik makipaglaro rito.

"Pwedeng sumali?" tanong nito na may ngiti sa labi.

Tinignan naman siya ng mga bata na may halong pagtataka. Siguro ay dahil isang dalagita ang bigla na lamang sasali sa laro nila at dahil na rin sa biglang pagsulpot nito.

Ngumiti naman ito napakatamis dahilan para magningning ang mga mata ng mga bata. Nagtinginan ang tatlo at sabay-sabay na tumango. Hinila nila ang kamay ng dalaga saka pumorma ng bilog.

Lihim namang napangisi ang dalaga.

"Gusto kong ibahin ang laro natin. Ako ang kakanta at sabayan niyo na lang ako," wika nito.

Tumango naman ang mga batang tuwang-tuwa ngunit mas natutuwa ang dalaga.

Nag-umpisa na itong kumanta habang unti-unting pumoporma ang isang malademonyong ngisi sa labi nito.

"Langit, lupa, impyerno

Im-im-impyerno

Saksak puso

Tulo ang dugo"

Bakas sa hitsura ng mga bata ang tuwa at sabik kung kanino man hihinto ang kanta.

Dahan-dahan namang kinanta ng dalaga ang huling linya. Sabik na sabik na talaga ang tatlong bata sapagkat malalaman na nila kung sino ang unang maaalis. Ngunit mas nasasabik naman ang dalaga at napapangisi na lamang sa hitsura ng mga ito.

Sige, matuwa lang kayo sapagkat hindi niyo alam ang kalalabasan ng larong ito.

"Patay, buhay

I-kaw ang...

Ma-ma-matay!" sabay turo sa isang batang lalaki kung saan huminto ang kanta.

Bigla namang nag-iba ang hitsura ng mga bata at nagtatakang napatingin sa dalaga. Ngayon lang nila napagtanto kung ano ang ipinalit nito sa huling linya ng kanta. Binigyan naman sila ng isang nakakakilabot na ngiti dahilan upang sila'y mapaatras.Tinuro ulit ng dalaga gamit ang kanyang hintuturo ang batang kanyang tinuro kanina. Nginisian naman niya ito bago magsalita.

"Ikaw! Ikaw ang mamamatay!"

Hindi na maipinta ang mga mukha ng mga bata. Tila ba nakaramdam na ang mga ito ng takot.

Kaawa-awang mga paslit dahil hindi na nila masisilayan ang ganda ng mundo.

Lumapit ang dalaga sa tatlong takot na takot na bata habang nasa likuran nito ang mga kamay nito. Ngunit mas nagpokus ito sa batang hinintuan ng kanta sapagkat ito ang nataya. Umaatras lang ang tatlong bata at hindi magawang makaalis sa kanilang kinatatayuan dahil sa takot.

Nilapitan ng dalaga ang batang tinuro niya at binulungan ito.

"Tumakbo ka na. Magsisimula na ang ating laro at ako ang taya. Huwag na huwag kang tatapak sa lupa at manatili ka lang sa langit kung ayaw mong mapunta sa impyerno. Hahahaha!"

Biglang nanginig ang buong katawan ng batang lalaki at napatakbo na. Napangisi naman ang dalaga saka binalingan ang dalawang naiwan. Halata mo na ang takot sa mukha nito lalo na noong tinitigan ito niya ito sa mata.

Humakbang siya papalapit sa dalawang bata ngunit bigla itong tumalikod at tumakbo ngunit agad niyang kinuha ang dalawang kutsilyong nasa kanyang likuran at sinundan ang dalawang bata. Mabilis naman niya itong naabutan at na-korner. Mga bata pa ang mga ito at mababagal tumakbo dahil sa maliliit nitong biyas.

"Paano ba yan? Talo yata kayong dalawa sa ating laro. Nasa lupa kayo at wala sa langit," aniya nang nakangisi.

"Maawa po kayo," pagmamakaawa ng mga ito habang umiiyak.

Napangiti lang ito animo'y nasisiyahan pang makarinig ng iyak ng bata. Dahan-dahan itong lumapit sa mga bata at yumuko upang mapantayan ang mga ito.

"Mabait naman talaga ako e, kaya makakaalis na kayo," wika nito at binigyan ng isang napakatamis na ngiti ang dalawang paslit.

Bigla namang tumakbo ang dalawang bata ngunit bago pa sila makalayo, binato na ng dalaga ang dalawang kutsilyo at tinamaan naman ang mga ito sa likod.

"Dugo... Ang sarap talaga makakita ng dugo," bulong nito.

"Tatakbo na lang kasi kayo sa lupa pa. Pwede namang sa langit 'di ba? 'Yan tuloy, namatay pa kayo. Hahahaha!"

Hinanap naman niya ang tunay niyang kalaro kaya napalinga siya.

"Bata, nasa'n ka na? Maglalaro na tayo. Sa langit ka lang kung ayaw mong mapunta sa impyerno. Hahahaha!" parang baliw na sabi nito.

"Magaling ka magtago, bata. Pero hindi ka uubra sa akin," bulong niya sa sarili.

Bigla naman siyang nakarinig ng kaluskos kaya napatigil siya at nilibot ang paningin. Naglakad ulit siya at bigla namang nakarinig ng hikbi sa likod ng isang malaking puno. Lumapit siya sa puno at bigla na lamang napangisi nang masilayan ang batang lalaking nagtatago sa likod nito.

"Sabi ko sa langit ka lang e."

"Wag po!"

Bigla nitong tinaas ang hawak nitong kutsilyo... at dumanak na ang dugo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top