LLI: Siete

Ang may sala

-------------------------

Kanina pa nag-iisip si Darren sa kanyang tagong silid tungkol sa mga kaganapan at trahedyang nangyayari sa kanilang lugar. Noong ibinulgar niya kasi ang tatlo sa apat na suspect ay hindi niya inaasahang mas magiging kumplikado ang lahat.

Iniisip niya ngayon ang pagkamatay ni Clarisse. Alam niyang walang sala si Clarisse ngunit hindi siya nakakasiguro sapagkat sa mga ebidensyang kanyang nakalap.

Nasa pinangyarihan ng insidente si Darren habang masinsinang ini-embestigahan ang buong paligid upang magkaroon ng ideya sa kasong hawak niya.

May nakita siyang bracelet malapit sa bangkay ng mga bata. Kinuha niya ito at inilagay sa plastic. Pagdating sa pulisya ay pina-imbestigahan niya kung kaninong finger print ang nasa bracelet na ito. Hindi kasi niya matanggap na ang kasintahan niya ang may ari ng bracelet na natagpuan niya.

Doon lang niya napansin ang isang damit na naliligo sa dugo sa 'di kalayuan at nakumpirmang ito ang paborito at laging suot ni Clarisse.

Ngayon, hindi mawari ni Darren kung tama ba ang mga kutob niya. Hindi niya kasi matyempuhan ang mga tao na makatutulong sa kanya upang malutas ang kasong ito.

Ngunit ngayon, mas binigyan niya muna ng pansin ang kaso ni Clarisse. Alam niyang kapag nalutas niya ang kaso ni Clarisse ay malulutas niya rin ang kaso ng pagkamatay ng mga tao sa Sta. Evilia. Naniniwala siyang iisang tao lang ang pumatay kay Clarisse at ang pumatay sa iba.

Nakaramdam ng gutom si Darren kaya agad siyang lumabas sa kanyang tagong silid at tinakpan ang lagusan nito ng iba't ibang gamit.

Nagtungo siya sa kanilang kusina at naghanap ng pagkain at kumuha ng plato at kutsara. Hindi sinasadyang nahulog niya ang kanyang kutsara kaya dinampot niya ito. Nagulat naman siya nang may makita siyang gloves sa puno ng dugo sa kanilang sahig.

Hinawakan niya ito at tinignan. Nagtataka siya kung bakit mayroong ganito sa kanilang kusina dahil hindi naman gumagamit ng gan'to ang kanyang ina. Ang mas ipinagtaka niya ay kung bakit puno ito ng dugo.

"Takot si nanay sa dugo kaya bakit may ganito dito?" bulong niya.

Nagtatakang pinagmasdan niya lamang ito habang hawak-hawak. Nagulat na lamang siya nang biglang may humablot sa kanya nito.

"Chrismae?!" gulat nitong wika. Bigla namang nag-iba ang kanilang paligid dahil sa ilangan sa isa't isa. Hindi pa kasi sila nagkakaayos matapos ang pagtatampo ni Chrismae sa kasintahan.

"B-bat may ganyan dito?'

"Ahh.. ano.. G-ginamit ko 'to sa paglinis ng isda. S-sige, lalabas na muna ako," hindi makatingin ng diretsong wika nito. Lalo namang nagtaka si Darren sa kinilos ng kanyang kasintahan. Kumain na lamang siya at matapos ay nag-ayos upang pumasok sa kanyang trabaho.

***

Ilang araw na ang lumipas simula ng nangyari kay Clarisse. Nailibing na din ito ngunit hindi pa rin nahuhuli ang may sala.

"Maawa po kayo! Alamin niyo kung sino ang may gawa nito sa anak ko," pagmamakaawa ng ina ni Clarisse kay Darren.

"Ini-imbestigahan pa po namin ito. May mga suspect na po kami kaso wala kaming ebidensya," paghingi ng tawad ni Darren.

Hindi naman umimik ang ina ni Clarisse at patuloy lang sa pag-iyak. Hindi nito matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Kakauwi lang nito galing sa Maynila dahil doon naka-base ang trabaho nito. Hindi nito inaasahan na pag uwi niya ay wala na ang kanyang anak.

Mahirap man tanggapin na nawalan siya ng isang anak ngunit maluwag niya itong tinanggap kahit na may pagaalinlangan. Ang hindi niya lang matanggap ay ang malaman na hindi pa rin nahuhuli ang bumaboy at pumatay sa kanyang anak. Nagulat na lamang sila nang biglang pumasok si Rosario na may dalang paper bag sa istasyon ng pulis.

"Nasan si Inspector Robles?" mahinhing wika nito. Lumapit naman si Darren dito at nagtanong kung bakit siya nito hinahanap.

"Nais kitang makausap tungkol sa kaso ni Clarisse. May alam ako," wika nito ngunit hininaan ang huling pangungusap. Napatitig naman saglit si Darren dito at kaagad na nagpaalam sa ina ni Clarisse. Hinawakan naman ni Darren ang braso ni Rosario at dinala sa isang silid.

"Anong alam mo?" madiing tanong nito. Ngumiti muna ng nakakakilabot si Rosario kaya napabitaw si Darren sa kanya.

"Kilala ko kung sino ang bumaboy kay Clarisse," nakangising saad nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Darren at napatitig kay Rosario.

"P-paano ako maniniwala sa'yo?"

"Nandoon ako malapit sa lugar ng pinangyarihan. Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi mo tanungin ang kasintahan mo," mahinahong wika nito. Natigilan naman si Darren sa kanyang narinig. Nagtataka at nagulat kung bakit napasama ang kanyang kasintahan.

"S-si Chrismae?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo, sino pa ba? Hindi ko sasabihin kung sino. Imbestigahan niyo kung sino ang may sala. Ito ang damit ng taong gumahasa kay Clarisse. Alamin niyo na lang kung sino at kung kanino ang mga bagay na iyan," wika nito sabay talikod at nagumpisang maglakad.

"B-bakit mo kami tinutulungan?" nagtatakang tanong ni Darren. Bakit nga ba sila tinutulungan ni Rosario? Anong pakay nito? Alam naman nitong isa siya sa suspect ni Darren sa pagpatay na nagaganap sa kanilang bayan.

"Gusto ko lang mabigyan ng hustisya ang pambababoy sa aking karibal." Naiwang tulala at naguguluhan si Darren dahil sa mga nakalap na impormasyon. Parang sasabog ang kanyang utak dahil sa mga ito.

Iniisip kung sino ang tinutukoy ni Rosario at paano nasali ang kanyang kasintahan dito.

***

Naglakad ng tahimik si Rosario pauwi sa kanyang bahay. Yumuko na lamang siya habang naglalakad dahil sa bulungan at chismisan ng mga tao tungkol sa kanya. Sanay na siya dito dahil simula pagkabata palang ay ganito na ang mga ito sa kanya.

Lahat ng makakasalubong niya ay lumalayo sa kanya. Parang diring-diring sa kanyang itsura. Animo'y may dala siyang isang bagay na mabaho at nakakadiri para layuan siya ng mga ito. Napangisi na lamang siya at iniangat ang kanyang ulo.

Isang malademonyong ngiti ang pumorma sa kanyang mga labi nang masilayan niya ang babaeng makakasalubong niya. Yumuko ulit ito at naglakad at laking gulat niya nang bigla siya nitong tawagin.

"R-rosario?" wika ni Chrismae. Napangisi siya at dahan dahang iniangat ang kanyang ulo.

"Kamusta na, pinakamamahal kong Ate," nakangising saad nito.

***

KINABUKASAN

Magkasabay na naglalakad sina Kiko at Aya habang nagkukwentuhan.

"Hindi ko pa din matanggap ang pagkamatay ni Clarisse. Kahit na hindi kami close nun, alam kong mabait din 'yun," malungkot na wika ni Aya. Hinawakan naman ni Kiko ang kanyang kamay na ikinagulat naman niya.

"Maski naman ako e. Oo, mabait naman 'yun kahit ganun 'yun. Sana lang ay payapa na siya kung nasan man siya ngayon at sana multuhin at konsensyahin niya yung taong may gawa sa kanya nun." Bigla namang naputol ang kanilang pagkukwentuhan dahil sa isang taong tumawag kay Kiko.

"Aba, Kiko?" hindi makapaniwalang wika ni Ken at pabalik-balik ang tingin kay Kiko at sa kamay nila ni Aya. Bigla namang namula sa hiya ang dalawa at napabitaw.

"K-ken? Kailan ka pa nakabalik?"

"Tagal na! Hindi mo ba alam? Masyado ka kasi yatang busy e," naka-ngising wika nito sabay tingin kay Aya.

"Baliw! Ah, nga pala, Ken, si Aya. Aya, si Ken pala. Naalala mo ba siya, Ken?"

"Aya? Ah, oo nga! Yung cru – " Hindi naman naituloy ni Ken dahil tinakpan agad ni Kiko yung bibig niya.

Nagulat naman sila nang may biglang lumapit sa kanilang mga pulis. Bigla namang nangatog ang mga paa ni Ken at parang nais nang makaalis sa kanyang kinatatayuan.

"Kenneth Veroza, maaari ka ba naming imbitahan sa prisinto?"

"B-bakit?" nauutal nitong tanong.

"Sa salang pagpatay at panggagahasa kay Clarisse Alegre," wika ni Darren sabay labas ng posas at pinosasan si Ken.

Natigilan naman si Kiko at Aya sa kanilang narinig. Halata sa dalawa ang pagkagulat at hindi alam kung ano ang dapat gawin. Parang kanina lang ay pinag-uusapan nila ang pagkamatay ni Clarisse at ngayon ay nasa harapan na nila ang maaaring pumatay rito.

"A-ano? H-hindi ako 'yun!" nagpupumiglas nitong saad ngunit kinaladkad na siya ni Darren at isinakay sa kanilang jeep.

SA ISANG SILID kung saan dinadala nila Darren ang mga kriminal na kanilang pagi-imbestigahan.

"HINDI AKO ANG PUMATAY SA KANYA!" sigaw ni Ken sa mga pulis.

"Eh anong ginagawa ng mga damit mo sa pinangyarihan ng krimen? At ayon sa autopsy ni Clarisse, nag-match ang finger prints mo sa finger prints na natagpuan sa katawan niya," seryosong saad ni Darren.

"HINDI KO SIYA PINATAY! Mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang patayin!," sigaw ni Ken habang may mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

Tumitig ng seryoso dito si Darren at pinaalis muna ang iba niyang kasamahang pulis sa silid at iwan muna silang dalawa. Umupo si Darren sa isang upuan na katapat nito at tinitigan lang ng seryoso si Ken habang umiiyak.

"Mahal ko siya. Hindi ko yun kayang gawin sa kanya. Lasing ako nung gabing 'yun dahil hanggang ngayon ay si Kiko pa rin ang gusto niya. Tropa ko si Kiko kaya hindi ko kayang magalit sa kanya. Sa sobrang kalasingan ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinagsamantalahan ko na siya..."

"...Umiiyak siya sa akin at nagmamakaawa pero hindi ko tinigil ang pambababoy ko sa kanya. Pinagsisisihan ko yun, Darren. Hindi ko alam kung sinong Ken ang may gawa nun sa kanya. Pero, hindi ko siya pinatay. Oo, ginahasa ko siya pero hinding hindi ko siya kayang patayin. Nang mawalan ng malay si Clarisse, may bigla akong narinig na kanta at paglingon ko may bigla na lamang pumalo sa likod ko at paggising ko nasa labas na ako ng bahay namin," umiiyak na kwento ni Ken kay Darren.

Nanatiling seryoso ang mukha ni Darren sa kabila ng pagtatapat ni Ken.

"Paano ako maniniwala sa mga sinasabi mo?"

"Darren, bata pa lang tayo alam mo nang mahal na mahal ko si Clarisse. Makagat lang 'yan ng langgam, nagagalit na ko kasi ayaw ko siyang masaktan at masugatan. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang patayin."

"Pero nagawa mo siyang gahasain."

"Yun na nga e. Pinagsisisihan ko 'yun hanggang ngayon, Darren. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya ngayon. Sana nga ako na lang yung pinatay ng kung sinumang halimaw na yun at hindi siya." Mas lalo namang lumakas ang pag-iyak ni Ken dahil dito.

Nakaramdam ng awa si Darren sa nakikita niya ngayon. Kaibigan niya si Ken kaya alam niya ring hindi nito kayang gawin ang ibinibintang. Nagulat lamang siya sa ipinagtapat nitong ginahasa nga nito si Clarisse. Siguro ay masyadong nasaktan ang kanyang kaibigan kaya nagawa nito ang bagay na ito.

Ngunit may bigla namang pumasok sa utak ni Darren. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Rosario. Nais niya lamang itong kumpirmahin at alamin kung tama ang kutob niya.

"S-sino ang huling kasama ni Clarisse bago mangyari ang panggagahasa?" nauutal na tanong ni Darren. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan.

"Kahit lasing ako noon, nakakakilala pa din naman ako at nakakaalala. Galing sa parlor si Clarisse bago mangyari 'yun at nang pauwi na siya at madaan sa liblib na kalsada, nakasalubong at nakausap niya si Chrismae."

Nang marinig ni Darren ang pangalan ng kanyang kasintahan parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi niya alam kung anong iisipin niya. Hindi niya alam ngayon kung sino ang papanigan dahil naguguluhan pa rin siya lalo na sa pang apat niyang suspect.

"Anong ginagawa ni Chrismae doon ng ganong oras?" Iyan ang tanong na kanina pa naglalaro sa kanyang isipan. 4

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top